Chapter 22

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 22:Loving The Ace Player

         ___________________________

Kinabukasan ay nagsimula na din ang elimimations ng Shohoku girls basketball club.Nang magsimula ang laro ay natambakan kaagad nila ang kalaban ng sampung puntos.Agad nagpatawag ng time out ang coach ng kabilang kuponan at matapos non ay nakabawi naman sila ng puntos.

Sa mga natitirang oras sa first at second half ay parehong ibinigay ng dalawang kuponan ang kanilang makakaya at sa huli ay ang Shohoku ang panalo.

Ichika's Pov

Ako nalang din ang natira sa locker room dahil kinausap pako nila mama kanina bago ako dumiretso sa dito kaya nauna na ang ibang team mates ko.

Pinasok ako ni coach sa buong match kaya naman pagod na pagod ako ngayon.Abala akong nag aayoe ng mga gamit ko ng biglang may nag-abot sakin ng tubig.Tumingala naman ako at bumungad sakin ang mukha ni Naomi.

"Salamat"-kinuha ko naman yung tubig saka ko ininom.

"Sorry pala dahil hindi maganda ang naging unang pagkikita nating dalawa"-pagbasag nito sa katahimikan.

"Ayos lang walo namang kaso sakin yun"-sabi ko naman sakanya.

"Inaamin ko magaling ka talaga,sa totoo lang naiingit ako sayo dahil unang pasok mo palang sa basketball club pinaglaro ka na agad ni coach samantalang ako inaabot pa ng isang  buwan bago ako isinama sa first five"-sagot nito.Tinignan ko siya pero nakayuko lang siya sakin.

"Pareho lang naman tayong dalawa,katulad mo nahirapan rin ako sa pagppraktis pero nagsumikap ako kaya naman naabot ko ang gantong estado sa buhay.Lahat tayo iniisip natin na hindi tayo magaling kung makakakita tayo ng taong mas magaling satin pero ang totoo hindi naman talaga yun ang nararapat nating isipin"-

Huminto ako saglit at bumuntong hininga.Tumingin naman ito sakin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Hindi mo dapat kinukumpara ang sarili mo sa ibang tao dahil hindi ka naman ako at lalong lalo ng hindi ako ikaw.Magkaiba ang kakayahan natin at dun tayo hindi pareho pero tandaan mo na kung iniisip mong mas magaling ako sayo isa lang naman ang dapat mong gawin"

"Magsumikap ka sa pagppraktis,hindi mo man malagpasan ang kakayahan ng ibang tao atleast you tried your best"-sabi ko pa rito.

"Tama ka,salamat sa advice,sisikapin kong magensayo at tatalunin kita balang araw"-ngumiti ito sakin, nginitihan ko rin siya pabalik.

"Hindi ako magpapatalo sayo,mag-e ensayo rin ako ng maiigi"-sabi ko sakanya.

"So friends?"-tinaas ko yung kamay ko tanda ng pakikipag kamay sakanya.

"And rivals"-sabi nito saka inabot ang kamay ko.

"Tara na hinihintay na nila tayo"-sabi nito,tumango nalang ako pagkatapos ay kinuha na yung bag ko at dumiretso na kami sa labas.

_______

Pagka rating naming lahat sa tren tumabi nako kay rukawa dahil ako nga ang nahuling pumasok at sa tabi niya nalang ang may bakanteng upuan kaya naman sa kanya nalang ako tumabi.

Pagka-upo ko ay saglit ko siyang pinag-masdan.Nakasandal ang ulo niya sa bintana at payapang natutulog.Sumandal nalang rin ako sa likod ko at natulog na rin dahil sa sobrang pagod ko sa paglalaro.

Third Person's Pov

Tahimik ang mga tao sa tren at lahat ng mga manlalaro sa shohoku ay nakatulog na.Sa sobrang himbing ng pagkakatulog ni Ichika hindi na niya namalayang dumiretso ang ulo niya sa balikat ni Rukawa.

Ilang minuto naman ang nakalipas ng may maramdaman si Rukawa sa balikat niya kaya minulat niya ang kanyang mga mata at tinignan ito.

Pansin niya nga ang ulo ni Ichika sa balikat niya.Mabilis ngunit maingat naman nitong tinanggal ang ulo niya sa balikat nito at pagkatapos hinilot hilot niya ang balikat niya.

Muli siyang tumingin sa kanan at nakita niya nakatabiningi na ang ulo ni Ichika at parang nahihirapang humanap ng mas komportableng pwesto para isandal ang ulo niya.

'Tsk'

Ilang segundo pa niya itong pinagmasdan bago niya hinawakan ang ulo nito at maingat na ibinalik sa balikat niya at pagkatapos ay muli niyang sinandal ang ulo sa binatana at natulog uli.

Ichika's Pov

Nagising ako ng may yumogyug sakin at nalamang nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat ni Rukawa.Mabilis kong inayos ang sarili ko at saka hinarap yung taong gumising sakin.

"Kayo ah hindi namin alam may something pala kayo sa isat isa"-pang-aasar ni Erika samin.

"Pinagsasabi mo?,nakatulog lang ako,hindi ko naman alam na masasandal pala ako sa balikat niya"-pagdedepensa ko naman sa sarili ko.

"Asusss o siya ikaw na gumising diyan sa katabi mo malapit na tayo sa shohoku school,bye baka maistorbo ko pa kayo"-sabi nito na may halong pang-aasar.Sinamaan ko naman siya ng tingin pero natawa lang.

Bahagya kong inirap ang mata ko bago ko hinarap si Rukawa at ginising siya.

"Malapit na tayo gising kana jan"-paggising ko rito.Dinilat niya naman ang mga mata niya pagkatapos ay tinignan ako ng matalim.

"Wag mokong tignan ng ganyan malapit na tayo kaya gumising kana riyan"-sabi ko rito.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa shohoku high.Dumiretso na kaming lahat sa gym dahil meron daw sasabihin si coach samin.

"Ano ba ang sasabihin mo samin tatang inip na inip nako dito"-sabi ni Sakuragi kay coach.

"Ho ho ho,wag kang masyadong mainip Sakuragi dahil sasabihin ko na"-sagot nito.

"Sa ngayon kaylangan niyo muna ng pahinga kaya magsisimula nalang uli kayo ng pagppraktis bukas"-sabi nito samin.

"Siya nga pala aalis ako ng isang linggo kaya naman ang captain niyo na ang bahala sa pagpa-praktis niyo simula bukas,pagigihan niyo ang pagpa-praktis dahil sa susunod na linggo na ang second elimination,yun lang maaari na kayong magpahinga"-dugtong pa nito.Nagpasalamat naman kami at umalis na.

"Pwede bang maki sabay?"-pagharang ko kay Rukawa."Total pauwi kanarin naman"-dugtong ko pa.

"Tsk,maglakad ka mag-isa mo"-pagsusungit nito saka pinaandar yung bike niya na iniwan niya kaninang umaga.

"Tsh kahit kailan talaga napaka un gentleman"-napairap nalang ako at inumpisahang maglakad lakad.Hindi pa naman gabi kaya hindi ko kailangang magmadali isa pa matutulog lang naman ako pag-uwi.

Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto dahil gusto ko ng magpahinga.Minadali ko nalang ang pagshower saka ako dumiretso sa kama pagkatapos ko magpalit. Ramdam ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at tuluyan nanga itong ipinikit at natulog.

__________

"Ate gising na handa na ang hapunan"-ramdam ko ang paggisjng sakin ni Hatsumi,unti unti akong dumilat at bumungad sakin ang mukha ng kapatid ko.

"Bumangon ka na diyan at bumaba na"-bilin pa nito sakin bago umalis sa kwarto ko at bumaba.Tumayo narin ako at naghilamos bago ako bumaba nadatnan ko naman sila mama,papa at Hatsumi na nakaupo na sa hapag kainan at hinihintay ako.

"Hala,magsikain na tayo bago pa lumamig ang nakahandang pagkain"-sabi ni mama pagkatapos naming manalangin.Kumuha naman na ako ng kakainin ko at sinimulang kumain.

"Siya nga pala sa biyarnes na ang kaarawan mo,anong balak mong gawin?"-tanong ni papa kay hatsumi.

"Inanyayahan kopo yung mga team mates ko pero tatlo lang ang makakarating dahil may gagawin pa daw yung iba kaya inimbitahan ko nalang rin yung men's basketball team total magkakaibigan narin naman kami"-sagot ni Hatsumi matapos nguyain ang kinakain niya.

"Ikaw Ichika wala kabang balak imbitahan ang mga team mates mo?"-tanong ni mama.

"Hmmm balak kong sabihin sakanila bukas hindi ko ngalang sigurado kung sino sino ang pupunta"-sagot ko.

"Siya kumain na tayo ng makapagpahinga naman kami ng mama niyo"-sabi ni papa. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto sila mama't papa.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto.Kinuha ko yung libro ko sa book shelves saka ito binuklat.Hindi pa naman ako inaantok kaya naman napagpasyahan ko nalang na mag advance reading para bukas,hanggang alas nuwebe ng gabi saka ako natulog.

Kinaumagahan*

"Ma mauna na ho ako!"-sabi ko saka lumabas."Siya mag-iingat ka!"-sigaw naman nito.Nagsimula namn na akong maglakad papunta sa skwelahan.

Malapit na akong makarating sa skwelahan ng may maaninag akong nagbibisikleta.Napansin kong si Rukawa ito na nagbibisekleta habang natutulo?....

"Rukawa gising!"-sigaw ko ng imbis na sa kalsada eh sa harapan ko na dumeretso ang bisikleta nito.Pero siyempre sa sobrang sarap ng tulog niya hindi siya na gising,buti nalang nakaiwas ako kaya naman tumama yung bike niya sa pader at siyempre natumba siya.

"Ano bang pinaggagagawa mo?!"-pasigaw kong tanong.Tumayo naman ito na parang walang nangyare pagkatapos kinuha yung bike niya saka ako nilampasan at naglakad palayo.

"Rukawa kinakausap kita ng maayos,sumagot ka nga!"-inis na sabi ko.

"Tsk"-tipid niyang saad at patuloy na naglakad hanggang sa makarating na kami sa paradahan ng mga bisikleta.

Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako papunta sakanya saka pinaharap siya sakin.

"Sumusobra kana sa kasungitan mo ah"-kumpronta ko rito.

"Hindi kita sinagasahan"-malamig na sabi nito saka tumingin sakin ng seryoso.

"Hindi nga,pero kung hindi pa ako umiwas don malamang nabangga mo narin ako"-inis na sabi ko rito.

"Hindi ka naman siguro t*nga para humarang kahit alam mo namang may bisikletang paparating"-pamimilosopo nito.

"Abat kung hindi ka ba naman kasi gunggong natutulog kang nagbibisekleta tapos ako pa talaga ang may kasalanan!"-sagot ko rito.Binalewala niya nanaman ako at naglakad paalis,doon ko lang din napansing dumugugo na yung kamay niya.

Agad kong hinabol siya saka walang pasabing hinila papunta sa clinic.

"Ano bang kailangan mo sakin,bintawan mo nga yang kamay ko"-inis na sabi nito pero binalewala ko lang din siya at patuloy na hinila papunta sa clinic.Buti nalang at hindi na  siya nagpumilit pa at nagpahila nalang sakin.

****

Title:Loving The Ace Player

Genre:Fanfic

Author:Daishen_blue

---
Ps: Ang storyang ito ay kathang isip lamang at gawa gawa ng malawak kong kaisipan.


You are reading the story above: TeenFic.Net