CHAPTER 03
Nandito ako sa corridor at tinatanaw sa malayo si Zion na may kasamang babae, magkatabi sila habang nagtatawanan.
“They are so close ha” bulong ko habang tinatanaw sila.
Sinasapak ng babae si Zion habang si Zion naman ay panay tawa lang ang ginagawa, kung hindi ko lang talaga kilala si Zion baka iniisip ko na ngayon na may sila ng babaeng iyan.
Alam ko namang walang namamagitan sa kanila ng babaeng iyan pero hindi ko maiwasang 'di magselos, nagseselos ako kahit alam kong wala akong karapatan pero hindi ko alam, ito ang nararamdaman ko at nasasaktan ako kung pwede lang umiyak, iiyak ako.
Naalala ko ginagawa ko rin sa kanya ang mga bagay na iyan dati, sinasapak ko at kinukurot ang dibdib niya dahil sa kakulitan niya. Napapangiti ako ng maalala ang mga bagay na 'yon. Tiningnan ko ang babae at napahinga ng malalim ' that should be me'.
“Hoy anong ginagawa mo d'yan?” Nagulat ako sa presensya ni Isa.
Si Isa ang matalik kong kaibigan. Siya ang palagi kong kasama sa school dahil magkaklase kami at ka seatmate ko ang babaeng ito.
“Wala,” tipid kong sagot binalingan siya na ngayon ay kina Zion na ang tingin.
Malungkot itong tumingin sa akin na akala mo'y may sakit ako. “Ay may kasama pala siyang iba ha-ha,” tinawanan niya pa para 'di magmukhang masakit ang tunog.
“Oo nga eh,” tumawa na rin ako. Kahit para na akong maluluha.
“Okay lang 'yan bes marami pa namang iba,” wala ng iba dahil gusto ko s'ya lang.
He became my standard, he put me in a situation
na kung hindi siya, wag nalang.
If I have time to explain this feeling to my best friend maybe she doesn't understand because sariling ako hindi ko rin maintindihan. Hindi ko alam ba't ako nagkakaganito ang sa pagkakaalam ko lumaki akong galit sa mga lalaki at nung makita ko ang lalaking nagpabago sa isip ko ay nagbago ang lahat. Tumibok nalang bigla ang aking puso shunga nadali ako.
“Si Juno bes 'di ba patay na patay sayo 'yon?” Nakangiting tanong niya na alam mo talagang bet niya ang lalaki.
“Ha?”
“Si Juno,” masaya niyang binanggit ang pangalan ng lalaki.
“Si Juno?” Nagtataka kong ulit
“Oo bes,” nakangiti ito at kumikislap pa ang kaniyang mga mata.
“Gusto mo talaga si Juno?” Tanong ko
“Oo naman bes,” lumalabas na ang mga ngipin kakangiti.
“Ah eh kung gusto mo jowain mo na lang siya, kung sabagay gusto mo naman pala siya.”
“Bes naman, mabait naman si Juno ah at tsaka matulungin pa idagdag mo pang pogi at mayaman.” Nang described na ang kaibigan ko.
“Edi jowain mo siya,” wala sa sarili kong sabi.
“Heart naman, maawa kanaman sa lalaki halata namang matagal na s'yang may gusto sayo,” anong pinakain sa kaniya ni Juno at nagkagan'to ito? She beg for this fvckin thing?
“Wala akong pake Isa.” Kahit umiyak pa 'yon ng parang ulan hindi ko 'yon sasagutin dahil hindi siya ang mahal ko.
You are reading stories on: TeenFic.Net