Chapter 15

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 15:Loving The Ace Player

             ________________________

Ichika's Pov

Labing isang minuto pa ang natitira, may pag-asa pa kaming maka-abot at makalamang sakanila.Sa ngayon kaylangan nilang maging kalmado at mag-isip ng magandang strategy para mangyari ang bagay na yun.Malakas din ang kalaban nila pero may pag-asa parin naman kami.

"Kung shooting ang magiging priority natin kakailanganin natin ng isang manlalarong magaling sa pagtira ng bola na siguradong makakalamang ng puntos.Kaylangan natin si Mitsui pero  hindi naman natin kaylangang magmadali dahil may oras pa"-sabi ko habang nakatutok sa laro.

"Tama ka,may oras pa naman siguradong makakabawi rin tayo"-sabi naman ni Haruko.

Court*

Tahimik silang nakatingin sa kalaban, parehong seryoso at kalmado kung titignan ang mga itsura nila.

Samantala,ang grupo naman ng Shinei High ay pare parehong nakangisi,kung titignan mo'y para silang nagwagi sa laro kahit hindi pa naman at talagang nakakainis ang mga ngisi nila.

Nag simula ng kumilos ang aming team,hawak ni captain ang bola at drinidribol ito patungo sa kabilang court,dumipensa naman kaagad ang kalaban kaya pansamantalang huminto sa pagtakbo ang aming team para sa opensa.

Tumingin si captain sa kaliwa at pagkatapos ay sa kanan,binalik naman kaagad nito ang tingin sa kalaban at agad pumosisyon para sa pagpasa.

"Akio!"-pinunta nito ang bola sa direksyon ni Akio at humanda na sa pagpasa pero agad namang naharangan ni Yoshi si captain saka ito napangisi pero nawala ang ngisi nito ng ngumisi rin si captain at pinunta sa kaliwang kamay nito ang bola saka mabilis na pinasa kay Mitsui senpai ang bola.

Pagkaslong pagkasalo ni Mitsui senpai ang bola agad itong umatake sa ring para makapuntos,naalaerto naman ang three pointer ng Shinei team kaya agad nitong dinepensahan si Mitsui senpai.Sa ngayon ay kalmado parin si Mitsui senpai habang gumagawa ng paraan para makalusot sa dumedepensa sakanya,para bang nabunutan siya ng tinik dahil hindi manlang ito nabahala sa tindi ng depensa ng kaharap niya nagyon.

Maya maya pa ay mabilis itong lumusot sa kaliwa ng kalaban at nakalusot nga ito pero sinundan siya ng taong dumidepensa sakanya pero sa halip na maabala ito ay kalmado lang siyang nagdribol ng biglang....

"Waahhhh ang galing ng no. 14 nayan"

"Ayos nakapuntos nanaman ang shohoku,magaling talaga yang no. 14 nila"

Sigawan ng mga manonood ng biglang umikot ng mabilis si Mitsui habang nagdridribol saka agad tumalon at pumuntos ng tres ng walang alinlangan,ang nakakamangha pa ang bilis nanga ng pagkilos niya at nakulangan siya sa pagbalanse,nagawa niya paring ipasok ang bola.

'Talagang nakakamangha ang mga ganyang klaseng manlalaro,bilib na talaga ako sayo Mitsui senpai'

_______

Shinei's Bench*

"Hindi parin pala kumukupas ang galing ng dating mvp na si Hisashi Mitsui"-sabi ng coach ng kanilang team.

"Siguradong darating ang oras na magiging banta satin ang kaykayahan ng batang yan"-dugtong pa nito.

"Tama kayo coach pero sigurado rin naman akong hindi niya na mauulit pa ang ginawa niya noon dahil balita ko tumigil siya sa paglalaro ng basketball ng dalawang taon"-sabi naman ng bench warmer ng Shinei High.

"Kung sabagay tama ka"-sagot naman ng kanilang coach.Binaling nila ang kanilang tingin sa court at nagpatuloy na sa panonood.

Court*

Nagsimula ng umatake ang shinei team kaya naghanda naman na ang shohoku team para sa depensa.Ipinasa ni Yoshi ang bola kay Isamu na agad naman nitong nasalo.

Gumawa ito ng ball handling pagkatapos ay itinaas ang kamay para tumira,hinarangan naman siya ni Mitsui pero hindi ito nabahala.

Mabilis niyang binawi ang bola at pinasa sa kanilang center ang bola pero....

Pak*

"Wahhh ang galing galing mo talaga rukawa!"

"Pang dalawa mo na yan,astig ka talaga"

"Wahhhh Rukawa.Rukawa.L.O.V.E. Rukawa!"

Hiyawan ng mga tao ng muling makuha ni Rukawa ang bola sa mga kalaban.

"Mitsui takbo na!"-sigaw ng kanilang team captain,agad namang sumagot si Mitsui saka humabol sa likod ni Rukawa.Pagkarating nila sa half court ay mabilis na pinasa patalikod ni Rukawa ang bola papunta kay Mitsui na agad namang tumira ng tres ng walang alinlangan.

Pasok*

"Whohoooo ang galing ng combination ng dalawang yan!"- masayang sabi ni Hikoichi.

"Ang three pointer at dating mvp na si Hisashi Mitsui at ang ace player namang si Kaede Rukawa,ngayon ko lang nakita ang kanilang combination attack ah nakakamangha,iche check ko yan hihihi"-dagdag pa nito.

Napakrus naman ang kamay ng coach ng Ryonan na si Taoka samantala ang team captain at tinuturing na ace player ng ryonan na si Akira Sendoh ay napangiti sa nasaksihan.

'Talaga ngang may tiwala ka na sa mga kasamahan mo,Rukawa'-sabi nito sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang binatang tinutukoy niya.

Tahimik na nakatingin si Rukawa sa score board pagkatapos ay muling binalik ang tingin sa harap nito.

"Kung ganon talaga ngang magaling yang Rukawang yan"-sabi ng team captain ng Shinei high."Siguradong magiging banta siya satin"-dagdag pa nito.Sumeryoso ang tingin nito pagkatapos ay pumunta sa kinaroroonan ng team mate niya.

"Kumalma lang kayo,sa ngayon lahat sila ay may kakayahan sa pagtira lalo na ang dating mvp na si Hisashi Mitsui"-seryoso ang lahat na nakikinig habang nagsasalita ang kanilang captain.

"Pero"-huminga ito ng maluwang."Wag kayong mag-alala sa napansin ko ay may isa sakanila ang nahihirapang sumabay sa galaw nila at yun ay walang iba kundi ang center nila,mas malakas sakanya si Asahi kaya gagamitin natin ang pagkakataong yun at sakanya natin ipapasa ang bola,sa ganung paraan pwede tayong makahabol"-paliwanag nito sa lahat.Seryoso naman silang sumang-ayon at pagkatapos nun ay bumalik na sila sa kani kanilang pwesto.

'May oras pa naman,hindi niyo kaylangang magmadali sayo ko na iaasa ang oras na natitira,wag mo akong bibiguin,Yoshi'-sabi ng coach ng Shinei team sa kanyang sarili habang tahimik na pinagmamasdan ang laro ng magkabilang kuponan.

Pumito*

Pinasa na ni Sadashi ang bola sa kanilang team captain,agad namang umatake ang buong kuponan ng Shinei kaya naman dumepensa na ang Shohoku team.Maingat na pinagmasdan ni Yoshi ang paligid saka sinenyasan ang kanilang center.

Mukhang napansin naman ito ni Asahi kaya ito napa tango ng kaunti. Tumingin si Yoshi sa gawi ni Sadashi para maihanda ang pagpasa,napansin naman iyon ng captain ng Shohoku Kaya naman agad itong kumilos para harangan ang bola.

Nakahanap ng pagkakataon si Yoshi at mabilis na naipasa ang bola patungo sa direksyon ni Asahi na agad naman nitong nasalo.Hinarap niya kaagad ang dumedepensa sakanya at nagsimula ng umatake.

Flashback*

Asahi's Pov

"Asahi"-napalingon ako sa taong tumawag sakin."Captain"-sagot ko rito."Tandaan mo,sayo namin ipapasa ang bola at samantalahin mo ang pagkakataon para makapuntos at makalamang sa kalaban,hanggat hindi nila napapansin ang plano patuloy kalang na umatake"-sabi sakin ni Captain Yoshi.

"Itatak mo rin sa isip mo na hindi mahina ang kalaban kaya pagbutihan mo ang pag-atake,gamitin mo ang lakas mo kung kinakailangan,gawin mo ang lahat umaasa kami sayo Asahi"-dagdag pa nito.

"Ah,"-napatango naman ako pagkatapos."Masusunod Captain"-sabi ko sakanya at dumiretso na sa pwesto ko.

End of flashback*

Kung kinakailangan kong gumamit ng lakas gagawin ko,kailangan naming manalo kahit anong mangyare,itataya ko ang buhay ko para lang makamit ang pangarap kong maging MVP.

Drinibol ko ang bola pagkatapos inatake ko agad ang ring.Dinidikit ko ng kaunti ang katawan ko sa no. 5 ng Shohoku team,umaatras naman ito kaya nagkakaroon ako ng pagkakataon para mas lalong mapalapit sa ilalim ng ring.

Muli kong inulit ang galaw na yun hanggang sa masiguro ko na malapit na ako sa ring pagkatapos ay pinatalbog ko ng isang beses ang bola saka ako pumosisyon sa pagtira.

"Haharangan kita"-sumabay ito sakin sa pagtalon pero hindi ko ito ikinabahala at nagpatuloy lang sa pagpasok ng bola.Sumalubong sakin ang mahabang kamay ng no. 5 ng kabilang team kaya medyo nagkabanggaan kami pero ginamit ko ang buong lakas ko at malakas na tinulak ang bola papasok ng ring at tagumpay ko nga itong naipasok pero dahil sa banggaan namin ay pareho kaming napatumba kasabay nun ang pagpito ng referee.

"Foul red no. 5!"-sigaw ng ref. sabay sabay namang nagdatingan ang mga kasamahan ko."Ayos ka lang ba Asahi?"-tanong ni Sadashi sakin.

"Wag kayong mag-alala maayos lang ako"-sagot ko rito."Magaling ang ginawa mo Asahi"-nakangiting sabi naman ni captain Yoshi sakin na tinugunan ko ng isang simpleng ngiti.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko pagkatapos ay pumwesto na uli ako para dumipensa.

_______

Third Persons POV

"Ayos ka lang Hayato?"-tanong ni captain Miyagi sa kanyang kasamahan."Ayos lang po ako captain,pasensiya na po"-sagot naman nito sakanya.

"Wag kang mag-alala talagang nangyayari ang mga ganung bagay,isa pa kilala siya bilang isa sa pinakamalakas na center kaya naman talagang mahihirapan tayo sa pagbabantay,bukod kay captain Akagi  wala ng makakapigil sakanila sa Shohoku team kundi si Sakuragi pero kasi iba ang posisyon niya kaya hindi ka niya mapapalitan kaya pag-igihan mo nalang ang pagbabantay sakanya"- sabi ng kanyang captain.

"Naiintindihan ko po Captain"-sagot nito."Konting tiis lang Hayato,alam kong magagawa mo rin siyang tapatan magtiwala ka"-sabi ng kanilang team captain.

"Tama ang sinabi ni Captain Hayato sa tangkad mong yan,sinisiguro kong magagawa mo ring lampasuhin yang mayabang na yan"-sabi naman ng team mate nitong si Akio.Nabuhayan naman ito ng loob at nakangiting tumango.

"Tama,lalampasuhin natin sila at tayo ang papasok sa pangalawang laban"-nakangiti nitong sabi."Magaling ganyan nga,gusto ko ang pagiging matapang niyo,may oras pa naman kaya wag kayong panghinaan ng loob"-sabat naman ni Mitsui sa usapan.

Kalmado na silang bumalik sa kani-kanilang posisyon at hinarap ang kanilang kalaban ng may malakas na determinasyon para manalo.

****

Title:Loving The Ace Player

Genre:Fanfic

Author:Daishen_blue

———
Ps: Ang storyang ito ay kathang isip lamang at gawa gawa ng malawak kong kaisipan.

You are reading the story above: TeenFic.Net