Mallory : 07

Background color
Font
Font size
Line height

🎭ANDRIE

“Namumuro na talaga ako. Hindi ko ma-retrieve ang Facebook page ng Mallory. I couldn't even report the post. Therese was attacked by those airhead Mallorians!”

Kaninang umaga lang ay may nag post sa Facebook page ng Mallory Academy. Unang pinuntirya pa talaga nila ay si Therese. Wala tuloy siya sa mood kanina sa school hanggang sa nakauwi sila.

“Bro, don't you think it's true? 'Yung unknown number na nag text sa 'tin tapos ngayon may pa group chat pa siyang nalalaman?” Welvin's voice sounds curious.

“Ewan ko sa 'yo, nahawaan ka na ng mga babae sa classroom natin,” dismayadong umiling si Jacob. “Baka naman talaga aksidente lang ang mga nangyari?”

“Manahimik ka nga, Jacob. Anong akala mo kay Tiff, tanga? Na ibagsak niya ang katawan niya o paluin ang sariling ulo? At si Shin. Sinong bobo ang ihulog sa hagdan ang sarili niya?” Hindi ko mapigilan ang inis ko.

He believe in his own version of truth.  Simula first day of school, palagi niyang sinasabi sa amin na clout chaser lang 'yun. That's what I thought, too. Pero no'ng nangyari 'yun kay Tiff at Shin? Hindi ko na alam kung clout chaser lang ba talaga.

Pakiramdam ko tuloy ay isa lang sa STEM-A at sa mga kaklase namin noong grade 10 ang may pakana nito.

As far as I can remember, hindi magkakasundo ang mga kaklase ko no'ng grade 10. We were divided into different groups. Sa isang bagay lang kami nagkasundo...

Zoe's death...

“Hindi ba't si Therese 'yun?” Tinuro ni  Gabriel ang isang babaeng naglalakad sa labas. Nagpapadyak ito. “Bakit na sa labas pa siya dis oras ng gabi?”

“Tawagin mo nga, Patrick,” utos ni Clyde habang tutok pa rin sa kaniyang computer. Lumabas naman si Patrick para tawagin si Rese.

“Shit. Andrie!” Nerbyoso itong pumasok. All eyes are on him now. “Si Therese!”

My heart started to beat faster. Dali-dali akong lumabas ng bahay at nakita si Therese sa gitna ng kalsada. Nakahandusay siya, walang malay. Nilapitan ko siya kaagad upang buhatin. May nahulog na papel sa kaniyang tabi kaya sinenyasan ko si Welvin na pulutin 'yun. Nakasunod pala kasi siya sa 'kin.

Inilapag ko si Rese sa aking kama at tinawagan kaagad si Zyra. Sinipat ko ang katawan nito at nakita ang isang... dart? What the fuck? Anong akala nila kay Rese? Dart board?!

“Andrie, basahin mo 'to. Ito 'yung papel na nahulog kanina nang buhatin mo siya.” Inabot ni Welvin sa akin ang kulay kremang papel. Kagaya ito no'ng kay Tiff at Shin. Written in blood.

It was the worst of times

ps: the dart has no poison, pinatulog ko lang siya><

“Rese?! Where's Rese?”

Pumasok si April at Zyra sa kwarto kaya tumabi ako. Niyugyog nito si Rese pero hindi pa rin ito nagising. Sumunod naman si Jasmine kaya siya ang inabutan ko ng papel.

“Nananadya na talaga ang taong 'to,” galit na sabi ni Jasmine sa mababang boses. “Andrie, pwede ba pakihatid si Rese sa bahay? Hindi kasi namin siya mabuhat.”

Tumango ako at pinatabi si Zyra. Binuhat ko si Rese palabas ng kwarto. “Ihahatid ko na muna sila.”

“Sama 'ko,” Welvin insisted. Akala niya siguro nandoon si Ayesha. Madalas kasing bumibisita si Ayesha sa House 002 kaya akala niya ay doon nakatira ang kaibigan ko.

Wala naman akong magawa kaya pinayagan ko na lang. At saka, sa tabi lang naman ng bahay namin ang bahay nila Rese.

Zyra was the one who closed the door. Madilim na sa labas, tanging ilaw ng poste na lamang ang nagbibigay ng liwanag. The weather is gloomy kaya walang mga bituin sa langit. Natatakpan din ang buwan kaya kung walang mga poste rito, panigurado ay sobrang dilim.

Pagkarating namin sa bahay nila ay agad kong idiniretso si Rese sa kanilang kwarto. Nagpalit muna sila ni Maica ng higaan. Hindi ko kasi mabuhat-buhat si Rese papunta sa ikalawang deck ng higaan.

Tahimik lang si Welvin na naglalakad kaya naman bahagya ko itong tinawag. “Vin? Ba't ang tahimik mo? Disappointed ka ba kasi wala si Ayesha ro'n? Sa House 001 nakatira 'yun.”

Umiling siya at tumigil sa paglalakad. “Kanina kasi habang papunta tayo rito... I felt someone's watching us.”

Nilingon ko ang paligid pero wala naman. Wala akong nakita kahit anino but I feel suddenly eerie. Tama siya. It looks like someone's intently watching us. Hindi ko ipinakita sa kaniya na natatakot ako kaya umiling na lang ako.

“Guni-guni mo lang yata 'yan, tara na nga.”

🎭THIRD PERSON

Sa madilim na parte ng village, may isang taong nakamasid kay Welvin at Andrie na nag-uusap.

Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil malayo siya pero nababasa niya sa mukha ni Welvin ang takot at ang paglingon-lingon nito sa paligid.

Napalingon din si Andrie dahil sa sinabi ni Welvin pero umiling lamang ito sa kaibigan.

Napangisi ang taong nakatago habang pinagmamasdan ang pagpasok ng dalawa sa bahay. Bago pa man tuluyang sinara ni Andrie ang pinto, inilibot muna nito ang kaniyang tingin.

Biglang nagtama ang kanilang mga mata kaya napalabas ulit si Andrie ng bahay. Kumaway pa ang taong nakaitim kay Andrie bago ito umalis sa kaniyang kinaruruonan.

“Hey. Sa'n ka galing? Baka may makakita pa sa 'yo,” bungad ng kasama nito.

“I'm tired of these bullshits. I want to see them dead.”

“Are you sure we're going to kill them now?”

“Yes, I am. I want to change that grin on their faces with fear.”

“Who are we going to kill first?”

_______


You are reading the story above: TeenFic.Net