Chapter 25

Background color
Font
Font size
Line height

(Dawn POV)

Andito ako sa loob ng classroom at nakaupo habang nakatingin sa labas ng bentana hindi parin maalis saaking isipan yung lalaking yun ,at maraming tanong na tumatakbo saaking isipan

Bakit mataLim yung tungin niya kay rius?
Bakit parang merong kahulugan yung ngisi niya ?
Bakit parang meron siyang kamukha pero hindi ko alam kung sini yung kamukha ng lalaking yun ,at kapag naalala ko yung ngisi niya kinikilabotan ako at kinakabahan na feeling ko any minute merong mangyayaring masama saakin o kay rius .

Napapitlag ako ng merong humambas ng desk ko

"Parang malalim yung iniisip mo aa ,uwian na at kanina ka pa hinihintay ni Darius sa labas" sabi ni Kris ,dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko na malayang uwian na pala ,inalis ko muna sa aking isipan yung lalaking yun at niligpit na yung aking mga gamit

"Dawn" tawag saakin ni Kris

"Bakit??" Tanong ko sa kanya habang nililigpit parin yung aking gamit

"Napansin ko lang mula ng umalis kasi tayo ng garden at pag pasok dito sa loob ng classroom parang ang lalim ng iniisip mo" mahabang lintanya niya habang nakatingin saakin at naka kunoot yung kanyang noo

"Iniisip ko lang kung kailan kayo titino ni rius" sabi ko sa kanya habang tumatawa ng peke ,tiningnan niya lang ako ng nakakunot yung noo tas lumabas na ,nang makalabas na siya inalis ko na yung pekeng tawa at tahimik na lumabas ng classroom

Paglabas ko bakita ko si rius na nakasandal sa pader at malalim yung kanyang iniisip , kung hindi lang sa hawak niyang stuff toy ma pagkakamalan mo siyang si dark . Dahil parang seryoso niya at hindi ko Makita sa kanya yung makulit na si rius .

Nakangiting nag lakad ako palapit sa kanya

"Baby rius" tawag ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanya unti unti siyang  lumingon saakin,wala kang makikitang emosyon sa kanyang mukha dahilan para mawala yung aking ngiti , si Darius ba to o si dark . Nakita ko sa unahan si dark kasama si yumia at seryoso din yung mga mukha nila anong nangyayari bakit wala akong makikitang emosyon sa mukha ni rius ? Bakit ang seryoso nila ni dark at yumia ?

Umalis sa pagkakasandal si rius at umayos ng tayo at humarap saakin wala pading bakas ng emosyon sa kanyang mukha

"Doll " sabi niya sa malamig na bosis ano bang nanyayari bat ganito sila at mukhang merong gustong sabihin saakin si Darius pero parang hindi niya alam kung paano sasabihin saakin .

Nakabuntung hininang yumuko siya at sa pagtaas niya ng kanyang noo Nakita ko na na kangiti na siya at bumalik na si rius na makulit yun yung unang besis na Nakita ko siyang walang emosyon sa mukha .

Inangat niya yung kanyang kamay at hinaplos yung pisngi ko

"Rius meron bang nangyari ?" Tanong ko sa kanya na ka ngiti nga siya pero mukha siyang balisa

"Wala doll dawn ,bukas lilipat ako sa section mo"sabi niya ng nakangiti . Feeling ko ibang Darius yung kaharap ko seryoso din yung pagkakasabi niya non.

"B.bakit Rius" nauutal at nagtatakang tanong ko sa kanya

"Kasi gusto kitang makasama sa lahat ng oras " sabi niya at niyakap ako ng mahigpit .niyakap ko din siya pabalik . Bakit kaya naiispan ni Rius na lumipat sa section ko ?
Meron bang nangyari ?
Bakit feeling ko merong tinatago saakin si Rius at ayaw niyang sabihin ito saakin ?

Sana hindi Tama yung kutob ko na merong mangyayaring masama sana nga.

__________________
(Darius POV)

yakap yakap ko padin si dawn natatakot ako hindi para saakin kundi para sa kanya . Meron kasi akong na tangap na sulat kanina

(Flashback)

Matapos kaming pagalitan ni dawn nag lakad na ako papunta sa aking classroom ,habang nag lalakad ako feeling ko merong nakatingin sa akin kaya tumingin ako sa aking likuran ,wala akong nakitang tao kaya nag kibit balikat nalang ako at pinagpatuloy yung paglalakad ko , pagdating ko sa classroom nakita kung merong isang envelope sa itaas ng aking desk ,kinuha ko ito at binuksan Meron akong nakitang sulat sa loob ng envelope kinuha ko ito at binasa nagulat ako at biglang kinabahan sa sa sulat na binasa ko.

"Bantayan mo si dawn baka isang araw Makita mo nalang siyang isang malamig na bangkay "

Yan yung naka sulat at dugo yung ginamit na pansulat ,dalidali kung niligpit yung aking gamit at pumunta sa classroom nila ni dawn ,nakita ko siyang nakatingin sa labas ng bentana at malalin yung kanyang iniisip . Mabuti nalang ayos lang siya

(End of flashback)

Dahil sa sulat na yun naisipan ko na lumipat sa section ni dawn at sinabihan ko na din si kuya dark tungkul sa sulat na na tangap ko .

Kailangan kung bantayan si dawn at mahanap yung nag padala ng sulat saakin . Huwag lang siyang magkakamaling saktan si dawn Dahil ako yung makakalaban niya ..

Nakita ko si kuya dark na nakatingin saamin ng seryoso tiningnan ko lang siya ng malamig na tingin .

Alam din ni kristofer yung tungkul sa sulat at napag desisyonan namin Bantayan si dawn dapat Meron sitang kasamang isa saamin at tutulong din si yumia laking pasalamat ko na anjan sila para tumulong.

Pangako ko doll poprotektahan kita at hindi ko hahayang merong masamang mangyayari sayo pangako ko yan sabi ko sa isip ko at niyakap siya ng mahigpit .

____________________

(Someone POV)

Step one done hahahaha sulat palang yan Darius paano kaya kung si dawn na kaya yung padalhan ko .

Bantayan mo ng maiigi Darius Dahil malapit ko na siyang patayin .

"Huwag kang mag alala mahal kung kapatid malapit na kitang ipaghigante " sabi ko habang hawak yung litrato ng aking kapatid at hinihimas himas ito

Humanda ka Darius Dahil Buhay ni dawn ang kabayaran sa Buhay ng kapatid kung pinatay mo .

Narinig ko na merong kumatok

"Pasok"malamig na sabi ko habang nilagay yung litrato ng kapatid ko sa itaas ng mesa

"Boss handa na po yung regalo na inutos niyung gawin"sabi niya ng nasa harapan ko na siya , napangisi ako sa sinabi niya

"Good send that little present to princess dawn kim" sabi ko na nakangisi parin

"Yes boss" sabi niya at umalis na

Enjoy my little present of death dawn

Sabi ko sa isip ko habang na ka ngisi parin .

.
.

.
.
.
___________________________

Bitin ba alam ko 😂😂

5 chapters left 😣

Thank you nga po pala sa mga nag susuporta sa story ko . Love u all 😘😘

You are reading the story above: TeenFic.Net