MARK'S P.O.V
Buong araw akong hindi pinapansin ni Jarred. Alam ko naman kung bakit galit siya sa akin. Gusto ko siyang suyuin pero nahihiya ako dahil sa ginawa ko alam kong wala akong lusot o magandang paliwanag na pwede kong sabihin sa kanya. Huli talaga ako sa akto eh bakit ba kasi ako nagpakalasing ng ganun kung alam ko lang sana na mangyayari yun sana hindi na ako pumunta para makipag inuman sa kanila. Edi sana hindi nagalit sa akin yung baby ko huhuhuhu.
Naka upo lang ako sa sofa habang si Jarred nagluluto ng hapunan. Hindi ko na siya kinulit at baka isaboy niya sa akin yung niluluto niyang sinigang.
Tahimik lang akong nanunuod ng tv kasama si Miguel. Mukhang pikon na pikon naman itong katabi ko kanina pa kasi nakasimangot at panay tingin sa cellphone niya na parang may hinihintay na tawag. Hindi ko nalang siya phone pinansin at binalik ko nalang ang atensyon ko sa pinanunuod ko.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kent na may dalang pasalubong. Alam kong pagkain ang dala niya at galing pa sa isang sikat na restaurant dahil sa paper bag na sisidlan nito.
"Ayun!! Nice one bro kanina pa ako nagugutom dahil hindi ako pinagluto kanina ni Jarred" paparinig ko kay Jarred
"Saan ka galing bakit hindi ka nagrereply sa texts ko" parang galit na tanong ni Miguel kay Kent
Hahaha laughtrip din tong si Miguel ehh akala mo kung magalit kay Kent jowa niya ehhh hahaha
"Eto naman si baby nagtatampo agad" sabi ni Kent kay Miguel sabay hawak sa braso nito at hinimas himas pa
Nagtataka kong pinanunuod ang dalawa may hindi sinasabi ang dalawang to eh nangangamoy tae hahahaha
"Baby ka jan tangina wag ka ngang pahimas himas sa braso ko napapaghalataan kang nababakla ka eh" sabi ni Miguel sabay batok sa ulo si Kent
"Aray naman baby sadista ka talaga eh no palagi mo nalang akong sinasaktan" sabi ni Kent habang umaarte na animoy nasasaktan talaga
"Wag kang umarte hindi bagay sayo at ang panget mo" sabi ni Miguel
"Teka nga kayong dalawa may Hindi sinasabi sa akin" tanong ko sa kanila
"Ano namang sasabihin namin sayo?" tanong ni Miguel
"Na bakla na kayo tapos parehas kayong may gusto sa akin hahaha" tumawa ako ng malakas sabay pose na parang model
"Pakyu asa ka ako magiging bakla wag na uyyy sayang lahi namin" sabi no Kent at pumunta na ng kuwarto para magbihis
"Ulol ako bakla sa gwapo kong to magbabakla lang ako tama na yung ikaw nalang yung bakla sa atin dito" sabi ni Miguel sabay alis at dumeretso ng dining table dala yung pagkain na dala ni Kent.
Nahiya pa yung dalawa sa gwapo kong to imposibleng hindi sila mababakla sa akin. Pati nga yata straight pa sa ruler mababakla page nakita yung kagwapuhan ko.
Umupo na ako sa dining table. Nakahanda narin ang pagkain. Nakaupo narin ang tatlo pero yung pinagtataka ko walang pa pinggan na nakahanda sa upuan ko habang sa tatlo ay meron na pinggan. Tuwing kakain kami ay nahanda na yung pinggan, kutsara, at tinidor sa upuan namin pero ngayon yung sa akin Lang wala.
"Kumain na tayo" sabi ni Jarred at nagsimula na silang kumain
Tumayo ako para kumuha ng pinggan at kutsara no pero wala ng extra tinago siguro ni Jarred. Galit talaga siya sa akin huhuhu gutom na gutom na ako bakit ba pinahihirapan ako Ng baby ko ng ganito.
"Ikaw ayaw mong kumain? Sayang masarap pa naman tong ulam" sabi ni Kent at iniinggit talaga ako
Tiningnan ko so Jarred pero seryoso lang siyang kumakain na parang siya lang yung tao sa mesa.
Umupo nalang ako sa upuan ko katabi ni Kent habang namumugto ang mata ko huhuhu
"Bro share nalang tayo wala ng extra plate eh" sabi ko kay Kent
"Try mong mag share jan kung ayaw mong ikaw din magluto ng kakainin mo" seryosong sabi no Jarred kay Kent
"Kay Miguel nalang maki share pare" sabi ni Kent at sabay layo ng plate niya sa akin
Pumunta naman ako sa side ni Miguel pero bago pa ako makapagsalita ay nilayo agad ni Miguel any plate niya.
"Diyan ka da jowa mo maki share LC ako ayaw kong may kahati" sabi ni Miguel
"Anong LC?" curious na tanong ni Kent
"Laway Conscious" sagot ni Miguel
"Diba nga nag kiss tayo nagpalitan pa nga tayo ng laway ehh" sabi ni Kent
Hindi siguro napansin ni kent yung sinabi niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya pero yung tingin sa kanya ni Miguel ay parang papatay ng tao.
"Bakit???" Nagtatakang tanong ni Kent sa amin
"Sabi na nga ba eh may something sa inyo eh" sabi ko sabay tingin kay Kent at Miguel
"Any last wish bago kita kitilan ng buhay dito" tanong ni Miguel kay Kent
Mukhang natakot naman si Kent at napatayo siya lumapit naman sa kanya si Miguel habang nakangiti Ng nakakaloko.
"Kailan ako nakipaghalikan sayong gago ka?" sabi ni Miguel habang papalapit kay Kent
"Ehhh hinalikan mo naman talaga ako nung lasing ka ahhhhh" sigaw ni kent nung bigla siyang higitin ni Miguel at hinead lock
Tawa lang ako tawa habang nanunuod sa kanila pero biglang akong napatigil ng tawa ng tingnan ako ng masama ni Jarred huhuhu ano na namang ginawa kong masama.
Umupo nalang ako sa upuan ko at naupo na parang batang takot sa nanay niya.
Natapos silang kumain ay agad silang pumuntang kwarto kaya sumunod nalang ako sa kanila. Inubos nila yung ulam at kanin. Gutom na talaga ako pero hindi ako marunong magluto tapos yung wallet ko naman ayaw ibigay sa akin Jarred. Kaya wala akong nagawa kundi ang mamatay sa gutom.
*
Bandang alas dose na ng matulog sila Kent at Mark tulog na din si Jarred at ako nalang yung gising dahil sumasakit na yung tiyan ko dahil sa sobrang gutom. Pumunta akong kusina para sana maghanap ng pagkain pero naka kandado yung pinto ng ref ayos talaga sobrang talino talaga ni Jarred.
Wala akong nagawa kaya umupo nalang ako sa upuan sa dining table ramdam ko na yung pagkirot ng tiyan ko dahil sa gutom kaya naiyak nalang ako dahil parang mahihimatay na talaga ko sa gutom.
Umiyak lang ako ng umiyak dun hindi naman nila siguro ako makikitang umiiyak dito no. Baka mapagkamalan pa nila akong multong umiiyak dito. Wala na akong pakialam kung sino mang makakita sa akin.
"Anong umiiyak iyak mo diyan?" tanong ni Jarred
Nagulat pa ako dahil sa biglang pagsulpot niya.
"Ano bang pake mo kung iiyak ako dito" sabi ko
"Sinabi ko bang may pake ako?" sabi niya habang kumukuha ng baso at nilagyan ng tubig
"Ehh nagugutom na ako ehhh kanina pang umaga ako walang kinain huhuhu" sabi ko habang sumisinghot
"Hindi ka mamatay sa isang araw na hindi kumakain" seryosong sabi niya
"Oo hindi nga ako mamatay pero ito yung ikakamatay ko" sabi ko
"Edi goods yun para naman makahanap naman ako ng mas better pa sayo" sabi niya
"Eh kung patayin mo nalang kaya ako" sabi ko sa kanya habang nakatingin ng seryoso
"Wag na baka makulong pa ako pag nagkataon edi hindi ako makahanap ng ipapalit ko sayo" sabi niya
Tumayo ako at kumuha ng kutsilyo at binigay sa kanya.
"Patayin mo nalang ako Jarred" seryosong sabi ko
"Gutom lang yan tanga anong gusto mo ipagluluto kita"
"Eto nalang pala para madali" sabi niya sabay kuha ng instant noodles sa aparador na naka lock din kanina at itlog
*
Pagkatapos niyang magluto ay sinerve niya kaagad ito sa akin.
"Hindi kana galit sa akin?" tanong ko kay Jarred
"Galit pa rin pero naisip ko na nung ako dati na nalaman mong nakipag sex ako sa iba imbes na magalit ka ay inintindi mo ako pero hindi parin nawala yung galit ko sayo nabawasan lang" sagot niya
"Sorry talaga hindi ko talaga yun sinasadya" sabi ko
"Alam kong hindi mo sinasadya pero hindi pa rin naman mawala sa akin yung magalit dahil kahit saan tingnan sinaktan moko sa nakita ko hindi mo man sinadya ay masakit parin" seryosong sabi niya
Ramdam ko parin yung sakit sa bawat salitang binitawan niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Sorry hindi man maiibsan ng sorry ko yung sakit pero sana mabawasan nito yung sakit na dinulot ko" bulong ko sa kanya
Ramdam ko yung pagbigat ng paghinga niya senyales na umiiyak siya kaya mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.
"Promise hindi na yun mauulit" sabi ko
"Dapat lang dahil wala ka ng babalikan pag naulit pa yun" mahinang sabi niya sapat lang para marinig ko
Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata niyakap ko lang siya at hinagod ang likod niya.
"Seryoso ka ba kanina sa sinabi mo na kapag mamatay ako ipagpapalit mo ako?" Iniba ko na yung usapan para naman mas umaliwalas ng paligid dahil feeling ko hindi ako makahinga sa topic namin kanina
"Hahaha patayin mo nalang kaya ako bading na bading ang linyahan mo ah" sabi niya sabay tawa ng mahina
"Kung ipagpapalit mo lang naman ako pag namatay ako bakit di mo nalang ako patayin para makahanap kana agad ng kabet mo" pikong sabi ko
"Ayoko nga gagawin mo pa akong kriminal kung gusto mong magpakamatay magbigti ka nalang hindi yung bibigyan mo pa ako ng kutsilyo hahaha" sabi niya habang natatawa na talaga
"Sige tawa lang hahahalabyou" sabi ko sabay halik sa labi niya
Nagulat naman siya sa ginawa ko. Smack lang naman yung kiss na binigay ko pero namumula na siya sa kilig.
"Tara tulog na tayo" sabi ko sa kanya at hawak kamay kaming pumasok ng kwarto.
Magkatabi kaming natulog sa kama at nag usap pa kami ng ilang minuto hanggang sa dalawin na kami ng antok magkayakap kaming natulog...
(Itutuloy)
Written by: Seungwoonie_21
A/N: Hello!! PLEASE LEAVE A COMMENT, SHARE AND ADD THIS INTO YOUR LIBRARY😍😍 SUPPORT! LABYOU ALL ❤️❤️
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW! Thanks a lot❤️❤️
©All Rights Reserved. Seungwoonie_21.
2022.
You are reading the story above: TeenFic.Net