CHAPTER 32

Background color
Font
Font size
Line height









Pinaalam agad namin sa mga magulang namin ang pangyayari na 'yon. Masayang-masaya si Mommy na marinig sa akin na boyfriend ko na si Jayson. Sa sobrang saya niya ay umuwi siya ng maaga at pinagluto kami ng hapunan. Doon na rin niya pinakain kasabay namin si Jayson ng gabing iyon.






Somehow my siblings and Jayson are already talking. They seem to be getting along well with Jayson as well. Maybe they realized that Jayson was also kind. I also can't blame them for being like this. I knew they were just protecting me. They know what happened to my ex -boyfriends then so they are like this now.







Now, maybe they realize that Jayson is different. Jayson is different from my previous boyfriends. He was the only man who made me feel things I had never felt before.






I'm happy when I'm with him. I feel like I have everything when I’m with him. It was as if I would have needed nothing if it was with him. That’s how I feel when he’s there.







"Caralia, bumangon ka na diyan. Nandiyan si Jayson sa baba. Hinihintay ka ng boyfriend mo. Sabay daw kayong papasok." Kuya Chase said.






Tinapik niya ang mukha ko ng dahan-dahan para magising ako. Kitang kita ko sa mata niya ang inis pero alam kong kontrolado niya 'yon. "Ano? Nandiyan siya sa baba, Kuya Chase?" gulat kong tanong, hindi makapaniwala dahil maaga pa.






"Oo, kaya bumangon ka na diyan. Bilisan mo-"






Hindi pa natatapos ni Kuya Chase ang sasabihin niya ay bigla na akong bumangon sa kama ko at dali-daling tumakbi sa CR. Mabuti na lang nakaplantsa na ang uniporme ko at nakahanda na rin ang gamit ko. Gabi pa lang ay inayis ko na ito dahil alam kong late na naman ang gising ko ngayon.







I took a quick shower and got dressed. I don’t want him to wait long for me. I don’t want to waste his time for me.






When I came down I saw Jayson talking to Mommy and Daddy. My siblings watch TV. Looks like they just finished breakfast.







"Good morning, mommy and daddy." Lumapit ako sa mga magulang ko at mabilis silang hinalikan sa pisngi nila.







"Good morning, sweetie." She kissed me on my left cheek. "Kumain ka na dito. Magbibihis lang muna ako." Mommy said before she left us.






Tumango lang ako. Nakita kong tumayo na rin si Daddy. "Magbibihis na rin ako, Alia. Maaga kami sa Montenegro Company ngayon." Hinalikan niya ako sa noo. "Kumain muna kayo bago kayo pumasok." Iniwan niya rin agad kami at sumunod na kay Mommy sa kwarto.








"Akala namin hindi ka na bababa, e. Ang tagak mo." Lloyd said without looking at me.







"Sorry." I said and then looked at Jayson. "Kanina ka pa ba dito? Nakakain ka na ba?" I asked.








"Nakapag breakfast na ako sa condo ko, Alia. Kumain ka muna bago tayo umalis." he said, smiling.







"Uh...sige..." saad ko at umupo sa upuan na inusog niya. Umupo siya sa tabi ko at siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. "Jayson, ang dami naman nito." bulong ko, natatakot na marinig nila Kuya Chase at Lloyd.








"You must eat more. Ang payat mo."








"Pero hindi ko mauubos-"








"No buts, Caralia. Ubusin mo lahat 'yan. Hindi tayo aalis kapag hindi mo 'yan nauubos."








Bumuntonghininga ako. "Fine." sagot ko at nagsimula na kumain.








Nakita kong bumaba si mommy galing sa taas. Bihis na bihis na siya. Kasunod niya si daddy na bihis na bihis rin pero lumabas agad ito. "Aalis na kami ng Daddy mo, Alia. Bilisan mong kumain diyan nang makapasok na kayo ni Jayson." Lumapit sa akin si mommy at hinalikan ako sa pisngi. Nakabihis na siya ng pangtrabaho niyang damit. It's a white dress with a pair of black sandals.








"Sige po, mommy. Ingat po." nakangiti kong sambit.









Ngumiti siya at bumaling kay Jayson aa tabi ko. Nilingon ko rin si Jayson. Sa akin lang pala siya nakatingin at nang nagtama ang paningin namin ay tumingin siya kay mommy. "Mauna na kami sa inyo, Jayson. Mag-ingat kayo."





Tumango si Jayson at sandaling nilipat sa akin ang tingin, hindi rin nagtagal at binalik iyon kay mommy.








"Paki bantayan ng maayos ang anak ko, Jayson."







"Makakaasa ka po, Tita."







"Sasabay na ako sa inyo, Mom. Paki hatid na lang ako sa school." Tumayo si Lloyd at kinuha ang bag na nasa tabi niya.








"Saan na ang kotse mo, Lloyd? Paano ka makakauwi mamaya?" nag aalala kong tanong sa kapatid ko.







"Sasabay na lang ako kay Brien pag uwian na. Nakakatamad magdrive." sagot niya at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.







Lumabas na si Mommy kasunod si Lloyd. Tumayo rin si Kuya Chase at tumingin banda sa amin ni Jayson. "Aalis na rin ako, Princess." Hinalikan niya ako sa noo at nilingon si Jayson. Narinig kong tumikhim si Jayson kaya bumaling rin ako sa kanya. Nakita kong nagdilim ang mata nito habang nakikipagtitigan kay Kuya Chase. "Ingatan mo kapatid ko, Jayson."








"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, Chase, dahil 'yan naman talaga ang gagawin ko."








Seryosong tumango si Kuya Chase at sumunod na rin kina mommy at Lloyd sa labas.








Bumaling ulit ako sa katabi ko. Mariin siyang nakatitig sa akin na tila ba binabasa ang iniisip ko ngayon. Binalik ko rin ang tingin ko sa pagkain na nasa harap ko dahil nakakatunaw ang tingin niya. Pinagpatuloy ko na ang breakfast ko. Bawat subo ko ay marami. Wala akong pakialam kung nandiyan siya. Ang alam ko lang ay kailangan ko ng maubos ito para makaalis na agad kami.









"Dahan-dahan lang, Alia. Mabubulunan ka niyan." medyo iritado niyang sinabi.







"Gusto ko ng makaalis tayo. Ayaw kong naiiwan tayong dalawa ng ganito." mahina kong sinabi pero mukhang sapat na iyon para marinig niya ang mga sinabi ko.







Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng natutuwa na mukha. Hindi ko alam kung maiinis ba ako. Minsan talaga ang gulo ko rin, 'no. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa kanya.








"What?" He chuckled.







"Wala. Ang sabi ko umalis na tayo." saad ko at tumayo na. Nawalan na ako ng ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahang kumain kapag may nakangising tao na nakatitig sa'yo?









"Sandali lang." Hinawakan niya ang kamay ko kaya hindi ako nakaalis agad doon.







"Bakit?"








"Aren't you comfortable with me?"







"Huh? Saan mo naman nasagap 'yan, Jayson? Bakit naman ako hindi magiging komportable sa boyfriend ko?"







He stood up so we could level up. He stared at me for a long time before hugging me tightly. I don’t know what that’s for. He sniffed my hair and kissed me there.








"I don’t know what I did then and I had someone like you in my life. You just don’t know how happy I am when I’m with you. I might die if we don’t get to the end."








"I love you so much, Alia. You're all I need. You're the only one I like. I have nothing more to ask for. You're enough for me."





Napangiti ako sa mga binitawan niya na salita. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at bakit ako may Jayson ngayon. Sobra-sobra siya para sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong kailangan pang iba kung hindi siya lang. Tama. Siya lang ang kailangan ko. Wala ng iba.







Niyakap ko siya ng mahigpit. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakaramdam ako ng pagmamahal na hindi ko kailanman nahanap sa iba. Iba pa rin talaga ang pagmamahal na binibigay niya. Alam kong may pamilya ako na mahal na mahal ko at mahal na mahal ako. Alam kong iyon ang dahilan kung bakit ako masaya sa araw-araw. At isa 'yon sa mga inspirasyon ko sa buhay. Pero itong kay Jayson. Minsan lang ito dumating sa buhay ko. Isang beses ko lang ito mararamdaman. Kapag nawala siya sa buhay ko ay hindi ko na ito mararamdaman pa. Hindi na ulit ako makakahanap pa ng ganito. Hindi na talaga.








"I love you, Jayson. I love you so much." I whispered.







We went to school together. We didn't have the same schedule so we separated immediately to go to our classes. Nahirapan pa siyang pakawalan ako. Naka ilang yakap pa siya sa akin bago kami maghiwalay.

.




"Sino naghatid sa'yo dito? Nakita kong maaga pumasok si Lloyd kanina." tanong ni Julianna. Magkaklase kami ngayon. Katabi ko siya dahil wala naman si Killean na nasa gitna nakaupo.







"Si Jayson."






"Weh?"






"Oo nga. Siya ang kasabay ko pumunta dito sa school. Maaga siya pumunta sa bahay kanina."






"Sweet pala ni Jayson maging boyfriend, 'no. Hindi halata sa mukha niya. Akala ko talaga walang papatol sa kanya, e."







"H-Huh? Anong ibig mong sabihin? Marami kayang nagkakagusto sa kanya dito sa school."







"Mukha kasi siyang torpe. Gwapo nga, torpe naman."








"Ikaw talaga kung ano ano na lang ang napapansin mo!"







Naunang umuwi si Julianna. Nagmamadali siyang umuwi kanina dahil may gagawin siya. Ayaw pa niyang sabihin sa akin kung ano iyon. Ang sabi niya ay mahalaga iyon at kailangang matapos agad. Hinayaan ko na lang siya na umalis dahil baka totoo naman iyon. Nakakamiss rin pala iyong kompleto kaming tatlo. Siguro kapag nakabalik na si Killean ay babalik din ang lahat sa dati.







Hindi ko namalayan na nagtext pala sa akin si Jayson. Hindi ko man lang napansin iyon kanina.






Jayson:





Ako na ang maghahatid sa'yo sa bahay niyo. Hintayin mo 'ko sa labas ng school.








Dumiretso agad ako palabas ng school. Umupo ako sa bench kung saan talaga ako naghihintay sa kanya noon pa man. Pasulyap sulyap ako sa paligid, nagbabaka sakaling makita si Jayson. Nakaka ilang sulyap na ako sa kalsada at wala pa rin siya. Saan na kaya siya?








"Caralia?" tawag sa akin ng babae na may pamilyar na boses.






I quickly looked at her. "Missy?"







"Sinong hinihintay mo? Bakit 'di ka pa umuuwi?"







"U-Uh...hinihintay ko lang si Jayson-"







"Jayson?"







"Oo. Si Jayson."







She laughed sarcastically. She was obviously disgusted and irritated with me for the reasons I don't know. She sighed and grinned foolishly. "Ang landi mo talaga, 'no."






"W-What? Anong sinabi mo, Missy?" nataasan ko siya ng boses.









"Ang sabi ko, ang landi mo!"






"Hindi ako malandi." kalmado pero may diin kong sinabi iyon.







"Really?" ngumisi siya.








"Who are you to tell me words like that, huh? Sino ka ba para sabihin na malandi ako? Sino ka ba sa tingin mo?"







"You slut! You already flirted with the whole guy here at school! You even flirted with my Kuya Carlos! And now you're flirting with Jayson again!"








"Wala akong nilandi. Hindi ako malandi!"








"Sinong niloko mo, Alia? Gan'yan ka ba talaga? Nang aagaw ka ng hindi sa'yo? Hindi ka ba marunong makuntento sa mayroon ka? Hindi ka ba marunong maging masaya sa kung anong mayroon ka?"







"Ano ba ang sinasabi mo, Missy? Hindi kita naiintindihan!"







"Itigil mo na ang pagpapanggap, Alia! Umamin ka na! Aminin mo na sa amin ang totoo. Na nilalandi mo ang lahat ng lalaki? Hindi ba 'yon naman ang totoo? Nilalandi mo ang lahat ng lalaki na makikilala mo? Malandi kang babae ka! Napakalandi mo!" sigaw niya sa akin.








"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Missy. Mabuti pa at itigil mo na ito. Diretsuhin mo na ako. Ano ba talaga ang problema mo?"







"Si Jayson, Alia! Totoo ba na boyfriend mo na siya? Boyfriend mo na ba si Jayson? Huh? Sagutin mo ako!"







"What's wrong if I'm Alia's boyfriend, Missy?" nangibabaw ang boses ni Jayson. "Ano iyon sa'yo kung kami nga?"








Lumapit sa akin si Jayson. Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon na para bang ayaw na niyang bitawan ang kamay ko. Na para bang takot na takot siya na mawala ako.







Napalingon si Missy kay Jayson. Nagulat siya sa narinig at ginawa ni Jayson. Nanlaki ang mata niya. Madilim niya akong tinignan. "How can you do this to my Ate Aika, Alia? I thought you were friends. Why are you like this to her? Masaya ka ba na nakikita mo siyang naghihirap? Masaya ka ba na nakikita mo siyang nasasaktan?" nabasag ang boses niya.








"I-I'm sorry, Missy..."







"If you're really apologize, break up with Jayson!"






Naramdaman kong humigpit lalo ang hawak ni Jayson sa kamay ko. Nakatingin siya sa akin. Pinapanood niya ang bawat kilos ko. Takot na takot ang mga mata niya.







"I can't, Missy. I can't do that thing. I love Jayson. I love him so much, Missy."





"Does that mean you prefer him over your bestfriend?"





"Wala akong pinili sa kanila. Hindi ako pipili. Ayaw kong pumili."






"That's enough, Missy! Whatever you do, I don’t love Aika. Si Alia ang mahal ko. Si Alia lang. At wala ng iba." Jayson groaned and pulled me away from there.







Nang nakalayo na kami kay Missy ay huminto kami. He turned to me and looked tired at me. He closed his eyes and bit his lip before staring at me for a long time








"Please don't leave me. I can't afford to lose you. This life will never be the same without you. I love you, Caralia..."







You are reading the story above: TeenFic.Net