CHAPTER 5

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 5

ANG LAPAD NG NGITI ko hanggang sa makarating ako sa library na siyang usapan naming apat na mag kita kita, dahil hindi kami nabubuo simula noong pasukan. Gusto ko rin naman yun dahil marami na yata akong naiipon na kwento tungkol sa akin at kay Yohan my baby! Pagkarating ko nga doon ay nakasalubong ko pa si Princess, nakangiti siya na nakatingin sa cellphone niya pero nawala iyon ng mag tama ang tingin namin.

"Hi, naibigay mo ba sakanya?" tanong niya, tumango naman ako. Kung hindi ko pala ibinalik ang hoodie na yun ay baka hindi ko makikita ang matamis na ngiti ni Yohan sa akin.

"Salamat sayo..." sabi ko na may makikitang ngiti sa labi ko. Dahil sayo nakita ko na naman siya..

Bahagyang napakamot siya sa kanyang sintido, "Ha, diba ako dapat ang mag pasalamat sayo?" kunot noong tanong niya.

"Oo nga pero salamat din sayo.."

Tumango siya at derektang tumingin sa mga mata ko may kaunting katahimikan ang nabalot sa aming dalawa bago napagdesisyonang siya ang unang nag salita, "May gusto ka ba kay Yohan?" tanong niya dahilan para matigil ako sandali pero napalitan din agad iyon ng ngiti.

Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sakanya yung totong nararamdaman ko para kay Yohan, mukha namang hindi siya interesado kay Yohan dahil ako nga ang inutosan niyang iabot kay Yohan ang hoodie na ipinahiram sakanya. "Ikaw, hindi ka naman interesado sakanya tama?" balik na tanong ko sakanya, gusto kong makomperma mismo sa bibig niya.

Kinabahan ako bigla sa sariling tanong, bakit ko nga pala naisipang itanong iyon sakanya kung alam naman natin ang sagot diyan. Rinig ko pa ang mahinang pag tikhim niya para sumeryoso narin ako, "Wala 'no! Bakit naman ako mag kakagusto dun?" mahinhing sagot niya, pekeng humalakhak din ako.

Akala ko kapag nalaman ko ang inaasahan kong sagot sakanya ay baka mag karoon ng world war three sa aming dalawa, but thankfully wala. Dahil wala naman siyang gusto sa kay Yohan. "His just a peace of paper for me...Parang papel na ginagamit mo lang saglit tapos itatapon mo na lang din sa basurahan. Hindi yata worth it, 'di ba?" hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero hindi ko gusto ang pagkasabi niya noon tungkol kay Yohan.

"Grabe ka naman kay Yohan, hindi naman siya isang papel lang na kapag nagamit na ay itatapon agad sa basurahan." balik ko sakanya para ikahalakhak niya naman.

"Sorry pero ganoon talaga e." kibit balikat niyang sagot.

Napatingin ako sa ibang dereksyon ng mag igting ang panga ko bigla nalang kasing umabot sa ulo ko yung inis. "Para sa akin kasi, mas mahalaga pa siya kaysa sa papel... Kung papel ang tingin mo sakanya na basta basta nalang itatapon sa basurahan well para sa akin...his more than for it, He's a treasure waiting to be discovered by someone who knows his true worth." napapangiting sabi ko.



Narinig kong muli ang impit na tawa nito, "Hindi ko alam na seryoso ka, nag bibiro lang naman ako tsaka sa sinabi mo mukhang gustong gusto mo nga si Yohan." Sabi niya at bumalik ang palagi niyang hitsura, ang pagiging tahimik at mahinhin.


Sinundan pa ng mga mata ko ang pag lagpas sa akin ni Princess. Kung seryoso siya sa sinasabi niya baka hindi na ako makapag pigil, akala ko tahimik at walang pakialam ang babaeng yun. May alam din pala.

Speaking of the most famous, kadadaan palang ng Kuya niya at halos pagtilian na siya ng mga babae sa daan. Biglang tumama din ang tingin ko sa kaibigan ko, anong ginagawa niya diyan sa ilalim ng puno.

"Hoy, Isha!" pag tawag ko rito at mukhang narinig naman, lumingon lingon naman ito para hanapin ang boses na tumawag sakanya.

"Ginagawa mo diyan?" takang tanong ko sakanya habang papalapit sa akin.

"Pupunta sa library." simpleng sagot nya sa akin at kinuha ang braso ko para kumapit doon.

"Pupunta sa library pero nasa iba yung tingin?" pag huhusga ko agad sakanya.

Umiwas siya ng tingin walang balak na mag paliwanag, tuluyan na kaming nasa loob ng library at nag aantay na si Selene. "O, akala namin nandito narin si Ruby?" tanong ni Veniceia.

"Wala pa baka busy sa DLC, alam niyo naman dati niya na talagang gusto sumali sa mga ganyan." parehong napatango nalang kami ni Veniceia.

"Napag planohan na nga natin 'toh tapos wala pa siya." reklamo ko.

"Nga pala, nag apply ako ng part timer diyan sa Tea Bliss Café, dyan lang malapit sa school." Masayang sabi ni Veniceia.

"Bakit pa? Ayus naman yung trabaho ng mga magulang mo ah..kulang pa ba?"

"Yun na nga e, sabi kasi ni Mama dapat habang bata pa ako marunong na akong dumeskarte kaysa sa bahay lang ako kapag walang klase, nag susulat ng mga kung ano-ano kaya ayan nag try nga ako."

"Ay wow, sige pag may time tayo milk tea tapos dapat libre mo Veniceia!" turo ni Selene sakanya.

Napatawa naman ako ng makita ang busangot sa mukha ni Veniceia. "Hindi pa nga nag sisimula, papalibrehen mo pa ako!"

Malapit na sanang mag katampuhan ang dalawa ng may sumingit sa usapan dahilan para mapalingon kami ng marinig ang boses ni Ruby. "Anong libre libre yan?" tanong niya, ayos na ayos pa yung buhok niya.

"Uy, bakit ka late?!" usal sakanya ng dalawa.

"Ehh...pano may meeting sa auditorium para sa papalapit na screening dun sa mga gustong mag DLC, alam niyo naman na gustong gusto ko yun." Sabi niya habang napa pout pa, akala niya naman talagang nag tampo kami. Supurtado naman namin ang isa't isa sa mga gusto namin.

"Ah guys, may sasabihin ako sainyo." pag putol ko sa singkitan nila.

Lahat sila napatingin sakin, "Ano na naman yan?"

"Kasi feeling ko may pag-asa na ako kay Yohan!" pigil kilig na tugon ko sakanya.

Napangiwi silang lahat sa sinabi ko, "Bakit?" natatakang tanong ko.

"Nakoh Micay, sure kana diyan?" tanong ni Ruby.

Tumango ako na buo ang loob, "Uhm."


May pag dadalawang isip naman ito sa mukha, "Pero... Diba sabi may girlfriend na yon?"

"Ano? Fake news yan.." mabilis kong sagot.


Sino naman ang gamo gamong nag sabing may girlfriend na ang lalaki, e sa pag kakaalam ko lang naman ay wala naman siyang kinikitang babae except nga lang kay Princess na kaibigan ang Kuya niya.


"Meron daw, rinig ko yung kapatid daw ni Laixhen." sabi pa nito na malakas kong ikinatawa pero bigla akong winarningan ng librarian.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko habang natatawa parin.


"Hindi ko alam na nakikinig kayo ng mga tsismis na peke, ito ang totoo. Nakausap ko si Princess kanina at ang sabi niya wala siyang gusto sa lalaki at mukhang non interested siya kay Yohan!" proud na sagot ko sakanila dahilan ng pag tango nila, mukhang hindi pa naniniwala sa sinabi ko.


Bahala sila kung ano ang gusto nilang paniwalaan, basta ako itutuloy ko na talaga yung pag kagusto sa lalaking yun. "Basta kapag nasaktan ka wag kang lalapit samin ah?" dagdag naman ni Veniceia.


Inirapan ko siya, "As if naman sayo na walang pag-asa dun sa pafamous na lalaki." maktol ko sakanya kaya tumawa naman ang dalawa habang ang sama ng tingin sa akin ni Veniceia.


Hindi ko kasama si Veniceia sa pag-uwi ngayon hindi sa nag tatampo siya kundi ito ang unang araw niya sa trabaho na pinasukan niya. Gusto mag paka independent ang babae, good luck nalang sa pag kaintrovert niya.


Naglalakad lang ako habang nakikinig ulit ng music song ni Taylor, habang sinasabayan ito sa pag kanta. Damang dama ko pa e, parang nasa concert lang ang dating. Wala akong paki kung may mag sabing baliw na ako basta...


"You belong with me...~♪♪"


Wala akong pake kahit pa may makakita pa sa aking iba na para akong tanga, basta pakiramdam ko lang ay nahuhumaling na ako ng sobra.

"Can't you see that
I'm the one who understands you?
Been here all along
So, why can't you see~
You belong with me~"

"Sino bayan?" natigilan ako, sa boses na iyon mukhang ang kantang kinakatanta ko ang tukoy niya.


Tinanggal ko sa isang tenga yung headset ko ng makita kong nasa harapan ko siya, mukhang pauwi narin ng makita ako. "Hi!" nakangiting bati niya dahilan para mahawaan din ako ngiti niya.


Shit. Lumalapit na siya sa akin, kahit hindi na ako mag papansin? "Pasensya kana, ang ingay mo kasi sa daan kaya nilapitan kita.." dagdag niya pang sabi bago lumingon lingon sa daan na siya ko namang ginawa.


Marami nga akong nabulabog mukhang hindi nagandahan sa boses ko, kainis naman akala ko nagandahan si Yohan sa boses ko. "Ah, hahaha!" malakas kong pekeng halakhak.

"Pauwi kana?" tanong niya, tumango naman ako.

"Sabay na tayo." dagdag niya.

My eyes winded, totoo ba 'toh? Nakasama ko na siya kanina tapos kasama ko pa pauwi?

"Ha, diba kasama mo si..."

"Nakauwi na siya, kasama si Xhen." saad niya na ikinatango ko naman.

Pero sa totoo lang mas okay nayun, hindi ko gustong nakikita siyang makasamang ibang babae. Wala akong pake kung mag mukha akong girlfriend niya, pero wala din akong pakealam kung kaibigan niya si Princess.


Kinakabahan ako kung paano ko ulit siya kakausapin, nahihiya kasi ako kapag siya na mismo ang lumalapit. Hindi kasi ako sanay na mismong ang lalaki ang nag papapansin mas gusto ko kasing ako yung papansin.

"Kaklase mo pala si Ivy?" tanong niya, iyon ang pangalawang pangalan ni Princess, PRINCESS IVY MONTEFIORE.


Sa tingin ko siya at si Laixhen lang ang tumatawag sakanya ng pangalang iyon. Nakakainggit masyado na silang close samantalang ako wala man lang sa kalingkingan ng babaeng yun. Pero di bale, alam kong wala namang namamagitan sakanila.

"Yohan..." Nag lalakad kami pero nilingon niya ako nga tawagin ko ng mahina ang pangalan niya.

"Pwede ba kitang tanungin?"

"Sige, para saan ba?" ang bait nya talaga kung mag salita.

Halos yatang lahat ng nakakausap niya ay mapapaamo niya sa bait. Lalo naman ako, isang ngiti, at isang dampi lang ng kamay niya sa akin para na akong mahihimatay. Kakaiba din talaga ang karisma niya may pag ka cool na mabait.

"Kasi...ano.."

Ano nga ba dapat ang itatanong ko sakanya bakit parang nawawalan na naman ako ng mga salita.

Hindi siya nag abalang mag salita pabalik dahil nag-aantay siya. Gusto niya yatang malaman ang sasabihin ko sakanya.

"May gusto ka ba kay Princess?"


Shutek, anong klaseng tanong yun..tangina palpak. Baka makahalata siya, baka sabihin niya na may gusto ako sakanya o baka tanungin niya rin ako pabalik na kung may gusto din ba ako sakanya?



Humalakhak siya sa magaan at malumbay niyang boses, ang kanyang mga mata ay halos naniningkit na. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nasabi ko para tawanan niya lang, pero sa sinabi ko nga ay mukhang hindi siya komportable. Ang kapal naman ng mukha kong mag tanong diba?

Seryoso ako, seryosong pinagmasmasdan ang mukha niya. Sobrang kinis at amoy na amoy ko ang pabango niya kahit sa uwian na ay halatang hindi pinag-papawisan parang amoy baby. Baby ko!

"Meron."

"Ha?"

Anong ha? Ibigsabihin may gusto nga siya dun sa babae, bakit ako malulungkot e hindi ko naman mapipigilan ang sarili niyang mag kagusto sa iba. Bakit ko pa kasi naitanong iyon, ayan tuloy may sampong kutsilyo yata ang tumurok sa puso ko.


"Meron akong nagugustuhan, pero hindi si Ivy." Seryoso ang mukha niya kaya clueless talaga ang mukha ko kung sino.


Pero kung hindi si Princess, sino? Ano bayan ang daming tanong na naman ang pumapasok sa utak ko. Ayuko ng mag salita at tanungin pa siya baka mas lalo lang akong madurog hanggang sa hindi na mag pakita pa sakanya.

"Bakit, may gusto ka bang ireto sa akin?" namula ako, sa hindi malamang dahilan pero may kirot parin akong nararamdaman sa dibdib ko.

Oo.



Gusto kong ireto yung sarili ko sayo! Pero syempre hindi pa sa ngayon, gusto ko siya at magaan ang loob ko kapag nakikita ko siya sa malapit man o sa malayuan pero hindi pa sa ngayon. May tamang oras at panahon din baka isang araw, siya narin ang mag sabi sa akin na...



"Gusto kita Micay..."


You are reading the story above: TeenFic.Net