18. No Choice

Background color
Font
Font size
Line height

JUNE 25, Thursday morning, 7:42 AM

"Nagkabalikan na kami ulet." Balita ni Glaiza kay Chynna over the phone.

"Wow! Bilis ha. Alam ko, sinabi ko within this week, pero hindi ko naman akalain na kinabukasan agad. Pano nangyari? Nagkita ba kayo?"

Nilingon niya si Rhian na himbing na himbing sa pagtulog sa tabi niya. Napangiti siya kasi nakanganga pa ito. Halatang pagod.. dahil sa.... ;)

Bahala na po kayong mag-isip. Lol. ✌

"Actually.. kasama ko siya ngayon.. dito sa unit." Napakagat siya sa labi dahil sa kilig at saya na nadarama niya sa mga sandaling yun.

"Woah. At bakit kayo magkasama?! Parang marami ka ata ichichika sakin, ha." Makahulugang sabi ni Chynna.

Napakamot si Glaiza sa bangs niya. Hehe. Hindi siya makapagsalita.

"Oh, ano na? Nakooo... Parang iba na ata yang pananahimik mo dyan. Don't tell me....."

"Ano?"

"Oh my God. Oh my God. Please say no...."

"Anong please say no pinagsasabi mo dyan?"

"7:30 AM pa lang kasi tsong diba? Masyado naman maaga yan para bisitahin ka niya dyan, unless... dyan siya natulog."

"Shhhh. Wag ka nga maingay. Baka may makarinig sayo dyan e. Pero oo. Tama ka, dito nga siya natulog. Pero.. kelangan na namin magdoble ng ingat ngayon. Marami nang nakabantay samin e. So, please.. tulungan mo muna kami magtago. Hindi pa kasi kami ready ilantad tong relasyon namin.. okay lang ba?"

"Sus, ako pa ba? Kahit naman noon pa, your secret's safe with me na. Pero ang tanong dyan.. hanggang kelan nyo naman yan itatago?"

Napabunting hininga si Glaiza.

"Hindi ko pa alam.. basta... ang mahalaga masaya kami pareho ngayon.. Bahala na kung kelan."

"Lab..."

Napalingon si Glaiza sa pinanggalingan ng boses. Nakita niyang bahagyang napadilat si Rhian pero agad din ulit itong pumikit.

"Aga mo naman magising..." Dagdag pa nito, pagkatapos ay tumalikod sa kanya at sumiksik sa malaking unan sa tabi. Akmang nag-iba lang ng posisyon at babalik ulit sa pagtulog.

"Ah.. Chynns, tawagan na lang kita ulet maya, okay?"

"Oh sige.. pero balitaan mo ko kung tuloy dinner natin maya ha.. Alam mo na, baka kasi gusto nyo magkaron ng quality time together. Ayaw naman namin makaistorbo."

"Haha. Ganon? Oh sige, balitaan na lang kita. Thanks. Bye!"

Right after she hung up, she gently hugged Rhian from behind, spooning her. "Good morning, lablab.."

She just heard her moan. Halatang antok pa talaga ito. Nagdecide na lang siya bumangon na para maghanda ng breakfast nila pareho.

~~~~~~

JUNE 25, Thursday morning, 8:36 AM

"Wow! You cooked all these?" Manghang tanong ni Rhian. Kakalabas niya lang sa kuwarto.

"Yup! Kanina pa nga kita hinihintay magising e. Tara, kain na tayo?" Umupo na si Glaiza sa dining table. Halatang nagutom na kakahintay. Lol.

"Good morning.. Answerte ko naman talaga sayo, lablab.." She kissed Glaiza on the cheek, and gave her a very long and warm back hug. "Kung ganito ba naman aabutan ko every morning.. ay nako, papakasalan na kita ngayon pa lang, at hinding-hindi na kita papakawalan. Ahihi."

Napangiti si Glaiza. "Wag mo ko biruin nang ganyan. Baka seryosohin ko yang sinasabi mo. Gullible pa naman ako. Haha."

"Totoo naman kaya. Tingnan mo, nauna mo pa tuloy ako ipagluto. Don't worry, babawi ako sayo mamaya. Pagluluto kita ng 'Zucchini al Forno' ko."

"Anong klaseng luto yun? Sorry. Haha. Wala ako idea."

"Secret muna. Malalaman mo mamaya." She winked at Glaiza. Umupo na siya sa tabi nito.

"Siguraduhin mo lang na makakalimutan ko pangalan ko pag tinikman ko yun ha."

"Hindi lang pangalan mo.. buong pagkatao mo pa. Haha."

"Ganon? Bakit, ano ba special ingredient nung.. ano nga ulet?"

"Zucchini al Forno."

"Okay. Anong meron dun sa Zucchini al Forno mo para kalimutan ko ang buong pagkatao ko, sige nga?"

"Syempre.. I'll be cooking that with.... so much love."

"Sabi na e. Haha. Basta ba, wag mo ko tensionin masyado mamaya. May mga camera pa naman.. unless gusto mo mabuko tayo. Lol."

Natawa si Rhian sa sinabi niya.

"Don't worry, subtle lang."

~~~~~~

JUNE 25, Thursday morning, 9:36 AM

After nila kumain, nanuod muna sila ng TV sa sala...

"Alam mo lab.. kagabi pala, I was checking my twitter mentions. Nagtataka ako bakit andami kong nakikitang "#WeMissYouRhian" and sad face and broken heart na emojis from my followers. Wala ako idea kasi anong meron.. Ano ba nangyari? Napatweet na tuloy ako na wag na silang sad, and also, I tweeted a selfie pic trying to make them smile or something. Hehe."

Naalala tuloy ni Glaiza yung nangyari kagabi. Inisip niya na yun ata yung tweet ni Rhian na nabasa niya na pinag-isipan niya pa ng kung ano dahil sa bitter siya.

"Oh.. what the heck are you smiling about?"

"Ah.. wala may naalala lang ako. Anyway, baka namiss ka lang ng mga yun. Tagal mo kasi hindi nagpaparamdam sa kanila e."

"But I've been posting something naman ah.. videos, and other random stuff."

"Eh nasanay kasi sila na makulet ka.. Bakit ba kasi super lielow ka naman sa social media accounts mo lately?"

"Nagtanong ka pa talaga? Ayoko lang kasi masyado magcheck the past few days. Dami ko kasing nakikita nagpapasakit sa mga mata ko. At yung isang tao dito, feeling ko, gustong-gusto niya pa nangyayari about sa... ibang ship niya." Humina ang boses ni Rhian pagkasabi nung last sentence niya.

"Ano sabi mo? Pakiulit nga?!"

"Nothing. Never mind."

Napangiti si Glaiza. Napabitaw siya sa remote control na hawak niya at bahagyang humarap sa katabi niya.

"Yung totoo, lablab... Nagseselos ka ba... ha.. kay Patty Tiu?!"

"Whut?! Nooo freakin way." Kunwari ay finocus ang sarili sa panunuod.

"Weh... Hindi nga? Bakit parang lumalabas sa ilong yan? Aminin mo, nagseselos ka..." Asar pa ni Glaiza sa kanya.

"Why should I? Eh ako naman ang girlfriend mo. Sila, hanggang HOPIA lang."

"Pero nagseselos ka pa rin.."

"Hindi noh.. Hmp. Ako lang naman lablab mo diba? Wala ka naman ibang tinatawag na lablab."

"Haha. Si Jade lang at ikaw."

"Siguraduhin mo lang.. dahil naku. I don't know what I'm gonna do."

"Lablab.. Ikaw lang ang nag-iisa dito.. sa puso ko, okay?" Sabay hawak sa kamay ni Rhian at inilagay niya yun on her chest.. sa may bandang heart.

"Totoo?"

"Oo naman. Sus. Ngayon ka pa talaga nagduda? Hindi ko pa ba napatunayan?"

"Hindi pa.."

"Ouch naman. Pagkatapos kong..."

"Joke lang. Napatunayan mo na lalo na kanina. Haha." Pilyang sabi nito.

"Hahaha. Pero.. totoo, ikaw lang talaga. Promise."

"I know. I believe you."

"Hayst. Lablab naman eeehh." Biglang tapik ni Glaiza sa kamay ni Rhian na kanina ay nasa chest niya lang.

"Oh bakit na naman?" Nakangiting tanong ni Rhian. Tila natatawa ito sa sariling kalokohan.

"Kung san-san na kasi napupunta yang kamay mo e."

Lakas ng tawa ni Rhian after. "Sa heart mo lang naman ako nakahawak kanina ah."

"Ewan ko sayo." Hindi matago ni Glaiza ang pamumula ng mukha niya.

"Haha. Sorry na lablab. Ikaw kasi, kung san-san mo nilalagay kamay ko e. Alam mo naman may sariling isip yan." Niyakap niya si Glaiza pagkatapos. At akmang mag-sniff kiss sa leeg nito nang bigla siyang mapahinto. What she saw on Glaiza's neck just made her giggle.

"Oh bakit?" Asked Glaiza.

Napakagat si Rhian sa labi. Ayaw magsalita. Nanatili itong nakatingin sa leeg ni Glaiza.

"Ano na naman ba tinitingnan mo dyan? Lablab, masyado pang maaga para dyan.. kung ano man yang iniisip mo."

"Haha. Sorry naman lablab... Pero please, check yourself in the mirror."

"Bakit?"

"Basta. Just do it now."

Wala nang nagawa si Glaiza kundi sundin ang sinabi ni Rhian. Wala e, under talaga siya ni kumander. Lol. She then checked herself in the mirror inside her room.

And again, Rhian and all the rebels just heard Glaiza's loud scream.

"Oh no!! What is this?! Rhian!!!!"

Hindi na natiis ni Rhian. Sumunod na siya sa kuwarto para pakalmahin si Glaiza.

"Sorry na lablab. I didn't mean it. Masyado lang ako nanggigil kaninang madaling araw e."

"Bakit nilagyan mo ko nitoooo?!?! Pano kung may makakita nito?! Nagpapanic si Glaiza. Hawak niya ang leeg niya habang ineexamine infront of the mirror ang namumulang bahagi nito.

"Lagyan na lang natin ng concealer para hindi siya halata mamaya. Sorry na talaga lab. Di ko naman sinasadya malagyan ka ng chiki-.. kiss mark e. Hahaha."

Iyak tawa si Glaiza. She couldn't believe magkakaroon siya ng kiss mark from Rhian. Lol. This was honestly her first!!!!

Hahaha. Rhian has been definitely her many FIRSTS! =P And more yet to come for sure! ❤✌

Ilang oras pa ang lumipas na magkasama sila sa unit. Minabuting makipagkulitan ulit ni Rhian saTwitter para makabawi sa mga followers niya na walang sawang nagttweet sa kanya.

'@whianwamos: Eherm.. Thursday na... may guesting today '

'@whianwamos: Kaninang mga 3am, may ginawa akong eksena na hihiga ako sa couch... nakatulog ako for real sa scene di nila ako magising *blagag!*'

Natuwa ang fans niya dahil sa pagbabalik niyang muli sa kakulitan. Laftrip sa twitter mula sa puntong yun...

~~~~~~

JUNE 25, Thursday Afternoon

"Zucchini al Forno, ano ba tong dish na ito at napaka-fancy ng name?" Asked Suzi, one of the hosts of MARS.

Nasa MARS Taping na sila ngayon. :)

"Yeah, parang ang hirap, mars." Sabi naman ng co-host nitong si Camille Pratts.

"Well, ano, it's just a fancy way of saying na.. it's zucchini cooked with cheese." Sagot ni Rhian. Ready na siyang ipagluto si Glaiza sa mga sandaling yun. Lol.

She then demonstrated how the said dish should be done step by step. As she was busy with the dish..

"Si Glaiza.. alam ko, mahilig sa food. Lover of good food yan. Tsaka.. tsaka naisipan ko kailangan vegetable yung iluto ko kasi.. she believes in healthy food."

"Yes." Napakatamis ng ngiti ni Glaiza habang pinapanuod si Rhian sa pagluluto. Super proud siya sa girlfriend niya. Excited na rin siya matikman ito.. I mean yung luto nito kasi first time niya makakakain nun. :) Yes, marami talaga siya mararanasang first times because of Rhian. Lol.

"It's always good to find different ways to eat vegetables. Kasi sayang naman hindi natin nari-realize na masarap pala ang gulay. Kasi most of the time, pagka.. yung mga local natin na dishes, yung mga vegetable dishes natin, may halong nang karne. So hindi tayo sanay na gulay lang." Dagdag pa ni Rhian.

"Totoo yan." Si Suzi.

"Pero hopefully.. baka... ma- in love siya sakin." Hininaan ni Rhian ang sinabi niya na yun out of no where, pero hindi pa rin yun nakaligtas sa pandinig ng mga kausap niya. Haha.

"Ayyy.." Kinilig ang dalawang hosts.

Mas lalong lumapad ang smile ni Glaiza dahil sa narinig. "Wag kang ganyan... Penge ngang tubig. Hahaha."

'Gosh, Rhian, yan ba yung subtle na sinasabi mo?! Pinagpapawisan na ko e. Langya ka.' Bulong ni Glaiza sa sarili.

Nakitawa si Camille. Hmm. Mukhang iba ang nasesense nito. Lol. Kasi naman RaStro, wag masyado pahalata!

"First time kong makakatikim niyan." Sabi ni Glaiza.

"Ako din." Ani Camille.

"I'm so excited". Si Suzi.

Natapos na si Rhian sa pagluluto. Isinalang niya na ito sa oven and after a few minutes..

"Tan tanan tan tan tan.. Tanan tan tan.." Rhian presented her baked "Zucchini al Forno" Yummy!

"Wow. Good job!"

"Guys, I'm sorry minsan lang to."

Unang subo pa lang ni Glaiza...

"Ang sarap. Nakakaiyak." Aniya.

"Naiyak talaga?" Suzi joked.

"Alam mo yung.. unang subo mo.. yung flavor, ang rich." Glaiza continued.

Rhian felt so happy, kinilig siya nang palihim kasi nagustuhan ni Glaiza ang niluto niya. :) Naku, talagang pwede na silang magpakasal. Haha.

~~~~~~

"Yung magsuot ng low cut or backless dress with killer stilettos, pak na pak na pilikmata and lipstick, yan  ang mga masasabi natin na sexiness na in-effort." Said Suzi. Next segment na nila.

"And ano naman kaya ang mga bagay na masasabi natin na sexy about women na hindi naman natin sinasadya o pinagkakaabalahan? What makes us effortlessly sexy?" Said Camille Pratts.

Pasimpleng napatingin si Glaiza and Rhian sa isa't isa. ;) Telephatic conversation. Lol.

Kanya-kanya na silang react sa topic nila for that segment.

"Yung mga di naman pinagpaplanuhan. Yung mga araw-araw na gawain pero yun pala, nakaka-sexy din pala." Si Suzi.

"Nililista pala nila yun? Haha." Si Glaiza.

"Diba? Hindi tayo aware. Oh, isa dyan, #1. Mabango ang buhok." Ani Suzi pertaining to the first one on the list.

"Bagong shampoo hair. Yung pag dumaan ka. Ambango ng amoy." Camille said waving her hair.

Ngunit... ang RaStro, tila may sariling mundo sa tabi.

Rhian moved closer to Glaiza. She suddenly smelled Glaiza's hair. Haha. Para-paraan din pag may time.

"Ambango." Sabi nito pagkatapos amuyin ang buhok ni Glaiza. May halong thirst. Lololol.

Napahagikgik si Glaiza sa tinuran nito. Gumanti din ng amoy. Yes, they're always thirsty for each other. Hahaha.

"Alam mo yung sabi nila before pag nagpapabango ka..-" Naputol si Suzi sa sinasabi nang mapansin niyang nag-aamuyan na ang dalawang guests nila ng mga buhok.

"Bango?" Tanong ni Camille sa dalawang napaka-sweet. Haha. Napansin na rin nito ang sariling mundo ng RaStro.

"Uhum. Bango. Organic." Sagot ni Glaiza nung amuyin ang buhok ng girlfriend niya.

"Parang napilitan ka eh. Haha." Rhian joked.

"Organic shampoo? Organic shampoo." Pinaulit-ulit pa ni Glaiza confirming kung tama ba siya sa hula niya.

Nag-amuyan na rin tuloy ng buhok ang dalawang hosts. Haha. Promotor talaga ang RaStro.

"Pero, actually diba sabi nila before pag nagpabango, ganon daw sa hangin.. tapos ganon ka sa ilalim..." Finally, pinagpatuloy na ni Suzi ang naputol niyang statement kanina.

Pero.... ang RaStro jusme, imbes na makinig, nanatili pa rin sa sarili nilang mundo. Nyahaha. Nag-uusap sila at hindi man lang pinapakinggan ang sinasabi ng hosts. Miss na miss lang ang isa't isa??? Eh halos di na nga mapaghiwalay!!! Haha.

Tawanan dito. Tawanan doon. Nagshare sila ng kanya-kanyang tips, opinions about the first topic.

"Eto gusto ko to.. #2. Husky ang boses.. sa babae." Camille pertaining to the next one on the list.

"Ay oo, gusto ko rin yun." Mabilis na sagot ni Glaiza. Lol.

"Parang Scarlett Johansson." Camille suggested.

Rhian cleared her throat. "Ayyy... may mga ganon ba?" Ani Rhian na ngayon ay pasimpleng pinapa-husky ang boses nang malaman nyang gusto pala yun ni Glaiza. Hahaha. =P

"Or parang Laura Prepon." Tukoy ni Glaiza sa girl crush niya from Hollywood. Totally not minding Rhian. Hahahaha.

Rhian's da moves = FAILED. (╥_╥)

"Sino yun?" Tanong ng lahat.

"Sa Orange Is The New Black. Si Alex Vause." Glaiza's fangirling alert.

"Ay, yun oh." Kantyaw ni Rhian.

"Ay ako rin. Yung black yung hair?" Tanong ni Camille.

"Oo, oo. Diba? Tinatry ko nga gayahin yun e..-"

"Try mo nga!" Hirit ni Camille.

"-Para sa character.. Pero hindi ko kaya. Parang nahirapan ako.." Dagdag ni Glaiza.

Si Rhian napapangiti lang sa tabi. Hindi siya makarelate kasi hindi niya kilala. Lol.

"Hirap ibaba (yung boses) noh? Si Aicelle Santos. An-husky kaya ng boses nun. An-lalim ng voice." Si Suzi.

"Speaking voice niya at singing voice niya, gusto ko." Si Glaiza.

"Diba, mababa? Pero actually na-notice ko kunyari pag nanunuod ako ng movies, tapos kunyari French yung nagsasalita na babae. Lahat sila malalim ang boses. Malalim ang boses nila lagi."  Si Suzi.

"Yeah. Walang mataas, walang matinis." Si Rhian.

"So, sino yung mga matitinis yung boses?" Si Camille.

"Oo nga noh?" Suzi.

"Chinese!" Glaiza.

"Ah.. Many.. many Asian countries." Rhian.

"Ang timbre mataas...?" Suzi.

Rhian nodded.

"Ah okay..."

"Depende ata yun sa weather." Sabi ni Glaiza.

Natawa si Rhian sa sinabi nito. Tumawa din si Glaiza sa sinabi niya.

"Talaga? Sure ka dun?" Asar na naman Rhian sa kanya.

And here they are in their own little world again. |°з°| Hahaha.

"Eto, #3. Messy hair." Camille finally said proceeding to the next one on their list.

"Oh, nakakasexy pala ang messy hair e." Ani Suzi.

"Eh bat nagsusuklay pa tayo?" Ginulo tuloy ni Camille ang buhok niya.

"Korek." Suzi.

Ang nakakaloka, tawa pa rin si Glaiza, at tawa pa rin si Rhian sa mga sandaling yun.

"Hahaha. Anlabo." Sagot ni Glaiza kay Rhian sa pang-aasar nito sa kanya kanina.

Naku, naiwan na naman ang RaStro sa sarili nilang mundo for the third time. Lol. Hindi pa rin makaget over sa husky voice topic.

"Messy her. Messy her? Messy hair, girls!" Kinuha na ni Camille ang atensyon nila nang mapansin na hindi sila nakikinig. Haha.

"Talaga?" Sabi na lang ni Glaiza nung finally e makabalik na sila sa mundo ng MARS at nagdepart na sa mundo ng RaStro.

"Ah ako minsan.. sadya ko nga siyang mine-messy e. Hahaha." Ani Rhian.

"So, dapat pala hindi ako nagpa-plantsa." Si Glaiza.

"Oo, e kasi si Rhian, nakikita ko nga sa IG niya, laging messy yung hair niya. Yung parang ginanun lang oh. Tapos, nag-OOTD na siya. Ganon." Sabay hawi ni Camille ng buhok trying to demonstrate how it looked like.

"Oo. Oo. Di pagka.. pagka nasa work kasi ako, alam na.. diba.. syempre.. lagi akong nakaayos. So pagka day-off, parang gusto kong nae-experience yung ganon.. Solenn Heussaff messy hair!" Pagpaparinig ni Rhian kay Glaiza. Alam niya kasi na girl crush ito ng girlfriend niya. Napangiti tuloy ito nang wala sa oras.

"Yes, correct." Second the motion naman ng dalawang hosts.

"Eh kasi ganyan yung mukha mo.." Ani Suzi kay Rhian. Biglang tawanan tuloy ang lahat. "So, kahit i-messy mo yung hair mo, ayos ka pa rin, maganda ka pa rin. Hahaha."

Hindi na napigilan ni Rhian tumawa, lalo na si Glaiza na ngayon ay napacover na ng mouth habang nakatingin sa katabi. Pati mga taong nanunuod sa

You are reading the story above: TeenFic.Net