CHAPTER 5

Background color
Font
Font size
Line height

Zaitel's POV

Kinaumagahan maaga akong nagising. Naligo at inayos ko na ang aking sarili at bumaba na papuntang dinning.

Makasalubong ko pa si Manang Teni sa may Sala at naroon na raw sila daddy sa dinning area.

"Good morning Dad." bati ko tiyaka humalik sa kaniyang pisngi.

"Good morning din, princess. Take your sit and eat your breakfast." Ani dad.

Narito na rin si Acerdel na nakatingin sa akin nang diretso.

"Good morning Zaitel" bati nito.


"Good morning din." bati ko pabalik with a simple smile plaster on my lips.

Umupo na ako at nag-umpisa na ring kumain. Sa kalagitnaan ng hapagkainan nang may naalala ako.



"By the way dad." agaw pansin ko rito. Napalingon naman Ito sa gawi ko.

"Sino pala ang nagbuhat sa akin nong nakaraang gabi?" tanong ko rito. "Sa pagka-alala ko kasi sa Sala ako nakatulog?" May pagkalito kong dagdag.

....

Kanina pa nakaalis si daddy dahil may meeting pa siya.

Si Acerdel pala ang nagbuhat sa akin nong nakaraang gabi. At mabuti di niya ako binalibag.

Napaka boring naman rito.

Nanonood lang ako ngayon ng TV show sa sala. "Hija" tawag pansin ni Manang Teni sa akin "may tawag para sayo" dagdag nito syaka iniabot ang telepono. Nagpaalam rin  naman itong aalis kaya tumango na lang akssayo.

Itinapat ko na ang telepono sa aking tainga.


"Hello sino to?" Kaagad kong tanong sa kabilang linya.

["This is Vien, chepipay."] si Vien lang pala akala ko naman talaga si jungkook na nang BTS.

"Napatawag ka?" Wala kong ganang tanong.

["Grabe ka naman chepipay, sakit ah. Tagos hanggang buto eh."] Sabi niya at umaarteng parang nasasaktan talaga.

"Tsk tigilan mo nga yan para kang baliw." natatawa kong sabi.

["Libre ka ba sa susunod na araw?"] tanong nito.

"Oo, bakit?" I directly answered.

["Labas Tayo. Dating gabaliw. masaya niyang sabi.

"Libre mo?" tanong ko.

["Lagi naman e."] parang bata niyang sabi. I'm sure ngumunguso na naman 'to.

"Hehehe sige, bye." ako.

["Sige bye. I love you muaah"] he sweetly said.

"Tsk baliw." tawa kong sabi.

Tiyaka ibinaba na ang telepono sa may lamesa dito sa Sala.

"Sino yon?"

"AYY KABAYONG BUNTIS." gulat kong sigaw.

"Kabayong buntis?" takang tanong nito.

"Ba't kaba kasi nanggugulat hah?" inis kong tanong at napahawak sa may dibdiban dahil sa kaba.

"May lakad ka?" tanong nito at naupo sa katapat na sofa'ng inuupoan ko.

"Sa susunod na araw pa." Imporma ko rito at itinuon ang pansin sa panonood sa harap.

"Gutom kana ba?" biglang tanong nito kaya agad akong napalingon sa kinaroroonan niya.


"Bakit ipagluluto moba ako?" mataray kong tanong at saka ibinalik sa harap ang atensyon.

"Hindi. Magpadeliver na lang kaya tayo?" suhestiyon nito. Tatanong tanong magpadeliver lang pala.

"Di ka naman pala magluluto, tsk. Umalis ka na nga sa harapan ko baka mabalatan pa kita ng buhay diyan sa inis ko." naiinis kong wika.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at naglakad papalayo.

"At san ka naman pupunta?" tanong ko rito na nagpahinto sa kaniyang paglalakad.

Lumingon ito na may pagtataka sa mukha.

"Seriously?" nagtataka nitong tanong.

"Oh bakit?" Inosente kong tanong pabalik.

"Diba sinabi mong umalis ako." Sabi niya sabay turo sa kaniyang sarili.

"Tsk oo nga. Tinatanong ko lang naman kung saan ka pupunta, tanga." ako.

"Tsk!" nasabi niya na lang at umalis na papuntang kusina. Tsk ma-attitude din to.

Iniwan na naman akong walang paalam. Napaka walang modo.



....

A minutes pass by nang may naamoy akong katakamtakam mula sa kusina. Nagugutom na ako. Amoy masarap.

"Ummmh adobo ba yon." ako. At inaamoy ang nakakatakam na halimuyak nong ulam.

Siguro si Manang Teni yong nagluluto. Paborito ko rin kasi ang adobo'ng ulam.

Tumungo na kaagad ako patungong kusina. Nadaanan ko pa ang dinning area. Habang papalapit sa kusina parang inuungkat yong ilong ko sa bango at sarap nong naaamoy ko.

"Wow Manang ang........." di ko na natuloy ang pagsasalita nang mapagtanto kong di si Manang ang nagluluto. P*tik oh.

"Acerdel??" gulat kong bigkas.

Napalingon naman ito na nakakunot ang nuo. Nakasuot ito nang itim na apron.

Infairness ang hot niyang tignan sa suot niyang itim na apron. Bagay sa kaniya maging cook, hahaha.

"Nang-aasar kaba. Kanina lang buntis ang tinawag mo sa akin ang malala kabayo pa talaga ngayon naman tinawag mo akong manang. Nakakarami kana ah." nakataas yong isang kilay niyang sabi saakin.

At halatang asar na asar na talaga. Habang nakaturo pa yong kutyara niyang ginamit sa pagtikim sa niluto niya sa harap ng pagmumukha ko mismo.

Napayuko naman ako sa hiya. Malay ko bang di siya si manang, tsk.

"Maghanda kana nga lang nang makakain na tayo." utos niya sa akin.

Mabilis kong iniangat ang aking ulo at mataray akong nagtanong. Habang nakapameywang.

"Inuutosan mo ba ako, ha?"

"Ayaw mo bang kumain?" mataray niya ring tanong. Yong totoo bakla bato?

"Gusto. Bakit bibigyan moba ako?" Ako.

"Kaya nga maghanda kana ng ating kakainan dahil malapit na tong maluto." Sabi niya at tinignan ang niluluto niyang ulam.

....

"Tapos na." sabi ko nang matapos kong ihanda ang kakainan namin.

Natatakam na talaga ako gusto ko nang matikman. Nandito lang ako sa may gilid niya pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa.

"Pwede pa tikim." malumanay kong sabi habang in-interlock ang mga daliri sa likod ko.

"Oh ito. Dahan-dahan baka mapaso ka." Sabi niya at hinipan ito bago sinubo sa akin.

Agad akong yumoko. Parang nag-iinit kasi yong magkabilang pisngi ko.

Tignan mo dahan-dahan daw baka mapaso ako pero siya ring umihip. Nangsasayang ng katalinohan, e.

Agad ko din namang iniangat ang aking ulo na nakatungo ng malasahan ko na ang adobo sa loob nang bibig ko.

"Wow ang sarap naman." puri ko sa niluto niyang adobo. Napapakislap ang dalawa kong mga mata habang ninanamnam ang masarap na lasa niyon sa bibig ko.

"Marunong ka palang magluto. Nakakabilib ka naman. Minsan turoan mo din akong magluto." napapahangang sabi ko. Ngumiti lamang ito kaya kita ko kung gaano ka puti yong nakalabas niyang mga ngipin.

Nagkwento siya na sa mommy niya natutunang magluto. At nong pumasok raw siya sa pagiging militar ay mas humosay pa ito sa pagluluto.

Matiwasay kaming kumain hanggang sa natapos.

Napagdesisyonan naming maglaro na lang pagkatos naming kumain kanina nong niluto niya. Hapon na rin at hinihintay na lang  naming makauwi si daddy.

"Oh talo kana naman hahaha." asar ni Acerdel sa akin habang tumatawa.

"E nandaya ka naman e." naka cross arm kong sabi at ngumuso.

Rules kasi namin kung sino ang matatalo papahiran ng lipstick.

Bawat mukha namin may lipstick na rin. Medyo madami nga lang yong sa akin kasi naman napakagaling niyang maglaro.

"Anong nandaya. Sadyang magaling lang talaga ako kesa sayo." hambog niyang sabi at pinisil pa yong tongki ng ilong ko.

"Aray naman." daing ko "Hindi, nandaya ka talaga. Ganyan naman talaga kayong mga lalaki pag nakita niyong mananalo na yong kalaban niyo diyan kayo nandadaya para lang manalo." Sabi ko rito.

"Ayan lalaki talaga ang agad ang sisihin. Di niyo ba napapansin na kaming mga lalaki tong lagi nalang nagpaparaya sa inyong mga babae. Oh baka nga naman manhid lang talaga kayo." Depensa niya.

"Talaga lang hah?" paninigurado ko at tiyaka ngumisi.

"Oo naman" he assured.

"Kung ganon naman pala magparaya kana lang sa akin." Sabi ko.

"Di naman yan pupwede. Sinasamantala mo na e kanina pa kita pinagbibigyan. Di nga sana 'to magkaka lipstick tong mukha ko kung di kita binagbigyan." Anas niya.

"Last na lang naman ito e. Sige na." pamimilit ko.

Nakita ko naman ang lipstick na ginamit namin sa may gilid naming dalawa. Napatingin rin siya sa tinitingnan ko.

Kaya dali-dali ko itong inabot pero sadyang mabilis ang kaniyang paggalaw at naunahan niya ako sa pagkuha nong lipstick.

"Akin na yan." ma-awtoridad kong sabi at inilahad ang aking palad sa mismong harapan niya.

"Di pwede. Kiss muna." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ang bastos mo talaga" inis kong sabi "akin na nga yang lipstick." pilit kong iniabot ang lipstick sa kaniya hanggang sa napadapa ako sa kaniyang ibabaw. Pilit ko paring iniabot ito sa kaniyang kamay na kasalukoyang inilagay niya na sa ibabaw ng ulo niya.

"Akin na sabi" natatawa kong sabi.

"Di nga pwede dahil ikaw naman tong natalo." Katwiran niya at tumatawa na rin.

Hanggang sa napahinto kami pareho nang mapagtanto naming sobrang lapit na nang mga mukha namin sa isa't Isa.

Parang nanunuyot yong lalamunan ko. Pansin ko ring panay yong paglunok ni Acerdel. Kita ko iyon sa bawat paggalaw nang kaniyang adams apple.

Magkatitig yong mga mata namin hanggang sa napatingin siya sa aking labi. Napatingin naman ako sa mapupula niyang labi.

Sa sobrang tuyo ng aking lalamunan parang wala na akong mararamdamang laway na maaari kong ilunok.

Pansin kong nilalapit ni Acerdel yong pagitan ng mga mukha namin.

"Princess, Acerdel?" Gulat akong napatingin sa tumawag sa amin. At sigurado akong nakatingin na rin si Acerdel rito.

Kinakabahan ako. Parang hinabol ako nang isang dosenang kabayo sa lakas ng pintig ng aking puso. Narinig ko na rin bawat pagpintig nito. Nang mapagtanto ko kung sino yong tumawag sa amin.

"Dad/sir!" sabay namin tawag namin sa lalaking nakatayo sa intrada ng pintuan.

Dali-dali kaming bumangon at tumayo ng maayos.

"Dad it's not what you think, okay. Si Acerdel kasi ayaw ibigay yong lipstick." paliwanag ko.

Malalagot ka talaga sa akin Acerdel pag tayo pinagalitan. Ipapalapa kita nang buhay sa mga liyon sa gubat.

Nakayuko lamang ako. Ayaw kong tignan ang mukha ni dad. Baka kasi galit na siya ngayon.

"Oh siya, oo na. Nagulat lang naman ako. Kayong mga kabataan talaga. At ano namang nangyari diyan sa mga mukha niyo? Para kayong a-attend ng Halloween Party kulang na lang yong mga costume niyo." natatawang sabi ni dad sa amin. Iniangat ko ang aking ulo kita ko pa kung paano nito iniling ang kaniyang ulo habang natatawa.

Seryoso ba siya di niya kami pagagalitan. Masyadong malaswa kaya yong naging posisyon namin.

"Hindi po kayo galit?" Nagtataka kong tanong.

Nagtataka niya naman akong tinignan.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit wala naman kaha kayong ginawang masama, maliban na lang kung meron? Bakit meron ba Acerdel, princess?" Dad.

"Wala po sir."

"Of course wala dad."
Halos sabay naming sagot.

"Oh ayan naman pala. Tayo na't kumain, nagugutom na rin ako." si dad.

Nauna na siyang pumunta sa dinning area.

Nagkatinginan na muna kami ni Acerdel bago sumunod kay daddy.


You are reading the story above: TeenFic.Net