CHAPTER 01

Background color
Font
Font size
Line height

MUST READ: This story contains typographical errors. I apologize in advance for any spelling, punctuation, or grammatical mistakes you might encounter. Please read with an open mind.


HER POINT OF VIEW

Nakakainis naman! Ang bigat bigat nitong box na binigay sa 'kin nung ateng delivery! Tapos tinatanong ko siya anong laman ayaw niya sabihin sa 'kin! O baka hindi niya alam? Pero
kahit na ba! Tinarayan niya pa ako, hmppp!

Pasalamat siya mabait ako.

Hayyys, 'yaan na nga!

Pagewang-gewang ako ng makalabas ako sa elevator, nakarating narin ako sa office ng boss ko sa wakas! Ewan ko kung anong trip niya or sadyang may saltik lang talaga ang boss ko kaya nilagay niya sa pinakataas ang office n'ya.

Pagdating ko ng pinto ay kumatok muna ako bago ako pumasok, mahirap na baka sigawan n'ya pako!

Agad naman n'ya akong napansin atsaka nag angat ng tingin at biglang...

"WHAT THE FUCK!? BAKET MO BUHAT BUHAT YAN?SINONG NAGSABI SAYONG BUHATIN MO YAN HA!?" sumigaw s'ya!

Tumayo pa s'ya at kinuha ang box na dala ko. "ALAM MO BANG MABIGAT 'TO?!" galit na tanong n'ya pa.

Napairap ako, seryoso ba siya sa tanong n'ya?

"WELL, AREN'T YOU GONNA ANSWER MY QUESTION!?" sigaw na naman n'ya.

Bakit ba s'ya sigaw nang sigaw? hindi ba sumasakit lalamunan n'ya kakasigaw, hmp!

Nginitian ko naman s'ya para kumalma na s'ya

at saka ko s'ya sinagot.

"Boss, syempre alam kong mabigat 'yan kakabuhat ko nga lang diba?" kalmadong sagot ko sakan'ya habang todo ang ngiti.

He just glared at me.

Inilagay n'ya ang box sa couch at saka nakacross arm na humarap sa'kin

"You know what?" biglang saad n'ya.

Nag-angat naman ako ng tingin "Hindi, hindi mo pa sinasabi eh"

"DAMN! PWEDE BANG PATAPUSIN MO MUNA AKO?!" nauubos na ang pasensyang sigaw n'ya, napasimangot naman ako.

"Okay okay, sigaw ka naman nang sigaw"

Hinilot naman n'ya ang sintido n'ya at umupo sa swevil chair, bumuntong hininga pa s'ya at tumingin sa'kin.

"Sometimes your innocence always came out like you're a savage" Ano daw? hindi ko narinig yung huli.

"Ano boss? G-garbage?"

"FUCK! I SAID SAVAGE NOT GARBAGE!" At ayon galit na naman po siya. "You really give me massive headaches."

"Hala boss masakit ang ulo n'yo?" Tanong ko pa, hindi ko na pinansin ang pagsigaw noya "Wait, boss ikukuha kitang gamot." Akmang lalabas na ako pero pinigilan niya ako.

"You know, you can hug me para 'di ka na kumuha ng gamot." Sabi niya.

May saltik ba talaga 'tong si boss? Una halik ngayon yakap? Ano bang trip nito?

Salubong ang kilay na hinarap ko siya.

"Boss, sasabihin ko lang sain'yo ha, walang pong kahit na anong gamot sa katawan ko para d'yan sa pagiging saltik n'yo." Mahinang sabi ko pero siya nagalit!

"GINAGAGO MO BA TALAGA AKO!?" Kulang nalang umusok ang ilong niya kaya naman na paatras nalang ako.

"Ah eh, joki-joki lang, boss." Kinakabang sabi ko habang naatras, "Lalabas nako, boss ha, hehe babye."

Nakakatakot talaga ‘tong san guko na ‘to!

Akmang lalabas na ako ng biglang magsalita na naman siya.

"Sit," napatingin ako sa kaniya, busy siya kakatingin sa dalawang sobre.

Napatingin naman ako sa kinakatayuan ko

Seryoso ba ‘to si boss?

"I said sit." Sabi niya ulit pero hindi parin siya nakatingin sa akin, ginagawa naman akong aso nito, hmp!

Lihim nalang akong napabuntonghininga, hays sino ba naman kaseng matutuwa kung papaupuin ka sa sahig ‘diba?

Akmang uupo na ako kahit labag sa kalooban ko ng magsalita siya ulit.

"What are you doing?" Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Uupo?" Taka ko rin siyang tinignan pabalik.

"Tanga! Sa upuan, hindi d’yan" grabe naman "to!?

"Linawin mo kase boss...ikaw paupuin ko sa sahig eh." Binulong ko lang ang huli kong sinabi.

"What did you say?"

"Wala, sabi ko uupo na po." Diniinan ko pa ang pag kakasabi ko ng 'po' at dali-daling umupo sa harap n'ya mahirap na baka bumuga ng apoy 'to.

Bukod kase sa pagiging si san guko eh, nagiging si mojojo rin 'to...Hmm teka? Bumubuga pa ng apoy iyon?

Hay, ‘yaan na nga!

Bigla naman niyang inabot sa akin ang sobreng kanina niya pa tinitignan nung makaupo na ako sa harap niya.

Taka akong napatingin sa kan'ya.

"Ano to, boss?" Tanong ko at tinignan ang sobreng hawak ko, sinipat-sipat ko pa ito.

"Sobre ang tawag d’yan" Nakakainis na sabi niya! Agad ko siyang tinignan ng masama.

"Alam kong sobre to boss!" Inis na aniya ko.

Sino ba naman kaseng hindi maiinis diba?Nagtatanong ako ng maayos dito!

"Galit ka?" Taka pang tanong niya.

"Hindi ba halata? Nagtatanong ako ritong maayos tapos pang tanga yung sagot mo!anong tingin mo sa'kin tanga?" Inirapan ko s'ya.

"Ngayon alam mo na kung anong feeling?Hahahah," tumatawang saad n'ya.

Nagulat naman ako pero hindi ko pinahalata, ayun kase ang unang beses na tumawa siya sa harap ko pero kahit na ang gwapo n'ya wala akong pake! naiinis ako sa kan'ya!

"Saksak mo sa baga mo 'yang sobre mo!" Inis na sabi ko at tumayo.

"Hey! Where are you going?"

"Kung saan wala ka!" sigaw ko at tuluyang lumabas ng office niya.

Nakakainis!

NAKASIMANGOT pa rin ako hanggang sa makababa ako sa first floor ng building.

Nakakainis talaga 'yon si boss, masyadong pilosopo hmp! Pasalamat siya mabait ako eh.

"Xianne!" napalingon naman ako sa tumawag sa 'kin, si Keith lang pala-boy best friend ko.

Matagal ko na siyang kaibigan since college pa, dito rin s'ya nagtatrabaho pero sa ibang department s'ya, pareho kase kaming pumunta rito sa manila para mag college, plus meron ding bahay dito ang family n'ya- Taga probinsya pala ako kung hindi ko pa nasasabi at mahigit dalawang taon na rin ako nagtatrabaho rito sa kompanya ng boss kong baliw kaya naman 'wag na kayo magtaka kung sanay na ako sa paninigaw niya.

Alam mo naman may saltik 'yon at magaling ako umintindi hehe!

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang may pumisil sa dalawang pisnge ko kaya napa aray ako.

"Ano ba 'yan, Keith! Mukha bang stressball ang pisnge ko?" hawak hawak ko pa ang pisnge ko kase medyo masakit ah.

"Hahahah nakabusangot ka kase eh," ginulo n'ya pa ang buhok ko kaya tinignan ko s'ya ng masama.

Hilig n'yang guluhin buhok ko hmp! ayaw na ayaw magpatalo gusto laging buhok n'ya ang maayos pag magkasama kami!

"Baket ba ang sama ng mukha mo? Nababawasan pagiging cute mo eh," natatawang sabi n'ya pa at inakbayan ako.

"Si boss kase ang epal," nagpout pa ako habang nagsusumbong sakan'ya. "Pinipiloso nya ako."

"Hahahah ganun ka rin naman 'diba?" agad ko naman s'yang sinuntok sa t'yan. "A-aray."

"Bahala ka nga diyan! Magsama kayo!" nauna na ako mag lakad.

"Hoy, joke lang." Habol n'ya sa'kin at umakbay ulit. "Gusto mo libre nalang kita? Maglulunch naman na."

Bigla naman nagliwanag ang mga mata ko, yes pagkain! at libre pa hehe

"Sige, gusto ko ng fries." Yieee, excited ako.

Lilibre n'ya ako hihi buti pa 'tong best friend ko eh lagi akong pinapasaya, hmp! eh si boss ewan ko ba ron bahala s'ya.

"Huwag ka tumalon talon baka matumba ka," sabi n'ya at saka hinawakan ang kamay ko.
"Do'n nalang tayo sa cafe, gusto mo?"

"Okaaay," masayang sabi ko. Ngumiti naman s'ya at napatingin sa kamay ko na hawak n'ya.

"Alam mo ang lambot talaga ng kamay mo," napataas naman ako ng kilay.

'Wag mo sabihing naiingit s'ya?

Una, yung buhok ko pinagdidiskitahan n'ya tapos ngayon kamay ko naman? hindi kayaa....

Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sakan'ya.

"Keith, umamin ka nga!"

"H-ha? Ano yun?" maging s'ya ay nanlaki ang mata at tumingin sa'kin, medyo namula rin ang mukha n'ya at naramdaman ko rin nag taasan balahibo n'ya.

For sure kinakabahan 'to! Ibig sabihin tama ako.

"H-hoy, ano yun?" tanong niya ulit.

"Bakla kaba!?" Pasigaw na tanong ko, nanlaki naman ang mata n'ya at napatingin sa paligid pati ako napatingin.

Omg! andami nakatingin, hala baka napahiya ko ang best friend ko, oh no baka ayaw n'ya malaman ng iba na bakla s'ya.

Hala ansama ko naman, magsosorry ako sakan'ya- *plok*

"A-aray!" Napahawak ako bigla sa noo ko kase bigla niya akong pinitik!

"Haynaku ka kinabahan ako sayo! Hindi ako bakla no!" Sabi niya, napatingin tuloy ako sakanya. "Akala ko pa naman ano hahahaha," tawa pa niya.

Weirdo talaga nitong bosit na 'to eh.

"Sure ka 'di ka bakla? Okay lang naman, tanggap parin naman kita biglang best friend ko at saka wala namang mali ron hehe," sabi ko pa baka kase natatakot lang 'to eh.

"Ewan ko sayo, Xianne. Kung bakla ako edi sana hindi kita g-" Bigla naman siyang napakamot sa ulo n'ya. "Aish! nevermind. Tara na nga gutom lang 'yan!"

At hinila na niya ako, hinayaan ko nalang siya.

Hmp! Kunware pa, bakla 'to for sure. Nahihiya lang 'yan umamin sa akin kasi nasa public place kami. Naiintindihan ko naman yun, at hindi rin magandang pag-usapan in public, lalo na baka hindi siya comfortable.

Napahinga naman ako ng malalim, ang insensitive ko sa part na yun pero kahit hindi niya aminin sa 'kin, okay lang. tanggap ko pa rin naman siya eh.

Malay mo naman sa susunod kusa na niyang aaminin sa'kin ang sexuality niya.

Yiee, excited akong ishare sakan'ya mga make-up ko!

ANDITO NA kami ngayon ni kieth sa cafe kumakain, nilibre niya ako. Sarap talaga kumain kapag libre.

Kain lang ako nang kain dahil medyo nakakagutom pala kapag naiinis ka, bwesit kase si boss eh kapag naalala ko mukha niya at sinabi niya kanina naiinis ako, hmp!

Napatingin naman ako kay keith kase nakatitig lang s’ya sakin feeling ko tuloy may dumi ako sa mukha.

"Baket nakatingin ka?" tanong ko sa kaniya habang nasubo ng fries.

"Wala naman," ngumiti s’ya. "Birthday ko na next week, gusto ko sana mag celebrate kasama ka."

Nanlaki naman ang mata ko! Oo nga pala birthday n’ya next week pero syempre ‘diko nakalimutan yun no, nakahanda na nga pang surprise ko sakan’ya and bumili na rin ako mga pang handa hehe.

Nakangiti akong tumingin sakan’ya "Alam mo ba may surprise ako sa‘yo," excited kong sabi. "Pagluluto kita ng mga favorite food mo! bumili rin pala akong balloons."

Yiee, nakakaexcite naman.

"Talaga? Ano pang surprise mo?" natatawa n’yang sabi.

Napasimangot naman ako bigla.

"Ikaw keith ewan ko sayo! surprise nga eh, hmp! kainis ‘to," kase naman surprise nga tapos tatanungin n’ya! hello minsan talaga may pag kabaliw din ‘tong si kieth eh.

Bigla naman s’yang napanganga at biglang tumawa ng malakas, hawak n’ya pa ang tiyan n’ya.

Baliw na nga talaga s’ya lord, omg ‘diko na kase masyado nakakausap ang best friend ko baka nalolonely na s’ya sa buhay n’ya kaya naboboang na s’ya.

"Hahahahahhahaha ewan ko sayo, Xianne." Tawa parin siya nang tawa.

Aba, ako pa ang ewan ah! Siya ‘tong mukhang ewan eh, hmp.

"Hoy, keith. Tumigil ka nga, tatawag na talaga ako sa mental institution," naiinis na sabi ko. Mukhang malala na ‘tong lalaki na ‘to eh.

Hawak n’ya ang tiyan n’ya at tumingin sa ‘kin. "Baket naman?"

"Aba nagtanong kapa talaga, mukha ka ng nababaliw dyan! tawa ka nang tawa."

"Hahahahah eh kase naman ikaw eh, sinabi mo parin surprise mo sa‘kin," pinunasan niya pa ang luha n’ya dahil naiyak na siya kakatawa, napaka oa nitong lalaki na ‘to.

"Ha? Sinabi ko ba?"

"Nako, Xianne. Cute mo talaga. Anyways, naappreciate ko na may surprise ka sa‘kin pero gusto ko kase mag mall tayo sa birthday ko please," pinagdikit n’ya pa ang mga kamay n’ya at nagpacute sa harap ko.

"Gusto mo mag mall?"

"Oo," natatawang napakamot pa siya sa ulo niya.

"Ano namang gagawin natin sa mall?" takang tanong ko.

"Baka maglalaba tayo ro’n," sinamaan ko naman agad s’ya ng tingin kaya inangat niya ang kamay niya na parang sumusuko. "Joke lang, syempre mag d’date tayo— este mamamasyal."

Epal ‘to eh pipilosopohin pa ‘ko. Pag-untugin ko kaya sila ni boss, hmp! pasalamat siya birthday niya next week.

"Libre ko ‘wag ka magalala," nakangiti pang dagdag n’ya.

"Eh birthday mo ‘diba? Dapat libre ko."

"Ano kaba, Xi. Ako na, ok? gusto lang kitang makasama," mahinang saad n’ya, tinignan ko naman s’yang maigi.

Ngayon kolang napansin na bagay sakan’ya ang mahabang buhok, regaluhan ko kaya s’yang wig? tutal gustong gusto n’ya naman ata ang buhok ko.

"B-baket nakatingin ka?" nauutal n’yang tanong, umiling nalang ako agad. Hindi ko sakan’ya pwedeng sabihin yung nasa isip ko, baka malaman n’ya pa kung anong ireregalo ko eh.

"Hehe wala naman," sabi ko nalang at sumubo ng fries ko.

Iinumin ko sana ang lemonade ko ng biglang mag ring ang phone ko.

*Boss kong saltikin is calling....*

PIXIEXWSH.


You are reading the story above: TeenFic.Net