CHAPTER 31

Background color
Font
Font size
Line height

CHAPTER 31

"HAPPY FIFTH MONTHSARRY, YOHAN..."

And what the hell are you doing here again Micay? 'Diba sabi ko na sayong dapat ka ng dumistansya sa lalaking 'yon pero bakit pabalik balik ka pa sa lugar na 'toh. Tangina—nag mumukha na akong desperada at kong pwede ko lang sanang bugbugin ang sarili para doon ko nalang ibuhos lahat ng sakit ay nagawa ko na.

Pero sa huli napag tanto kong nandito na naman ulit ako, nandito na naman ulit ako sa lugar kong saan niya ako pinag dalhan noon. Ayokong gawin 'toh pero gusto ko ulit makipag usap sakanya hindi para kulitin o bumalik siya sa akin kundi ay gusto ko lang sanang mag karoon kami ng magandang pag-uusap iyong walang masamang saloobin sa isa't isa.

Hindi ko nga alam kong ba't ko pa 'toh ginagawa e, kong tutuusin pinag laruan at ginamit niya lang akong pampalipas oras katulad ng mga gawain ng kaibigan niya. Kaya para saan pa, pero kahit anong dahilan ko sa sarili babalik at babalik parin talaga ako kong saan sa lugar na kinasanayan ko.

Ang ikli ng panahon pero parang limang taon kami nag sama ah?

Kung pwede ko lang sanang tawanan ko ang sarili ko rito mag-isa ginawa ko na. Hindi ko mapigilang mapayakap sa sarili dahil sa hangin na tumatama sa buo kong katawan. Sobrang lamig, kulang ang isang jacket na suot ko ngayon.

Anong oras na ba, nasaan na siya? Sisipot pa kaya siya? Pero naman naman kong hindi malamang ay masayang nag c-celebrate ito ng kapaskuhan kasama ang pamilya pati ang girlfriend niya kaya sino naman ako para siputin. Nilalamig na ako at hindi ko na kayang mag tagal pa rito, I was about to leave the place when I heard someone voice in my back.

As I turn my gaze from the back I realized that it was Yohan, matalim at seryoso parin ang mga mata niya. Tipid akong ngumiti sakanya para maiwasan ang pagkailang na ngayo'y nararamdaman ko na naman.

"Bakit ka nandito?"

Mag sasalita na sana ako para mag paliwanag na hindi ko naman siya kukulitin ng mag salita ulit siya.

"Pumasok ka muna, malamig dito." napakalalim ng boses niya't nawala na ang malambing niyang tono na dati'y parati kong naririnig sakanya.

Hindi ko parin mapigilan ang sariling mamangha sakanya kahit anong gawing pag lilinaw sa sarili ay hindi ko parin magawang baguhin ang pag tingin sakanya. Galit ako sa sarili ko, galit ako dahil mabilis akong mahulog sa mga simpleng paraan ng mga lalaki.

Kung ipangako ko kaya sa sarili kong ito na ang huling pag mamahal ko, para kay Yohan. Magagawa ko kayang tuparin iyon?

Pagkapasok sa loob ng kanyang safe house ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari sa amin rito noon kaya ipiniling ko nalang ang ulo ko at siniguradong huwag ng balikan pa ang nakaraan sa amin.

"Salamat kinita mo ako ngayon." panguna ko at isang pag taas lang ng kilay ang sinagot niya.

Pansin ko rin na medyo nangayayat siya kaya paanong nangyari iyon? 

"So, can you please tell my what you want para makaalis kana?" sambit niyang muli para ikatikom ng bibig ko.

Tumikhim nalang ako para maiwasan ang kabang namumuo sa dibdib ko. "Pwede ba muna kitang kamustahin?" pag babakasakali ko,

Before he speak nagpakawala muna siya ng mahinang hininga, "If you're asking that I'm fine don't need to ask, well I'm good." sagot niya, mukha naman talagang maayos siya pero hindi ko lang maiwasang mag taka.

"Kung ganon, masaya ako para sayo. . . para sainyo." ngumiti ako ng todo, walang peke at totoo iyon dahil gusto kong maging suportado sakanya, sakanila.

Kahit mukhang wala naman siyang pakealam sa akin,

"Can I ask again, one last question?" I pleased again

"What?"

Napalunok ako, paano ko nga ba sasabihin ito, "Pwede bang kahit hindi na tayo mag kita o mag kasalubong sa daan o mag katagpo sa tinatrabahuan ko, pwede bang alagaan mo ng mabuti yang sarili mo... napansin ko kasing pumayat ka at ayokong—"

"I said I'm fine no need to remind." mariing sagot niya at bakas parin ang seryoso niyang mukha.

Sa huli ay tumango nalang ako, "Sige kong yon na talaga, pwede bang tanggapin mo 'tong regalo ko sayo?"

Nasaan na nga ba 'yon, inilabas ko ang isang maliit na box at inilatag sa lamesa na tanging nakaharang sa aming dalawa, doon napunta ang atensyon ni Yohan habang pinag mamasdan ko naman ang mukha niya. Ito na nga yata ang huling makikita ko siya, uuwi kasi si Papa at ang sabi niya dadalhin niya daw muna ako sa Manila para doon ako mag bakasyon at pag katapos noon baka tumigil na muna ako sa pag-aaral kapag nakamoving up na.

Wala narin kasi akong balak na mag private school kaya lilipat na muna ako sa public para mas makatipid ako, maayos narin siguro yon.

"Para saan 'toh?" pakiramdam ko ay biglang lumamlam ang kanyang mga mata pero saglit lamang iyon at biglang nawala. Balik sa pagiging seryoso.

"That was my first and last gift to you, Yohan. Kahit alam kong hindi na pwede kahit alam kong may girlfriend ka na gusto ko paring ibigay yan sayo, pwede mo namang itapon pagkatapos mong tignan... ayos lang sakin.."

Bahagya niya akong inangat ng tingin bago kuhain iyon, "Mary Christmas, Yohan and also Happy Fifth Monthsarry..."

And here I am again, dumating na naman sa puntong parang bumalik na naman ang lahat. Ang bigat na nararamdaman ko, ang sikip at makirot kong puso. Hindi ko mapigilan kundi ang hayaang damhin na lamang ito. Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko para mapigilang maluha ulit sa harapan niya.

Kahit gusto ko ng humagulgol kailangan kong pigilan, hindi ko pwedeng ipakitang nasasaktan parin ako kahit sobra sobra ng sakit ang nararamdaman ko.

It's not Yohan fault, kasalanan ko namang bumigay agad ako sakanya.

"Salamat sa lahat Yohan, salamat kasi kahit sa kaunting panahon na yon pakiramdam ko ay totoong minahal mo ako, thank you din kasi dahil sa ginawa mo doon ko lang na realize na dapat mas maging better pa ako sa susunod, na mas maging maayos sa mga desesyon ko sa buhay, ang dami kong natutunan sa forth in a half na month na nakasama kita. Wala na akong ibang masasabi pa kundi ang salamat at paalam narin..."

Salamat kasi natutunan ko ang unang pag mamahal at ang unang bumiyak sa puso ko. I don't have anything to say but I hope you'll find the real happiness and love with another person, and that person I think. It was Ivy...

"Its time to let our hearts find the true meaning of happiness."

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga mata ko dahil sa pag hikbi, hindi ko inakalang nakaalis parin ako sa lugar na yon kahit parang hinang hina na akong gumalaw pa. Kahit ang mga tuhod ko'y naginginig na, sinikap ko paring talikuran at iwanan siya. Kasi sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya baka paulit ulit ko lang masakatan ang sarili ko, baka paulit ulit din ako babalik sa lugar na 'yon. Hanggang sa wala ng matira saakin.

Ganito pala talaga kapag nag mamahal, nasasaktan... Akala ko ang pag mamahal ay napakasayang parte sa buhay ng isang tao pero minsan ito din ang nag dadala sa atin papunta sa pinaka mapait na bangongot na sana hindi na natin hiniling bumalik.

Akala ko noon alam na alam ko na ang ibigsabihin ng salitang ito, pero hindi pa pala kasi marami pang mga bagay na natuklasan ko. And that’s just it. Love is acceptance, love is understanding, love is true.

Hindi naman mali ang mag mahal, sadyang napaaga lang ako kaya siguro ganito pero wala na akong magagawa pa, nandito na ako e... Alangan namang lumiko pa ako, bahala na—kasasabi ko pa nga lang na 'love is acceptance'.

"I heard, hindi ka na raw mag papatuloy sa pag-aaral?"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa naging tanong ni Rose, paano ko nga ba ipapaliwanag sakanila ang pag tigil ko rito. Hindi ko na kasi kayang bayaran ang tuition ko kahit na marami naman ang padala ni Papa pero hindi parin sapat iyon, kaya mag tatrabaho na muna ako hanggang sa makapag enroll ulit ako.

"Sensya na... Kailangan ko e."

"Pwede namang kapag natapos na 'tong grade 10 natin, iiwan mo naman agad ako."

Biglang sumibangot ang mukha niya, nakakalungkot mang isipin ay kailangan kong gawin. Marami nadin akong napagdaanan sa pag aaral na maging kaklase at kaibigan ko siya.

Pero sa huli wala na tayong magagawa, ganito talaga ang buhay hindi mo naman kailangang makipag sabayan. Makakausad din ako at alam kong makakabalik din ako sa dating buhay na meroon ako.

Nag lalakad kami ni Rose papuntang canteen ng may sumulpot sa harap namin na laking ikinagulat ko pa. Nakatingin lang ako sa kanya na walag mababasang reaksyon pero pilit din akong ngumiti. Siya na ang bagong nag papasaya sa taong pinasaya ko din dati, kaya masakit sakin kong hindi ko pa tanggapin yun.

"Pwede bang mag-usap tayo?" pakiusap niya, katulad ko gusto ko rin siyang makausap.

Iniwan na namin si Rose sa daan kahit napakamot ulo nalang, sabi ko ay mauna na siya at mag-uusap muna kami ni Princess.

Napunta kami sa loob ng auditorium, walang kahit sinong tao doon at tanging kami lang ang makakrinig ng usapan. "Bakit?" pangunang tanong ko sakanya ng maupo kami.

I heard her low sigh, "Aalis kana pala?" tanong niya't bumaling ng tingin sakin sabay tumango naman ako ng mahina.

"Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sayo, pero heto ako't may lakas ng loob parin para harapin ka." bahagya siyang napayuko.

"I'm sorry. . . " mahina niyang tugon at ramdam ko ang bigat ng loob niya, kahit ako mabigat parin 'tong nararamdaman ko.

"Para saan?" balik na tanong ko saka hinaplos ang likoran niya.

"Sa lahat. . ."

Impit na natawa naman ako, "Ano ka ba, wala ka namang ginawa saking—" she cut me off,

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa ginawa ko, inagaw ko siya sayo. . . Kahit alam kong may relasyon kayo nagawa ko paring lumapit sa boyfriend mo." medyo lumakas na ang boses niya.

Napailing ako sa sinabi niya, "Hindi ko na siya boyfriend."

"Nang dahil yon sakin.." may pag sisisi ba siya sa ginawa niya?

Anong magagawa ko kong hindi naman talaga ako ang natipuhan ni Yohan, at si Ivy yon. Kaya noon paman may tanong na talaga sa isip ko. Na paano kong si Ivy talaga ang gusto niya?

"Hindi na big deal para sakin yon, ayos lang." mahinang tugon ko sakanya.

"T-talaga?" nauutal na tanong niya't, dahan dahang umangat ng tingin sa akin.

Tumango naman ako na parang wala na talagang dapat na ipag-alala, "Alam kong mahal mo pa si Yohan."

"Kung ganon, panatag parin ako..." sumilay ang malungkot niyang ngiti,

"Anong sinasabi mo?" naguluhang tanong ko,

"Kung pwede ko lang sanang sabihin sayo, nagawa ko na... Pero sana balang araw nandiyan ka parin para sakanya."

"Anong sinasabi mo—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bigla na siyang tumakbo habang may mga luhang tumulo sakanyang mga mata. Hindi ko maintindihan, bakit ganoon ang asta ng pananalita niya, at ano? Nandiyan parin ako para sa lalaking yon, kahit na alam kong nandiyan naman siya para sa lalaking yon.

Ang gulo, hindi ko talaga siya maintindihan minsan.


You are reading the story above: TeenFic.Net