Kabanata 36

Background color
Font
Font size
Line height

Kabanata 36

Una

Days passed smoothly. Nang nag Wednesday ay hindi na halos nagagawi ang mga pinsan ko sa amin. Exams na kasi nila next week at nag uumpisa na silang mag review. Ako naman ay next next week pa kaya hindi pa ako ganon kabusy.

Somehow my relationship with Xander is going smooth. Araw-araw niya akong sinusundo. Madalas pa ay kundi bouquet ng bulaklak ang dala, mga sweets naman. But the cutest thing I got from him is the small pingu the penguin stuffed toy. Buti na lang at maliit iyon kaya inilagay ko sa bag ko nang nakauwi ako. I asked him to stop giving me material things. I mean I appreciate it but it’s not necessary too.

Another weekend passed and it’s their exam week. The the girls are too serious about their grades. Hindi mahigpit ang mga magulang naming sa mga grades namin ever since pero nang mag highschool ang mga pindsan kong babae ay talagang nagsipag na sa academics. Nahawa na rin ako kaya talagang hindi ko rin pinapabayaan ang pag aaral ko. On the other side, madalang kong makita na nag rereview ang mga kapatid ko o kahit sino sa mga lalaki pero bless their brain wala pa ata akong nakikita na nakaka tres sa ni isa sa kanila. Kaya pare parehong sunod sa layaw dahil hindi nga naman bulakbol.

“Hindi ba dapat ay nag rereview ka?”

“I’m done, baby.”

Friday na ngayon at last day na ng exam nila bukas. Nag aya nga rin ang mga pinsan ko na mag swimming bukas dahil tapos na ang exam pero hindi ko alam kung seryosong aya iyon. At si Xander naman. Mula kaninang hinatid niya ako at nakauwi siya ay katext ko na siya. Isang oras akong hindi nag text sa kanya dahil sabi ko ay mag review na siya pero hindi ko alam kung enough iyon lalo na at tatlo raw ang exam niya bukas. Enough ba ng isang oras sa tatlong subject?

“Isang oras lang yun. Tatlo ang exam mo, Alexander.”

I’m scrolling through my social media while talking to him. Siya ata ay naglalaro ng xbox dahil sa naririnig kong background noise. Tignan mo nga naman at imbis na mag aral ay nag lalaro lang. Naging normal na sa amin ang magtawagan kami gabi gabi. At pinaka late na naming ang 12 kung halimbawa ay gumawa pa ako ng assignment.

I was about to tell him my goodnight when a new friend request notified my phone. It’s from Penelope Grace Aguirre. Her name is not familiar but I accepted her friend request. Pagkatapos nun ay nag goodnight na rin ako kay Xander.

Kinaumagahn ay maaga rin akong nagising. Nakakapanibago nga na wala agad si Xander nang bumaba ako. He texted me goodmorning though. Pumasok na si Kuya Marcus kaya si Kuya Ken ang naabutan ko sa kusina na busy sa cellphone niya habang kumakain ng umagahan.

"Good morning," bati ko.

Nagtaas lang siya ng tingin sa akin sandali bago ibinalik ang mata sa cellphone kasabay ng pag subo.

"Morning,"

Umupo ako sa katabing upuan ni kuya. May nakahanda nang plato roon at mga kubyertos.

Tahimik akong kumain. Alas dyis na at wala pa rin si Xander. Napuyat ba siya sa paglalaro ng xbox kagabi? Pero matutulog na rin daw siya nang magpaalam ako. Bakit wala pa siya?

Wag ka ngang OA Jessica. Malay mo kay inasikaso lang. Hindi naman kayo para ibigay niya lahat ng oras niya sayo. May mga inaasikaso rin naman siguro siya.

"Hindi ako papasok ngayon. Sabi ni kuya si Xander daw ang maghahatid sayo?"

Nagtaas ako ng tingin kay kuya sa sinabi niya. Nakatingin naman siya sa cellphone niya nang tanungin iyon at hindi ako binalingan.

"Ah ganon ba? S-sige..." napainom ako sa tubig dahil sa pagkaka utal.

Ito na naman ang kaba ko sa tuwing nababanggit si Xander sa akin.

Tila signal iyon nang nakita kong dumungaw si Xander sa pintuan ng dining room. Muntik ko na tuloy na maibuga ang kaiinom ko lang natubig. Nakita ni Xander iyon at agad na ngumisi sa akin bago tinapik si Kuya Ken.

Kahit na inaasahan kong sa tabi ko siya uupo ay hiniling ko na sana hindi. Sinasanay ko pa lang ang sarili ko sa harapan no Kuya Marcus at Margou. Baka kung tumabi siga ay maitapos ko na lang ng hindi sinasadya itong mga pagkain sa harap ko.

Luckily he didn't sit beside me. Tumungo siya sa gitnang upuan sa lamesa at kahit na ang katawan ay nakaharap kay Kuya Ken, nasa akin naman ang mata.

"Tinatanong na ako ni Darius kung may balak ka raw ba na sumali sa next leg. Second week daw ng november sa Bongabon lang rin,"

Nagsimula si Kuya Ken ng usapan nila. Nagpatuloy ako sa pagkain ko. At sa tuwing susulyapan ko silang nag uusap ay nahuhuli ko ang mga mata ni Xander na nasa akin.

Tumayo ako nang matapos ako. Kinuha ko na rin ang plato at baso na ginamit ni kuya at nilagpasan silang dalawa para ibaba ang mga dala sa sink. Kahit na hindi ko tignan ay alam kong naka sunod ng tingin si Xander.

"Naka kondisyon naman yung honda mo. Ilaban mo," yun ang huli kong narinig nang umakyat na ako sa taas para mag bihis.

Tingin ko ay dapat ko rin kausapin si Xander tungkol sa pagkarera niya. He's reaaly good in it. Hindi ko rin alam kung bakit siya tumigil. Huminto rin naman si Kuya Marcus pero ang alam ko ay sasalu siya sa nabanggit na leg ni Kuya Ken. Do I ask him why he stopped?

Nasa garahe raw sila sabi ni Manang nang bumaba ako dala ang bag ko.

"Tara na?" nakita ata agad ako ni Xander nang lumabas ako sa sa front door.

I tried to look normal as long as I can. Tahimik akong sumakay sa front seat ng pick up ni Xander. Hindi niya ako pinag buksan ng pinto at halos pagsikupin ko ang kamay ko at magpasalamat sa Diyos na hindi niya nga ginawa iyon. Tinted man ay tuwid pa rin akong nakaupo hanggang sa makalagpas sa bahay.

We talked like the usual on the whole short trip to school. Binaba niya ako sa harap ng building ng senior high.

"I'll fetch you again later," ngumiti ako bago isarado ang pintuan.

Tinalikuran ko na ang sasakyan niya at tahimik na umakyat sa floor ng room namin. Doon nag hihintay sa akin si Evan.

"Bakit absent ka nung sabado?"

Umupo ako sa tabi niya.

"May pinuntahan kasi ako nun,"

"Sinong kasama mo?"

Nilingon ko siya. Seryosong seryoso siya. Akala ko ay kambyo lang iyon para sa mga kwento niya pero mukhang kuryoso talaga siya sa pagka absent ko.

"Isang... kaibigan. Hindi mo pa siya nakikilala," nag iwas ako ng tingin. Ang sakit na kahit sa nag iisang tunay na kaibigan ay kailangan kong mag sinungaling.

"Sino? Hindi ko kilala? Kaninong circle of friends ba? Saang school?"

Sunod sunod ang tanong niya.

Ang dami ko nang pinag sisinungalingan. Ang dami ko nang niloloko. Kung sana lang ay ganon kadali na lumantad kasama si Xander. Kung sana lang ay normal ang sitwasyon namin.

"Ipapakilala ko rin siya sayo pag nagkaroon ng pagkakataon. Mas magandang ikaw ang personal na makakilala sa kanya kesa ikwento ko sayo. Mag... rereview muna ako,"

Hindi ko siya nilingon at binuklat na ang libro para sa quiz. Sa pangalawang subject pa naman iyon pero hindi ko na kayang patungan pa ng kasinungalingan ang kasinungalingang sinabi ko rin sa kanya.

Pinag krus ni Evan ang kanyang mga tuhod. Wala pa kasi ang mga kaklase at malayang nakagagalaw.

Bumuntong hininga siya.

"Ang dami mo nang nililihim sa akin. Make sure na worth it yang kaibigan mo pag nameet ko na ha,"

Nilingon ko agad siya nun. Kasabay din nun ang pag iwas niya ng tingin at bumaling na rin sa sariling libro.

Sobra akong naging maligaya sa nagdaan na araw. Nakalimutan ko na na may mga bagay pa pala na dapat kong pangambahan. Mga bagay na dapat isipin. Pag isipan ng mabuti. Paano nga ba naman ako sasaya ng totoo kung gumagawa rin ako ng mali?

Ang ilap sa akin ni Evan dahil doon. Kung pwede lang na sabihin ko sa kanya ang dahilan ng pag alis ko. O ang buong istorya kay Xander ay gagawin ko. Siya ang nag iisang tao na naiiyakan ko sa mga problema ko noon sa bahay. Sobrang laki ng naitulong niya sa akin kaya talagang masakit na kailangan ko siyang paglihiman.

Sinusubukan ko siyang iapproach pero malamig talaga siya sa akin. Halos hindi ako kibuin kahit na sinasagot ang ilang tanong.

"Van ano na nga yung gagawin dito? Para kasing mali yung ginawa ko sa formula." naiintindihan ko naman ito at minsan nang naitanong kay Kuya pero dahil gusto ko ngang magpapansin kay Evan ay ito ang naisip ko.

Sinulyapan niya ako saglit. Umikot ang mata niya. Alam na alam ko pag nagtatampo siya at sobra siyang mag taray pag ganun. Kaya naman sa irap niya ay alam kong naiinis siya.

"Unahin mong isolve ito. Ipag plus mo rin maigi para makuha ang average dito para hindi ka magkamali sa pag solve sa table."

Pero sa iilang tanong na simple lang ay hindi siya sumasagot at tila pag tango o iling lang iginagawad.

"Natapos mo ba yung assignment sa accounting? Hindi ko pa kasi tapos..."

Titig na titig ako sa kanya at nag aabang ng response. Alam ko na ang gagawin niya dahil sa mga nakaraang oras ay ganon lang ang ginagawa.

Kaya nang tumango ito ay tumahimik na lang ako. Kung walang problema ay uusisain pa niya kung bakit hindi ko natapos pero ngayon? Wala.

Wala rin naman akong magawa. Mag sorry man ako hindi ko naman masasabi ang totoo.

Hanggang nag uwian ay ganon ang trato niya sa akin. Naglalakad na ako pababa. Sabay pa rin kami ni Evan na bumaba pero tahimik siya.

"Sino ang susundo sayo?"

Hindi niya ako tiningnan nang tanungin iyon. Ikinagulat ko rin kaya hindi ako agad naka sagot. Binalingan niya ako at ngumiwi dahil siguro sa gulat na itsura ko.

"Ah! S-si Xander..."

"Wala pa ba? Aalis na kasi ako," aniya.

He's really pissed. Kung ibang araw ay nangingisay na ito sa kilig, masulyapan lang ang pinsan ko pero ngayon ay walang pakealam. At medyo nasaktan rin ako roon dahil parang ayaw pa niya akong samahan. I understand, though. Kasalanan ko naman.

"S-sige na. Mauna ka na at nariyan na rin siya pamaya-maya,"

"Sure ka?" Kahit na nagsusungit ay narinig ko pa rin ang concern ni Evan sa kanyang boses. Tumango ako at ngumiti.

Nakasimangot akong iniwan roon ni Evan. Gusto ko na talagang mag sorry sa kanya pero sa ngayon ay hindi ko magagawa iyon. You change the attitude that caused a misunderstanding when you apologize. Para saan pa kasi ang pag sosorry kung uulitin lang din.

Nagtext na sa akin si Xander na papunta na siya rito. Ilang mga kakilala na ang bumabati sa akin at sinusubukan kong itaboy ng maayos ng mas mabilis. Ayoko kasi bulgaran akong makita na sumasakay sa sasakyan niya. Though mukha ako lang naman ang nag iisip ng masama tungkol doon.

Traffic ang kalsada sa loob ng campus dahil uwian na ng nakararami. Dalawang sasakyan mula sa kinatatayuan ko ay ang sasakyan ni Xander. Kahit na may malueag na madadaanan sa gilid ay hindi siya makakatake over dahil bawal rin. Mabagal ang usad dahil traffic din ata salabasan. Pigil na pigil rin ang ngiti ko. Ayokong makita ni Xander na ganito ako kaexcited na makasama siya.

At talaga ngang nakalimutan ko ang mga isipin at pangamba sa nagdaang mga araw dahil unti-unti iyong bumalik nang nakita ko si Chinky na papalapit sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha habang naglalakad papunta sa akin. Sumulyap ako sa sasakyan ni Xander na medyo malapit na sa akin tapos ay ibinalik rin ang mata sa papalapit.

Hilaw na ngumiti si Chinky nang makalapit sa akin.

"Sinong hinihintay mo? Si Marcus? Ken?" malamyos niyang tanong.

Hindi ako sanay sa tono ng pananalita niya kaya napakurap ako ng ilang beses.

"Ah! Si..."

Hindi ako nakasagot agad ng isang bagsak ng pinto ang narinig ko. Naunang tumingin si Chinky sa nasisiguro kong palapit na si Xander. Nang maramdaman ko na si Xander na nakalapit sa akin ay tsaka ko pa lang siya tinignan.

"Oh, Xander. Akala ko ba aalis ka kaninang after lunch?"

Mariin akong kumapit sa strap ng bagpack ko. Ano bang gagawin ko? Aalis dito? Mag cocommute mag isa? Mananatili dito? Alam kong hindi ako matatahimik kung aalis ako rito. Pero tingin ko rin na mas delikado na mag stay ako rito.

"Nacancel ang lakad ko, Chinky,"

Tumama ang balikat ko sa kay Xander. Pasimple kong tinignan iyon at tsaka lumayo. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pag tingin sa akin ni Xander na dahilan kung bakit tumingin rin si Chinky sa akin.

"Oh? Then that's good! Masasamahan mo na ako sa mall ngayon kasi wala ka nang lakad," aniya.

Aalis pala sila? Kaya ba dito nag punta si Chinky gaying malayo ang building niya rito? Pero nag punta naman dito si Xander? Wala naman siyang sinabi kanina, 'e.

"May gagawin pa ako kahit na nacancel ang lakad ko,"

"What? 'E ano? Bakit ka huminto dito? Hindi ka ba huminto kasi nakita mo ako?"

Nagtaas ako ng tingin kay Chinky. Na seryoso at parang nalulungkot habang nakatingin kay Xander. Tuwing kasama namin siya laging poker face at parang hindi approachable. Pag si Xander ang kaharap tsaka ko lang siya nakikita na ganito kaamo.

Sinulyapan ko rin si Xander.

"May gagawin ako. Next time, Chinky,"

"So bakit ka nandito?" Nanumbalik ang masungit na boses ni Chinky na siyang nakasanayan ko.

Hindi nag salita si Xander. Yumuko ako nang sa akin inilipat ni Chinky ang nga mata niya.

"Bakit ikaw ang sumusundo sa kanya? May mga kapatid siya, Xander." malamig na sambit ni Chinky.

Meron ka rin naman kapatid pero bakit hindi ka sa kanya mag pasama sa mall? Gusto ko sanang sabihin iyon pero ikakapahamak ko lang kaya tumahimik na lang din ako. At kahit pa nakayuko ay kita niya ang expression ko dahil sa katangkaran ko kaya agad akong nag taas ng tingin sa kanya.

Wala sa sarili akong umiling. I will not risk it.

"Hindi niya ako sinusundo, Chinky..."

Mabilis kong kinapa ang cellphone ko at kunyari ay may tinignan.

"Kakatext lang ni kuya at sabi niya..." sumulyap ako kay Xander na siyang mariin na nakatingin sa akin kaya ibinalik ko ang tingin kay Chinky. "At sabi niya nag commute na lang ako at may klase pa pala siya,"

Pinag taasan lang ako ng kilay ni Chinky. Hindi ko naman na masulyapan man lang si Xander na nasa tabi ko dahil sa kaba at pati na rin sa mariin at mukhang galit na paninitig niya. Bakit ba siya galit?

Kahit na sumasakit na ang dibdib ko sa mabilis na pag tibok ng puso ay pinilit akong ngumiti. Ambang maglalakad na ako nang hawakan ni Chinky ang balikat ko. My eyes widen a bit. Nakita ko rin ang agarang pag abante ni Xander sa akin kaya inalis agad ni Chinky ang kamay niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ni Xander kaya nagtaas siya ng kamay.

"Chill. Hindi ko naman sasapakin si Jessica, Xander." si Chinky na tumawa kahit halatang peke.

"U... Umuwi ka na," mabagal na sinabi ni Xander sa akin.

"Wag na. Ihatid mo na lang ako, Xander. Tinatamad na akong pumunta sa SM. Isabay na lang natin si Jessica since on the way naman."

Hindi ko na nakita ang expression ni Chinky nang sabihin iyon dahil tuloy tuloy ang lakad niya papunta sa sasakyan ni Xander. Binuksan ang pinto at gad siyang umupo sa front seat.

Gusto ko sanang tumanggi na. Parehing torture sa akin kung sasama ako sa kanila o mag sasarili ng uwi.

Nagkatinginan kami ni Xander. Ngumiti ako sa kanya.

"Jes,"

Kinuha ko ang cellphone ko. Wala akong gagawin dun pero ayokong mahalata ni Chinky ang pagtatagal namin ni Xander dito kaya kunyari ay may pinindot akong ilan doon at tsaka pinatau bago ilagay amg cellphone sa tenga at kunyari ay may kausap.

"Sasama ba ako? O mag sasarili ng uwi?" Hindi ko siya nilingon nang sabihin iyon. I don't know what to do so maybe thinking out loud may help?

"I'll take you home. Come on. Unahin na lang natin ihatid si Chinky,"

"Pwede naman akong nag commute. Isa pa, may lakad pala kayo," kung saan man nang gagaling ang bitterness sa akin ay hindi ko na alam.

"I canceled it. Dahil diba susunduin kita?"

Napabuntong hininga ako.

"Ako na lang ang una mong ihatid. Tara na,"

Ibinaba ko ang cellphone ko at agaran na ring nag lakad papunta sa backseat. Nakasunod naman agad sa akin si Xander kaya agad kong binuksan ang pinto sa takot na pag buksan pa niya ako ng pinto.

Agad rin naman siyang sumakay. Agad na nahanap ang nga nata ko sa repleksyon ng mata niya sa rear view mirror. Nag iwas ako ng tingin.

"Tagal niyo naman," makahulugang sinabi ni Chinky habang nakatingin sa cellphone niya.

"Pasensya na. Kinausap ko pa kasi si kuya at sinabing sasabay ako sa inyo..."

Tumikhim lang siya at hindi na nag salita muli. Tahimik lang kami sa sasakyan. Si Chinky lang ang muling nag salita.

"Alam mo ba may pumuporma sa akin na taga san beda. Binasted ko kasi ang layo. Ayoko ng long distance relationship,"

"He might be nice," simpleng sagot ni Xander.

"Well he is. But I don't feel the spark,"

Ang rahan ni Chinky pag si Xander na ang kausap. Pero pag kaming lahat ay pati mata nanlilisik. I can't blame her, though. Ako naman ang dahilan kung bakit hindi niya kasundo yung mga pinsan namin.

Gusto ko sanang mag earphone na lang but it's rude. Baka magalit sa akin si Chinky gayong medyo maayos naman ang pakikitungo niya sa akin kanina. At dahim sa dalas rin ng mata ni Xander sa rear view mirror ay iniwas ko na lang ang ulo ko.

Tuloy tuloy lang na nag kwento si Chinky tungkol sa mga mankiligaw at sa social life niyang malapit sa social life namin ng mga pinsan ko pero ni minsan ay hindi nag halo. Natahimik lang siya nang subukang heramin ang cellphone ni Xander pero nakitang may password iyon.

"Ipapakita ko sayo yung picture. He's good. He's an athlete, too, from UST."

Inabot niya ang cellphone ni Xander na nasa lalagyanan sa dashboard. Agad na lumipat ang mata ko roon. Siguro ay madalas mahawakan ni Chinky ang cellphone ni Xander? She looks so casual doing it.

"Chinky,"

Hindi pinansin ni Chinky ang pag tawag ni Xander at tuluyan na niyang nahawakan. Hindi ko nakita kung anong ginawa niya pero ilang saglit lang ay nag taas siya ng tingin kay Xander.

"Kelan ka pa naglagay ng password?"

Nagtama ang mata namin ni Xander sa rear view kaya nag iwas ako.

"Nung nakaraan pa..."

"Hmm. So what's the password?"

Kahit na gusto kong lingunin sila ay hindi ko ginawa. Nanatili ang mata ko sa bintana at nakatanaw sa labas.

"Sa cellphone mo ka na lang magsearch, Chinky," si Xander.

"Why? Do you have a girlfriend na? Bakit tinatago mo?"

Hindi ko alam kung anong sinagot ni Xander. Or did he react? Wala akong narinig na sagot niya at ayoko rin tumingin.

"Oh. Okay then. Malalaman ko rin naman yan. Soon," Ibinalik na ni Chinky ang cellphone sa pinagkuhanan niya at tahimik na sumandal sa kanyang kinauupuan.

Halos buksan ko ang botones ng uniform ko dahil sa sakit ng dibdib na nadadama sa lakas ng kabog ng puso. Malalaman niya. Aalamin niya.

Ilang minutong tahimik ang buong sasakyan. Mahinang kanta lang mula sa stereo ang naririnig at tumatagal din ang byahe dahil sa mabigat na traffic sa highway. Nang medyo naka usad na ay muling nag salita si Chinky.

"Gusto ko ng ice cream. Bili ka sa madadaanan na convenient store, Xander,"

Humigpit ang hawak ni Xander sa steering wheel. Iyon lang ang kaya kong tignan at hindi ang mga mata niyang paniguradong naka tingin sa repleksyon ko sa rear view mirror.

Huminto nga si Xander sa tapat ng convenient na nadaanan namin. He pulled the hand break at agad akong nilingon.

"Anong flavor ang gusto mo?"

Bukas sarado ang labi ko dahil sa kaba.

"Magnum almonds ang akin. O..." nag abot ng pera si Chibky pero umiling lang si Xander.

"Ah k-kahit ano..." Nag iwas ako ng tingin.

Nagpabalik balik ang tingin ni Xander sa akin

You are reading the story above: TeenFic.Net