Eros Pragma: Katuwang Hindi Katulong

Background color
Font
Font size
Line height

"Sa ibang mga kultura kasi, sa nakalipas na maraming siglo, maraming mga lalake ang tumitingin sa kanilang asawa na mababa lamang sa kanila.

May mga lalake na nakakakuha ng asawa kapalit lamang ng baboy at ilang sako ng trigo. Naniniwala sila na lubos na mababa lamang ang babae at limitado ang kanilang karapatan kung ihahambing sa lalake.

Napakalungkot isipin na sa ilang tao, ang mga babae'y waring mga pag-aaring kasangkapan lamang.

Sila'y gumagawa na parang alipin. Nang nilalang ng Dios si Adan, nakita niyang hindi makabuti na ito'y nag-iisa kaya naman nilikha niya itong magiging katulong niya. Si Eva naman ay nilikha ng Dios sa kaparehong sangkap, nilikha ng Dios si Eva mula sa tadyang ni Adan kaya naman si Eva ay buto ng mga buto ni Adan at laman ng kanyang laman.

At hindi nilikha ng Dios si Eva upang maging katulong ni Adan, na katulong na pinakakahulugan ng iba na alipin o mababang-mababa ayon sa pagkakaintindi ng marami, kundi katulong na isang katuwang na pupuna sa kanyang pagkukulang, katulong na makakaunawa, katulong na magmamahal at mag-iintindi sa kanya. Inihalintulad man ng Dios ang babae bilang isang marupok na sisidlan, hindi dahil ito'y mahina at madaling mabasag, kundi dahil isa itong bagay na nararapat lang ingatan."

Eros Pragma


You are reading the story above: TeenFic.Net