MUST READ: This story contains typographical errors. I apologize in advance for any spelling, punctuation, or grammatical mistakes you might encounter. Please read with an open mind.
HER POINT OF VIEW
Nakangiti lang ako habang nakatingin kay boss, napansin niya siguro ang tingin ko kasi napatingin din siya sa akin.
"Bakit nakangiti ka?" Salubong na naman ang kilay niya, umiling lang ako.
"Wala naman hehe," ang totoo naiimagine ko na ang mga ipapagawa ko sa kaniya, exciting talaga.
"Tsk," singhal niya bago siya tumayo, lumapit s’ya sa box na nasa sofa "Come here.."
Agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Buksan mo," utos niya, umatras naman ako agad.
"Ayoko nga!" Mamaya kung ano pa meron diyan sa loob.
"At baket?"
"Ayaw ko, baka may sawa d’yan o kaya naman bomba. ‘Wag ka ngang ano, boss." Tinarayan ko siya. "Ang bigat-bigat n’yan eh, mamaya ayun talaga laman."
"Alam mo palang mabigat, ba’t mo binuhat?" ‘diko mawari kung naiinis ba siya or ano.
Napacross arm naman ako. "Alangang paakyatin ko ‘yan magisa, boss! Wala naman ‘yang paa no"
Tinignan niya naman ako ng pagkasama-sama, napaatras na naman ako. Baket ba nagagalit na naman siya? eh totoo naman sinasabi ko, kainis talaga ‘to.
Hindi niya ako pinansin at saka binuksan ang box, nanlaki naman ang mata ko dahil sa laman nun.
Isang black dress at stilleto, ang ganda mukhang mamahalin.
"Wow, boss! Ang ganda naman"
"Talaga?" Tinignan niya pa ako na parang naninigurado, tumango ako agad.
"Pwede ko bang hawakan, boss?" Tanong ko.
"Yeah, sure."
Excited kong hinawakan ang dress, medyo mabigat s’ya. Tinignan ko si boss at saka bumalik ang tingin ko sa dress.
Masyadong pangsexy ang dress na ‘to, may slit pa kase siya sa gilid. For sure, kita ang isang hita ng magsusuot nito.
Tumingin ulit ako kay boss at saka itinapat sa kaniya ang dress, ‘di sa kanoya bagay. Ayun agad ang pumasok sa isip ko.
Maganda nga pero ‘di sa kaniya bagay, ngayon kolang nalaman na walang taste of fashion ‘tong boss ko.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong niya dahil ‘diko mapigilan ang sarili kong sipatin sa kaniya ang dress.
"Tinitignan ko lang kung bagay ba sa in’yo 'tong dress na binili n’yo, ang ganda kase pero parang hindi bagay sa in’yo, boss. Dapat sinama mo ako nung namimili ka ng susuotin, magaling ako pumili ng dress. For sure, mas babagay sa in’yo," kinuha ko ang stilleto sa karton. "Tapos itong sapatos, boss parang mali ang size. Hindi ‘to kasya sain’yo, ito ba ang susuotin mo sa party?" Tuloy tuloy na tanong ko pero wala akong nakuhang sagot kaya napatingin ako agad sa kaniya.
Laglag ang panga niya na nakatingin sa akin.
"Boss?" Takang tawag ko kay boss, para kasi siyang lutang.
"What the f*ck," mahinang bulong niya habang nakahawak sa noo niya. "‘Diko na alam ang gagawin ko sa iyo, alam mo ba ‘yon?" Inis na sabi niya bigla.
Tinignan ko naman siya ng masama.
"Baket parang galit kayo, boss?" Mataray na sabi ko.
Nagsasabi lang naman akong opinion ko kase ayaw kong mapahiya siya sa party na pupuntahan namin no! Kahit kailan talaga!
"Hindi ako ang magsusuot niyan, okay?! Sayo ‘yan, ikaw ang magsusuot niyan," inis na inis na sabi niya pa pero ‘diko pinansin iyon kase nagulat ako sa sinabi niya.
Ako magsusuot nito? Halaaa
Napahawak ako sa dalawang pisnge ko. "Talaga, boss?!" Excited na sabi ko.
"Oo," walang lakas na sabi niya.
"Wala ‘tong bayad?" Paniniguro ko, mahirap na wala akong pera no—mukhang mamahalin ‘to eh.
"Tsk, wala." Inis na sabi i’ya at umalis sa harap ko, umupo na siya sa swevil chair niya habang ako naman, ibinalik ko ang dress sa kahon.
Masaya akong lumapit sa kaniya "Thank you, boss! Ang ganda nun."
Sa akin bagay yun ‘di sa kan’ya hihi
"Buti naman nagustuhan mo."
"Oo naman, ang ganda kaya!" Masayang sabi ko. "Deserve mo ng kiss boss."
Bigla siyang tumingin sa akin, hindi na salubong ang kilay niya at bahagya pa siyang nakangisi.
"Talaga? Hahalikan mo ‘ko?"
Tinignan ko siya at saka ngumiti ng matamis.
"Joke lang hehe," agad naman sumama ang mukha niya.
"Umalis ka muna sa harap ko, Ms.Sanchez. Umiinit ang ulo ko sayo," halatang naiinis na sabi niya, nakahawak pa siya sa sintido niya na akala mo eh ang sakit sakit ko sa ulo.
Hmp! bahala nga siya d’yan.
THE NEXT DAY...
NAGMAMADALI ako kanina papasok ng office, nalate ako ng gising. Nandito na ako ngayon sa loob ng elevator at tinitignan ang sarili ko, napasimangot ako dahil ‘di ako nakapagtali ng buhok.
’di rin ako nakapag-almusal, hayss. Nakakainis naman! Baket ba kase late ako nagising? Nakakainis!
Pagbukas ng elevator agad akong lumabas, napatingin sa ‘kin ang ibang employee.
Ngayon lang sila tumingin sa ‘kin ng ganiyan, hala ‘di ba bagay sa ‘kin ang buhok ko? Mamaya magtatali ako.
"Goodmorning, Ms. Sanchez." Bati sa ‘kin ng co-worker ko na si Leo.
"Goodmorning din!" Masiglang bati ko.
"Napansin ko nakalugay kayo ngayon ah, bagay sayo," nakangiting sabi niya pa, napahawak naman ako sa buhok ko.
Seryoso ba siya? Baka ineeme-eme ako nito.
"Ahh hehe, thank you." Sabi ko nalang. "Nagmamadali kase ako eh kaya ‘di nakapag-ayos," dagdag ko pa.
"So, hindi ka nagbreakfast?" Umiling naman ako. "Gusto mo ba mag coffee later? My treat"
Agad akong napatango, nagugutom na kase ako.
"Sige, basta libre mo ah," tumango siya. "Pupunta muna ako sa office ni boss, 'lam mo na baka magalit ‘yon." Natawa naman siya at tinanguan ako.
Dali-dali akong pumasok sa office ni boss dahil late na ako, lagot talaga ako kay San guko.
Naabutan ko si boss na nakaupo sa swivel chair habang hawak-hawak ang ulo n’ya, bahagya din siyang nakapikit.
"GOODMORNING, BOSS!" Masiglang bati ko dahilan para magulat siya at—
"WHAT THE F*CK! BAKIT BA NG GUGULAT KA!?" Biglang sigaw niya.
Napatayo pa siya habang hawak-hawak ang dibdib niya, napatawa ako ng malakas. Pfft!Epic!
"Masyado naman kayong magugulatin, boss." Tawang-tawang sabi ko.
He glare at me. "BAKIT BA BIGLA BIGLA KA NALANG SUMISIGAW HA!? ‘DI KA MAN LANG KUMATOK! NANGGULAT KA PA!"
"Pfft hahahaahha," tawa ko pa na lalong nagpainit sa ulo niya, nakakatawa naman kase talaga eh.
"FUCK! GET OUT! YOU'RE FIRED!" Sigaw niya na naman na nagpatigil sa akin, salubong na salubong ang kilay niya at galit na galit habang nakatingin sa ‘kin.
"HAHAHAHAHAHAH! okaaay! I'm fired. Whatever, boss" Sabi ko at akmang lalabas pero narinig ko siyang napamura.
"Damn it! Comeback here," saad niya kaya nakangiti akong humarap sakaniya.
Alam ko naman hindi nya ako kayang tanggalin, ewan ko rin sa boss ko na ‘to.
Lagi niyang sinasabi na pinapainit ko ulo niya, eh baket hindi n‘ya ako tanggalin? duh.
Nakatayo lang ako ng bigla siyang magsalita ulit.
"Kumain ka na ba?" tanong niya sa mababang tinig, napatingin ako sa kaniya dahilan para umiwas siya ng tingin.
Bahagya ring namumula ang mukha at tainga niya.
"WHY ARE YOU SMILING?!" Biglang tanong n’ya dahilan para mapaigtad ako.
"Mukha kase kayong tanga, boss." Wala sa sarili kong saad.
"WHAT THE FUCK DID YOU SAID?! GET OUT!" Galit na sigaw niya sakin kaya napaatras ako at napatakip ng bibig.
"Lalabas nako, boss." Kinakabahang sabi ko.
Ang init naman ng ulo niya ngayon, ano kayang nangyare ron? Haist! Ikaw din kasi star, hindi ka nag-iisip eh.
Nakasimangot ako ng makalabas ng office ni boss, agad namang lumapit sa ‘kin si Leo.
"Oh, anong nangyare?" Natatawang tanong niya kaya lalo akong napanguso.
"Sinigawan ako, may saltik talaga ‘yon eh no. Ang aga-aga, ang init ng ulo."
"Haha! Tara mag coffee nalang muna tayo," aya niya sa akin kaya tumango nalang ako.
Since pwede naman kami mag coffee ng ganitong oras, pumayag nalang ako sa offer niya kasi medyo gutom din talaga ako dahil nga hindi ako nagbreakfast bago umalis.
At saka libre ‘to! Tatangi pa ba ako? hahaha.
PAGDATING namin sa café— na kinainan namin ni kieth last time— agad din siyang nag-order.
Tahimik lang kaming kumakain ng mapatingin ako sa labas ng office.
Nakita ko si boss!
Siinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok s’ya ng café, nilibot niya pa ang mata n’ya na para bang may hinahanap.
Agad nagsalubong ang kilay niya ng magtama ang paningin namin, bahagya niya pa akong sinamaan ng tingin bago lumapit sa pwesto namin.
"What are you doing here?" Malamig na tanong niya ng nasa harap ko na siya, tinignan ko naman ang kinakain ko bago ko ibinalik ang tingin ko sa kan’ya.
Taka ko siyang tinignan. "Uhmm, kumakain?" patanong na sagot ko, agad sumama ang mukha niya at napatingin kay Leo.
"Goodmorning, Mr.Anderson. Inaya ko lang si Ms.Sanchez, hindi pa raw s’ya nag breakfast." Magalang na sabi nito sakaniya pero hindi niya ito pinansin at tumingin ulit sa ‘kin.
Suplado talaga ‘to..
"Hindi kapa nag breakfast?" Tanong niya sa ‘kin.
"Yes, boss. Nagmamadali—" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Kanina tinatanong kita kung kumain ka na ba, anong sinagot mo sa ‘kin? Mukha akong tanga?" Hindi ko alam kung galit ba siya dahil walang emosyon ang pagkakasabi niya no’n.
Blangko ang mukha niya habang nakatingin sa ‘kin, wala akong mabasa na kahit ano sa emosyon niya. Hindi ko alam pero may kaba akong naramdaman, galit ba siya?
"Tapos makikita kita rito na kumakain?" Dagdag niya pa, napayuko naman ako agad dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya.
Ngayon ko lang nakitang blangko ang mukha niya, mas nakakatakot pala siya kapag ganito. Wala akong mabasa na kahit ano sa expression
kaya hindi ko alam kung galit ba siya or ano, nahihirapan akong basahin kung anong nasa utak niya.
Ang alam ko lang kinakabahan ako sa reaksyon niya, mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako sa galit kesa naman sa ganito.
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumalikod at lumabas ng café, agad akong nagpaalam kay Leo at sumunod sa kan’ya.
Galit ba siya? hindi ko alam kung baket gano’n ang naging reaksyon niya, may mali ba akong ginawa?
Kumain lang naman ako..
Baket ba tuwing kumakain ako eh nagagalit siya, ano bang problema niya? hmp!
PIXIEXWSH.
You are reading the story above: TeenFic.Net