SELDA

Background color
Font
Font size
Line height


Napasiksik ako sa isang sulok ng kuwadradong lugar na aking kinaruroonan. Pawisan na ako at nilalamig ang katawan dahil sa paglamon ng takot sa aking katauhan. Narito silang muli! Papalapit sa akin!

Isang matandang lalaking tadtad ng tama ng bala sa katawan!

Isang matandang babaing may nakatarak na punyal sa dibdib!

Isang binatilyong may laslas sa leeg!

Isang dalagitang nabuburdahan ng malalalim na hiwa ang mukha!

Lahat sila'y nakalutang sa ere habang nanlilisik ang mga matang lumuluha ng dugo! Tila naghahanap ng hustisya!

Papalapit sila nang papalapit sa akin! Nakaamba ang mga kamay na tila ako'y sasakalin!

Gusto ko nang panawan ng ulirat! Sobra na ang panginginig ng katawan ko! Inuubos na ng takot ang aking katinuan!

Sumigaw ako nang malakas habang nakapikit ang mga mata, at sila ay muling naglaho. Walang araw na hindi sila nagpapakita sa akin. Sila ang aking bangungot!

You are reading the story above: TeenFic.Net