Chapter 1

Background color
Font
Font size
Line height

Buong pwersa kong itinulak ang lalaking mukhang nanggigigil.

My face distorted when I tasted blood the moment I licked my lower lip.

Putakte! Nakagat pa nga ng hinayupak!

Bumaba naman ang tingin ng lalaki sa aking bibig and I saw how his face turned into a concerned one.

“Hey!” Lalapitan na niya sana ako nang humakbang ako paatras.

“Teka nga lang!”

I even showed my two palms in front of me to stop him from getting nearer. He looked confused but ended up staying where he was standing.

Maingay ang bar at mukhang wala namang pake sa amin ang mga malalapit sa aing pwesto kaya okay lang ang maghimutol rito kaya ginawa ko.

“Alam mo, kung baliw ka huwag mo nalang akong damayin.”

Sino ba namang matino ang mag-aaya sa kung sino lang na maging girlfriend niya? Hindi ko nga kilala ang lalaking to tapos bigla nalang akong magiging girlfriend niya?

Pwede naman—ah hindi pala.

Gwapo naman siya. Amoy mayaman. Magaling humalik. Matangkad. Makisig. Magaling sa kama—No!

Bawal pa ako diyan.

“What? Baliw?” Baluktot niyang tanong.

I scoffed. “Taray! Baliw na conyo!” I laughed.

Tinalikuran ko na ito at bumalik sa counter na pinanggalingan ko kanina. Gusto ko lang naman sumayaw pero bakit kailangan ko pang makasalamuha ang baliw na ‘yon?

Hindi ko sana gustong pagkamalan siyang baliw dahil sa magaling itong humalik at sobrang pogi pa pero dahil sa kaniyang inalok sa akin ay parang kahit hindi ko kumpirmahin ay parang baliw nga talaga ito.

Ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa nang may mainit na kamay ang humawak sa aking braso.

Suminghap ako bago ko iritang nilingon ang humawak.

Mukha itong nagulat sa paraan ng paglingon ko sa kaniya pero hindi ako binitawan ng baliw.

“Bitawan mo nga ako! Tatawag ako ng pulis! Tangina balak mo ata akong molestiyahan! Tangina maghanap ka ng kakan—Hoyyy!”

Natigil ang pagpuputak ng bibig ko nang bigla niya akong hilahin. Malakas siya kaya walang hirap niya akong nakakaladkad. Mahigpit din ang hawak niya sa aking pulso kaya hindi ko ito matanggal. Pilit ko man itong tinatanggal mula sa kaniya ay mukhang mapuputol muna ang kamay ko bago mabawi.

“Tangina naman!” naiiyak kong sigaw. “Gwapo ka pero parang awa mo naman, virginity ko nalang ang maireregalo ko sa future asawa ko! Huwag mo naman ipagkair!”

May napapatingin na sa amin habang kinakaladkad ako ng lalaki dahil sa pagsisigaw ko pero parang wala namang napapansin ang lalaki.

Naguluhan nga lang ako nang makitang nakatalukbong na ang hood ng kaniyang jacket at payuko itong naglalakad—tinatago ang kaniyang mukha.

Ayos din ang trip ng baliw na to ah… Hoodie sa bar? Baliw nga.

“Manong… Tulungan niyo po ako balak ata akong ikama ng baliw na to…” pagsusumbong ko pa sa guard nang marating namin ang entrada ng bar.

Naguguluhan namang napatingin sa amin si Manong. Pumalahaw ako sa peke kong pag-iyak nang hindi niya kami lapitan.

“Damn…”

Mura ng lalaki nang lumapit sa amin ang security guard kaya napahinto ito sa pagkaladkad sa akin.

Agad kong hinawakan ang naguguluhang guard at sinimulan anh pagpapaawa.

“Manong hindi ko po siya kilala bigla niya n-nalang akong k-kinaladkad…” humihikbi-hikbi pa ako para talagang maniwala ang guard.

Totoo naman kasi. Sino ba naman ang baliw na ito para hilahin nalang ako nang basta-basta?

Hayop na ito! Nawala ang kalasingan ko!

“Sir, mawalang-galang na po—“

“She’s my girlfriend,” the guy coldly stated.

Nanlaki ang mga mata ng security guard at unti-unting humakbang palayo.

“Manong!” sigaw ko.

Iniling-iling nito ang kaniyang ulo—mukhang takot sa lalaki dahil tinanggal na nito ang kaniyang hood kaya kitang-kita ang mukha niya.

“A-Ayaw ko pa pong mawalan ng trabaho, m-ma’am…” Kinakabahan nitong ani at patakbong bumalik sa kinatatayuan niya kanina.

Nagkasalubong ang aking kilay at tatanungin pa sana si kuya guard nang hilahin na naman ng baliw ang aking kamay.

Mabuti nalang at hindi ako naka-heels kaya naman hindi ako natatapilok sa pangangaladkad ng lalaking ito.

“Ano ba?” naiinis kong tanong.

Totoong inis na talaga ako dahil nasasaktan na rin ako sa pandadarag ng lintek na ito.

“Pwede ba? Huwag mo kong idamay sa kabaliwan mo? Kung high ka, itulog mo nalang iyan magiging okay ka rin! Tangina naman gusto ko lang naman uminom eh!”

Reklamo lang ako nang reklamo pero ang tangina ay para akong hindi naririnig. Sumasakit na rin ang lalamunan ko sa kakasigaw sa lalaking mukhang hindi man lang ako naririnig dahil patuloy lang ito sa pandadarag.

“Ano?" Maangas kong tanong. "Anong gagawin mo sa akin? Ha?”

Huminto na siya sa harap ng sports car at hinarap na ako. Sumandal ito sa nakasarang pinto ng itim na sports car at inihilamos ang kaniyang kamay sa mukha niya na animo’y frustrated.

“I have a pretty big deal with you, lady,” panimula niya.

Kumunot ang noo ko at handa na sanang sumigaw ulit sa kaniya nang itapat niya ang kaniyang malalaking palad sa aking mukha at pinandilatan pa ako.

Hayop na ito!

“Let me have this okay?” kalmado niyang pakiusap. “You’ve been ranting for minutes, it’s my time now, I guess?”

I frowned. “Wala akong oras para sa kabaliwan.”

He glared at me again. Sinuklay niya paitaas ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri. My lips parted when some of the strands of his feather-light hair fell on his forehead.

Tangina… Kung hindi lang talaga ito baliw ay baka pinatulan ko na ang sinabi niya.

“It’s not kabaliwan!” giit niya. “I want you to pretend like you are my girlfriend and I’ll pay you! Your price—name it!”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kung haharap lang talaga ako sa salamin ngayon, paniguradong kumikinang na ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya.

“B-Babayaran mo ko?” mabagal kong usal—naninigurado.

Tumaas ang kilay niya bago tumango. “Yes… Any amount or anything you want.”

Naningkit ang singkit kong mga mata. “Kahit ano?”

He nodded again. “Kahit ano.”

“Kahit sports car?” hamon ko pa.

Ang ganda kasi ng sports car na sinasandalan niya. Parang bet ko din magkaroon ng ganiyan.

Mata niya naman ang nanliit. Napabuntong-hininga pa ito na para bang nawawalan na ng pasensiya.

“Yes, I can give you a sports car. Kahit eroplano pa!” he nonchalantly said making my eyes go round. “Just pretend as my girlfriend.”

“Hindi ba to joke time?”

He frowned. “Do I look like I am joking?”

I shook my head. “Hindi, pero mukha kang baliw.”

Natutop kaagad ang aking labi nang tapunan niya ako ng matalim at madilim na tingin.

Umalis ito sa pagkakasandal at humakbang palapit kaya humakbang din ako palayo.

“Huwag kang lalapit!” pigil ko at iwinagayway pa ang dalawang kamay sa aking harapan. “Baka halikan mo ko… Marupok pa naman ako baka mapa-oo ako bigla sa alok mo.”

His lips parted in disbelief he then looks at me like I am a fucking big joke for him.

“God, Jesus… Why is she crazier than what I thought?” he whispered.

“Anong sabi mo?” pasigaw kong tanong dito.

Hindi ko narinig ang bulong nito kaya sobrang inis ang nararamdaman ko. Baka kinukulam na ako ng baliw na ito.

He shook his head as he pursed his lips. “Wala!” he immediately denied. “I’ll just kiss you so we can enclose the deal.”

Nanlaki ang mga mata ko at tatakbo na sana pero mabilis niya akong nahawakan.

“Huwag—mmmhhhh…”

Ang dapat sanang pangmamaktol ay naging halinghing nang kulungin niya sa dalawa niyang kamay ang aking mukha at atakehin ako ng mapusok na halik.

I unconsciously closed my eyes as I felt him deepening the mind blowing kiss.

Hinayaan ko ang sariling mawala sa kaniyang nakakalilong mga halik hanggang sa ipinalibot ko na mismo ang aking mga braso sa kaniyang batok.

He is crouching a bit since he’s way taller than me. But it did not hinder us from enjoying the irresistible temptation brought by our clasped lips.

Inilayo niya ang kaniyang labi sa akin at pinagdikit ang aming mga noo. Magmamaktol na sana ako nang mabitin sa ere nang dahil sa sobrang pagkamangha.

His deep amber eyes who looks sharp and dark a while ago turned into a gentle and groggy making him look like a fallen angel.

“So…” he trailed catching his own breath—ang mga labi ay basa at namumula. “Will you pretend to be my girlfriend now?”

Hindi na ako nag-isip nang matagal at agad nang tumango nang sunod-sunod.

“Oo! Basta may bayad!”

He chuckled huskily as he attacked me again with his addictive kiss.

Hindi ko alam kung paano kami nakaalis sa parking lot na iyon.

Mukhang naduling ako sa kaniyang mga halik na hindi ko namalayang nasa harap na kami ng aking apartment. Ang alam ko lang ay tinatanong niya ako ng direksiyon at kahit wala sa sarili ay mukhang naituro ko naman ito nang maayos.

“Hey!” pukaw niya sa atensiyon ko kaya napakurap-kurap ako.

I pouted as I looked at him.

Tanging ilaw lang mula sa loob ng kaniyang sasakyan ang nagbibigay liwanag sa amin pero kahit na ganoon ay malinaw ko pa ring nakikita ang kaniyang mukha.

Ang pogi talaga!

Isa ata akong bayani sa past life ko para mabiyayaan ng ganitong klaseng tao na mag-aalok sa akin na maging girlfriend niya at may bayad pa.

Sobrang winner ko naman nito.

“Why are you pouting?” natatawa niyang tanong.

“Hindi ba pwedeng iuwi mo nalang ako sa inyo?” bulong ko.

His eyes widened as his perfect jaw dropped.

“What?” Disbelief is evident in his voice. “I can bring you home but—“

“Pwede naman pala eh, tara na!” aya ko dito at inalog-alog pa ang kaniyang kamay na nakahawak sa manibela.

He gently held my hand kaya napatigil ako. Ang init ng kaniyang palad ay lumipat sa akin.

“I know you’re still drunk…” he gently said with his soft eyes. “You need to take a rest… We’ll talk tomorrow.”

I sulked. “Ano ba? Akala ko girlfriend mo na ko?” nag-init ang aking mga mata at hindi man lang pinalipas ang isang minuto nang may malaglag na luha.

Nanlaki ang mga mata nito nang makitang umiiyak na ako.

“Baka may kasama ka dun na iba kaya ayaw mo akong i-isama!” hikbi ko. “Bago pa lang nga tayo tapos lolokohin mo na ko?”

“Hey!” he tried to console me but I slapped his hand away from me.

“Break nalang tayo kung ganoon!” maktol ko at bubuksan na sana ang pinto nang hawakan niya ang aking kamay.

“Fine!” he gave up. “You’ll come with me.”

My eyes widened and from crying I beamed throwing myself at him. I felt him stiffen when I hugged his neck and I am almost straddling his hips.

“H-Hey!” pigil niya nang paulanan ko ng halik ang kaniyang mukha.

“Mahal na ata kita!” I said chuckling.

“Go back to your seat!”

Hindi ako nakinig at pinagpatuloy ang paghalik sa kaniya. Ang bango niya pa kaya sobra akong nanggigil. Nang hindi niya na makaya ay pabuhat niya akong ibinalik sa passenger seat.

Umiigting ang panga nito at magkasalubong pa ang kilay niya nang ikabit niya sa akin ang seatbelt bago siya umayos ng upo.

Pinanood ko kung paano niya ihilamos ang kaniyang kamay sa mukha niya—mukhang pasuko na.

“God...” he mumbled. “Is my decision right?”


You are reading the story above: TeenFic.Net