7

Background color
Font
Font size
Line height

Para maging malakas ang katawan'g ito, kailangan kong mag insayo

Mabuti na lang at may sariling gym si Eloise kaya walang problema

Minsan na nga lang ako lumalabas eh, nag papadala lang ako ng pag kain kila Sharmene pero siguro ngayon kailangan kung lumabas kasi naiinis na ako sa desinyo ng kwartong to

Kailangan ko ng palitan para naman maging maganda

"Where are we going Mi'lady? Sabi ni Master Niko na hindi ka pwedeng lumabas dahil baka mapahamak ka" sabi ni Sharmene

Minamaliit ba ako ng asawa ni Eloise?

Sa bagay, hindi niya nga pala alam na hindi na niya asawa ang nandito

"Where is he?" I ask

Ang lakas ng loob niyang wag akong palabasin, e dapat nga siya ang hindi pwedeng lumabas dahil makiki pagkita lang naman yun sa babae niya

"Siguro po ay nasa kompanya" -Yally

I just nod, wala ako sa mood para maki pag kwentohan sa kanya

Kailangan ko ng bumili ng mga materyalis para lang maayus ang kwarto ni Eloise dahil sa bawat tingin ko sa iba't-ibang kulay ay parang nasusuka na ako

"May sarili ba akong sasakyan?" Tanong ko

Kung takot sila kay Niko, aba'y ibahin nila ako dahil hindi ako takot sa kanya

"Of course Mi'lady" -Yally

"Then, where's the key?"

"We're sorry Mi'lady pero mula nong nangyari sa iyo ay kinuha lahat ni Master Niko ang susi ng sasakyan niyo" paliwanag ni Sharmene

What the actual fuck?!

Is he kidding me?

"Tsk"

Pano na ako makakapunta ng mall nito?

Bwesit talaga ang lalaking yun!

Pahihirapan ko talaga yun, bwesit!

Padabog akong bumaba, bahala na! Baka may masasakyan ako sa labas

Kailangan ko talagang bumili ng mga bagong materyales para sa kwarto ni Eloise

Bakit ba kasi pina paki alaman ako ng lalaking yun?

Dapat kasi hinahayaan niya na lang ako, wala naman yung paki pero bakit ngayon na ang higpit niya!

Kung kailan ako na ang naka pasok sa katawan ni Eloise, tsaka pa siya naging mahigpit

MATAMAAN KA SANA NG BALA KUNG NASAN KA MAN NGAYON!!

"Tang-na lang talaga" bulong ko

"Po Mi'lady?" They both asked na halatang di narinig ang bulong ko

Umiling na lang ako at nag lakad

Siguro naman uso ang taxi or grab dito di ba?

Sa sobrang laki ng mansion na ito ay kailangan talaga na maraming katulong na mag tatrabaho, pwera na lang kung kaya mong linisin mag-isa to

Lahat ng mata nila ay nasa akin, para bang minamanmanan ang mga kilos ko

Hindi ko na lang pinansin dahil sa inis ko, bwesit na lalaking yun!

Dahil may dalawang tauhan sa may main door kaya pinag buksan nila ako ng pinto

Masyado ngang maka pangyarihan ang lalaking to dahil kahit saan ka tumingin ay may makikita kung cctv at mga men in black na naka tayo sa sulok

I was about to walk ng makitang bumukas ang malaking gate ng mansion at pumasok ang tatlong itim na van

Ang mga lalaking naka tayo naman sa malapit ng pinag hintuan ng van ay agad na pinag buksan ito

"Master Niko" rinig kung sabi nila

Naka cross arm lang ako dito at naka tayo habang nag hihintay sa pagbaba ni Niko

Napa taas na lang ang kilay ko ng halos lahat ng men in black ay lumapit sa itim na Van

Ano bang nangyari?

Bakit hindi pa bumababa si Niko?

"Mi'lady, si Master Niko may tama ng baril"

WHAT?

Mafia boss pero tinamaan ng bala?

Baka karma niya yan! Gusto ko sanang tumawa dahil nag katotoo ang nasa isip ko kanina pero pinigilan ko lang dahil baka ako na naman ang natamaan ng baril pag binaril nila ako dahil pinagtatawanan ko ang amo nila

"So?" Taas kilay na tanong ko

Lahat ay nagulat at napa tingin sakin

Who cares? Sinong may paki kung natamaan siya, sana nga pinatay na lang siya agad e

"I can handle myself. Call Tiago to come here" malamig na sabi ni Niko

Tumabi naman yung nga lalaki na naka harang

Isang tama lang ng bala pero nang hihina na?

Naka tingin lang ako sa kanya habang papalapit siya

Siya naman ay naka hawak sa tagiliran niya

Hindi ko pinutol ang tingin ko, hanggang sa lumagpas siya sa harap ko. Hindi ko na rin siya nilingon, sino ba siya para lingonin ko?

Puro pasakit lang naman ang binigay niya kay Eloise e

Nag lakad na lang ako papalapit sa isang Van, tila na gulat pa ang iba

"I need someone who can drive me somewhere" malamig na saad ko

Walang sumagot at nag ka tinginan pa silang lahat

" No one will volunteer?" Tanong ko

Sobrang tahimik kasi, isa pa naman sa ayaw ko ay yung pinag hihintay at inuulit ang mga sasabihin ko

"I-i volunteer mi'lady"

I smirk ng makita ko ang lalaking nag taas ng kamay

Hindi naman siya masyadong matanda sakin e, siguro limang taon lang ang agawat niya sakin

"Go. Drive" utos ko

Tumango naman siya at pumasok sa driver seat ng Van

Ako naman ay sa likod na pumasok

Ang gamit pala naming van ay hindi yung sinakyan ni Niko, baka may dugo pa sa upuan kaya yung van na huling pumasok ang sinakyan ko

Sa labas lang ako naka tingin, ang bagal naman mag maneho ng lalaking to

Kung ako siguro yung nag mamaneho baka kanina pa kami nakarating

Sobrang tahimik ng paligid, wala masyadong nag lalakad at buti na lang walang traffic dito, di tulad sa EDSA na palaging traffic lalo na kapag seasons

"Can you dri—shitt!!" Napa yuko ako dahil sa isang tunog ng baril

Not now! Wala ako sa mood para maki pag laban TANGA-NA

"TANG-NANG BUHAY TO!!" Gigil na sabi ko

Alam kung hindi titigil ang mga ito kung hindi sila mauubos

"Palit tayo" biglang sabi ko

Nakita ko naman na napa lingon yung lalaki

"Kung hindi tayo mag papalit, baka tayo ang papalit sa ibang bangkay na nasa menteryo!" Sigaw ko

Halata ang pag ka taranta niya kaya dali-dali akong pumunta sa driver seat

Siya naman ay sa likod at mukhang may balak na buksan ang bintana ng van

"Don't! Don't you dare to open it" saad ko habang naka tingin sa rearview mirror

Kailangan ko lang ilayo ang mga to!

Sinira na nga ni Niko ang araw ko, sisirain pa ng mga to!

"Wag kang tumawag ng back-up, baka ikaw ang magiging pa'in ko sa naka sunod satin" malamig na sabi ko

Seryoso lang akong naka tingin sa daan at nag hahanap ng pwedeng pag ligawan ng tatlong van na naka sunod din samin

Bwesit! Ayaw kung may madamay na tao kays binilisan ko ang takbo

Lumiko ako sa wala, liko na naman sa kanan, tapos kanan ulit hanggang hindi ko na alam kung nasan na kami dahil wals na kaming mapag lulusotan

"SHIT!" I curse

Aatras na ulit ako ng nasa likoran na namin yung tatlong van

No choice

Nilingon ko yung kasama ko, tahimik lang siya, di naman siguro halata sa mukha niya na kinakabahan siya di ba?

"Do you have Katana?" Tanong ko sa mahinhin na boses

Yung mata niyang malaki na ay mas lalong lumaki

"Kung titignan mo lang ako at hindi sasagot ay pwede ka ng lumabas at ikaw ang humarap sa kanila" sabi ko

Naging tahimik uli ang loob, pag tingin ko sa rearview mirror ay bumaba na yung mga nasa loob

Nag hanap na lang ako sa dashboard ng sasakyan

"Tanging tachi lang ang palaging dala namin" biglang sabi niya

"Nasan?" Tanong ko agad

Bigla siyang yumuko at may binuksan sa ilalim ng upuan

Nang nakuha niya ito ay nag dadalawang isip pa siya kung ibibigay ba niya sakin o hindi

Agad ko na lang tong kinuha at lumabas ng hindi nag-iisip

Ako pa kinakalaban ng nga to, kilala lang nila kung kanino ang katawan na ito pero hindi ang gumagamit

Itong hawak kong sandata ay medyo mataas lang sa katana

Kinuha ko na ito sa lagayan at parang ako ang unang gagamit nito hmmm

"Oh? It's Niko's Wife" sabi ng lalaking kaharap ko

Hindi kami masyadong malapit dahil medyo malayo-layo sila ng ilang metro sakin

I smirk

"Try me then" sabi ko

Hindi masyadong malakas, hindi din masyadong mahina. Sakto lang na marinig nila

**

SORRY FOR THE GRAMMATICAL, TAMAD AKONG MAG PREVIEW HEHEHE

NGAYON LANG ULIT NAKA PAG UD HUHUHU, SUMAKIT TULOY BIGLA YUNG ULO KO KAKAISIP SA PWEDENG MANGYARI

ENJOY READING MY HIMARIANS!! MHUAMHUAH!! 💚


You are reading the story above: TeenFic.Net