Bago lisanin ng mga tao ang daigdig na ito, kaniyang pinagbubulay bulayan kung ano ang mga mahahalagang bagay sa ating buhay.
Ginawa ito ni Hesus ng ipaliwanag Niya ang kahalagahan ng tubig Bautismo bago SIya umakyat sa langit. Ito ay nakatala sa Mateo 28:19" 19Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, v20at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan."
Ang mga talatang ito ay nagpapahayag na ang bawat taong ating maakay sa Panginoon ay kailangang mabautismuhan. Hindi lamang ito inutos ni Hesus, ginawa NIya ito. Siya man ay nabautismuhan. Ito ang panimulang hakbang ng Panginoon Hesus Kristo sa Kaniyang paglilingkod. (Mateo 3:15). Narito ang ilang katanungan tungkol sa bautismo:
Ano ang Bautismo?
Ang bautismo ay nangangahulugang mailubog sa tubig, at hindi lamang mawisika nito. Ito ay ipinapahayag na orihinal na salitang Griyego. Ang salitang "bautismo" ay nabuo sa pamamagitan ng paglalakip ng pantig na "IZ" sa salitang ugat ng "BAPTO", na nagiging "BAPTIZO" na nangangahulugang "ilubog ang isang bagay sa tubig, at pagkatapos ay iahon muli" Tuwing tumutukoy ang Bibliya ng "bautismo", ito ay nangangahulugang "ilubog".
Mga Uri ng bautismo
Bautismo ng pagsisisi. Ginagamit ng DIyos si Juan Bautista upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi. Siya ang naghahanda ng daraanan ng Panginoon. Tinawag niya ang mga tao upang magsisi sa kanilang mga kasalanan, sa ikapagpapatawad ng mga ito. Pagkatapos sila ay binautismuhan upang tatakan at selyahan ang kanilang desisyon, at bilang isang patotoo ng kanilang pagsisisi at pagbabagong buhay.
At dumating nga sa ilang si Juan, nagbabautismo at nangangaral.
"v4At dumating nga sa ilang si Juan, nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos." v5Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan. " Marcos 1:4-5
Itinuro ni Juan Bautista na dapat nating ihanda an gating sarili sa tubig bautismo, at gawin ito na may tunay na pagsisisi.
Kinakailangang tapat ang inyong mga puso, 'di tulad ng sa mga Pariseo at Saduceo na lumapit upang magpabautismo(Mateo 3:7-8) Sila'y hinamon ni Juan Bautista, silay nagsisi. Hindi nais ng Diyos na tayo ay mabautismuhan dahil lamang sa patupad sa tradisyon o relihiyon. Ang bautismo ay isang buhay na patotoo ng pagbabago sa ating buhay—na tayo'y mabuhay upang mabigyang lugod ang Diyos.
Ang Bautismo ng pagsunod.
Apatnapung araw matapos ipanganak si Hesus, Siya ay hinandog sa templo sa harapan ng Panginoon(Luk 2:22). Gayunman Siya'y nabautismuhan lamang nung Siyay tatlong pung taon gulang na.
13Si Jesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo. 14Sinansala siya ni Juan na ang wika, "Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!" 15Ngunit tinugon siya ni Jesus, "Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos." At pumayag si Juan."(Mateo 3:13-15)
Si Juan Bautista ay nagsagawa ng bautismong nagpapatunay na pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan. Sapagkat si Hesus ay walang anumang kasalanan. Tinanggihan Siyang bautismuhan ni Juan. Subalit sinabi ni Hesus na kailangang gawin ito upang matupad ang kalooban ng Diyos.
Isang Panibagong Buhay.
Ang salitang katwiran ay isang pagkakasalin ng "dikaiosune", isang salitang griyego na nangangahulugang "wastong katayuan", "pagtanggap ng Diyos", "mga gawang kalugod lugod sa Kaniya". Tinupad lahat ni Hesus ang mga utos ng Diyos upang maibigay sa ating ang katayuang ito, kabilang na ang bautismo. Ang bautismo ay isang hakbang ng pagsunod. Ito ay ginawa ni Hesus upang matupad ang gawain. Ang sabi ni Mateo 3:15 sa isang makabagong salin, "Juan!" ang sagot ni Hesus, bautismuhan mo ako, sapagkat nararapat nating tuparin ang iniuutos ng Diyos."
Kaya, bakit tayo kailangang mabautismuhan? Itinuro ng kautusan na ang binabautismuhan sa tubig ay mga patay na sa dating pagkatao at siya'y mayroon nang panibagong buhay.
Ayon sa Roma 6:4, "Samakatuwid, tayo'y namatay at nailibing na kasama Niya sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo namay nabuhay sa isang bagong pamumuhay.
Paghahanda para sa Bautismo
Mananampalataya. Ang lahat n gating gawain bilang Kristiyano ay nangangailangan ng pananampalataya. Ang sabi ng Etiopeng Eunoko kay Felipe, "May tubig dito? Ako ba'y hindi pa maaring mabautismuhan?" sinabi sa kaniya ni Felipe, " Maari kung sumasampalataya ka ng buong puso." Sumagot siya, "Sumasampalataya ako na si Hesu Kristo ay anak ng Diyos." Pinatigil ni Eunuko ang karwahe, lumusong silang dalawa sa tubig, at binautismuhan siya ni Felipe.(Gawa 8:36-38)
Ang Bibliya ay nagtala ng mga halimbawa ng mga taong dagliang nabautismuhan pagkatapos manampalataya kay Hesus(Mga Gawa 2:41) ang bantay bilangguan at ang kaniyang pamilya sa Filipos(Mga Gawa 16:33); is Crispus, ang tagapamahala ng sinagoga, at ang kaniyang sambahayan(Mga Gawa 18:8). Sa lahat ng mga ito, ang bautismo ay nangangailangan ng pananampalataya.
Ang isang pangunahing katangian ng mga ito ay ang simpleng pananampalataya lamang upang mabautismuhan. Kaya naman kinakailangan nating magpabautismo kaagad pagkatapos manampalataya kay Hesus.
Magsisi. Kinakailangan munang magsisi sa kasalanan bago tayo magpabautismo. Ang "pagsisisi" ay salin sa salitang Griyegong "metanoeo" na nangangahulugan pagbabago ng isip at layunin. Sa bagong tipan ito ay tumutukoy sa "pagbabago para sa ikabubuti". Ang bautismo ay nangangailangan ng pagsisisi. Ito ay pagkamatay sa nasa ng laman, masamang gawi, at lahat ng bagay na "mali" sa mga mata ng Diyos, kahit na "tama sa ating paningin"
Nang si Pedro ay nangaral ng kanyang kauna-unahang sermon, nagtanong ang mga tao: Ano ang dapat naming gawin?" ang sabi ng mga Gawa 2:38, "Sumagot si Pedro, "pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Hesu Kristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo."
Ipinapakita sa sagot ni Pedro, na kung nais nating mabautismuhan, kailanganf nating magsisi. Tandaan, ang pagsisisi ay pagbabago ng isip at layunin, na nagpapakitang si Hesus na ang namamahalasa ating mga buhay.
Mga pagpapalang dulot ng Bautismo
Ang Bautismo ay may espesyal na layunin sa espiritwal na daigdig. Tayo ngayon ay nabubuhay muli sa isang bagong buhay na kalugod-lugod sa Diyos. Ito ang nagbubukas sa ating daraanan ng mga pagpapalang natanggap ng ating panginoong Hesus, nang Siya'y mabautismuhan.
"v16Nang mabautismuhan si Jesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. v17At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!" (Mateo 3:16-17)
Nang ating iwan ang kasalanan, wala ng hadlang na namamagitan sa atin at sa Panginoon. Tayo ay malayang makalalapit sa kaniyang presensiya. Mabubuksan ang langit para sa atin at mapagtatagumpayan natin sa Espiritwal na daigdig ang mga bagay na nais natin sa materyal na daigdig. Itinuturo ng Isaiah 59:2 "v2Ngunit ang sala mo Ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, At siya ring dahilan sa paglalayo ninyo."(Isaiah 59:2) na ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa Diyos. Kung mapagtatagumpayan natin ang hadlang na ito, walang makapaghihiwalay sa atin sa Diyos.
Bumaba ang Espiritu Santo sa ating Panginoon.
Kapag tayo'y nabautismuhan na, mabubuksan an gating Espiritwal ana paningin sa Espiritu ng Diyos. Ito ang magbibigay sa atin ng patnubay mula sa Diyos.
Pinagtitibay ng Ama ang kaniyang pagtanggap kay Kristo.
"Ito ang minamahal kong anak na lubos kong kinalulugdan!" Binigyan niya ng patnubay si Hesus, na bagamat Siya ay nasa anyong tao, Siya parin ang minamahal niyang Anak, Ipinahayag Niya rin ang kanyang pagkalugod dito.
Habang tayo'y binabautismuhan, pinatitibay ng DIyos ang ating pagiging anak sa Kaniya. Tayo ay kaniyang minamahal, kapag tayo ay nabautismuhan, matatanggap natin ang lahat ng ito, at ang lahat ng ating pagpapalang nagmumula sa Diyos habang tayo'y nananampalataya sa Kaniya.
"v15Ngunit tinugon siya ni Jesus, "Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos." At pumayag si Juan."(Mateo 3:15)
MGA PAGSASANAY
BAUTISMO: ISANG HAKBANG NG PAGSUNOD
Ano ang unang hakbang na ginawa ni Hesus bago nagsimula ang Kaniyang Ministeryo?(Mateo 3:13-17)
Ano ang ginawa ng bantay bilangguan na taga Filipos nang narinig niya ang Mabuting Balita?(Mga Gawa 16:29-33)
Kailan?(Mga Gawa 16:33)
Anu-ano ang uri ng Bautismo?
Ano ang bautismong ginawa ni Juan Bautista?
Anu-ano ang mg dapat gawin bago magpabautismo?
Sa Mateo 3:7-8, ano ang iniutos ni Juan Bautista sa mga Saduceo at Pariseo?
Tandaan: Bago Mabautismuhan, kailangang ipakita ang pagbabago na nagpapakita ng tunay na pagsisisi.
Ayon sa Lukas 2:22, nang si Hesus ay bata pa, Siya ay:
Sa Mateo 3:13-15, anong uri ng bautismo ang ginawa ni Hesus?
Ano ang ibig sabihin ng "Dikaiosune"?
Batay sa huling katanungan, bakit nabautismuhan si Hesus?
Alin sa dalawang uri ng bautismo ang dapat kang mabautismuhan at Bakit?
Pag-isipan: Kung ang tubig bautismo ay hindi mahalaga, bakit nabautismuhan ang Panginoong Hesus?
Ayon sa mga Gawa,10:47-48, ang bautismo lang ba ng banal na Espiritu ang kailangan?
Ano ang dapat kong gawin upang mabautismuhan?(Marcos 16:16)
Ayon sa mga gawa 2:38, kinakailngan kong:
Bilang tanda o katibayan ng aking katayuan.
Anu-ano ang pagpapalang ibinigay kay Hesus nang Siya at nabautismuhan(Mateo 3:16-17)
Kapag tayo'y nagpabautimo, pinatutunayan nating tayo ay mga anak ng diyos, at siya ay nalulugod sa atin.
You are reading the story above: TeenFic.Net