Simula

Background color
Font
Font size
Line height

Simula

Malakas na hiyawan ng mga tao ang bumabalot dito sa NFA ngayon pwera sa mga nag kikis kisan na gulong ng sasakyan dahil sa pagdi-drift nila. sa di kalayuan. Ang dami ng tao ngayon kumpara sa nakaraang competition. Buti na lang at hindi ganon kainit ang panahon at kahit may sikat ng araw ay natatabunan parin ng manipis na ulap kasi kung hindi, hindi takaga ako sasama.

Mahangin naman dito at naka lilim ako imbis na makisama ako sa mga pinsan ko at sa iilang kilala na andon malapit sa kung nasaan ang mga sasakyan na naglalaban laban.

Hindi naman talaga ako kj. Nakikisama naman ako sa tuwing may lakad kaming mag pipinsan pero sadyang hindi lang naka ayon ang panahon ngayon sakin kaya pinili kong mag stay dito. Hindi ganong crowded at hindi rin gaanong maingay. Tahimik din kasi ang mga katabi ng tent na kinaroroonan ko.

"Eto o," Alok sakin ng mineral water ni Margou sabay upo sa monoblock sa tapat ko.

"Sabi ni kuya dun daw tayo sa pick up sumakay para makita natin ng mas maayos," aniya at uminom din sa tubig na hawak niya.

Luminga ako sa paligid. Karamihan ng nandito ay kaedaran namin. Yung iba naman mas may edad na at matagal na siguro sa larangan ng pangangarera at sa or any competition with an involvement of cars.

"Sila Chloe?" tanong ko dahil kanina pa kami nandito sa tent.

"She's with her boyfriend, of course. Si Chantal naman ay nanunuod don sa unang naglalaban."

"E yung iba? Hindi pa naman pala mag uumpisa agad dapat hindi tayo nag madaling pumunta," pag susungit ko.

Tumawa naman si Margou. Mag sasalita sana siya ng may humawak sa ulo ko at tsaka ginulo ang buhok ko nilingon ko si Kuya Ken na kakarating lang kasama ang kumag kong pinsan. Umupo si Kuya sa tabi ko kasunod si Kier.

"Pang apat na araw mo na sa period mo. It wouldn't hurt na masikatan ng araw, Jessy," si Kuya Ken habang nanunuyang nakatingin sa akin.

"Period? Sinong may mens?" Nanlaki ang mata kong nilingon si Deo na kakarating lang. Para siyang inosente na nagpalipat lipat ang mata sa amin.

Humagalpak ng tawa si Kier pati na si Kuya Ken. Hindi na rin naiwasan na maki sali ni Margou na nasa harap ko. May ilang tao na nag tinginan sa kung nasaan kami dahil sa lakas ng pagkaka bigkas ni Deo. Malayo kami sa may mga speaker kaya mas tahimik sa parteng ito kaya hindi malabong narinig si ang kupal kong pinsan

Lalo akong nainis kayo hinampas ko si Deo.

"Ano ba? Hindi sinisigaw yun siraulo!" sabi ko tsaka siya kinurot.

"Ah! Aray- ano ba?!" namamalipit niyang reklamo sabay hawi sa kamay ko.

"Gago kasi," si Kier habang tumatawa parin.

Umupo si Deo sa pagitan namin ni Margou habang nakahawak sa kung saan ko siya kinurot. Bumakat yung kuko ko sa balat niya na ngayon ay namumula. Nakatingin lang siya sakin kaya tinitigan ko siya ng masama. Mongoloid kasi.

"Anong ginagawa niyong lahat dito? Tara don o! Susunod na si Marcus," si Chloe naman ngayon ang dumating kasama ang mga kaibigan namin na sila Krisha at Jelina.

Mabilis tumayo si Deo ng nakita ang mga kaibigan ko. Lumapit siya kay Jelina kaya napa ismid ako.

"Yeah tara na don. Toxic dito," aniya at lumingon sakin. "May maduming dugo kasi ang dumadaloy," aniya.

"What the fuck, kuya?" si Margou pero halatang natawa.

"Ano?" nakakunot ang noo ni Chloe na bumaling sakin.

Kinuha ko yung bottled water na na hawak ko at binato yon kay Deo kaso naka ilag siya at tuluyan ng naglakad kasama si Jelina na tunatawa din. Kasabay non ang pagtayo na rin ni Kuya at Kier na tumatawa na rin ngayon. Bakit nga ba ako napilit na sumama dito?

"Tara na, Jessy. Sunod na si kuya," si Kuya Ken at tinapik ang balikat ko.

Lumapit naman si Kier sa kay Krisha kaya nilingon din siya ni Chloe.

"Tara na mauna?" nakangiting sabi ni Kier. Ngumiti si Krisha at tsaka umiling.

"Antayin ko na kang sila," aniya.

"Ooooooh." panunuya ni kuya Ken at tsaka tumawa ng malakas.

Napangisi rin ako. Napaka rare maka ranas ng rejection ni Kier dahil talagang nasa sistema nuya ang mahilig sa babae pero kung si Krisha lang din naman e hinding hindi niya masusulot.

"Halika na, si Xander ang type niyan," si Kuya Ken at natatawang hinatak si Kier na mukhang nagulat pa sa naging sagot ni Krisha at di nakabawi agad.

"Uy hindi. Gusto ko lang talaga sila hintayin," si Krisha na nagsusubok na magpaliwanag dahil sa hiya ng banggitin ni Kuya si Xander.

Totoo namang crush na crush niya si Xander mula pa junior highschool kami. Alam naman ng lahat iyon at paniguradong andito lang din siya para suportahan si Xander.

"Let him. Alam mo naman si kuya," ani Chloe at natatawa rin sa natamong rejection ni Kier.

"Sunod na kayo!" si kuya Ken ng medyo nakakalayo na pero bakas parin ang saya sa mukha.

"By the way, may naghahanap din sayo doon kaya tara na." Hinigit ni Chloe ang kamay ko patayo.

"Sino naman?" tanong ko. Ayoko pa sanang pumunta doon pero hindj ko naman pwedeng hindi panoorin si Kuya Marcus na kasali sa drifting ngayon.

"Sino pa ba? Edi si Vaughn!" excited na anunsyo ni Chloe at tuloy tuloy na kaming nagpunta at nakihalo sa maraming tao.

Nakarating kami sa kung nasaan nakatayo sila kuya Ken, Travis na isa ko lang pinsan at si Kier na ngayon ay may kausap na mestisa at matangkad na babae. Katabi ni Deo si Jelina at halata namang dinidiskartehan niya ang kaibigan ko. Naroon din ang iba oa naming mga kaibigan.

"Tama lang na hindi ka sumama, Krisha. Kita mo may kausap agad na bago," si Margou sabay sensyas kay Kier.

Nagkibit lang ng balikat si Krisha. Alam naman din niya sa sarili niya ang ugali ni Kier at talagang si Xander ang gusto niya which is hindi ko maintindihan. Sa totoo lang pare-pareho ang mga pinsan at kuya ko pagdating sa babae. walang exception. Purong matitinik sa babae. Sa sobrang tinik ayon marami ng nasaktan.

Sa kanilang lahat, si Deo at Kier ata ang nagpaparamihan ng mga babaeng nasaktan. Mabilis si Kier sa babae samantalang pafall naman si Deo na madalas hanggang fling lang. Animo'y laro lang sa kanya ang magpaasa ng babae. Once na nameet niya yung goal niya na nainlove na yung babae, iiwan na niya. Kahit papaano si Kier nasasabi niyang girlfriend niya ang isang babae kahit tatlong oras pa lang sila magkakilala.

Si Jim naman na kapatid ni Ayana na isa ko pang pinsan ay tahimik lang madalas at di palakibo pero isa parin mabagsik sa babae. Kung kaugali lang niya si Deo ay iisipin kong ganon din siya pero dahil dumalas siya sa Balanga kung saan naroon ang farm at mini business ng family nila pagka graduate niya ng senior high school ay hindi na namin siya nakakasama. Doon na kasi siya nag college at inaaral na rin nila ang negosyo nila kaya bakasyon na lang siya nakaka uwi dito sa Cabanatuan.

Si Kuya Marcus naman kahit papaano nagseseryoso kung gusto niya yung babae perk once na naturn off siya sa babae hihiwalayan na niya agad. Si Travis naman wala pa atang nagiging girlfriend na humihigit sa isang linggo. Himala na yon kapag umabot ng 8 days sa kaniya ang isang babae. Sa kanila kahit papaano kay kuya Ken ako medyo natutuwa. Malaro siya pero hindi katulad ni Deo.

Itong si Xander naman ang talagang hinahabol habol ng babae. Madalas siyang asarin ni Deo dahil totoo naman na mga babae ang unang nagbibigay ng motibo kay Xander. Napaka effortless niyang umakit ng kahit sinong babae pero katulad nilang lahat malaro lang din siya. Parang katulad lang ni Deo. Buti na lang medyo nagbago na si Kuya Aiden, isa ko pang pinsan na kuya ni Xander at siyang nakatatanda sa aming lahat. Kung titignan siya talaga ang role model ng mga kuya at pinsan ko pero mukhang nagbabago na siya ngayon dahil sa mga responsibilities na hawak niya sa UK ngayon.

Ang dami namin kaya ang saya. Magkakapatid si Travis, Deo at Margou. Si Chantal, Kier at Chloe naman iyong magkakasunod. Si Kuya Aiden at Ate Ysa ang nakatatandang kapatid ni Xander na parehong nasa UK kasama ang parents nila. Ako naman ang nag iisang babae samin nila Kuya Marcus, Kuya Ken at ang bunsong kong kapatid na si Brent na nasa elementary pa lang.

Sobra swerte ko na dahil sila yung pamilyang nakapulot at nagmalasakit sakin. Oo napulot. Hindi naman kasi talaga nila ako kadugo. Ampon lang naman talaga ako. I am that baby that was left on someone else's gate in the middle of the night. Ang dramatic no?

Dalawang bagay ang tingin sakin sa pamilya namin. Swerte ako ayon kay mommy at daddy kasi nung araw na matagpuan nila ako sa labas ng gate nila e yung kaparehong araw namatay yung anak nilang babae ni mommy. Malas din ako kung ituring ng ilang kamag anak namin. Hindi sikreto sa pamikya na ampon lang ako. Sa ibang tao lang yon tago pero pag samin samin lang e wala ng sugarcoat. Kung ampon ako, ampon ako.

Kahit na ako ang paboritong asarin nila kuya kahit ng mga pinsan ko mas gusto ko na yun. Maliban kasi sa kanilang lahat pati na kay Ayana at Jim na second cousin ko, sila lang itong talagang ipinaramdam sakin na parte ako ng pamilya. My Tito's an Tita's are cool actually. Kung anong pinapakita ng mga anak nila ganon din naman sila. Pero masyadong malaki yung angkan ng pamilyang naka pulot sakin kaya marami ring may ayaw sakin.

"Hi Jessica," napalingon ako sa likod ko at nakitang nakatayo malapit sa akin si Vaughn.

Vaughn had been pursuing me mula ng bakasyon ng grade 10. Kaedaran niya sila kuya Ken, Deo, Kier at Xander. 2nd year college na siya pero hanggang ngayon sinusubukan niya pa rin akong mapasagot.

Mabait si Vaughn at talagang kaibigan ko rin nanan siya. He's part of the basketball varsity in our School at hindi naman maitatanggi na marami rin ang nagkakagustk sa kanya. Kahit na sinabi ko na noon na hindi humihigit sa pagkakaibigan ang nararandaman ko sa kanya e tuloy parin siya. Ang hirap din naman niyang iwasan at layuan dahil nasa circle of friends ko lang siya. Kaclose pa niya sila kuya at mga pinsan ko.

"Vaughn," ngumiti ako sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap," aniya.

"Andon ako sa mga tent kanina. Medyo nainitan kasi ako," paliwanag ko.

May sasabihin pa sana siya ng narinig kong tinatawag kami ni Travis.

"Jessica! Si Marcus na! Dito na kayo!" aniya at sinenyas sila Margou at Chloe para pumunta na kami sa pick up niya na nasa tabi lang ng Dodge ni Xander, Furtuner ni Deo at Civic ni Kuya Ken.

Tumango ako bago nilingon si Vaughn. "Doon na lang tayo," sabi ko kasi feeling ko ang rude naman na iwan siya dito.

Tinapik ko si Margou, Chloe at Krisha na nasa tabi ko at sinensyasang pumunta na don sa pick up ni Travis. Sa drifting kasama si Kuya Marcus kaya doon kami sa likod ng pick ip para mas makita namin ng maayos yung performance niya.

Naunang umakyat si Vaughn. Matangkad siya kaya hindi mahirap na akyatin ng mabilisan sa kanya yung pick up. He offered his hand. Kahit na kaya ko naman e tinaggap ko na lang kasi tinutulak tulak pa ako ni Chloe na ngayon ay inaalalayan ni Travis paakyat.

Kung tutuusin kaya ko akyatin ng ako lang. Sa height ko alam kong matangankad na to para sa babae. Ayoko lang kasi mapahiya si Vaughn.

Nang nasa taas na ko lumapit ako doon sa harap. There I saw my oldest brother standing beside his black 1998 honda civic type R at may kausap na babae. Ngumiti siya ng nakita niya ako.

"Go Kuya!" sigaw ko kaya lalo siyang napangiti.

Maingay dito. Maraming naghihiyawan na karamihan at babae. Sabayan pa ng malalakas na speaker na nakapaligid. Di kalaunan namataan ko sila Deo, Kier, Kuya Ken at Xander pati na ibang mga kaibigan na nag lalakad papunta sa kinaroroonan namin.

"Sandali lang Jes," si Vaughn. Tumango ako kaya bumaba siya para makipag batian sa mga pinsan at kapatid ko.

Kasabay ni Deo si Jelina pero ng dumating si Vaughn sa kumpulan nika e kasabay ng pag alis ni Jelina doon at pumunta dito samin. Tinulungan pa siya ni Travis na umakyat bago nagtungo kila Deo.

"Hi Xander!" kumaway si Krisha sa kay Xander na napabaling samin. Ngumiti lang si Xander tapos ay binalik ang atensyon sa kumpulan nila na mukhang nagkakatuwaan.

Namula naman si Krisha sa ginawa ni Xander. Napaka simpleng ngiti lang kala mo namang hinalikan siya.

Katulad ni kuya Marcus, mahilig din si Xander sa sasakyan. Madalas siyang sumali sa mga drag race every year at hibdu naman maikailang magaling talaga siya. Nag umpisa siyang sumali sa racing nung 17 siya. Kasabay niya non si kuya at mula non wala pang tumatalo sa record niya. Hindi ko nga lang alam kung bakit ngayong taon e hindu siya sumali sa drifting.

"Mag sstart na! Boys!" napabaling ako kay Margou. Nakatingin siya sa mga pinsan namin at sinenyasang lumapit na.

Ginawa naman nila yun. Dun lang sila sa baba sa gilid ng pick up dahil matangkad naman sila at paniguradong makikita nila ng mabuti yung laban.

Humarap na rin ako kay kuya Marcus na kakasakay lang sa sasakyan niya.

"Javier!" malakas at halos sabay na sigaw ni Kuya Ken at Deo.

Nang nag hudyat na ang host na pwede na mag umpisa e lalong naghiyawan lalo na ng nagawa na ni kuya ang performance niya. Sigaw lang ako ng sigaw habang pinapanood si kuya hanggang sa natapos siya.

Hindi ko na gaanong napag tuunan ng pansin ang dalawa pang kasunod na nag drift din. Umupo ako sa gilid ng pick up nang sumampa ulit si Vaughn at tumabi sa akin. Natatawa ako kasi ang laki niya ring lalaki tapos umaakyat pa siya dito.

"Jes, are you free on saturday?" aniya na nakapag palingon sa akin.

"Birthday yon ni Chloe. Hindi ko lang sure," sabi ko.

Birthday ni Chloe dalawang araw mula ngayon. Hindi ball ang pinili niya kundi foam party. Mas masaya raw kasi yun at hindi lang naman daw ang pag susuot ng ball gown ang pwedeng maging memorable pag nagdedebut ang babae.

Gaganapin yun sa bahay nila Xander. Bukod sa malaki yung garden, wala siyang kasamang parents sa bahay kaya walang magiging problema. Pumayag naman ang mommy at daddy ni Chloe tungkol don. Paniguradong late na matatapos kaya mag i-sleep over na kami kila Xander.

"Okay lang, Jessica. 6 pm pa naman yung start ng party kaya pwede pa kayong mag date!" si Chloe na nakikinig sa usapan namin.

Palihim akong umirap. Ayoko kasi. Hindi dahil sa ayokong kasama si Vaughn kundi dahil ayoko na patuloy siyang umasa.

"Um-oo ka na!" pang aasar pa ni Jelina kaya tumawa sila.

"Ihahatid kita sa inyo bago mag 5. We can have lunch and watch a movie," nakangiti pang dagdag ni Vaughn.

Mukhang wala na akong kawala. Nandito sa tabi ko si Vaughn na malaki ang ngiti na umaasang papayaga ako. Dagdagan pa nila Chloe, Margou, Krisha at Jelina na naka abang din sa desisyon ko.

O-oo na sana ako ng biglang sumulpot si Xander.

"Sorry, dude. May training ng Taekwondo si Brent sa sabado at kailangan siyang samahan ni Jessica," sabi niya at tsaka tumingin sa akin.

Oo nga! Pwede ko na sigurong excuse yun!

"What, Xander? Pwede namang si Tita na yung mag bantay kay Brent kasi diba birthday naman ni Chloe." Si Marrgou ngayin at pinagtaasan ng kilay si Xander.

Xander just shrugged his shoulders at Margou's statement.

"Hindi naman ako yung may utos non. Si tita, diba Jessica?" at tsaka siya tumingin sakin.

Napa awang yung labi ko. Paano ko ba to lulusutan? Okay na sana yung palusot ni Xander pero kasi pursigido si Chloe na isama ako kay Vaughn kaya ganito e.

"Kung ganon kahit next time na lang," si Vaughn.

Nilingon ko siya. Disappointment is evident in his face but he's trying to hide it. Nakonsensya tuloy ako.

"Sorry talaga," ngumiti ako ng bahagya kaya ngumiti din siya.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Xander. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakatalikod na siya samin at nakaharap sa cellphone niya.

"Okay lang. Magkikita rin naman tayo sa gabi,"

"Yeah," yun na ang sinabi ko.

Para hindi ako magmukhang nag sisinungaling, sasamahan ko na lang talaga si Brent sa Taekwondo niya. 3 hours lang naman yun e.

You are reading the story above: TeenFic.Net