CHAPTER 37

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 37

HANGGANG SAAN NGA BA ANG HANTUNGAN ng ating pag mamahalan, hanggang saan nga ba aabot ang ating kwento na hindi alam kung hanggang dito nalang ba tayo?

Ang hirap pakawalan ang salitang, pinapalaya na kita... Tanggap ko ng hanggang ganito nalang mag tatapos ang kwento nating dalawa. We both chose to be happy, to be sad, to be confused, we choose to laugh together and in the end it was just all a dream. A dream that I don't want to awake anymore hanggang sa nandiyan kapa, hanggang sa nakikita pa kita.

Gusto kong pakinggan ulit ang boses mo habang kinakantahan ako, gusto kong pagaanin mo ulit ang dibdib ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Nakaupo na muna ako rito sa labas ng kwarto ni Yohan habang kasama niya ang kanyang buong pamilya. Para sakanila ay mahirap din na makita ang bunsong anak na nag hihirap dahil sa sakit na matagal niya ng dinadama. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapakali, ang doktor ay paparating palang.

Umangat ang tingin ko ng lumabas ang mga magulang nito na nakasunod naman ang mga kapatid ni Yohan. Tipid na ngumiti ako sakanila ng mag tama ang aming mga tingin, si Ms. Vera na kanyang Ina ay halos makasubsob na sa dibdib ng kanyang asawa at kitang kita ko rin ang lungkot sakanilang mga mata. At mahirap din yon para sakin.

"Hija, gusto kang makausap ni Yohan..." ang kanyang asawa nalang na si Mr. Almente ang nag sabi.

Bago iyon ay naramdaman ko nalang ang pag dapo ng yakap nila sa akin. Ang bigat sa pakiramdam at hindi mo alam kong ano ang dapat na maging emosyon mo sa ngayon.

Pagkapasok ko palang sa buong silid ay napakakalmadong paligid ang nanaig sa buong silid. Ang hirap huminga, ang hirap isipin na baka kinabukasan ay hindi ko na ulit siya makita. I smiled even if it hard I smiled because I want him to see me that I'm fine even if it's not.

"I know it's hard..." sabi niya sa mahinang boses, halos nahihirapan narin siyang mag salita na lalong ikinabibigat ng puso ko.

"But you need to..."

Umiling iling ako pilit na hindi pinoproseso ang mga salitang binibitawan niya, "No. Yohan.. please,.."

He smiled again, ang mga ngiting baka hindi ko na naman ulit makita. Ang mga ngiting nag bibigay buhay sa akin na baka hindi na. "But... I need to, ayoko ng dahil sa akin ay nasasaktan kapa...maybe one day? In a right time at sa tamang panahon we can meet again." he said as he held my hands.

Ramdam na ramdam ko parin ang lambot at kinis ng mga kamay niyang nakadapo sa akin.

"Pero Yohan..." nanginginig na sambit ko.

"Kailan pa ang tamang panahon at oras na yan?"

"Maybe in another life." kahit hirap ay nagawa niya paring ngumiti.

"You promised?" I asked with a hope,

"This time...I let this promise be."

Napayuko ako habang patuloy sa pag daloy ang mga luhang nang galing sa aking mga mata. And maybe in another time? We can be together...

Ang kanyang kamay ay dumapo sa aking pisngi para punasan ang mga luhang iyon. He smiled sweetly. "I love you more than you know..."

As my tears falls down that was the last moment I saw his smile, ang kanyang mga ngiti na parating dadalaw sa panaginip ko, ang mga ngiting nag papagaan sa loob ko. At sa puntong iyon ay  ang pag pikit ng kanyang mga mata ay kasabay ng pag patak ng huling butil sa aking mga mata.

"I love you more than anything, Yohan Akhiro Almente."

Mahirap tanggapin ang mga bagay na hindi mo gugustuhing bitawan. Masakit sa mga taong iniwan ng mga taong mahal nila. Masakit makitang nadudurog ka dahil sa napakasakit na dinanas nito. He's a fighter, we are a fighter. Pareho naming pinagsaluhan ang masakit at masayang byahe sa buhay namin.

We also discovered that life is not just life to live but also it gaves us a lot of lesson, and the most beautiful part that Yohan and I have been through, is to enjoy our journey into love.

Sa huling pag kakataon ay mahigpit ko siyang niyakap, sa pagkakataon na iyon alam kong huli na ang lahat para marinig niya ang mga salitang iyon. Sana nandito nalang siya, sana kinayanan niya, sana hindi siya sumuko pero anong magagawa ko kong pati siya ay pagod na rin kahit pa sabihing hindi niya gustong humantong ang bagay na ito wala na tayong magagawa.

Sabihin na nating sa kahit kaunting panahon na yon, sa limang buwan na naging kami. Sa mga panahon na itinago namin ang nararamdaman namin sa isa't isa. Iyon ang naging tulay namin para maranasan ang iba't ibang ibigsabihin ng pag mamahal. Doon ko naranasan ang hirap, ang sakit, at ang madurog but at the same time doon ko rin natutunan na hindi pwedeng maging hadlang ang sakit para hindi ipagpatuloy ang laban sa buhay.

Wala na tayong magagawa kaya kahit sa huling pag kakataon maramdaman niya man lang nandito parin ako para sakanya. Kahit sobrang miss ko na siya...

Maybe one day, kung hindi sa oras na ito alam kong may tamang panahon na muling mag bubuklod muli ang aming mundo. 

"Mic?"

Napalingon ako sa nag salita, tinignan ko ito at si Ms. Vera...ngumiti ako sakanya. Gusto niya kasing makipag kita sa akin ngayon kaya wala na akong magawa dahil malapit na rin akong bumalik sa Manila. Kaunting araw nalang at aalis na naman ulit ako para ipag patuloy ang pag-aaral ko. Nakakalungkot mang isipin ay aalis na naman ako sa lugar kong saan ay marami akong napagdaanan.

"Magandang araw po... upo po kayo." magalang na sambit ko rito ng makalapit siya sa akin.

She just gave me a simple smile saka naupo. Ang aking mga kamay ay nasa ibabaw ng lamesa habang inaantay ang sasabihin niya. Nakapag order narin ako ng kape para sa aming dalawa.

"Kamusta po?" unang tanong ko,

"Hindi pa maayos pero magiging maayos din ako." sabi niya kaya tumango nalang ako.

"What about you?"

"Ganoon din po ako..."

"Well sana pareho natin makamit ang kaligayahan na inaasam natin, iyong wala ng sakit, wala ng kirot at hindi na mabigat sa dibdib."

"Tama po kayo...kahit mahirap alam nating makakayanan natin ito." pilit akong ngumiti.

"Kung wala lang siyang sakit, baka ikaw na ang naging future asawa niya... And I'll be glad of it.." natatawang saad niya,

"Salamat po." I smiled.

"Sa totoo lang I came her to gave you this also." Sabi niya at may bagay na kinuha sa kanyang bag.

"Po?" naguluhang tanong ko.

Inilapag niya ang medyo malaking box sa lamesa. Mula sa lamesa ay hinila ko ito papalapit sa akin para tignan ang nasa loob nito. Napakurap ako sa nakita, inangat ko ulit ng tingin si Ms. Vera, hindi ako makapaniwala sa nakikita.

"Mga picture ko po ito?

Ito ang mga litrato ko kong saan ay sa tingin ko ay nasa lugar kong saan kami nag pupunta noon. May roon akong litrato na nakangiti, mayroon din namang kumakain na halos ang dumi na ng mukha ko. May roon pang natutulog na parang hindi na humihinga. Bigla akong napangiti sa mga hitsura ko dahil dito, ganoon pala ako kaya bakit ako nagustuhan ni Yohan?

"Yes... And I'm giving that to you,"

May roon pa akong nahagip na litrato ko na pawang nakatingin lang sa napakagandang papalubog na araw. Dinadama ko ito sa bawat sandali, habang kasama ko si Yohan.

"Mga kinuhaan niya yang picture sayo, hindi ko nga alam bakit niya yan ginawa pero ang last thing I knew is, importante sakanya ang mga larawang mong yan. Noong wala ka palagi niya yang binubuksan para pag masdan, and I also caught him crying because of that."

"Mahal na mahal ka ng anak ko Micay, kaya sana kahit wala na siya patuloy mo parin siyang pahalagahan."

Tumango ako, "Kailan man ay hinding hindi siya mawawala sa puso ko Ms. Vera..."

May roon ding tumulo sakanyang luha, "Thank you, Micayla..."

Naiwan na ulit ako habang nakangiti parin pero naramdaman ko bigla ang pamamasa ng aking mga mata. Hinayaan kong tumulo na naman ulit ito dahil masaya ako sa bagay na 'toh.

May roon pang isang bagay na nakaagaw ng pansin ko. Kinuha ko iyon at tinignan, it was a letter.

To; Micayla
From; Yohan


You are reading the story above: TeenFic.Net