-Disclaimer: The story presented here is a fictional creation.
-Credits:
Pictures used in this story are credited to their respective owners.The song referenced above belongs to its rightful owner.
-Grammar Note: The translations provided aim to convey the meaning of the text accurately, but there may be grammatical errors depending on context and interpretation.
***
Jho: "Sige na, Ate Aiah, samahan mo na ako please! Ayaw ako payagan ni Mommy pag walang kasama eh."
Aiah: "Ang kulit mo naman, baka bawasan pa ako ng sweldo ng Mommy mo."
Jho: "Hindi yun, paborito ka niya kaya papayag siya kung ikaw ang kasama ko."
Aiah: "Saan ba tayo pupunta?"
Jho: "Sa peryahan sa baryo! Sabi ni Sheena, ang saya daw doon. Naiinggit na ako!"
Aiah: "Jho, para kang bata, gabi na eh."
Jho: "Ate Aiah, seventeen pa lang ako, malamang bata pa talaga. Sige na, samahan mo na ako!"
Aiah: "Sige na nga, pero uuwi tayo bago mag-alas-dyes ha."
Jho: "Yehey!"
***
Jho: "Sabi sayo eh, masaya! The best ka talaga, Ate Aiah!"
Aiah: "Hay nako, malapit na mag-alas-dyes, Jho. Uwi na tayo."
Jho: "Pero aminin mo, ang saya, diba?"
Aiah: "Oo, ang saya nga."
Jho: "Masaya talaga kasi ako kasama mo dito. Ako muna date mo, Ate Aiah."
Aiah: "Loka ka talaga, tara na nga."
***
Jho: "Anong kanta yan, Ate Aiah? Ang ganda."
Aiah: "Oh, anong ginagawa mo dito? Maalikabok dito ah, baka ubuhin ka na naman."
Jho: "Tinanong ko sila Manang kung saan ka, sabi nila andito ka daw naglilinis."
Aiah: "Oo, kaya bumaba ka na, baka ubuhin ka."
Jho: "Ayaw, hintayin nalang kita matapos. Ang ganda ng kanta eh. Ano title niyan?"
Aiah: "Kulit mo talaga, Jho."
Jho: "Ano nga title?"
Aiah: "Huling El Bimbo."
Jho: "Hmm."
Aiah: "Oh, eto panyo. Takpan mo ilong at bibig mo para di ka ubuhin."
Jho: "Salamat, Ate Aiah."
Aiah: (singing) "Magkahawak ang ating kamay na walang ka malay-malay."
Jho: "Ang ganda ng boses mo, Ate."
Aiah: "Bolera ka talaga."
Jho: "Ate, bukas na birthday ko, dapat may regalo ka."
Aiah: "Wala pang sweldo, sa susunod na."
Jho: "Hindi naman materyal gusto ko eh."
Aiah: "Eh ano ba gusto mo?"
Jho: "Ikaw, Ate Aiah."
Aiah: "Ano?"
Jho: "Sayaw tayo ngayon, yan na regalo mo sakin. Ang ganda ng kanta eh, dali, turuan mo din ako mag-El Bimbo!"
***
Aiah: "Jho, oh, para sayo."
Jho: "Sabi ko naman sayo, Ate Aiah, huwag ka na gumastos para sa regalo ko. Sapat na sakin yung isang sayaw na El Bimbo noh."
Aiah: "Di ko naman binili yan. Ako gumawa niyan."
Jho: "Talaga?! Kaya pala ang ganda! Akala ko binili mo eh!"
Aiah: "Hmm, suotin mo bukas sa party mo ah."
Jho: "Salamat, Ate Aiah!"
***
Jho: "Yey! Nasa legal age na ako! Ate Aiah, pwede na kita ligawan!"
Aiah: "Loko ka talaga, baka marinig ka ng mommy mo."
Jho: "Alam naman nila na gusto kita eh, Ate. Sige na, ligawan na kita!"
Aiah: "Hay, tumigil ka d'yan, Jho. Sige na, alis na ako. Bibili pa ako ng mga gulay para sa hapunan mamaya."
Jho: "Sama ako!"
Aiah: "Huwag makulit, masyadong mainit. Dito ka nalang hintayin mo ko, at tulungan mo kami ni Manang mamaya magluto."
Jho: "Sige na nga."
***
Jho: "Manang, manang, ako na maghihiwa sa sibuyas!"
Aiah: "Ay nako, huwag mo pahawakin yan ng kutsilyo Manang. Baka mapano pa."
Jho: "Ate Aiah naman eh, sabi mo tutulong ako!"
Aiah: "Oo, tapos ka na maghugas ng mga gulay, kaya tapos ka na ring tumulong."
Manang: "Hay Aiah anak, pagbigyan mo na ang bata. Siya nalang maghahalo sa chapsuy."
Jho: "Yey! Salamat, Manang!"
***
Jho: "Ate Aiah."
Aiah: "Oh, Jho? Ano ginagawa mo dito? Uulan na, baka mabasa ka."
Jho: "Eh ikaw? Baka mabasa ka din, pasok ka na sa loob, Ate Aiah."
Aiah: "Tapusin ko na lang itong tinatanim ko. Sige na, pumasok ka na doon. Umuulan na oh."
Jho: "Gusto ko maligo ulan kasama mo."
Aiah: "Bawal, baka magkasakit ka. Huwag na makulit, Jho. Baka biglang lumakas ang ulan."
Jho: "Pwede daw sabi ni Mommy, kasama naman kita eh."
Aiah: "Ang kulit-kulit mo talaga, Jho."
Jho: "Ate Aiah, oh, tignan mo."
Jho starts dancing in the rain.
Aiah: "Para kang baliw."
Jho: "Hali ka, Ate Aiah, sayaw tayo!"
Aiah: "Ay, ewan sa'yo. Tapusin ko muna 'to."
Jho: "Hali na."
Hinila si Aiah papalapit.
Jho: "Sayaw ulit tayo, haharanahin kita. Kakanta ako ng Huling El Bimbo."
Aiah: "Memorize mo na?"
Jho: "Oo, paborito mo eh. Lahat ng gusto mo, kabisado ko, Aiah."
***
Jho: "Maligayang kaarawan, Aiah."
Aiah: "Saan na yung ate?"
Jho: "Ano ba yan, bente na ako, Aiah. Hindi na kailangan tawagin kang ate."
Aiah: "Parang kahapon lang kaka-dese-otso mo palang."
Jho: "Mabilis ang panahon, Aiah. Pero bumabagal yung akin pag sayo ako nakatingin."
Aiah: "Ayan ka na naman sa mga korny mong linya."
Jho: "Gusto mo naman eh."
Aiah: "Ewan sa'yo. Ano ba ginagawa mo dito?"
Jho: "Gusto kitang batiin. Hindi ka ba napapagod kakatahi niyang mga yan? Hatinggabi na oh."
Aiah: "Pang extra income lang. Ibebenta ko ito mamaya."
Jho: "Aiah, mamayang hapon kain tayo sa labas. Celebrate natin birthday mo."
Aiah: "Ay nako, may lakad kami mamayang hapon. Sa umaga na lang pagkatapos ng simbang gabi."
Jho: "Sino kasama mo?"
Aiah: "May pupuntahan kami ng mommy mo, hinahanap daw ako."
Jho: "Sino naghahanap sa'yo?"
Aiah: "Mga totoong magulang ko daw."
***
Aiah: "Oh, akala ko ba sa labas tayo? Ano gagawin natin dito sa harden niyo?"
Jho: "Relax lang Aiah. Masyadong excited eh."
Pinakita ni Jho ang hinanda niyang picnic para kay Aiah.
Jho: "Maligayang Kaarawan, Aiah."
Aiah: "Salamat, Jho. Hindi naman kailangan 'to eh. Pero salamat, gustong-gusto ko ito."
Jho: "Para sayo, Aiah. Kahit ano, gagawin ko."
Aiah: "Jho..."
Jho: "Huwag ka nang kumontra, gusto kong gawin 'to kasi importante ka sa'kin, Aiah."
Aiah: "Salamat, Jho."
Jho: "Pero may kapalit ang mga 'yan."
Aiah: "Ano? Akala ko ba regalo mo 'to? Ba't may kapalit?"
Jho: "Hindi naman malaki ang kapalit eh."
Aiah: "Eh ano ba ang kapalit?"
Jho: "Pwede ba kitang isayaw, Aiah?"
Aiah: "Oo naman, Jho."
***
Jho: "Mommy? Bakit ikaw lang mag-isa? Saan si Aiah?"
Mommy: "Jho, anak..."
Jho: "Saan si Aiah, Ma? Bakit di mo siya kasama?"
Mommy: "Anak, kinuha na siya."
Jho: "Ano? Anong ibig mong sabihin, Ma?"
Mommy: "Wala akong magawa, anak, dahil Amo lang ako. Kinuha na si Aiah sa totoong pamilya niya."
Jho: "Ano? Bakit? Hindi naman gusto ni Aiah umalis, diba? Bakit niyo siya pinasama sa kanila?"
Mommy: "Anak, wala akong magagawa dahil sila ang kadugo ni Aiah."
Jho: "Eh si Aiah? Wala ba siyang sinabi? Hindi ba't nasa kanya naman ang desisyon?"
Mommy: "Hindi ko alam, anak. Walang sinabing rason sa'kin si Aiah. Nagpaalam lang siya at ipagpapaalam ko nalang daw siya sayo."
Jho: "Hindi... Hindi pwede, Ma."
Napayuko at umiyak si Jho.
Jho: "A-alam mo ba kung saan sila nakatira, Ma?"
Mommy: "Hindi... hindi, anak. Ayaw nilang malaman natin."
***
Jho: "Manang, kilala mo ba ang totoong mga magulang ni Aiah?"
Manang: "Hindi, anak, pero nakita ko na ang mga yun nung una silang pumunta dito. Medyo strikto yung mga magulang niya."
Jho: "Sa tingin mo, Manang, saan kaya nakatira ngayon si Aiah?"
Manang: "Yan din ang pinagtataka ko, anak. Ewan ko ba't ililihim nila kung saan nila dadalhin si Aiah."
Jho: "Miss ko na siya, Manang."
Manang: "Halata nga, anak. Huwag kang mag-alala. Malay mo, bibisita siya dito. Sigurado akong namimiss ka rin ng batang yun."
Jho: "Sana nga, Manang."
Manang: "Oh, saan ka pupunta? Umuulan, anak, baka magkasakit ka."
Jho: "Pupunta lang ako sa harden, Manang. Huwag kang mag-alala, maliligo din ako agad at iinom ng maraming tubig."
Manang: "Siguraduhin mo ha, at baka ako pa mapagalitan ni Aiah."
Jho: "Sana nga't nandito siya, Manang."
***
6 years later
Manong:"Ma'am Jho, eto na po yung hinihiling mo."
Jho: "Nandon ba siya?"
Manong: "Opo, malapit na pong matapos ang trabaho niya ma'am pwede mo pong puntahan."
Jho: "Maayos ba ang kalagayan niya?"
Manong: "Hindi ko po alam ma'am eh."
Jho: "Sige. Pwede ka ng umalis."
***
Jho: "Magandang hapon po Manang, may kilala ka po bang Aiah Arceta dito?"
Manang: "Ay Oo iha, doon sa likod sa may kanto yung bahay nila."
Jho: "Sige po, maraming salamat manang."
***
Jho: "Jho?"
Aiah: "Aiah.."
Jho: "A-anong ginagawa mo dito? Pano...pano mo nahana---"
Jho: "Limang taon kitang pinahanap Aiah."
Aiah: "Jho.."
Jho: "Saan ka ba pumunta? Ba't di ka na bumalik? Aiah sobrang namiss ka namin."
Aiah: "Jho.."
Child: "Mama, sino po bisita mo?"
Aiah: "Anak..."
Jho: "Anak?"
Aiah: "Jho umalis ka na."
Jho: "Aiah,
You are reading the story above: TeenFic.Net