Chapter 9

Background color
Font
Font size
Line height


Lumipas pa ang ilang bwan at natuto ako ng bagong kalokohan. Well ganoon parin naman ang buhay ko, pag nasa school ay tahimik lamang akong nakikinig sa klase at pag walang klase naman ay nasa isang sulok lang at natutulog. Pag kaawas sa eskwela ay aattend muna ng practice ng Glee at pag natapos ay saka uuwi. Pagdating sa bahay ay palalampasin lang ang pagbubunganga ng lola ko sa aking tenga na parang walang naririnig at kapag mag aaway naman ang magulang ko ay papupuntahin ako ng lola ko saamin upang awatin sila. Ganon lang ng ganon, pero hindi naman ako naawat. Nanunuod lang ako hanggang sa matapos sila.

Alam niyo bang matagal ko ng pangarap ang yumaman? Grade 7 palang ako tumatak na sa isip ko yan, na gagawin ko ang lahat para yumaman ako pag dating ng panahon. Pero yung dahilan ko noong grade 7 ako ay iba na ngayong grade 9 ako. Kung noon gusto kong yumaman para maging masaya na kame, kasi sa twing mag aaway ang magulang ko palaging pera ang dahilan eh. Kasi yun ang wala kame. Naisip ko na kung yayaman kame, magiging masaya na kame.. Na hindi na sila mag aaway. Pero simula noong mangyare yung pinaka matindi nilang away noong grade 7 din ako, ayoko ng alalahanin pero basta maituturing na pinaka malala iyon dahil talagang nagkakasakitan sila. Magmula noon ay nagbago na ang pananaw ko.

Gusto ko ng yumaman para mapawalang bisa ang kasal nila.

Kasi pagod na pagod na ako sa pag intindi.. Panganay ako kaya ako ang pinaka naiipit, dahil ang mga kapatid ko naman ay halos wala pang naiintindihan. Kasi alam ko naman..

Na pinipilit nalang nilang magsama para saaming mga anak nila. Kasi yun yong akala nilang makakabuti para saaming lahat. Doon sila nagkaka-mali..

Ang mag-away sila sa harapan namen araw-araw ay masakit na sa tenga at mata.. Ang hatiin kameng magkakapatid sa tuwing may aalis na isa ay sobrang pagpapahirap pa. Kapag nagbabatuhan sila ng masasakit na salita sa isa't isa? Kung nasasaktan sila ay sa tingin ko'y walang makakapantay sa sakit na nararamdaman nameng mga anak nila.. Kung tutuusin ay hindi dapat namen naririnig yon, pero madalas kong naririnig at ng mga bata kapag nasa bahay kame. Palagi kameng naiipit sa gulo. Palagi'y sumasama ang loob ko pero dahil duwag ako ay hindi ko magawang sabihin ang gusto kong sabihin. Kinikimkim ko lang lahat.

Palagi nalang ganon. Ang bunso kong kapatid ay may trauma na sa mga taong sumisigaw dahil nagagawa nilang mag away sa harap ng bata. Kaya parang palaging ang hirap hirap para saakin ang umuwi.. Kasi nakaksakal na..

Ngayon ay natuto ako ng kalokohan.. Natuto akong maglakwatsya sa gabe at dumayo ng inuman.. Kalokohan para sa paningin ng iba pero para saakin ay ito ang pahingahan ko.. Matagal na naman akong marunong mag inom. Nuon pang bakasyon bago ako nag grade 9, pero ngayon lang ako dumadayo sa inuman. Kung saan-saan ako nakakarating. Kasama ko sa kalokohang to sina ana at beverly dahil sa lugar naman kame ng boyfriend nila pumupunta. Nagagawa kong tumakas ng alas dyis ng gabi sa bahay at uuwi ng alas dos ng madaling araw na lasing kahit pa may pasok kinabukasan. Walang nakakaalam, dahil wala naman akong kasama sa tinutulugan ko. Ganon lang ako ng ganon pero hindi naman gabi-gabi.. Makalwahan lang. At lalong hindi ako nagrerebelde. Hindi ako tanga. Alam ko ang ginagawa ko.

Hindi lang talaga ako makahinga sa bahay kaya tumatakas ako pero wala naman akong ginagawang kalokohan bukod sa pag iinom. Bantay sarado ko ang sarili ko.. Maaaring hindi ako maiintindihan ng lahat pero kilala ko ang sarili ko. Alam ko ang limitasyon ko.. Hinding hindi ko ipapahamak ang sarili ko dahil ipapakita ko pa sa magulang ko ang magiging buhay ko. Na kung gusto mo ng masarap at payapang buhay ay kaya naman kung gugustuhin mo lang.

"ate jane pupunta kame sa may banginan mamaya manonood kame ng palabas, ano sasama ka?" tanong ni ana

"kakaalis lang natin kagabi ah? Hindi ako pede ngayon bakla nakaalis na ko kagabi eh. Awat na muna.." sabi ko

"Eh hindi naman tayo iinom eh, may palabas kasi doon kasi fiesta, manonood lang tayo.." sabi nya sabay umupo sa duyan na inuupuan ko. Nandito kame sa tapat ng bahay namen nina mama nakatambay

"Kayo nalang.. Papagalitan na ko eh"

"Sumama ka na bakla mabilis lang naman tayo eh kasi may susundo naman sating trycicle" sabi ni ana

"Oo nga tska kampante ako kapag kasama kita, walang nakakalapit na lalaki sayo eh. Ang taray mo kasi" natatawang sabi ni beverly. Inirapan ko naman siya..

"Oh siya siya magpapaalam lang ako kay papa"

"Bat magpapaalam ka pa?! Hindi ka papayagan niyan eh.." sabi ni ana

"Eh hindi naman inuman ang pupuntahan natin diba sabi mo? Ayos lang yan, edi pag di ako pinayagan sorry ka nalang" sabi ko saka tumawa at tumayo at lumapit kay papa. Nandoon siya sa labas ng bahay kung san tambak ang mga sirang appliances na pinagbibili niya sa junkshop. Ito na ngayon ang trabaho niya.. Unti-unti, nagbabago na siya..

Bibili siya ng sirang appliances sa junkshop tulad ng mga electricfans at washing machine, tapos saka niya pagaganahin at ipagbebenta sa murang halaga dahil galing lang naman sa junkshop. Marami siyang mga maling desisyon sa buhay pero alam kong dulot lang iyon ng kahirapan sa buhay at patong patong na problema sa pamilya. Madalas ay nasasaktan ako kasi gusto kong magalit.. Gustong gusto kong magalit sa mga ginagawa niya pero hindi ko magawa. Masyado ko siyang mahal para magtanim ng sama ng loob. Sobrang papa's girl ako eh. Tsk

"Papa pede ga akong gumala mamaya?" tanong ko sa kaniya paglapit ko.

"Saan ka na naman pupunta? Mag gagabi na ahh?"

"Eh pupunta daw po kameng Banginan eh, may palabas daw po.. Manonood lang"

"Sa Banginan? Nako anak hindi pupwede. Napaka-liblib ng lugar na yon, delikado."

"Eh papa saglit lang naman kame eh .. Uuwi rin kame agad?"

"Kahit na. Wag kang pupunta duon. Magpaalam kang pupunta ka ng 7 eleven at papayag pa ako wag lang duon. Hindi mo alam kung anong pedeng mangyari saiyo doon anak aba, hindi ako kilala sa lugar na yon."
"Gumala ka na sa iba wag lang doon."

Huminga naman ako ng malalim at hindi na nagpumilit pa. "Sige po.." at naglakad na papalapit kina ana

"Hindi ako pinayagan eh.."

"Ala anong sabi?"

"Gumala na lang daw ako sa iba wag lang don kasi liblib na lugar daw yon. Mag paalam nga daw akong sa 7 Eleven pupunta at papayag siya eh.. Basta wag lang daw don.."

"Eh ?! Edi sana sinabi mong sa 7 eleven nalang tayo pupunta!"

"Oh eh akala ko ba sa Banginan?"

"Oo nga! Eh hindi naman na malalaman yun ng papa mo eh! Ang mahalaga pinayagan kang umalis!"

"Oo nga no?"
"Oo kaya sige na sabihin mo na sa papa mo para makaalis na tayo" sabay tulak saakin. Aray naman ha?

Kakamot-kamot ako ng ulong lumapit ulit kay papa

"Papa.."
"Oh" siya naman ay busyng busy sa pagkukumpuni ng kung ano doon.

"Eh mag s-7 eleven nalang daw po kame.." tumingin naman siya saakin
"Sigurado ka?"
"Opo.."
"Oh sige basta alas dyis nandito ka na ha? Wag ka ng magpapagabi masyado"

"Opo.."

"Usapan natin yan ha? Ito oh.." sabay abot ng 50 pesos. "Pang-gala mo. Ay wag kakalimutan ha? Iyong palagi kong bilin saiyo, wag na wag kang aangkas sa motor kahit sa kaibigan mo pa yan, wag na wag kang aangkas sa motor. Dibaleng mag lakad basta malayo sa disgrasya." pagbibilin niya

"Opo.."
"Oh siya sige mag iingat kayo."
"Yhieee thankyou papa!" sabay yakap ko sa kaniya at naglakad na papunta kina beverly

"Oh ano? Tara na!" excited na yaya ko sa kanila at umalis na kame, medyo maliwanag pa nuong mag punta kame ng bayan, nandito kame sa park at iniintay namen ang susundo saamin na trycicle. Medyo nagi-guilty ako kasi nagsinungaling ako kay papa pero kung uuwi naman ako sa oras na gusto nya ay walang magiging problema. Kaso dilim na pero wala parin ang susundo saamin..

"Ang tagal naman nila? Hanggang 10pm lang ako pede eh .."

"Parating na yung mga yon, wait ka lang jan" sagot naman ni ana.. Maya maya ay nagtext pa si papa kaya mas lalo akong kinain ng konsensya ko..

From: Papa

'Anak may tiwala ako sayo ha? Wag mong sisirain ang tiwala ko sayo alam kong alam mo na ang tama at mali..'

Sheeet talagaaaa.. Feeling ko alam niyang nagsinungaling akooo huhuhu..

To: Papa

'Oo naman papa. Nandito lang po ako sa bayan, uuwi din po ako mamaya hehehe'

From: Papa

'Sige mag iingat ka jan'

To: Papa

'Opo papa. Iloveyouuu!😘'

Lalo akong kinain ng konsensya ko.. Si papa kasi iyong tipong hindi mahigpit saaming magkakapatid. Hindi siya strikto at pinagbibigyan kame sa lahat ng gusto namen, iyong ikaw na mismo ang makokonsensya kapag gumawa ka pa ng kalokohan kasi nga, sobrang luwag na nya saamin..

Sorry papa..

Maya maya pa ay dumating na nga sila. 8pm na at meron nalang akong 2 hours bago umuwi..ang kaso ay hindi pa kame nagdiretsyo sa dapat na pupuntahan namen, nagpunta pa kame sa bahay nung isang kasama namen dahil may kukunin pa daw. Sakay kame sa trycicle pero dahil sa tagal nameng tumambay dito sa bahay ng kasama namen ay naubos na ang oras ko.. 9:30 na ..

"A-ahh ana hindi na ako sasama, masyado na kasing gabi eh.. Papagalitan na ako ni papa." mahinang sabi ko.

"Ala sayang naman bakla? Paalis na tayo oh"

"Hindi talaga pwede eh, baka hindi na ko makaulit pag hindi ko sinunod si papa eh.. "

"Itext mo kaya? Magpaalam ka kung pedeng maextend ang oras mo"

Kaya tinext ko naman si papa..

To: Papa

'Ahmm papa? Pede bang maya maya pa ng konti ako uuwi?'

Nag intay ako ng ilang minuto pero hindi sya nagreply..

To: Papa

'Uyy papa'

Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagreply .. Alam ko namang gising pa to eh tsk.

"Mga bakla hindi talaga ako pede eh.. Kayo nalang ha? Pakibaba nalang ako mamaya pag daan natin sa kanto naten.. Nexttime nalang siguro ako.." paalam ko sa kanila

"Sigurado ka?"

"Oo eh"

"Oh sya sige .. Sayang naman"

At maya maya lang ay umalis na kame, nagsabi na akong bababa ako sa kanto namen dahil kelangan ko na talagang umuwi.. Pero nagulat nalang ako ng hindi sila tumigil. Dirediretsyo ang pagpapatakbo ng trycicle..

"O-oyy guys patigil naman oh" pero walang pumansin saakin at mas binilisan pa ang pag andar ng sasakayan.

"HOY ANO BA?! SINABI NG ITIGIL NYO EH!"

"ISA!!"

Lampas na lampas na ako kaya lalong nag init ang ulo ko. Tangina parang gago..

"PAKITIGIL SABI ANO BA?! MGA BINGI BA KAYO?!" Nagwawala na ako sa loob ng sasakyan.

"PUTANGINA NIYO NAMAN ! MGA HINDI KAYO MAKAINTINDI SINABI NANG KELANGAN KO NG MAKAUWI!! ISA ! PAG HINDI NIYO TO TINIGIL TATALON AKO DITO!"

"ISAAAA!" at maya maya pa ay itinigil na nila ang sasakyan, putek nakarating na kame ng bayan bago pa nila itigil. Mga tanga!

Dali-dali akong bumaba at pinagsisipa ang trycicle.

"TANGINA NYONG LAHAT!" sigaw ko sa kanila bago ako padabog na naglakad pabalik.

"Jane wait!" sigaw ni Beverly saakin. Ramdam kong sumunod siya saakin pero wala na akong pakialam. Kelangan ko ng makauwi!

Alam ko namang susunod talaga saakin yan dahil pinapayagan lang naman yan pag alam na pinayagan ako ng papa ko.

To: Papa

'Pauwi na po ako..'

Text ko kay papa habang naglalakad ng mabilis pero hindi pa rin siya nagreply.. Inis na inis ako. Hindi ba sila makaintindi? Sasama naman ako kapag pwede pero talagang balak pang itakas ako! Peste! Badtrip!

Nang makarating ako sa kanto ay laking pasasalamat ko dahil uwing uwi na talaga ako.. Hindi mawala sa isip ko si papa.. Sobrang nakokonsensya ako ..

Nang makapasok ako sa bahay ng lola ko ay agad kong tinext si papa

To: Papa

'Papa nasa bahay na po ako'

Pagkatext na pagkatext ko ay agad siyang magreply

From: Papa

'Salamat naman.. Matulog ka na.'

Napahinga ako ng malalim at agad na guminhawa ang pakiramdam ko.. See? Gising siya. Hindi lang talaga siya nagreply kanina kasi hindi siya sang ayon sa sinasabi ko.

Agad akong pumasok sa loob at hindi na inintindi si Beverly, alam ko namang didiretsyo uwi na yon. Nag bihis ako at nahiga sa kama.

Paniguradong matagal tagal bago ko ulit makausap ang mga iyon. Binadtrip nila ako eh. Tsk.

Masyado kong mahal si papa para traydorin ko. Hinding hindi na mauulit ito.. Ang sama sa pakiramdam.

You are reading the story above: TeenFic.Net