bonus chapter

Background color
Font
Font size
Line height


"Mommy, saan tayo pupunta?" Usisa ni Em-em habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.

"We're going to surprise daddy. Kakain tayo sa labas para sa dinner mamaya" sagot ko.

"Yey. I'm excited" tuwang tuwang sabi naman nito.

Pero napatigil ako ng makita ko si die habang may kayakap na babae.

----

"Layuan mo ako Emmet. Akala ko wala na kayong communication. Kasal na tayo't lahat. Nagawa mo parin akong lokohin"

"Mie. Let me explain. It's not what you think"

"Explain mo muka mo. Alis. Labas"

"Mie. I just saw her sa labas ng building dahil doon nag ta-trabaho ang magiging asawa niya"

"Liar. May payakap yakap ka pa talaga ha. Bwiset"

"I just congratulate her mie. Yun lang. There's nothing between me and Hena. Ano ka ba naman"

"Basta. Labas. Ayaw kitang makita"

------

Everyday akong naghihintay sa tapat ng room namin ni mie para kausapin niya ako. I even asked for lola's help. Kahit kay mommy at mama Lirma. Kahit kay dad. Lahat na yata hiningan ko ng tulong para lang magka ayos kami. Wala naman akong ginawang masama. Binati ko lang naman talaga si Hena dahil ikakasal na ito sa isang sa mga ka trabaho ko sa company ko. Si Pao. One of my trustees employees. He's a supervisor in my company.

Lahat ay kinakausap niya maliban sa akin. Sa tuwing nakikita niya ako sa labas ng room ay mabilis niyang isasara ang pintuan. May time naman na nakapasok ako dahil sumabay ako kay lola, mabilis pa sa alas kwatrong itinulak ako palabas ng pintuan.

Then one time, kinausap ko si Em-em kung pwede niyang ibigay yung mga flowers na binili ko para sa mommy niya. A minute later, it flies back from where I seated.

"Love, pahingi akong water please. Yung super lamig. Tapos ice cream din, with chocolate sprinkles. Sabhin mo kay mama please" dinig kong utos nito kaya Em-em.

Sumunod naman ito pero si mama na ang nagdala. Sumunod ako dito kasama din si lola at Em-em.

"Anong ginagawa mo dito. Labas. Ang baho mo. Alis" lumapit ito sa akin at itinutulak na naman ako palabas. Niyakap ko na ito dahil nasasaktan na ako sa pag trato niya sa 'kin. Bumuhos na ang luha ko. Ano ba ang nangyayari. Ok naman ang lahat. Dahil lang ba sa nakita niya na yakap ko si Hena. Nag explain na ako. Bakit ayaw niyang maniwala?

"Bitawan mo nga ako. Ang baho mo. Alis ka. Alis" pilit itong kumakawala sa yakap ko.

Lumapit sa akin si lola.

"Em. Apo. Halika muna" sabay hawak nito sa braso ko kaya binitiwan ko muna si mie. Sumunod ako dito ng hinila niya ako sa labas ng kwarto.

"Apo. Intindihin mo nalang muna ang apo ko. Habaan mo ang pasensya mo" sabi nito.

"Pero la. Isang linggo na siyang galit sakin. Nag paliwanag naman  ako. Ni ayaw niya akong makita. Ni ayaw niya akong lumapit sa kanya. Nasasaktan na po ako lola" naiiyak na sabi ko.

"Ganyan talaga apo. Ikaw ang pinaglilihihan ng asawa mo" sa narinig ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"Ano pong sinabi niyo lola" paulit na tanong ko.

"Ganyan na ganyan yan nung naglilihi kay Em-em. Pero kabaligtaran, dahil palaging larawan mo ang hawak niya. Ngayon naman ayaw ka niyang makita. Sobra kung maglihi. Kaya Habaan mo ang pasensya mo"

"Talaga po. Buntis ang asawa ko" ang luha ng pagtatampo ko kanina lang ay naging luha ng sobrang kaligayahan.

"Oo apo. Nabanggit niya minsan  na hindi pa siya dinadatnan, nagbago din ang ugali. Mapili na din sa pagkain. Sintomas ng naglilihi"

"Oh my god" mabilis akong tumayo ay nanakbo pabalik sa loob ng kwarto kung saan naroon si mie. Nakatulog na ito pagkatapos kainin ang mga hiningi nitong pagkain.

Iniwan muna kami ni mama at Em-em.

Akala ko, galit ka na talaga sa 'kin. Hindi ko alam na magkaka baby na pala ulit tayo...hinaplos ko ang pisngi niya habang payapa itong natutulog.

Maya maya pa ay nagsalita ito.

"Kainis ka die. Ang baho mo" sabi nito sa panaginip.

Napangiti na lamang ako at napapailing.

Hay...ganyan ka pala maglihi. Ngayon alam ko na ang pinagdaanan mo. Sorry mie. Pero nandito na ako. Tutulungan kita sa lahat ng pagdadaanan mo pa.

---

Nakalipas ang dalawang buwan at unti unti nang nagbago ang ugali ni mie. Kung dati ay halos ipagtabuyan ako, ngayon naman ay halos ayaw akong malalayo sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito ng tumayo ako, magkatabi kami sa sofa ng mga oras na iyon at nanood ng movie.

"Mag cr lang" sagot ko.

"Five minutes. Bilisan mo"

"Opo na. Hmmm kakagigil ka mie" sabay halik sa pisngi nito.

"Die. Ang tagal mo.  You're one minute late " sigaw nito.

Ano na Emmet, pangalawa palang yan. Kaya pa ba? ....bulong ko sa isip ko.

"I'm coming" sigaw ko din mula sa banyo. Ni hindi ko pa nai-si-zipper ang pantalon ko.

Pagbalik ko ay mabilis niya akong niyakap at pinaggigilan ang muka ko. Naroong kagatin ang labi ko, pisilin ang pisngi ko, kagatin ang tungkil ng ilong ko. At kurutin ang utong ko.

Brutal din maglihi tong asawa ko. Kung hindi ko lang mahal....

Sa gabing payapa ang tulog nito ay saka ko naman siya nilalambing. Niyayakap ko siya ng buong pagmamahal. Hinahalikan sa bawat parte ng muka niya. At hinahaplos ang ngayon ay unti unti nang umuumbok na tiyan nito.

Nagising ito at yumakap sa akin.

"Die" mahinang usal nito.

"Hmmm" I mumbled.

"I love you. Sorry ha. Nahihirapan ka na ba sa "kin" sabi nito.

"Hindi mie. Hinding hindi. Asawa mo ako. Lahat ng pagdadaanan mo, katuwang mo ako. Kahit gaano ka pa kahirap intindihin minsan" buong tamis na ngiting sagot ko dto.

"Thank you die, love you" sabay halik sa labi ko.

"Mas mahal kita mie. Higit pa sa buhay ko" at niyakap ko pa siya nang walang kasing higpit upang ipadama dito ang sobra sobrang pagmamahal ko dito.

End...

A/N

This is it guys,  goodbye na muna.

Till my next story.

Sana naging happy naman kayo sa ending.

Sana hindi ko kayo nabigo.

Till next time guys....

Signing off...

@skrengliebi

You are reading the story above: TeenFic.Net