sagot na walang katanungan

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi malaman ang kasagutan, dahil hindi alam ang katanungan.

Nasaan ang labasan, kung hindi ko naman alam kung paano ako nakapasok sa pintuan. 

Puro kaguluhan, pero naghahangad ng kaayusan.

Nasan ang katotohanan, kung ang mga  nakapaligid ay puro kasinungalingan.

Ang mundo ay bilog, pero ang mga tao ay nasa loob ng tatsulok.

Ang mga nasa itaas ay lalong itinataas, at ang mga nasa ibaba ay mas lalong binababa.


You are reading the story above: TeenFic.Net

#paghilom