MUST READ: This story contains typographical errors. I apologize in advance for any spelling, punctuation, or grammatical mistakes you might encounter. Please read with an open mind.
Tulala pa rin ako ng makapasok si star sa cr ng kwarto ko, hindi ako makapaniwala kase alam nya kung nasaan ito, parang kabisadong-kabisado niya ang kwarto ko.
Pero lalong hindi ako makapaniwala kase andito siya ngayon kahit alas nuebe na ng gabi.
FLASHBACK:
Lugmok na lugmok akong nakahiga rito sa kama ko, wala akong gana lumabas ngayon kahit pa birthday ko.
Bakit naman kase may trabaho si Xianne? Kahit na naiintindihan ko naman, hindi ko maiwasang magtampo.
Hindi ko nga alam kung anong oras na ba eh, kanina pa pabalik-balik si manang dito para pakainin ako pero wala talaga akong gana.
Akala ko kase makakasama ko si Xi...
Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis na naramdaman ko.
"Hayysss, kainis naman"
Napatigil ako sa pag gulong ng may narinig akong katok, siguro si manang na naman ito. kawawa naman si manang pabalik-balik pero wala kase talaga akong gana..
"MANANG HINDI PA PO AKO GUTOM!" Sigaw ko.
"Kieth, ako ‘to," natigilan naman ako sa narinig ko, boses ‘yon ni Xi ah..
Teka si Xianne???
Agad akong napatihaya pero wrong move dahil nasa dulo na pala ako ng kama ko kaya bumagsak ang ako sa sahig.
"A-aray," daing ko pagtayo ko, hawak-hawak ko pa ang bewang ko dahil sobrang sakit!
Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, bumungad sa akin ang mukha ni Xi..
END OF FLASHBACK
Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang pagkain na dala ni Xi, kumulo bigla ang tiyan ko.
Takte, hindi pa talaga ako kumakain simula kanina!
Tumayo ako ulit at saka lumabas ng kwarto ko, kukuha nalang ako ng beer. Mukhang alam ko na kung anong plano nito ni Xianne eh.
Pagkababa ko dumaretso agad ako sa kusina at kumuha ng dalawang beer, dalawa lang kinuha ko para tig-isa lang kami dahil mabilis malasing yun kahit beer lang inumin.
Gusto ko kase uminom ngayon kahit isa lang dapat para sa akin lang eh pero knowing her tiyak mag aalburuto yun at magpupumilit na bigyan ko rin siya.
Okay lang naman dahil andito naman kami sa bahay, hindi ako mahirapan kapag nalasing siya.
Umakyat ako ulit, pagbukas ko ng pinto sakto naman ang paglabas niya galing sa cr.
Taka ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng dinosaur na sweater— Teka, ayan yung niregalo ko sa kaniya dati ah?
Actually mayroon din ako niyan.
"Nice, beer!" Masayang saad niya ng makita ang hawak ko. "Pero bakit dalawa lang?" Takang tanong niya pa.
"Tag-isa lang tayo," sagot ko at saka nilagay sa table ang hawak ko.
Bumusangot naman siya agad. "Ano kaya yun..."
"Huwag ka na magreklamo, alam kong mabilis ka malasing Xi."
"Nyenye," nagmakeface lang siya. "Sige na, magbihis ka na!" sabi niya pa tinignan ko naman siya ng may halong pagtataka.
"Ha?"
"Suotin mo yung ganito mo dali!" Tinuro niya pa ang suot niya. "Mag celebrate tayo, huwag ka nang kj!"
Napakamot naman ako ng ulo ko.
"Ngek, ‘wag na!" Tanggi ko agad.
"Ako magbibihis sa ‘yo ng sapilitan, sige ka!" Nakapamewang na pananakot niya pa.
Lalo tuloy akong napakamot ng ulo ko at pumasok sa walk-in closet ko at saka hinanap ang kapareho ng suot niya.
Nang makita ko na ang hinahanap ko, agad din akong nagbihis at lumabas. Nakita ko pa siyang nasa harap ng tv at binubuksan ito.
Lumingon siya sa akin ng mapansin niya ang presensiya ko. "Yey! Ang cute mo riyan," pumalakpak pa siya ng sinabi niya iyon.
Napaiwas naman ako ng tingin at lihim na napanguso.
"Cute lang?" Bulong ko.
"Anong sabi mo?" Takang tanong niya pa, agad naman akong tumingin sa kaniya at umiling.
"Wala! Sige na, pili ka ng movie na gusto mo," sagot ko nalang at saka umupo sa tabi niya.
Namili naman siya ng cartoons. Minions ang napili niyang panoorin.
"Bababa bababa bababanana~" kanta niya pa, bahagya akong natawa sa pinaggagawa niya.
Parang bata kahit kailan..
Nilapag niya ang remote at saka tumingin sa akin, kinuha niya ang isang beer at binuksan ito bago inabot sa ‘kin.
Kinuha ko naman agad at pinanood siyang buksan ang isa.
"Let's celebrate your birthday, Kieth. Pasensya na kung ngayon lang ako dumating," saad niya habang binubuksan ang beer na hawak niya.
Napangiti naman ako. "It's fine, Xi. Ang importante andito ka."
Tumingin siya sa akin at saka matamis na ngumiti, itinaas niya ang beer na hawak niya. "Cheers?" Saad niya.
"Cheers," sagot ko naman at initaas din ang beer na hawak ko.
"Happy birthday, Kieth!" Masiglang bati niya pa sa ‘kin.
"Thank you, Xi" sagot ko naman at saka sabay namin tinungga ang beer.
Pinagmasdan ko lang siya habang nilalagyan ng pagkain ang plato na nilagay niya sa harap ko, puro favorite food ko ang binili niya..
"Pasensya na walang cake, hindi ako bumili kase alam ko naman na papakain molang sa akin yun," sabi niya pa habang naglalagay ng spaghetti at chicken sa plato ko.
Natawa naman ako, ganoon naman kase lagi, siya taga kain ng cake tuwing birthday ko, pfft!
"Oh, kumain ka! Hindi ka raw kumain simula kaninang umaga sabi ni manang, pasaway ka talaga eh ‘no." Sabi niya pa at saka tinignan ako ng masama.
"Wala kase akong gana."
"At bakit naman?" Tumaas pa ang kilay niya at nagcross arm sa harap ko.
Para namang si mommy ‘to..
"Malungkot kasi ako dahil wala ka," sabi ko at saka sumubo ng pagkain.
"Pasensya na kailangan ni boss ng kasama eh kaya nga naisip ko nalang pumunta rito ngayon."
Tumingin ako sa kaniya.
"Okay lang yun, Xi. Masaya ako na pumunta ka rito kahit na ang dapat nagpapahinga ka, alam kong pagod ka galing sa party."
"Syempre naman birthday ng best friend ko eh kayaa gagawa akong paraan ‘no!" Nagthumps up pa siya habang nakakagat sa fried chicken.
Natawa na naman ako sa itsura niya.
"Haynaku, Kieth, baliw ka na ba?" Biglang sabi niya habang nakakunot ang noo.
"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Eh, kanina kasi tulala ka lang tapos ngayon tawa ka naman nang tawa. Nako nako, sabi ko sa ‘o huwag ka nagpapalipas ng gutom eh."
"Tsk, natatawa kase ako sa ‘yo."
"Ha? Bakit naman? Mukha ba akong clown ha?At saka teka nga, gusto mo ba ng clown?! Dapat pala nag rent ako!"
"Takot ka kaya sa clown," bumusangot naman siya
"Pero doon ka naman sasaya.."
"Sa ‘yo ako sasaya.." mahinang saad ko.
"Ha? Ano? May sinasabi kaba?" takang tanong niya.
"Ha? Wala ah!"
"Meron eh! Lakasan mo kase!"
"Kumain ka nalang diyan at saka tinignan mo hindi mo na napanood yung movie, ang daldal mo kase eh," sagot ko nalang sa kaniya.
"Ikaw kaya madaldal no! May sinasabi ka pa riyan, ang hina hina naman ng boses. Ano kaya yun tapos tawa pa nang taw— hajdvwuaavah," himdi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil nilagyan ko ng chicken ang bibig niya.
Masama sjyang tumingin sa akin habang kagat kagat niya ang manok.
"Jumain ka nalang, daldal eh." Natatawang saad ko.
"Hmp, epal!" Inis pang sabi niya pero pinagpatuloy niya ang pag kain sa chicken na nilagay ko sa bibig niya.
Natawa nalang ako at saka tumingin sa tv, ganoon din ang ginawa niya, nanood nalang kaming dalawa habang kumakain kami..
Tahimik lang kaming kumakain at nanonood pero hindi ako makaramdam ng awkwardness kahit na ganoon, ramdam ko parin ang presensiya niya kahit na pareho kaming tahimik.
Mayamaya lang, napansin kong tinungga ni Xi ang beer na hawak niya at saka tinignan ito.
"KULANG YUNG BEER!" Inis na sabi niya, napalingon naman ako sa kaniya na nakabusangot na.
Mapungay na rin ang mata niya, kulang ba ‘yan?eh parang lasing na siya agad..
"Kuha pa ako," dagdag niya pa bago akmang tatayo pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya, tumingin naman siya sa akin at ngumuso.
"Huwag na," pigil ko sa kaniya. "Parang lasing ka na nga agad eh," dagdag ko pa, agad naman siyang ngumuso.
"Haynakuuuu," sigaw niya pa, napailing naman ako. Tinignan kolang ang ginagawa niya dahil kinuha niya ang dalawang paper bag na nasa tabi niya.
"Regalo ko sa ‘yo," inabot niya sa akin ang paper bag, kinuha ko naman ito at saka ngumiti. "Happy birthday, bespren!"
"Thanks, Xi."
"Dali buksan mo na," excited pang sabi niya natawa naman ako, mas excited pa sa akin eh.
Binuksan ko ang isang paper bag na may nakalagay na miniso, bumungad sa akin ang isang cute na plushie..
"Ano ano nagustuhan mo ba?"
Pinisa-pisa ko pa ito, ang lambot, masarap yakapin "Yes, thank you, Xi. May katabi na ako matulog," natawa pa ako ng bahagya.
"Yiee, buti naman." Pumalakpak pa siya, bakit ba ang hyper ng babaeng ‘to? Lasing na ba siya? "Ito pang isa dali, tiyak mas magugustuhan mo ‘yan, hihi"
Natawa naman ako at saka napailing, binuksan ko nalang ang isa pang paper bag.
Nangunot ang noo ko ng silipin ko ito.
"W-wig?" Taka ko siyang tinignan, ngiting-ngiti rin siya habang nakatingin sa akin.
"Yes! Alam ko naman na gusto mo ‘yan, hihi. Dali itry mo!" Pumapalakpak pang saad niya.
"Ha? Bakit ko naman itatry? Pang babae kaya ‘to," sagot ko naman, as in wig talaga ang laman ng paper bag.
Baket niya naisip na gusto ko ‘to?
Napasapo ako sa noo ko wala sa oras.
"Bakit hindi mo ba nagustuhan?" Sumimangot siya at paiyak na kaya naman nataranta ako.
"No no, don't cry please. I do like it," nataranta kong sabi, hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya or what.
Lasing na talaga ‘tong kausap ko, iiyak na eh.
"Pero b-bakit ayaw mo itry.." humihikbing saad niya pa.
"I'll try it, please don't cry, okay? I like it and thank you, I really appreciate it." Mahinahong sagot ko sa kaniya, humihikbi pa rin siyang tumingin sa akin "I'll try it na, okay? Don't cry."
"O-okay, wear it." Sagot naman niya bago pinunasan ang mukha niya, kumalma narin siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Kinuha ko ang wig sa paper bag at saka nilagay ito sa ulo ko, medyo nahirapan pa ako kase hindi ko alam kung paano ‘to ilalagay!
"Tulungan kita," saad bigla ni Xi at saka lumapit sa akin, inayos niya ang pagkakalagay ng wig sa ulo ko.
I think I look so stupid right now...
"Yiee, bagay sa ‘yo," humagikhik pa siya, gusto ko sumimangot kaso baka umiyak na naman.
"Wait, I have an idea hehe," bigla niyang kinuha ang shoulder bag niya at saka may kinuha roon na maliit na bagay bago humarap sa akin.
"A-ano ‘yan?" Kinakabahan ko siyang tinignan, humagikhik siya at tinanggal ang takip ng hawak niya.
"Lipstick, hehe"
"N-no, don't put it on me, Xi." Banta ko, natigilan naman siya at sumimangot.
"Please.." nagmamakaawa pa siyang tumingin sa akin.
Oh, come onnnn
Napabuntonghininga nalang ako wala sa oras at saka tumango, tuwang tuwa naman siyang lumapit sa akin. Nakangiti pa siya habang nilalagyan ng lipstick ang labi ko.
It feels so sticky..
"Hihi, ang ganda mo na." Biglang sabi niya pa, akala ko tapos na pero bigla niyang nilagyan ng lipstick ang pisnge ko.
"H-hey!" Suway ko.
"Lalagyan lang kitang blush on," nakangiti niyang sabi. "Para mas maganda ka na sa akin, hihi."
Wala na akong nagawa ng ikalat niya sa pisnge ko ang lipstick, napasimangot nalang ako habang kung ano ano ang ginagawa niya sa mukha ko..
Hindi ko na siya ulit bibigyan ng beer kahit kailan!
I look ridiculous right now..
NAKASIMANGOT ako habang si Xianne, tuwang tuwa sa harap ko, tapos na siya sa pinag gagawa nia sa akin. Ni hindi ko man lang natignan kong anong itsura ko ngayon pero alam kong mukha akong tanga.
"Kukuha akong beer," biglang sabi na naman niya.
"No! Huwag na, Xi, lasing ka na talaga." Pagpigil ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin at ayun na naman ang maluha luha niyang mata.
"Please, birthday mo naman eh." Mahinang saad niya pa at saka yumuko, napasapo nalang ako sa noo ko.
"Okay, basta dalawa lang ha." Walang laban kong sagot, mahirap na baka umiyak na naman ‘to.
"Yes, sir!" sumaludo pa siya at saka tuwang tuwa nalumabas ng kwarto, straight pa naman ang lahat niya kaya hindi na ako nabahala pa.
Mayamaya lang, bumukas ulit ang pinto, napatingin naman ako roon at halos malaglag ang panga ko dahil sa gulat!
Sampo! Sampong beer ang hawak niya! Meron pang nakaipit sa kili-kili niya.
"Xi! Ang dami niyan!" napatayo ako at saka lumapit sa kaniya, kinuha ko ang iba sa hawak niya.
"Hehe," tawa niya lang.
"Ibabalik ko ‘to," sabi ko at akmang lalabas ng kwarto pero pinigilan niya ako.
"Kieth naman eh! Ang KJ mo naman!" nagdadabog siyang umupo sa sofa.
Napabuntonghininga nalang ako at saka nilapag sa table ang mga beer bago siya kinausap.
"Come on, Xi. Alam mo namang mabilis ka malasing eh."
"Hindi naman eh! At saka gusto kolang mag celebrate tayo habang hindi pa tapos ang birthday mo," humikbi pa siya. "Ayaw mo bang andito ako..."
"No, of course gusto ko."
"So, let's drink, okay?" Tumingin pa ito sa akin, hindi sana ako papayag kaso nakikita kong naluluha na siya.
"Okay, last na ‘to ha?"
"Okaay!" masayang sabi niya, inabot niya sa akin ang isang beer habang nagbukas naman siya ng isa bago iyon tinungga.
Wala akong nagawa kundi buksan din ang binigay niya at uminom.
"Grabe buti pa ‘to hindi ganun kapait unlike sa natikman ko dun sa party na pinuntahan namin ni boss, sobrang pait nung wine. Ang panget ng lasa," pinapakinggan kolang siya habang pinagmamasdan ang ginagawa niya.
Pangalawang can na ang iniinom niya ngayon at dere-deretso pa!
"Hey, dahan dahan."
Tumingin lang siya sa akin at saka ngumiti tapos pinagpatuloy ang pag inom niya.
"Xi, may tanong pala ako."
"Ano naman yun?" tumingin siya sa dereksyon ko.
"Bakit parang kabisado mo ‘tong kwarto ko?" tanong ko sa kaniya.
"Syempre nakapasok na ako rito," taka ko naman siyang tinignan.
"Nakapasok? When?"
"Tss, hindi mo maalala no? Lasing ka eh!" inubos niya ang pangalawang can ng beer at saka nagbukas ulit ng isa.
Habang ako, isa palang ang nabubuksan, ang bilis nman nito uminom!
"Lasing ka no’n, nagulat ako tumawag ka sa phone ko pero nung sinagot ko iba naman boses. Akala ko nga nakidnap ka na eh pero sabi ng tumawag barista daw siya ro’n at tinanong kung kaano ano kita, pumunta ako syempre tapos nakita kitang lasing na lasing then sobrang init mo rin kaya nagtaxi ako at hinatid ka rito then ayun! Ako nag alaga sayo!" mahabang kwento niya.
Pilit ko namang inalala ang sinasabi niya pero wala talaga akong maalala..
"Nako! Lasing lasing ka tapos hindi mo naman pala kaya umuwi mag-isa," nagbukas na naman siya ng can ng beer at tinungga iyon.
Napanganga ako sa ginagawa niya, nakaapat na siya!
"Hey, tama na ’yan" tumingin lang siya sa akin ng may mapupungay ang mata.
"Next time ‘w-wag kana iinom sa bar, okay?" medyo hindi na straight ang pagsasalita niya.
"Yes, please tama na ‘yan," pilit kong inagaw ang can ng beer sa kaniya at pilit niya rin itong iniiwas.
"No!" sigaw niya pa at saka pilit inilalayo sa akin ang kamay niya, habang ako naman nagpipilit ding kunin ‘yon.
Para kaming baliw na nag-aagawan hanggang sa mawalan siya ng balanse at mahulog pero bago tumama ang ulo niya sa sahig, agad kong ikinalang ang kamay ko sa ulo niya..
Pareho kaming nahulog sa sofa, nasa ibabaw niya ako habang ang kamay ko naman nasa ilalim ng ulo niya.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, nakatingin lang siya sa akin habang unti-unting pumipikit ang mapupungay niyang mata..
Wala sa sarili akong napatingin sa labi niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Napailing ako at saka tumingin sa mukha niya, nakapikit lang siya.
Should I kiss her?
"Come on, Kieth. What are you thinking?!" mahinang bulong ko sa sarili ko at saka dali daling tumayo.
"Hey, Xi, are you okay?" tawag ko sa kaniya pero nakapikit lang siya, kinabahan naman ako.
"Hey, Xi!" bahagya ko siyang niyugyog pero natigilan ako ng marinig ko siyang humilik bahagya.
Ngek? Tulog??
Napakamot ako sa ulo ko at saka tinignan siya, mukhang nakatulog..
Bilis naman nito makatulog? Lasing na nga talaga..
Wala akong nagawa kundi buhatin siya at saka ilagay sa kama ko, inayos ko pa ang pagkakahiga niya at kinumutan siya.
Napatitig ako sa mukha niya, ang ganda talaga niya sobra..
My eyes landed on her lips, I wanna kiss her so bad.
Wala sa sarili akong napayuko, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya pero bago pa mag dikit ang labi namin, agad akong natauhan at saka tumayo ng tuwid.
"What the f*ck Kieth," suway ko sa sarili ko!
You shouldn't kiss a girl who's in her vulnerable state, stupid!
Napatingin ako kay Xi na mahimbing ang tulog, na konsensya naman ako bigla.
Yes, I didn't kiss her but I was planning to kiss her!
"I'm sorry, Xi" mahinang sabi ko pa.
I won't do it again, damn it! kahit saan tignan mali pa rin pag-isipan ko ng ganoon ang best friend ko lalo na't lasing siya!
Kahit pa gusto ko siya, hindi parin tama yun.
Napahilamos ako sa mukha ko, napabuga rin ako ng hangin ng makita ko ang kamay ko na may red stain.
Tsk, may suot pa nga pala akong wig at make up!
Tinignan ko ulit muna si Xi bago ako lumapit sa mini table para iligpit ang mga kalat.
Pagtapos ko linisin, pumasok ako sa cr at tinignan ko ang sarili ko, may suot pa akong wig at kalat kalat ang lipstick na nasa mukha at labi ko.
"I look like a fucking clown," mahinang saad ko at saka nailing na naghilamos.
What can I do? Hindi ako makatangi sa kaniya, haysssss
Pagtapos ko linisin ang mukha ko, tinanggal ko na rin ang wig na suot ko at saka lumabas ng kwarto.
Nakapamewang akong humarap sa kama, malaki ang kama ko actually kasya limang tao.
Tinignan ko naman si Xi na nasa gilid, lumapit ako rito at saka kumuha ng unan pag katapos, nilagay iyon sa sofa ko rito sa kwarto bago ako nahiga.
Habang nakapikit ako, wala sa sarili akong napangiti.
I'm actually happy dahil kahit papano macelebrate namin ang birthday
You are reading the story above: TeenFic.Net