Highschool Days (RFT)

Background color
Font
Font size
Line height

I have had this crush of mine since my fourth year of high school. He may be a little fat, but I appreciate how he's good in his own ways. Nagtatagisan nga kami sa klase when it comes to science. We're both good at it, but he's just way too good. He explains every scientists' theory in a good way, and when it comes to quizes, he aced it.

There's one time I have been writing poems since wala ang teacher namin. I am so busy that I didn't notice him being on my side.

"Hoy! Akin na nga 'yan...!" I wailed off.

"Teka! Pabasa muna.." he said and I just scowled. Crush ko, eh. Kaso nakakahiya! Nag random type pa naman ako kasi wala lang, trip ko lang yun. Kaso, di ko alam nalipat niya na pala sa ibang pages.

"Your poems and stories are...amazing! Ang galing mo pala." he praised me and I'm a little bit flustered. He even ruffled my hair, aack!

Wow, nakakainspire.

It lasted for months, and I can't believe it.

"Yuna, crush mo si Jirey, 'di ba?" she said, and my heart stopped beating!

Ang gaga mo, Elana!

"Huy! Gaga ka talaga!" I hissed.

"Jirey oh! Crush ka raw ni—" di na natuloy ni Jeyah ang sasabihin nang tinakpan ko ang bibig nito.

"Ha? Sino?" Jirey asked, out of the blue.

"Si Elana! Crush ka raw niya!" pang-aapi ko pa kay Elana, buti nalang lumabas muna.

"Ay...sayang..." I heard him whimpering.

Ay, bakit?

It's February 14 and yup! May pakulo na naman ang SSG. Alam ko naman kung para saan. School funds.

"Yuna, may confession wall, oh! Ipagsigawan mo yang nararamdaman mo para kay Jirey na nabubulok na lang yata!" she said and squealed. Palibhasa may boyfriend, tss.

"Oh di kaya, Marriage or Prison booth para naman maranasan mong matali sa kanya! Ahahaha!" dagdag pa niya.

"Wag na, uy! Nakakahiya!" I said. Nakakahiya naman sa'yo.

"Asus! Hiya-hiya pa, di naman makakain yan!"

Naglibot-libot muna kami. As in, ang ganda ng mga booth, sulit na sulit ang fee namin. Bibili pa sana ako ng kikiam nang biglang magsalita ang ilang grupo ng kalalakihan, mga alagad ng marriage booth.

"Asan si Miss Yuna Serrano? Ikakasal ka na!" sigaw pa nila.

"Uy mga bhe, dali! Andito ang dugyot kong kaibigan! Kunin niyo na, baka mapanis!" geh, lait lang gaga ka.

Agad naman nila akong dinampot at nabigla ako sa groom—si Jirey,

"Oh, Mr. Valdez, andito na asawa mo!" sabi ng mga impakto.

"Yuna...it may sound ridiculous to ask you in front of everyone but, this is my only chance. Can I court you?" he asked, while his knees were on the ground.

Shems, panshet! Ket pa pakasal na agad tayo, Jirey!

"Sus, ligaw pa? Kasalan na yan!" sigaw pa ni Elana at sumigaw naman ang karamihan.

Kringgg...! Krinnngggg...!

Nabigla ako nang biglang tumunog ang alarm clock.

"Nak, gising na. Male-late ka na sa klase. Mamaya na ang kasalan, ha?" sabi ni mama at napatulala nalang ako.

Jusmiyo, Jirey! Ang layo ng narating natin, sa panaginip lang pala lahat!


You are reading the story above: TeenFic.Net