CHAPTER 40

Background color
Font
Font size
Line height





Thank you for supporting me. Thank you for waiting on my updates. I hope to be with you on my next stories! And also, try reading on Jonaxx Stories App! Download now!♡




---




Life is so hard without him.





Ang hirap kapag wala siya. Ang hirap kapag 'yong taong nakasanayan mo na kasama mo sa lahat ng bagay ay biglang mawawala. Mahirap. Mahirap dahil kung sino pa 'yong inaakala mong 'di ka iiwan, 'yon pa ang biglang mawawala. 'Yon pa ang sasaktan ka.






Hindi ko alam kung nabubuhay pa ba ako para sa sarili ko o para sa kanya. I don't know if it's still a living. Marami akong pangarap. Marami akong pangarap sa buhay na 'to pero nang nawala siya sa 'kin ay bigla na lang 'yon nawala.







Bigla na lang 'yon nawala kasabay niya...






Narealize ko na karamihan sa mga pangarap ko ay kasama siya. Ang makasal sa kanya. Ang maging asawa niya. Ang magkaroon ng anak sa kanya. Ang bumuo ng pamilya na kasama siya. Ang abutin ang mga pangarap ko na kasama siya.







Marami kaming pangarap. Palagi namin sinasabi sa isa't isa na tutuparin namin 'yon ng magkasama kami. Na aabutin namin 'yon ng magkahawak kamay. Akala ko wala ng sisira sa amin. Akala ko kami na talaga hanggang dulo, pero nagkamali ako.







Hindi na namin maaabot ang mga pangarap namin ng magkakasama kami. Hindi niya na 'yon maaabot ng kasama ako. Hinding hindi na.





Hindi na ako ang kasama niya sa pag-abot ng mga pangarap namin. He will reach his dreams but not with me. He will reach his dreams with my bestfriend. Tutuparin niya ang mga pangarap namin sa kaibigan ko.







Lahat ng pangarap namin na dapat para sa amin ay tinupad niya sa kaibigan ko. 'Yong akala ko na para sa amin ay natupad na pala niya sa iba.






Iyong mga pangarap na dapat sa akin ay tinupad niya sa kaibigan ko. Iyong mga pangarap na kami ang bumuo pero sa iba niya ginawa.







Iyong mga pangarap na dapat sa akin...na dapat sa amin...







Killean:




Alia, kukunin na namin ni Julianna ang grades namin. Sasabay ka ba?







Napaisip ako. Nakalimutan ko na ngayon pala ang bigayan ng grades namin. Mabuti na lang at nagtext si Lean.






Bumuntonghininga ako at nagtipa ng irereply ko sa kanya.






Me:



Sige. Daanan niyo ako dito sa bahay, please. Hihintayin ko kayo.







Sabay-sabay naming kinuha ang grades namin. Mabilis lang 'yon dahil wala masyadong estudyante nang dumating kami. Ang iba roon ay pauwi na at may iba rin na kakadating pa lang.







"Nakuha na natin ang mga grades natin. Uuwi na ba agad tayo? Daan kaya muna tayo sa pastry shop?" tanong ni Julianna sa amin.





Naglalakad na kami palabas ng campus. Gamit namin ang sasakyan ni Killean na hiniram niya lang kay Kuya Enzo. Mabuti na lang at may sasakyan kami na nagamit ngayon kaya hindi na kami nagtaxi.








"Sige. Nagugutom na rin ako..." I said.







Tahimik lang ako sa biyahe habang sila Killean at Julianna naman ay nag-uusap. Hindi ko alam kung saan nila nasasagap ang mga pinag-uusapan nila pero maganda na rin ang ganoon para kahit papaano ay may alam kami.







"Caralia, nakakausap mo pa ba si Jayson?" tanong ni Julianna sa akin.






"H-Huh? Hindi na kami nag-uusap. Nagbreak n-na kami, 'di ba?" I stammered.






"May narinig kasi ako kay Leah noong isang araw. Hindi ako sigurado kung totoo ba 'yon kaya hindi ko muna sinabi sa inyo...pero parang totoo..." sabi ni Julianna at nilingon ako.






"Ano ba ang narinig mo, Lianna?" kuryosong tanong ni Killean.







"Na mag aano raw..."






"Ano ba 'yon, Julianna? Sabihin mo na..." saad ko.






"Narinig ko kay Leah na magpapakasal daw si Aika at Jayson..." mahinang saad ni Julianna.






"What?" gulantang na tanong ni Killean at agad na bumaling sa akin.






Ngumiti ako. "Iyon naman ang dapat nilang gawin, 'di ba? Ang magpakasal. Dapat lang na panindigan nila 'yon...para sa bata..." marahan kong sinabi.






"Hindi mo ba talaga ipaglalaban si Jayson? I mean, gano'n na lang ba talaga? Hahayaan mo na lang siya sa babae na 'yon..." nag-aalinlangang tanong ni Julianna.






"Ipaglalaban? Para saan pa? Siguro sapat naman na 'to para bumitaw na, 'di ba? Ilang beses na 'kong nasaktan..." giit ko.






"Kaya ka bumitaw? Kaya pala ayaw mong ipaglaban ang relasyon niyo? Paano ka? Kung hahayaan mo silang makasal, e 'di parang ikaw ang lumabas na talo sa laban na 'to..." Julianna murmured.







"Hindi lahat ng laban ay kailangang lumaban. At hindi lahat ng puwedeng ipaglaban ay kailangang ipaglaban..."






Lumipas ang mga araw na gano'n pa rin ako. Sa bahay at sa school lang ako. Minsan naman ay sa mansion kasama ang mga pinsan ko. Maayos ang naging takbo ng buhay ko. Wala ako masyadong problema maliban sa school. Sa mga homework, projects at iba pa.







Minsan ay napapaisip ako sa mga ginawa ko noon kasama si Jayson. Naging masaya talaga ako noon. Masaya ako kapag kasama ko siya. Akala ko siya na talaga ang makakasama ko hanggang sa huling hininga ko. Akala ko walang hahadlang sa amin. Akala ko kami talaga hanggang dulo.







Akala ko lang pala 'yon...






"What will you do after your college, Alia? I know you have plans. Care to tell us about it, sweetie." tanong ni Mommy habang kumakain kami ng hapunan.






"I don't know, Mommy. I think I will help na lang sa business natin..."






"Magpahinga ka muna kaya? Wala naman mawawala kung magpapahinga ka lang kahit isang taon, 'di ba?" suhestiyon ni Mommy.






"Yeah. Mommy's right, Alia..." Kuya Chase said.





"Kung 'yan ang gusto niyo, sige, papayag na ako..." natatawa kong sagot.






Mommy is so protective on me. I don't know why she's acting like that. She's so supportive in my studies. She always pack me some snacks before going to school. She even offered to help me in my assignments and projects. She's doing things that she had never done before. It was so strange. I was kind of happy. I always thought that she's only doing this because I was heartbroken.






Napapangiti ako kapag naiisip na 'yon ang dahilan kung ba't nagkaka gano'n si Mommy.






Minsan akong natitigilan kapag naaalala ko ang masasayang alaala namin ni Jayson. Masakit isipin na hanggang doon na lang pala ang kaya kong gawin. Ang alalahanin ang nakaraan namin ni Jayson. Pero kahit na ganoon ay naging masaya pa rin ako.







At least, he was once mine...







Iyon naman ang mahalaga, 'di ba? Iyong mga pinagsamahan. Iyong mga panahon na naging masaya kayo. Iyong mga panahon na naging responsibilidad niyo ang isa't isa. Iyong mga panahon na pinaramdam niyo na mahalaga ang isa't isa. Iyong mga panahon na minahal at inalagaan niyo ang isa't isa.







Iyong mga alaala na 'yon ang magiging lakas natin. Ang magiging sandata natin para ituloy ulit ang buhay. Iyong mga alaala na magtuturo sa atin kung paano maging matatag at malakas.






"Bakit bihis na bihis ka, Kuya Chase? Saan ka pupunta?" nagtataka kong tanong nang nakita ko si Kuya Chase na nag aayos. Bihis na bihis ito na parang may importanteng lakad na pupuntahan.






"May mahalaga akong pupuntahan..." he answered lazily.







"Mahalaga? Si Ate Bellia ba 'to?" panunuya kong tanong.







"Tsss." Pinandilatan niya ako ng mata.






"Magkaibigan pa rin ba kayo, Kuya? Ba't 'di mo kaya ligawan? Ang hina mo. Baka mamaya may mauna sa'yo..."






He looked at me with a serious face, then calm down. "Ayaw kong isugal ang pagkakaibigan namin. Baka masira pa ang pagkakaibigan namin..." he said.





"So hanggang doon na lang?" gulantang kong tanong.







"I don't know...maybe..."






"Ba't 'di mo subukang ligawan, Kuya? Malay mo parehas pala kayo ng nararamdaman tapos hindi niyo man lang nasabi sa isa't isa..."





"Ayaw kong matulad kami sa inyo ni Jayson..." he smirked.






"Anong connect?"





"Stranger to bestfriend. Bestfriend to lover. Lover to stranger..."






Dumaan ang ilang araw at ganoon pa rin ang ginagawa ko. Sa bahay at school lang ako. Kung minsan naman ay inaanyayahan ako ng mga pinsan ko sa kung saan-saan kaya kahit na gano'n ay nakakapasyal din ako.






Minsan nakikita ko sa school sila Jayson at Aika sa school. Mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa. Napansin ko rin na lumalaki na ang tiyan ni Aika. Hindi pa naman 'yon malaki na malaki kaya 'di pa halata. Nang nakausap ko siya no'n, ang sabi niya ay mag-aaral muna siya hangga't 'di pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi ako sang-ayon sa desisyon but she was so mapilit kaya pinagbigyan na rin.






Walang nagbago kay Jayson noong huli ko siyang nakita nang malapitan. Ganoon pa rin siya. Siguro nga sa relasyon lang namin may nagbago. Kapag nagkakasalubong kami, siya na mismo ang unang umiiwas. Minsan ko na rin siyang nahuli na nakatingin sa akin pero kapag nahuli ko siya ay ibabaling niya ito sa ibang bagay. Kahit sila Julianna at Killean ay hindi na rin siya pinapansin. Simula no'ng malaman ng mga pinsan ko ang totoong nangyari ay pinutol na nito ang ugnayan nila kay Jayson.






Kahit sila Mommy at Daddy ay hindi na rin gustong marinig na pinag uusapan namin siya. Mommy told me that if I want to move on, I should forget everything about him. Even his name. But how am I supposed to do that if he's name was already embedded in my heart?






Hindi ko siya makakalimutan. Hinding hindi pero hindi ibig sabihin noon na hindi na ako magmamahal ng iba.






"Saan ka pupunta, Alia? Uuwi ka na? Hindi pa kami tapos dito." pinigilan akong tumayo ni Julianna.






Binalingan ko ang mga homeworks na hindi pa nila tapos. Marami pa 'yon kaya mukhang imposible na matatapos agad ngayon.







"Hindi pa ako uuwi. Hihintayin ko kayo. Maglalakad lakad lang ako sa labas. Medyo boring kasi dito..."








"O, sige, text ka na lang namin kapag tapos na kami rito." si Killean.







Naglakad lakad ako sa hindi masyadong maraming tao. Ayaw kong makipag-usap kaya dapat lang na huwag masyadong maraming estudyante sa paglalakaran ko.






I kept my distance to people. I don't like to talk for now. I want to be alone. 'Yon ang napansin ko simula noong nakipaghiwalay ako kay Jayson. Mas gusto kong mapag-isa. Iyong walang tao sa paligid ko. I didn't like to talk to other people. Unless they're my cousins.







Nakakailang hakbang pa lang ako nang may narinig na akong tumawag sa akin.






"Alia!" I heard a familiar voice.






Marahas akong tumingin kong saan banda ang tumawag sa akin. Nagulantang ako nang makita ko na si Aika 'yon. Medyo nagkalaman siya pero hindi 'yon sapat para matawag siyang mataba. Medyo maputla ang mga labi nito pero may nakaplastar na ngiti dito habang nakatingin sa akin.






"Aika..." nawala agad ang gulat nang makita siya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at nilapitan siya.







"Uh, sinundan lang kita..." sagot niya.







"Wala ka bang klase?" tanong ko at iginaya siya sa upuan na hindi kalayuan sa amin.





"Tapos na ang klase ko. Mamaya pa 'yong sunod na klase..."






"Ba't mo 'ko sinundan dito? May gusto ka bang sabihin sa akin?"







"May gusto sana akong ipaalam sa'yo..." unti-unting pumormal ang tono ng boses niya.




"A-Ano naman 'yon?" nauutal kong tanong.





"Magpapakasal na kami ni Jayson pagkatapos nang graduation natin."






Kumirot ang puso ko. Bakit ba ako nasasaktan? Alam ko na 'to, e. Hindi ako nasaktan nang sinabi ni Julianna sa 'kin, 'to. Pero no'ng sa kanya na mismo nanggaling, bakit ako nasasaktan nang ganito?





It hurts because it was confirmed by my bestfriend.





Dahan-dahan akong tumango. "Ba't mo pa ipapaalam sa akin?" tanong ko sa mahinang boses.





"I know that you're still hurt because of what I've done but I didn't really mean it. I want to apologize again. I apologize for causing you so much pain. I didn't like to hurt you. You're my bestfriend..."






"That's all right. You didn't mean that, and anyway, it wasn't your fault."






Marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Hindi ko alam na kaya ko pa lang magpatawad nang ganito.





Yes. I'm hurt by the people I trusted. I was hurt by them. It wasn't really their intention to hurt me, so who am I to not accept their apologize? Who am I to not forgive them? I know that it can help me to accept it slowly. Maybe that way I can really forgive them and myself, too.






I want to move on. I want to forget everything. And to make it happen, I should know how to forgive those people who hurt me.







Kinaumagahan, masaya akong pumasok sa school. Mula ngayon, susubukan kong sumaya kahit para lang sa sarili ko. I'm with my cousins the whole time. Nagkakahiwalay lang kami kapag uwian na.







Pumunta ako sa cafeteria kasama sila Julianna at Killean. Saglit lang kami roon. Bumili lang kami ng pagkain at dumiretso agad sa library. Konti lang ang estudyante at tahimik. Tama lang 'yon para makapag focus kami sa ginagawa namin.





Natapos ko agad ang assignment ko habang sila Julianna at Killean ay nasa gitna pa lang. Tahimik ko lang silang pinapanood. Minsan naman ay nagpapatulong sila sa akin. Kagabi kasi ay ginawa ko na ang iba kong assignments kaya konti na lang ang ginawa ko kanina.








Nakailang punta pa ako sa CR dahil wala naman akong ginagawa. Binasa ko ulit ang assignments ko. Naghahanap kung may mali ba akong nasagot doon.






Nang nakaramdam ako ng pagkainip, kumuha ako ng library. Nandito rin naman na ako sa library kaya magbabasa na lang ako. Kumuha ako ng isang libro at bumalik din agad sa kinauupuan ko.






Ilang sandali pa lang, hindi ko namamalayan na naiiyak na pala ako. The leading lady on the story I've been reading was just like me. Doon ko narealize na may pagkakapareho pala kami ng babae sa kwento na nabasa ko.





I was willing to fight for him. I was ready to do everything for him. I was hoping that we'll get through this but I've realize that there are things that you should let go.




May mga bagay na dapat mong isakripisyo. Na hindi na dapat pang ipaglaban. Iyong mga bagay na alam mong mahirap isuko pero kinakailangan dahil alam mong 'yon ang tama.





I've realize that sacrificing is not means that you don't loved them anymore. It means that you want the best for them. You want to make everything all right, even if it will hurt you, and that is what we called love. We sacrifice for the people we love. We love them, so we should sacrifice.





Inayos ko ang libro na hiniram ko. Hindi ko na kayang tapusin pa ang kwento dahil sobrang sakit talaga. Ibabalik ko na lang 'yon at maghahanap ng bagong libro, 'yong hindi masyadong masakit.





Tumayo ako at nag-angat ng tingin sa mga estudyante na papasok sa library. May dala-dala silang gamit. Siguro gagawa rin sila ng mga assignment dito. Diretso akong nagtungo sa mga bookshelf. Binalik ko ang libro na hawak ko at naghanap ulit.




Sa kalagitnaan ng paghahanap ay nahagip ko ang dalawang mata na nakatingin sa akin. Iyong tingin na para bang ako lang ang tao dito sa library. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, pinagpatuloy ang paghahanap ng libro.




Kinuha ko na lang ang libro na huli kong nahawakan at agad-agad na lumapit sa mesa kung nasaan ang mga pinsan kong gumawa ng kanilang mga assignments. Marahan akong umupo para hindi sila maistorbo.





"Caralia..."




Nilingon ko ang tumawag sa akin. Narinig kong suminghap ang mga pinsan ko nang makita kung sino ang tumawag sa akin.





"Anong kailangan mo sa pinsan ko, Jayson? Can't you see that we're busy here, so will you please-"




"Gusto ko lang siya makausap, Lianna. Kahit sandali lang-"





"Hindi siya pwede, busy kami. May mga assignment kaming ginagawa." matamang sinabi ni Julianna at binigyan ako ng pagalit na tingin sa mata.





"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin, Jayson? Busy kasi ako ngayon. May ginagawa ako-"





"Really? You're busy? You're just reading books." he cut me off.




"Hindi pa ba halata na ayaw ka niyang kausap? Huwag mo siyang pilitin, Jayson. Wala na kayo, 'di ba? Ba't 'di mo na lang pagtuonan ng pansin si Aika. Iyong mag-ina mo..." ani Julianna, nahimigan ko ang inis sa tono ng pagsasalita niya.





"Hayaan mo na sila, Julianna. Relasyon nilang dalawa 'yan. Hayaan mo silang mag-usap kahit ngayon lang." awat ni Killean kay Julianna.





Nilingon ako ni Killean at tumango siya sa akin, hudyat na sang-ayon siya na kausapin ko si Jayson.




Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Nauna na akong naglakad palabas sa library. Hindi ko siya hinayaang magkasabay kami sa paglalakad. Malalaki ang mga hakbang ko para 'di niya ako maabutan.





Bakit ngayon niya lang ako kakausapin? Bakit ngayon pa na malapit ko na siyang makalimutan? Bakit ngayon pa na gusto

You are reading the story above: TeenFic.Net