CHAPTER 33

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 33

"IT'S BEEN A WHILE SINCE I LEFT YOUR HEARTS BLOOD."

Ang aking mga mata ay tila hindi na maalis sa lalaking nasa harapan ko. Hindi rin ako nag kalakas ng loob para ibuka pa ang aking bibig, tanging ang pag masdan lamang siya ay ang aking ginawa. Tila nanumbalik ang mga alala ng nakaraan ngayong nasa harapan ko siya.


Mga panahong hindi ko pa alam ang aking ginagawa, mga panahon na kahit pilitin mong limutin ay wala ka ng magagawa. And that was the time when I don't know how to choose the right paths, and the right decision kaya ako napunta sa buhay na meron ako ngayon.


And now that I'm standing in front of him bakit kahit anong pag tanggi ko sa sarili ay hindi ko matatakasan ang salitang, sobrang namiss ko siya.



"B-bakit. . . bakit ka naka wheelchair?"


Ngayon ay naliwanagan na ang buo niyang hitsura, hindi parin maalis ang mga tingin ko sakanya ng may pag tataka at hindi ko rin maiwasang mag alala sa kondisyon niya. Ang kanyang pangangatawan ay parang mas pumayat at dahil sa ilaw na siyang nag bibigay liwanag sa paligid ay kitang kita din ang pamumutla ng kanyang labi.


Kahit na medyo malayo siya sa akin ay nahagilap ko parin ang pag alon ng lalamunan niya. Ambang lalapitan ko na sana siya ng biglang iatras niya ang wheelchair kong saan siya nakaupo ngayon.



"Anong nangyari sayo, Yohan?" hindi maalis ang tingin ko sakanya na ngayo'y namumuo na ang pag aalala sa aking dibdib.


Ang kanyang mga mata ay halos hindi na makatingin sa akin, "Bakit kapa umuwi?" mariing sambit niya sa akin dahilan para ikatigil ko.



Hindi ko alam kong galit ba siya sa akin, o dahil kaya nakaupo siya sa wheelchair ng dahil sa akin? Ako ba ang dahilan kong bakit siya nakaupo riyan.


"Y-Yohan anong nangyari sayo..."


Humakbang ako papalapit sakanya pero muli niyang inatras ang wheelchair niya. Ayokong iwanan niya na naman ulit ako kaya ako nalang ang sumuko at hindi na nag pumilit para lapitan siya. Kahit gustuhin ko mang malapitan at mahawakan siya, kahit gusto kong mag tanong o kamustahin siya ay hindi ko magawa.



"Dapat hindi kana umuwi! Dapat doon kana lang namalagi, ano pa bang ginagawa mo rito Micayla, umalis kana!" marahan akong napapikit ng marinig ang malakas niyang sigaw sa akin.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa sinabi niya, bigla nalang kumirot ang puso ko dahil galit siya sa akin. Galit na kahit hindi ko alam ay alam kong may malaking pasanin siya sa akin.


Bahagya kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking mga pisngi. Umayos ulit ako ng tindig at hinarap siya.


"Bakit hindi mo tinupad ang sinabi ko sayo noon, Yohan? Bakit mo hinahayaan ang sarili mong mag kaganyan—"


"Wala kana don, hindi mo na problemang problemahin ako kaya umalis kana!" mariing sigaw niyang muli na halos ikabingi ko na.



I gulped para palakasin ang loob ko. "I'm sorry kong nag pakita na naman ulit ako..." napayuko ako dahil ayokong matagpuan na naman ang sarili kong nasasaktan ng dahil sakanya.


Pero kahit anong tago at pag tanggi ko sa sarili ay palagi ko nalang nakikita ang sariling nangungulila sakanya. Pag katapos kong umalis sa lugar na iyon ay hindi parin mawala wala ang hitsura ni Yohan ngayon. Hindi ko siya maintindihan at kailangan niya pa akong pag tabuyan ngayon.


Kahit na masakit parin ang ginawa niya sa akin noon ay napatawad ko naman na siya. Hindi kaya may nangyari kaya siya nag kaganoon habang nasa Manila ako? Hindi kaya pinabayaan niya ang sarili niya dahil wala na ako, pero impossible dahil tuwang tuwa pa nga yata siyang umalis ako noon e. Kaya bakit?


Napabangon ako sa pag kakahiga ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan, mabilis ko ring pinawi ang mga luhang nasa aking pisngi.


"Saan ka galing, bakit 'dimo ako sinama?" nakangusong sambit ni Isha.

Tipid na ngumiti naman ako sakanya, "Nag pahangin lang, namiss ko kasi yong fresh air dito sa probinsya."

"Sana nag sabi ka para bukas nalang natin ginawa." nakasimangot niya pang sabi, nag tatampo na naman siya parang bata.


"Hindi ko kasi mapigilan e.." pag dadahilan ko na lamang.


"Ayos lang sakin...pero bukas bibisitahin mo mga kapatid mo?" maayos na ulit ang hitsura niya't nakangiti na naman ulit.


Mabilis akong napatango, "Oo, excited na nga ako!"


"Saan mo sila kikitain?" tanong niya pa.


Bigla naman akong napaisip, wala kasi sa plano yun. Kusang susupresahin ko lang sila. "Sa bahay nila or pwede din sa restaurant kakain kami dami kong plano sakanila." hindi ko maiwasang magalak ngayon palang.

Sabik na akong makita agad sila para bukas, marami akong ibibigay sakanila dahil matagal tagal ding hindi kami nag kita kita. Sana man lang ay hindi sila nag tatampo sa akin dahil ngayon lang ulit ako nag pakita sakanila. Sobra talaga akong malulungkot kong talagang iiwasan nila ako. 


Maaga akong nagising at nag ayos ng sarili ko. Tulog pa si Veniceia ng mag paalam ako, nakasalubong ko naman si Rowan na may lakad din ngayon. Pareho kaming nag paalam kay Tita Georgia na mag luluto palang ng almusal.


"Hindi na talaga kayo kakain dito?" hindi parin si Tita payag na hindi kami aalis hangga't hindi pa kumakain.


"Nag mamadali narin po kami Tita, babawi nalang po kami mamayang dinner?" pag babakasakali ni Rowan sakanya.


"Opo, Tita sorry po talaga." dagdag ko naman kaya wala ng nagawa si Tita, sabi ko ay pasabi nalang din kay Veniceia na hindi ko na siya ginising para mag paalam. Alam niya naman kasing may lakad ako ngayon.



Sa sariling sasakyan ni Rowan ako sumakay dahil dadaan din naman daw siya sa bahay nila Mama.


"Ayos kalang?" biglang tanong niya dahil napansin niya yatang kanina pa akong tahimik.

Tumango ako, "Kinakabahan kaunti." sagot ko sakanya,

"Natural lang yan, kapag matagal mong hindi nakikita ang pamilya mo lalo pa't hindi naging maganda ang nakaraan niyo."

"Pero sure ka na mag-isa ka lang, pwede naman akong sumama sayo." pag sisigurado niya pero umiling nalang ako.

"Hindi na tsaka busy kadin naman sa nililigawan mo kaya, ayos na rin ako." Sabi ko't napakindat pa dahilan para ikakamot ng ulo niya.

Nahiya pa talaga siya sa akin, alam ko narin kasing may nililigawan siya kwento sa akin ni Veniceia. Ang sabi pa nga niya'y hindi pa daw siya handa sa pag kakaroon ng relasyon. lol, ako pa niloko niya matagal na siyang sanay sa ganyan. Sana lang talaga ay sagutin narin siya ng nililigawan niya, ang tagal pa naman niyang umasa sa akin noon.

I was a little bit nervous ng bumaba na ako sa sasakyan ni Rowan.


"Aalis na ako, mamaya pala dadanan pa ba kita?" tanong niya mula sa loob ng kanyang sasakyan.

"Hindi na, hindi ko rin kasi alam kong mapapaaga o mapapatagal ang uwi ko." tumango naman siya.


"Salamat ulit!" pahabol kong sabi bago mawala ang sasakyan sa harap ko.


Ilang beses din yata ako napa hinga ng malalim dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon palang. Dala ang aking malaking bag na nag lalaman ng mga gamit at pasalubong ay mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko.


Sa huli ay kumatok parin ako sa pintuan ng hindi naman gaanong maliit na bahay. Tatlong katok, hanggang sa masundan pa iyon. Napakagat nalang ako ng labi dahil mukhang mabibigo ako ngayon, walang tao sa bahay.


I was about to leave ng biglang marinig ko ang boses ng malambing na bata kaya bigla akong ginanahan.


"Ano po yon?" ang lakas ng kabog ng puso ko ng humarap sakanya.


Tila siya ay naging estatwa ng mapag tanto kong sino ang nasa harapan niya. Walag kahit anong reaksyon kundi ang tanging panlalaki ng kanyang mga mata hanggang sa bumuka na ang kanyang mga bibig. Lumawak ang ngiti ko ng mapamilyaran ang kanyang mukha.


"Miko...!" tawag ko sakanya.


Pero ang kaninang reaksyon niya ay biglang nawala. Mula sa gulat ay naging seryoso at naging malamig, pati ba naman siya?


Para akong nawalan ng buhay ng talikoran ako nito ng walang sinasabi.


"Miko sino daw?" boses iyon ni Jacob na alam kong papalapit narin.


"Bat ganyan hitsura mo?" boses naman ni Lance na mukhang pupunta din.



Hindi parin ako nawalan ng pag-asa sa dalawa. "A-ate?" tigagal sila parehong nakatingin sa akin at hindi makapaniwalang nasa harapan nila ako.


"Lance, Jacob!" tawag ko sakanilang mga pangalan habang nanginginig ang aking katawan.


"Ate!" sabay nilang tawag sa akin at parehong binigyan ako ng mahigpit ng yakap.


"Miss ko na kayo mga kapatid ko..!"

Hindi ko na napigilang maluha sa harapan nila ngayon pero may kalahating pait parin sa puso ko dahil hindi ako pinapansin ni Miko. Nasa kanyang kwarto na ito ngayon na nag kukulong, hindi ko naman siya masisi dahil sanay siya sa akin na palaging nasa tabi nila pero bigla akong nawala sa tabi nila kaya naiintindihan ko kong nag tatampo ang bunsong kapatid ko.

"Ate ang dami naman nito.." manghang sambit ni Jacob, na ngayo'y labing dalawang taon na.


Mas dumoble na ang kanilang tangkad na halos mas matangkad na sila sa akin ngayon. Mas lumalim narin ang mga boses nila kaya hindi parin ako makapaniwalang nakakausap ko na ulit sila. Pero walang pinagbago, mga mababait at clingy parin sila sa akin kaya masasabi kong swerte parin naman ako.

"Ate iniisip mo parin ba si Miko, baka nag tatampo lang yan..." Sabi naman ni Lance na ngayo'y nasa dise sais na. Ang tangkad at ang gagwapo na nila.

"Ate, samin 'tong cellphone?" tanong naman ni Jacob,


"Oo sainyo yan ng Kuya mo, basta huwag niyong gagamitin yan sa mga online games huwag kayong mag pakaadict diyan ah? Binili ko yan sainyo para may contact na tayo sa isa't isa, okay?" pag lilinaw ko sakanila na siya namang tumango sila.


Bukod kay Miko ay hindi ko rin alam kong paano ko kakausapin si Mama na ngayo'y nasa baryo daw para mamalengke. Kinakabahan na ako sa magiging reaksyon niya baka paalis at palayasin niya ulit ako.

"Diyan muna kayo, kakausapin ko si Miko." Sabi ko sa dalawa na ngayo'y nangangaluhag na ng mga gamit na dinala ko. Marami iyon, puro gamit nila sa pag aaral, cellphone, sapatos, bag, mga damit at dito din sa bahay. Iyan ang pinag iponan ko noong tumigil ako sa pag-aaral. Sila lang talaga kasi ang iniisip ko sa araw-araw kaya ngayon gusto ko na ulit silang maka bonding.

"Sige Ate, bibigay din naman yan si Miko." tugon ni Jacob.

Bumuntong hininga muna ako bago ko katokin ang pintuan ng aking kapatid. Noong una ay wala akong narinig na kahit anong ingay sa loob ng kwarto pero hindi ako titigil na hindi niya ako pag buksan. 


"Miko, usap tayo..."


Sampong taon na siya ngayon kaya alam kong medyo naging matigas narin ang kanyang isip hindi na siya katulad ng dati na kapag kaunting lambing at pagkain lang ang katapat. Pero hindi ako titigil hangga't hindi niya ito pag bubuksan. Kailangan kong mag paliwanag sakanya, dahil ayokong may galit din sa akin pati ang kapatid ko.



"Miko... hindi mo 'toh bubuksan? Sige, kung ayaw mo aalis nalang ako ulit, diba ayaw mo akong harapin, okay lang basta nakita na kita kanina,. tsaka baka hindi na talaga ako—" natigilan ako sa aking balak na sabihin ng biglang bumukas ang pintuan.


Kitang kita ko kong paano mag diin ang mga mata ni Miko sabay na sumalubong ang kanyang mga mata, "Tapos iiwan mo na naman kami ng matagal? Bakit kapa bumalik kong aalis kadin naman, wag na!" isasara niya pa sana ang pintuan ng bigla ko siyang niyakap.

Kahit medyo tumangkad siya ay para sa akin baby ko boy ko parin siya. Hinding hindi mawawala ang pag tingin ko sakanya.


"Bunso! Namiss kita ng sobra, patawarin mo si Ate kong iniwan ko kayo! Ang bata bata mo pa kasi at ayokong mag isip ka ng iba, kaya ko kayo iniwan—wahhh! Sorry talaga Miko!" nag simula na akong umiyak at mag mukhang kawawa sakanya, alam kong bata parin naman siya mag-isip kaya bibigay din siya.


Totoo naman talagang nangulila ako sakanila ng ilang taon, mga oras, araw, minuto o segundo ko silang iniiisip kaya nga bumabawi ako sakanila ngayon. Dahil ayoko ng mawalay sakanila ng matagal.


"I'm sorry talaga, Miko, Jacob, Lance..." nakayukong sabi ko pa.

Nakaupo na sila ngayon sa sala na para bang kailangan ko pa mag bigay ng valid reason para tanggapin ulit nila ako.


"Ayos na samin yon Ate, alam naming marami kang napagdaanan at alam naming bilang panganay na kapatid ay may malaki karing suliranin." napanguso nalang ako sa sinabi ni Lance, ang mature niya naring mag isip, nakaka proud!


"Hindi na bale samin, basta hindi kana ulit aalis.." tugon naman ni Jacob, kaya napangiti ako ang cute niya parin!

"Hindi naman ako umalis sa puso at isip niyo ah? Tsaka nag-aaral parin si Ate kaya may mga araw o months na hindi tayo mag kikita kita, pero gagawa parin ako ng paraan para mabisita kayo. paliwanag ko naman, para mas maintindihan nilang hindi madali ang lahat. Gagawa naman ako ng paraan para mabisita sila.

Napatingin naman kami kay Miko na ngayo'y nakayuko at mukhang walang balak mag salita. "Miko..."

"Oo na! Nag tatampo ako sayo Ate! Hindi ko alam bakit ka umalis pero nag tatampo talaga ako sayo!" malakas niyang sabi pero pinakalma naman ito ng dalawa.

I sighed. "Ayokong gawin yong pag-iiwan ko sainyo Miko, alam mo namang hindi rin naging madali para sakin yon tsaka—" bahagya nalang akong napayuko dahil sa lungkot na naramdaman ko, kong pwede ko lang sanang sabihin sakanila ang mga naranasan ko ay ginawa ko na. Kaso hindi pwede o baka hindi ko na dapat pang buksan ang topic nayon.



"Lance, Jacob, Miko, tulungan nyo nga ako sa pag bitbit nito!"


You are reading the story above: TeenFic.Net