CHAPTER 32

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi ko alam pero ngayon nawala bigla ang takot ko sa kaniya. Noon ay kapag nararamdaman ko siya sa paligid takot agad ang unang nararamdaman ko. Ngayong nandito na siya mismo sa harapan ko at nakaluhod. Humihingi ng tawad. Tuluyan na nga atang naging marupok ang puso ko..

"Sorry, Carrie.." mahina niyang sambit.

"O-okay lang yon, J-jeremy.." naiusal ko rin.

"Kung aalis ka ay ayos lang, basta sa pagbalik mo, ako pa rin ang laman ng puso mo.." sabi niya habang tumutulo na ang luha. "Hindi ba't babalik pa tayo sa puno? Dahil gusto mong mabasa ang nakasulat doon?" Pagpa-paalala niya. Naalala ko ang huling araw ko sa probinsya.. binasa ko iyon.. "Huwag kang mag alala, asahan mong sa araw ng pagbalik mo, ay nandito pa rin ang mahal nito.." sabi niya habang nakangiti sa akin bagamat patuloy pa rin ang pagtulo ng luha. Pilit ko siyang itinayo mabuti na lang ay nakisama siya.

"Naniniwala ako sa pangako mo, Jeremy.. Sana pag balik ko, ako parin ang laman nito," sabi ko saka itinuro ang dibdib niya.

"Hindi naman magbabago ang laman nito, dahil alam kong sa dulo, pangalan mo parin ang nakatatak dito," ngiti niya.

"Panghahawakan ko ang pangako mo, Jeremy.." naiusal ko kasabay ng pag bagsak ng luha sa mata ko. Kaya naman bigla niya akong niyakap.

"Don't cry, Carrie loves.." pag papatahan niya. "Hindi ko na kayang makita kang ganyan, iyong umiiyak dahil sa akin, kaya, Carrie please.. don't cry.." pag aalo niya.

"Carrie.. it's time for you to rest," singit ni Nathalia sa usapan.

"Carrie, I'm going.. see you on your birthday," he smiled. I was shocked. I don't even remember that my birthday is coming up. 18 na pala ako..

"Pupunta ka?" Umaasa kong tanong.

"Gagawa ako ng paraan," ngiti niya saka kami tinalikuran. Matapos siyang mapanood na lumabas ay umakyat na rin ako. Naiwan ko si Nathalia sa baba.

Ilang minuto lang ang lumipas bago may sumigaw mula sa pintuan na binuksan pala ni Nathalia.

"Marupok Spotted!" Sigaw niya.

"Ano?!" Naaasar kong sigaw.

"Akala ko ba natatakot ka? Tapos ngayon, na'ko!" Sigaw niya sa akin.

"Ikaw ba? Kapag ba kinausap ka ni Lexus at sabihin sa'yo ang mga bagay na iyon ay hindi ka magiging marupok?!" Sigaw ko.

"Shut up! Nandyan lang sa labas si Tita!" Sigaw niya sa akin. "Isa pa ikaw ang usapan at hindi ako!" Sigaw niya pa.

"Girls, don't shout we're talking," sigaw ni Mommy mula sa labas.

"Sorry po," ngiti na lang ni Nathalia.

"Takot din pala," sabi ko sabay irap.

"Hay na'ko, namimiss ko na si Carrie.." bulong ni Nathalia maya maya habang nakaupo na sa kama ko.

"Tanga, nandito ako, baka  hindi ka nainform," sabi ko.

"Well, hindi ikaw, yung Carrie na okay lang kahit iwan ng ka-MU niya ganon, tapos kapag bumabalik, sinasabi na 'as if naman gusto pa kita, yuck!' yung ganon at hindi iyong 'inaasahan kong tutuparin mo ang pangako mo sa akin, Jeremy..' i don't like her." Pang gagaya niya sa akin.

"Hoy! Akala mo naman di ka ganyan kay Lexus dati!" Sumbat ko.

"But I'm not like you na sobrang desperate," sabi niya sabay umirap sa kawalan.

"I'm not desperate!" Depensa ko.

"Boba! You are desperate to move on, pero nung nandyan na ulit sa harap mo, marupok ka na ulit!" Bulyaw niya bagamat pilit na hinihinaan ng kaunti.

"Bakit hindi ka ba ganon?" Pagtataray ko.

"Hindi, like duh! Di'ba sabi mo dati, there's a lot of boys in this world, ba't mo iiyakan ang isang tao lang? Kung tanga ka iyakan mo lahat!" Pagpapaalala niya sa akin.

"Dati lang yon! Kinalimutan ko na ang pagiging bitter no! Tsaka nagbago na ako!" Depensa ko ulit.

"Don't change just because you meet someone. Be yourself. Wag kang plastic na hindi ka bitter." Madiin niyang sabi.

"Dati nga kasi yon!" Depensa ko pa.

"Well, you change nga, andaming nagbago sa'yo e," ngiwi niya.

"Talaga? Nag glow up ba ako?" Tanong ko.

"Hindi nagbago yang mukha mo, pangit ka pa din." Panlalait niya.

"Akala mo naman ang ganda mo! Mukha ka namang aso." Asar ko.

"Then that was the most beautiful dog in this world, I guess," napapairap niyang sabi.

"Akala ko ba, it's time for 'me' to rest?" Pang gagaya ko sa sinabi niya kanina.

"Bakit may sinabi ba akong rest na matulog ka?" Tanong niya.

"Wala,"

"Wala pala e, what I mean sa rest is maguusap tayo while you are resting," sabi niya saka ako inirapan.

"Alam mo, kung makikilala mo si Eligia, magkakasunod kayo, parehas kayong madaldal e," tawa ko.

"Hindi ako natutuwa, inagaw niya sa akin si crush. Sasabunutan ko yon pag nakita ko na'ko!" Biro niya.

"Ano ka grade 7 na naagawan ng jowa? Naka graduate ka na ng senior high school isip bata ka pa rin!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Naalala ko tuloy yung kaklase kong may jowang grade 7! Gagawa kami ng project tapos ayaw daw siya payagan! Jusko talaga!" Sabi niya saka tumawa ng tumawa.

"Di ba nagka jowa ka rin ng grade 7?" Asar ko.

"Utot! Di ko sinagot yon! Kadiri! Iw!" Yung kaninang tawang tawa na Nathalia ay napalitan ng pandidiri.

"Girls, take a rest, you need to do a beauty rest," singit ni Mommy na nasa pinto.

"Bye po, Tita! Carrie, uwi na'ko ha?" Pagpapaalam niya.

"It's late na, Nathalia. Dito ka na lang matulog, tsaka may damit ka naman sa guest room kaya you don't have to worry about it," my mom smiled.

"Thank you, Tita! I'm sleepy na nga rin po e," she laughed.

"Carrie, labas na kami ha?" Pagpapaalam ni mommy.

"Tita, can I stay here for a minute muna?" Ngiti ni Nathalia.

"Yeah, but of course if you are going to sleep go to guest room ha?" Paalala ni Mommy.

"Yes po, Tita." Ngiti ni Nathalia.

"By the way, Carrie. Invite Eli ha? Nakwento kasi siya ng Kuya mo sa akin last week, I just want to meet her." Paalala ni Mommy sa akin.

"Yes po, I'll text Josh," I smiled.

"Okay, goodnight, girls!" My mom greeted us then she left.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko kay Nathalia.

"Wala, kailan mo ite-text si Josh?" Tanong niya.

"Parang tino-totoo mo yang pang aasar mo ha?!" Kunot noo kong sabi.

"Gaga!" Sigaw niya saka lumabas. Siraulo.

Matapos iyon ay nag text ako kay Josh para na din ipasabi sa kaniya na papuntahin sina Eligia dito sa birthday ko.

To: Josh Puli.

Josh, text Eli and tell her that mom want to see her on my birthday, on Friday.

Kinaumagahan at nagising ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Alam kong si Nathalia iyon. Lagi naman siyang ganon kapag nandito siya sa bahay. Bubulabugin niya talaga ako kahit inaantok pa'ko. Hindi ko siya pinansin this time dahil inaantok pa talaga ako. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil ang utak ko ay si Jeremy ang laman magdamag.

"Hey you! Carrie! Open your door! OMG!!! I want to tell you something!!! OMG!!! as in O-M-G!!!! WAA!!! CARRIE!!! OPEN THE DOOR!! MY HEART! OMG!!!" sigaw niya mula sa labas. Dahil doon napilitan na talaga akong buksan ang pinto. Dahil alam kong kung hindi ko bubuksan yon ay talagang mas lalo niya pa akong guguluhin.

"WHAT?!" sigaw ko pabalik matapos buksan ang pintuan.

"I want to tell you something.." mahina na niyang ani para bang may pinagdadaanan sa buhay at para bang sobrang lungkot ng buhay niya. Naawa ako bigla sa gaga at nakonsensya na rin dahil sa pag sigaw ko sa kaniya. Kahit na siya ang nanguna.

"Ano yon?" Tanong ko naman.

"S-si.." mahina niya pa ring sabi.

"Sino?" Kunot noo kong tanong.

"Wa!!" Sigaw niya bigla. Siraulo talaga.

"Ano ba yon?" Kunot noo ko pa ring tanong.

"S-si Lexus!" Sigaw niya na namumula na.

"Ano meron sa kaniya? Patay na ba?" Tanong ko.

"Hoy! Bawiin mo yan! Anong patay ka dyan!" Sigaw niya sa akin.

"Kung maka react ka kasi parang may namatay na tao sa buhay mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ganon ba ka OA ang reaction ko?" Tanong niya.

"Oo," sabi ko habang napapairap.

"Pero ayon na nga, si Lexus! OMG! Nag text siya sa akin kagabi!!!" Sigaw niya.

"Okay?" Patanong kong sabi.

"Tapos ayon! Sabi niya 'kumusta na?' ganon tapos ayon!" Sigaw niya pa.

"Anong sinagot mo?" Tanong ko lang.

"Okay lang, Mahal ko pa rin siya!" Bulyaw niya habang nangingiti ngiti pa.

"Yuck." Kunwari ay nandidiri kong sabi.

"Boba! Joke lang! Sabi ko 'okay lang, ikaw ba? Kumusta kayo ng jowa mo?' ganon nangangamusta lang din ako," ngiti niya.

"Corny niyo." Madiin kong sabi saka bumalik sa kama at muli sanang matutulog.

"Back to bitter yarn?" Asar niya.

"I'm sleepy that's all." Madiin kong ani saka nag talukbong. Inaantok talaga ako.

"Sige na! Matulog ka na! Uuwi na'ko, bye!" Sigaw niya saka ko narinig ang pag sara ng pinto. Sa wakas makakatulog na ng matiwasay. Gusto ko siyang kasama pero ayoko sa ganitong sitwasyon. Iyong inaantok ako dahil alam kong hindi niya ako papatulugin.

Nang magising ako ng tanghali ay naligo lang ako at bumaba nakita kong busy ang lahat sa pag luluto. Birthday ko nga pala bukas. I forgot nanaman. Sa totoo lang sa nakalipas na taon ay wala ako sa sarili. Well yes may natututunan ako sa school dahil doon ako nag focus sa nakalipas taon. Minsan nararamdaman ko rin na may sumusunod sa akin. Nakikita ko pa minsan na si Jeremy iyon. Oo, nakakatakot dahil baka naloko niya lang ako noong una na hindi niya ako gagamitin kay Kuya. Pero alam ko sa sarili ko, na hindi ako hahayaan ni Jeremy.

"Are you excited for tommorow?" Tanong ni Kuya at Mommy nang makasalubong ko.

"Medyo po," I smiled.

"Minsan ka lang mag debut sa buhay mo, anak. Kaya wag mong hayaan na hindi ka maging masaya bukas, okay?" Paalala ni Mommy.

"Enjoy your day tommorow, Carrie. Aalis lang ako, may gagawin lang," ngiti niya saka umalis.

"Your Kuya was so busy lately, with the reason I totally don't know," sabi ni Mommy saka ngumiwi.

"Baka nanliligaw po ulit," I laughed.

"Na'ko, baka nga," mom laughed too.

I'm so lucky to have her in my life.

You are reading the story above: TeenFic.Net