Ilang hakbang pa lamang kami papalapit sa kanila ay hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Jenny at ganun din naman ako sa kanya.
kapal ng mukha nitong babaeng to.
Pero syempre hindi rin naman ako papakabog sa kanya.
I have my own self-confident at isa pa nasa akin din ang puso ni Mikhail. Kaya malakas ang kompyansa ko na hindi niya ako kakantihin dito.
“Nakapaghanda na si Jenny ng pagkain.” Wika ng lalaking nanutok sa akin ng baril kaya sinamaan ko din siya ng tingin.
tangina mo, gwapo ka sana...
“Ysabel, hindi mo pa pala siya kilala. Si Levi, kanang kamay ko din siya aside kay Bob.” Pakilala ni Mikhail sa akin.
what? Lalaki si Levi?
at sya yung Levi?!
Tinaasan ko siya ng kilay.
Mabigat ang loob ko sa kanya lalo na dahil sa nangyari kagabi at hindi ko rin gusto ang kanyang aura pareho sila ni Jenny.
“ahm pamangkin niya si Jenny.” Dagdag pa ni Mikhail.
so?
kaya naman pala parehong mabigat ang dugo ko dahil iisa ang lahing pinagmulan nilang dalawa.
“Ganun ba? I’m sorry sa nangyari kagabi.” Wika ko sa kanya.
Pero ang totoo ay nakikisakay lang ako dahil nasa teritoryo nila ako ngayon.
“Ako ang dapat humingi ng sorry Ms. Ysabel, sayo din Mikhail. Hindi ko naman talaga siya babarilin sobrang bilis lang ng pangyayari nawala ako sa concentration.” Pagdadahilan niya.
plus points kana sa langit, ganun?
"call her Ysabela, Im the only onw who's calling her ysabel." pagsusungit ni Mikhail.
agad naman tumango ang iba pa naming kasama lalo na si Levi.
napaka possesive ng lalaking to.
“It’s okay, ang importante ay kasama ko na siya ngayon. At isa pa isasama din kita sa pag-alis ko sa mga susunod na araw kaya maghanda ka na rin.” Wika nya kay Levi.
Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa bagay na yun kaya mamaya ko itatanong sa kanya.
Pagpasok namin sa mansyon ay bago na ulit ang sala ito kasi ang na-apektuhan ng pagsabog. Pero nasa ma-aliwalas na ito kumpara noon na parang tahanan ng vampire.
Dinala agad ako ni Mikhail sa dining area. Mahigpit niya pa ring hawak ang kamay ko. Bumungad sa amin ang maraming pagkain sa glass na mesa.
“Inihanda ko talaga ito para sa pagdating mo.” Nakangiting sabi ni Jenny habang nakatingin kay Mikhail.
Pero syempre hindi siya pinansin ni Mikhailat ipinaghila ako ng upuan.
papansin pa more atii..
“Maupo na kayo para makakain na tayo.” Sabi ni Mikhail sa kanila.
Nasa dulo umupo si Mikhail at katabi niya ako. Katapat ko naman si Jenny na nasa kanan din niya at sa kabilang dulo naman ay si Levi at katabi niya si Bob. Marami pa namang upuan pero talagang sa amin siya tumabi.
Kahit mukhang masarap ang pagkain na nasa aming harapan pakiramdam ko nangangasim ang sikmura ko.
“What happen? Ayaw mo ba ng pagkain?” Tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya.
“Wag kang mag-alala Ysabela , walang lason yan.” Singit naman ni Jenny.
sabay irap sa akin ang sarap talaga tusukin ang mata akala niya siguro ay ikinaganda niya ang pag-irap niyang yun.
“Correction, Ms. Ysabela ang gusto kong itawag mo din sa akin.” Pagtatama ko sa kanya na ikinaawang ng kanyang labi.
Siguro minumura na ako nito sa kanyang isip. Well, mas malala yung nasa isip ko.
“Hindi yun mahal ko.., nangangasim lang ang sikmura ko. Baka mataas na ang acid reflux ko dahil sa sabaw na kinain natin sa Hotel kagabi” Pagdadahilan ko kay Mikhail at talagang idiniin kopa yung salitang 'baby' kahit na naririmarim ako at 'hotel kagabi'.
Naiisip ko nga na hindi pa pala ako nagkakaroon ng buwanang dalaw. Pero siguro naman hindi kasi talagang irregular naman ang menstruation ko at isa pa ganito din ako kapag malapit na akong magkaroon.
“Puwede bang yun na lang ang kainin ko?” Tanong ko sa kanya sabay turo ng Vegetable salad.
“That’s mine, kaya hindi mo pwedeng ubusin. Nagca-crave din ako kaya ako gumawa niyan.” pagtutol ni Jenny sa akin.
Nakataas ang drawing na kilay niyang sabi sa akin.
Nangangasim din siya gaya ko?
Nalipat ang masama kong tingin kay Mikhail, Pero nginitian lang niya ako.
“Hindi pwedeng yun lang ang kainin mo. Kailangan mo ng lakas para mamaya.” Nakangiting sabi niya sa akin na ikinasamid naman ni Bob.
Hindi naman yun ang dahilan ko kung bakit ko siya sinasamaan ng tingin eh.
Iniisip kong baka naglasing siya habang wala ako at pinatulan niya ang babaeng ito!
Pero imposible dahil malamig ang pakikitungo niya dito o baka naman dahil lang sa kaharap ako?
Hindi ko alam, malalaman ko din.
Malakas ang pakiramdam ko. Kapag nahuli ko silang nagtitinginan ay lagot siya sa akin!
Dudukutin ko talaga ang mata nilang dalawa at ibebenta ko sa auction.
“Kakain na ako, baka puyatin mo na naman ako kaya kailangan ko ng energy.” Nakangiting sabi ko din sa kanya.
Nagtuhog siya ng isang bite size na karne at isinubo sa akin.
“Ehem...respeto naman sa mga single. Kulang na lang tangayin ng langam ang mga pagkain sa tamis niyong magtitigan!” Litanya ni Bob.
Pero hindi man lang siya pinansin ni Mikhail at tuwang-tuwa pa rin ito sa ginagawa niyang paghihiwa ng karne sa plato ko habang ako naman ay sa kanya lang nakatingin.
Mahirap na baka tumingin sa kaliwa ayokong makita niya ang nakasimangot na mukha ni Jenny namumula pa ang ilong nito na parang maiiyak na.
Pagkatapos naming kumain ay dumerecho na kami sa kwarto niya. Wala pa ring pinagbago at amoy na amoy ko pa din siya sa buong kwarto. Umupo ako sa kama upang magpababa ng kinain. Siya naman ay nagbihis ng pambahay na t-shirt at cotton na short.
Pagkatapos ay binuksan niya ang laptop niya at naupo sa upuan.
“Mikhail?”
“Hmmm? Bakit?”
“Gusto ko ng maasim, nakita ko may manga doon sa likuran.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
“Mangga? Pero sinlaki palang yun ng kalamasi ah? hindi pa nga lumalaki.”
Napakagat labi ako, hindi ko rin alam kung bakit parang naglalaway ako noong makita ko yun kanina.
“If you want mango magpapabili ako kay Bob”
“No! Ayoko! Gusto ko yung mismong sa puno galing yung natulo pa ang dagta yung green na green. At gusto ko ikaw yung umakyat para ikuha ako.” Utos ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
“what!? Paakyatin mo sa puno?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“Kung ayaw mo ako na lang!” Kaagad akong tumayo at lalabas sana sa pinto pero mabilis niyang nahila ang braso ko.
“Ang bilis naman uminit ng ulo ng mahal ko. Sige na ako na ang aakyat doon.” Mahinahon niyang sabi sa akin.
Napangiti ako dahil kahit busy pa siya ay sinunod niya ako.
Sabay kaming bumaba sa hagdan na magkahawak ang mga kamay at nasalubong namin si Bon.
“Hoy, marunong ka bang umakyat ng puno?” Tanong niya kay Bob.
“Depende sa puno.” Sagot naman nito.
“Good, let’s go. Tulungan mo akong ikuha ng manga ang asawa ko.”
Parang ang sarap sa pakiramdam na asawa na ang turing niya sa akin.
Sabagay ilang beses na rin namang may nangyari sa amin.
At isa pa ikakasal na dapat kami kung hindi dumating yung mga kalaban namin.
Hinila niya si Bob pababa para isama sa amin.
“Manga? Hindi pa pwede yung manga natin! mga bubot pa..” Pigil ni Bob pagkababa namin.
“Yun din ang alam ko, pero gusto ng asawa ko, sumunod ka nalang kung ayaw mong masaktan... kaya halika na!”
Lihim akong natawa sa dalawa para silang mga batang nagtatalo palabas ng bahay dahil lang sa request ko.
“Wait nga lang..hindi kaya buntis na si Ms. Ysabela ?” Usisa ni Bob habang nakatingin sa akin.
what?!?
Namilog ang mata ni Mikhail at napatingin siya sa akin.
“A-are you preg-nant?” Halos pautal niyang tanong sa akin.
Bukod sa palagi akong sinisikmura nitong mga nakaraang araw wala na naman akong nararamdaman.
“Hindi ko alam.” Kamot ulo kong sabi sa kanya.
“Damn it! Tawaging mo si Doctora Analy at papuntahin mo agad dito!” Natatarantang utos niya kay Bob.
Kaagad naman itong tumalima sa sinabi niya at iniwan kami.
“Mahal ko, maupo ka muna dito. Ako na ang bahalang kumuha ng bubot na Manga ilang sako ba ang gusto mo?”
"kala ko ba ayaw mo ko ikuha kasi bubot pa? "
Hindi sya nagsalita at nagmamadali niya akong ini-upo sa kahoy na upuan sa labas ng bahay. At hindi rin ma-ampat ang kanyang ngiti.
Paano nga kung buntis ako?
Ano na ang gagawin ko?
Napahimas ako sa aking tiyan. Kung may buhay na nga ito dapat pala mas maiingat na ako simula ngayon.
Nanlaki ang mata ko nang ibaba nila ang isang plangana na manga sa ibabaw ng mesa.
Nagpatulong na si Mikhail na manguha dahil nahirapan siyang manungkit hindi ko rin alam kung bakit sa dami ng prutas yun pa ang natakam akong kainin bukod kasi sa bubot pa ito halos kasing laki lang ito ng kamatis.
“Pahinging toyo Bob,please.” Nakangiting utos ko sa kanya.
“Toyo? Soy sauce? Why?” Kunot noo na tanong ni Mikhail.
Ibinigay ko sa kanya ang matalim at malinis kong patalim para maipagbalat niya ako ngunit nagulat siya dahil sa hita ko yun kinuha.
“Ilan bang armas ang nasa katawan mo? Bakit kailangan mo pang maglagay nito? Paano kung magkamali ka ng galaw masugatan ka ng patalim na ito?” Inis na sabi niya sa akin.
“Wag ka ngang over acting jan Mikhail, Highschool pa lamang ang palagi na akong may dalang ganito. Self-defense, lalo na’t may pakiramdam akong malapit lang ang kalaban.” Makahulugang sabi ko sa kanya.
Sinulyapan ko ng bahagya si Jenny at si Levi na nag-uusap sa di kalayuan at panay ang sulyap sa amin.
“Don’t mind them ako ang bahala sa kanila. Yung magiging anak natin ang isipin mo.” Wika niya sa akin.
Sa tingin ko may alam na si Mikhail sa mga nangyayari. Nakikiramdam lang din ako sa paligid. Masama kasi ang kutob ko sa dalawang yun. Kumpara kay Bob mabigat talaga ang loob ko sa Levi na yun hindi dahi napagkamalan ko syang babae, pero mas mabigat di ang loob ko lalo na sa bruhang babaeng yun.
“Ito na ang toyo!”
Nawala sa kanila ang atensyon ko at napunta sa isang mangkok na toyo. Isinasaw-saw ko pa lang ang bagong balat ni Mikhail na manga ay naglalaway na ako. Pagkagat ko ay malutong pa ang laman nito at napangiwi ako sa asim! Pati ang dalawang lalaking nasa harapan ko ay nangangasim na rin ang mukha at napapalunok sa kakatingin sa akin.
“Bob, mas bagay sa’yo ang walang bigote. Mukha kang baby.” Nakangiting sabi ko sa kanya habang nasasanay na rin ang bibig ko sa asim ng nginunguya ko.
“Talaga Miss Ysabela ? Kapag ako ang pinaglihian mo siguradong magiging magandang lalaki o babae ang kalalabasan niyan.” Nakangising sabi niya sa akin na ikinatawa ko.
Akmang tutulungan sana niya si Mikhail na magbalat dahil hirap na hirap itong makaisa pero iniwas nito ang patalim sa mesa at sinimangutan niya ito.
“Pumasok ka na sa loob, ako na ang bahala dito gawin mo na lamang ang pinag-uutos ko.” Seryosong sabi ni Mikhail sa kanya.
“Naku! Ayaw mo lang akong paglihian ni Miss Ysabela” Sigaw nito habang papalayo sa amin at papasok sa mansyon.
“Aba’t talaga naman—” Angal ng lalaking nasa harapan ko.
Itinusok pa niya ang patalim sa mesa na kahoy dahil sa pang-iinis ni Bob sa kanya.
“Tama na yan, mas maigi ng si Bob ang paglihian ko kung sakaling buntis nga ako kaysa naman sa dalawang yun.”
Nguso ko sa dalawang nag-uusap pa rin sa di kalayuan sa amin.
“Mas mabuti kung ako ang paglihian mo dahil ako ang ama niyan.” Reklamo niya sa akin. Kaunti na lamang siguradong magtatampo na ito.
“Oo na! Hindi pa nga natin alam kung buntis nga ako. Malay mo nag-cravings lang ako dahil malapit na ako sa buwanang dalaw.” Saway ko sa kanya.
Hindi naman sa ayokong magkaanak. Sino ba naman ang ayaw?
Lalo pa kung ganito naman ang lahi ng mapapangasawa ko. Pero talagang nacu-cutan talaga ako kay Bob. Pwede ko nga siyang ireto kay Daniela eh. Kaya lang wala pa atang balak na mag-asawa ni Daniela . Baka broken pa din kay Marlon yun.
“Masarap ba talaga yang kinakain mo?”
Tumango ako sa kanya dahil puno pa ang bibig ko. At kumuha siya ng isang pisngi pagkatapos ay sinawsaw sa toyo. Pinanuod ko siya hangang sa dalhin niya sa bibig niya ang manga. Pagkagat niya dito ay napangiwi siya at mabilis na iniluwa ang manga mula sa bibig niya.
“Yuck! Ew!” Nandidiring sabi niya na ikinatawa ko.
Mapakla, maasim at maalat ang lasa ng manga at naghahalo-halo ang lasa sa bibig ko at masarap naman!
“Ew ka diyan, ang sarap kaya.”
“Anong masarap? Ang pait pa kaya ng lasa sigurado kang masarap yan?” Ulit na tanong niya sa akin.
“Oo nga! Ang kulit mo! Ilang beses ka bang inire ng nanay mo?” Inis na sabi ko sa kanya.
Ang bilis talaga magbago ng mood ko. Okay naman ako kanina pero ngayon ay nakakaramdam na naman ako ng antok.
Nabusog na rin nako sa manga na inupakan ko kahit bubot pa at masarap naman kapag sinawsaw sa toyo eh.
“Mikhail , I feel sleepy pwede mo ba akong buhatin pa-akyat sa kwarto? Habang inaantay natin si Doc Analy?”
Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Kaagad niya akong binuhat na parang bagong kasal at ipinangko niya ako sa kanyang dibdib.
Hindi man lang siya nabigatan sa akin. Pakiramdam ko bumalik yung memories ng pagkahulog ko sa bangin at niligtas din niya ako.
Umakyat kami sa itaas ng hagdan patungo sa kanyang kwarto.
“Magpahinga ka muna. Gisingin kita kapag dumating na si Doc. Analy. Dito lang ako sa tabi mo.” Nakangiting sabi niya sa akin.
Nilagyan pa niya ako ng kumot hawak niya ang kamay ko at nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama.
“Mikhail, Ilan ba ang gusto mong anak?” Seryosong tanong ko sa kanya. At gusto ko rin ng seryosong sagot.
“Depende kung ilan ang kaya mong ilabas or hangang sa kaya mo pang magbuntis pwede rin.”
“Ano? Balak mo ba akong losyangin sa pag-aalaga ng mga magiging anak natin?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Kukuha ako kahit ilang yaya pa para naman may magbabantay sa bawat isang bata nang sa ganun ay palagi tayong may time sa isa’t-isa kahit may anak na tayo.” Kaagad na sagot niya pero hindi naman ako papayag na hindi ako magiging hands on sa pag-aalaga kapag nagkaanak na kaming dalawa.
Sa sobrang antok ko ay nakatulog na pala ako. Nagising ako nang may maramdaman akong pumipisil sa aking kamay. Pagmulat ng mata ko ay may nakita akong babaeng matangkad at nakatayo sa harapan ko.
“Mabuti naman gising ka na, I’m Doctor Analy tinawagan nila ako para alamin ang lagay mo. Kailangan nating ma-test ang urine mo para mailagay dito sa pregnancy test. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Dramon dahil excited na raw siyang malaman kung buntis ka talaga.” Nakangiting sabi ni Doc Analy.
Inalalayan akong umupo ni Mikhail at inabot sa akin ang maliit na lagayan para sa ihi. Kinuha ko ito at nagtungo ako sa banyo upang punuin ito.
Pagkatapos kong mag-collect ng urine ay inabot ko na ito kay Doc Analy paglabas ko ng banyo. Kumuha siya ng payat na pangsipsip sa ihi mula sa lagayan at derechong inilagay sa PT. Sabay naming pinanuod ang unti-unting pagkalat ng ihi at ang pagsulpot ng unang linya.
Kabado din ako pero tatangapin ko kung ano man ang mangyari. Hangang sa nagpakita na ang ikalawang guhit.
what?!
shit!
Nalaglag ang panga ko at napatitig sa PT. Hangang sa naramdaman ko na rin ang pagkabig ni Mikhail sa aking katawan at mahigpit akong niyakap.
“Fuck! Buntis nga ako Mikhail .” Sambit ko.
“Yes! Mahal ko, Magkakababy na rin tayo sa wakas!”
“Yes, Miss Ysabela. You're pregnant pero kailangan pa rin natin ng mga test para masiguro lalo na nasa first trimester ka palang at magiging delikado ang pagbubuntis mo kaya kailangan mong mag-ingat. Kailangan din natin matignan ang lagay ng baby kaya pumunta kayo sa clinic ko bukas para ma-resetahan rin kita ng vitamins na kakailanganin mo sa pagbubuntis.” Paliwanag niya sa amin.
“Salamat Analy, pero may tanong lang ako. Pwede ba kaming mag-sex kahit buntis siya?”
bwisit!
nakakahiya talagang tinanong nya payun ng direkta !
“Mikhail !” Saway ko sa kanya nakakahiya naman kasi bakit kailangan pa niyang itanong yun.
Lumapad ang ngiti sa labi ni Doc Analy kaya sa tingin ko namumula na ako sa kahihiyan.
“Puwede naman wag lang super hard sex. Alam niyo na yun. Hindi pa kasi natin alam kung ano ang kundisyon ng bata sa tiyan niya kaya kailangan niyang mag-ingat.” Sagot ni Doc.
Napaka-professional niya pero nahihiya pa rin talaga ako. Pagkalabas ni Doc ay sinamaan ko siya ng tingin.
“Bakit? Gusto ko lang malaman dahil nine months mong dadalhin yan kaya nine months din akong magtitiis.” Nakangising sabi niya sa akin.
“Paano mo nakayanan noong wala ako?” Mataray na tanong ko sa kanya.
Dahil gusto ko siyang hulihin kung may babae siya.
“Mariang palad muna. Pero ngayon na nandito ka na at puwede naman kahit buntis. Kaya get ready for tonight.”
Nagulat ako ng siilin niya ako ng halik at unti-unting inihiga sa kama.
Talaga namang walang pinapalampas sa oras ang lalaking ito.
Kung hindi umaga, tanghali at gabi.
Kahit nasa gitna pa kami ng laban talaga namang daig pa ang sundalo na handa laging sumabak sa gera.
You are reading the story above: TeenFic.Net