02 :: In My Arms

Background color
Font
Font size
Line height

           I hope someone will give me hug, life's been suffocating me, and I can't barely take a deep breath to appreciate everything that my naked eye can see.

Tiningnan ko sa papag si Laure na mahimbing na natutulog. I patted her head before cooking breakfast, I'm taking her home this morning. Kinuha ko ang hotdog sa ref at hiniwa ko sa maliliit. Sizzling hotdog na lang tapos fried rice.

While waiting the oil to heat up, nag headset ako and listened to some music to hype my morning. 'Here in my Arms' by The Vowels They Orbit started playing.

Here in my arms I'll keep you safe.
I'll keep you warm.

Yakap, ang tanging libreng gamot na kayang hilumin ang pinaka malalim na sugat sa puso mo. Ngunit pinaka mahirap rin matangap.

Here in my arms,

I'll make you feel like you belong

"You'll never find that you're alone," I hummed the remaining lyrics and vibed to the music.

It's so nice to have a crying shoulder, and a safe haven na anytime pwede nating iyakan. Having their presence that makes you feel secured and loved.

Someone who's willing to listen to all of our problems, and rants without judging us. And someone who will stay throughout our ups, and downs.

If you have those.... you're lucky. Keep them alright?

"Good morning ate," she greeted me and smiled.

Para sa batang ako, kita mo 'yun? wala na tayong gan'yan dito. Wala na ang mga ngiti natin sa labi, na makikita sa mata ang saya. Wala na.

"Patapos na ako, mag hilamos kana sa banyo," she immediately followed what I said. Habang nag hihilamos siya ay hinanda ko na agahan.

"Kain na, mamaya iuuwi na kita sa pamilya mo," umupo ako at nag sandok. "Ayoko, sa'yo na lang ako," pag pupumilit pa nito... sadness can be felt from his tone of voice. "Aba kapag ako nakasuhan nang kidnapping ha." I joked.

Maling pasok ng biro Yza, hindi natuwa 'yung bata.

"Uuwi kana sa pamilya mo, maliwanag?" Tinutukan ko ito ng tinidor na may hotdog bago ilagay sa plato. "Pamilya? Pamilya pa ba ang tawag d'on?" I stopped nang sabihin niya iyon.

"Oo sila nag dala sakin dito sa mundo, oo nasa iisa bubong kami. At oo sila nagpapakain sakin para mabuhay ako. Pero 'yun na 'yun, kasi hindi ko ramdam eh," Hindi ko alam ang sasabihin ko.....

"Dinala nila ako dito sa mundo para pahirapan? Nasa iisang bubong kami, pero bakit hindi ko sila kakampi? Sila bumubuhay sakin physically, pero pinatay na nila ako sa kaloob looban ko.......Tell me ate.....pamilya pa po ba?"

______

Nag bayad na ako sa jeep at bumaba na. Papunta na kami ni Laure sa bahay nila, at paano ko ito napapayag? Hindi ko na rin alam.

Umiyak siya sa harapan ko kanina habang nakain kami, at wala akong nagawa kung hindi ang bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Wala yata si mama nasa work," nasa labas na kami ng pinto at sobrang ingay sa loob. I knocked, and someone opened the door. Yumakap saakin si Laure na parang sinasabi niya na umalis na kami. "Laure? pasok kayo"

This house feels so strange.

Parang.....

Nvm.

Pagkapasok namin ay nanahimik ang lahat.

I roamed my eyes around the house, ang daming tao, at ang daming handa. Napatingin ako sa tarp na nakasabit sa may bintana. ' Congratulations for ranking top 2 in class Primo!'

Primo?

Habang nasa labas pa lamang ay sobrang bigat na sa pakiramdam, hindi ko alam kung ano o kung bakit. Pero may kirot sa puso ko. Para akong dinudurog ng pa ulit ulit dito sa bahay na ito.

"Maraming salamat anak, ibinalik mo si Laure saamin," sabi saakin ng papa ni Laure at may iniaabot saakin na pagkain.

Anak.....

"Close kaba kay papa mo?" I asked her, and she nodded. Hearing those words from him makes my heart aches. "Uuna na po ako, dinala ko lang po si Laure dito," Inubos ko lamang 'yung pansit at nagpaalam na.

I looked at Laure na dismayadong nakatingin sakin bago tumakbo papasok sa isang kwarto. "Laure hindi kana bata aba! Anong kaartehan na naman 'yan???" Her mother shouted.

Hindi ko na kaya.....

" Ingat ka Yza anak ha, salamat sa pag uwi kay Laure," I can't hold it anymore, niyakap ko ang lalaking nasa harapan ko habang tumutulo ang luha ko.

Ang tanging yakap na hinahanap ko. Isang yakap ng ama. Ang yakap na nakasanayan ko noong bata pa ako.

Tuwing may umaaway saakin, yakap niya ang handang magpatahan saakin.

Papa....

Sa kabilang banda, ay nakarinig ako ng malakas na tunog nang pagkaputol nang isang plastic na bagay, at ang pag iyak ng isang bata. "Saan ka nang galing ha??"

"Ngayon kapa talaga uuwi?? alam na alam mong may mga bisita ang Kuya mo??"

Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang ginawa ng mundo, o kung glitch, multiverse pa man ito.

si Laure.

Itong bahay na ito.

'Yung babae.

Si Primo.

At ang kayakap ko ngayon.

Sila ang pamilya ko.

Si Laure ay ang batang ako.

Itong bahay na ito, dito ko naramdaman ang lahat ng sakit at luha.
Si Kuya Primo, na kahit kailan ay hindi ko ikinaingitan, sa halip ay todo supporta pa ako. Kahit na pinagtatabuyan niya ako.
At ang kayakap ko ngayon.

Si papa.

Si papa, na nag iisang nagmahal sakin. Ngunit binawi saakin ng mundo. Napaka daya.

"Ayos ka lang ba anak?" mas hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya. Ayoko. Ayokong bumitaw.

Kaya pala sobrang sakit nong unang tapak ko dito. Kaya pala ang bigat bigat sa pakiramdam.

Nangako ako dati bago ako umalis dito, bago mamatay si papa. Na hinding hindi na ako babalik sa lugar na ito. Dahil sakit, luha at puro paghihirap ang naranasan ko dito.

Ito ba ang sinasabi ni Laure na pamilya niya?

na pamilya namin.

Kaya ba...

Kaya ba, nag tatanong siya that time sa elevator, kung ganon kalupit ang mundo saamin.

Kaya ba ayaw niyang mahiwalay saakin, dahil ako na lang ang nandyan para sa kan'ya? Dahil ako na lang ang kakampi niya?

Ang dami.

Ang dami kong tanong na nasa utak, kung bakit at paano nangyari itong lahat.

"Shhhh tahan kana, hindi natin sila kabati diba?" those words....

Those comforting words na lagi niyang sinasabi saakin tuwing naiyak ako.

"Papa, hindi ko na po kaya," I cried harder and he patted my head. "Alam ko... alam ko... Pahinga ka muna anak. Nakakapagod talaga pero huwag kang susuko."

" Papa wala na akong kakampi dito....."

___________

Yakap para lahat!! Mahal ko kayo!!

-karamel


You are reading the story above: TeenFic.Net