Page 40

Background color
Font
Font size
Line height

Maaga akong nagising at nag asikaso, iniwan ko na muna kay ailsa si cam binalita ko na din sakaniya ang tungkol kaya maya.

Sumakay ako ng taxi papunta sa hospital, hindi din naman kalayuan kaya nakarating din agad ako.

Sinalubong ako ni warren sa pintuan ng room ni maya, halata sa mga mata niya na puyat at pagod pero naka ngiti pa rin siya sakin.

"Goodmorning baby"bati niya sakin, parang tanga naman nito kung hindi ko lang siya gusto baka nabatukan ko na.

"Hi mommy goodmorning"masiglang bati ni maya sakin, ang liwalas na tignan si maya hindi tulad nung nakaraan araw parang hindi na siya yung masayahin na maya.

Hinalikan ko siya sa noo at inamoy sa leeg, naging gawain ko na din yun sa tuwing nakikita ko siya. Gustong gusto din naman niya na ginagawa ko sakaniya yon.

"Kamusta pakiramdam ng maya namin?"tanong ko at umupo sa tabi niya, ready na ang lahat ng gamit dahil inayos na ni warren.

"Im okay na po, thankyou po sa pag babantay sakin"sambit nito at niyakap ako. "Daddy ninong thankyou po sainyong dalawa"dagdag pa nito.

Lumapit samin si warren at pareho kaming hinalikan sa noo.

"Basta kayo gagawin ni daddy ninong"naka ngiting sambit ni warren, deretso siyang naka tingin sakin.

Ngumiti ako sakaniya at tinignan si maya na naka tingin samin dalawa.

"Pwede na daw tayo umuwi baby ready ka na ba makita si cam?"tanong ko at pumunta sa mga gamit namin.

"Yes po, pero hindi po muna ako lalapit kay baby cam baka mahawaan ko po siya"sagot ni maya at tinulungan ako sa pag aayos.

"Mag pahinga kana muna kaya ko na 'to"inagaw ko sakaniya ang hawak niya, hindi pa siya pwede mag kikilos dahil kakagaling niya lang sa sakit.

Kahit bata palang siya alam na niya ang mga gawaing bahay, hindi siya nag rereklamo kahit paulit ulit ang ginagawa niya sa araw araw.

"Sorry po"sambit nito at nag lakad pabalik sa higaan niya.

"Inaalala lang ni mommy ang kalagayaan mo, hindi galit si mommy ah"sambit ko habang naka tingin sakaniya. Ngumiti lang siya sakin bilang sagot.

Naasikaso na lahat ni warren ang dapat asikasuhin kaya uuwi na kami,nag hintay na muna namin siya sa tapat ng hospital dahil kinuha niya ang sasakyan sa parking lot.

Pag dating niya ay sumakay na kami ni maya sa likod, nakatulog kaming dalawa sa byahe.

Dumeretso na muna kami sa bahay dahil kailangan na uminom ni maya ng gamot at mag pahinga, bawal si maya maka amoy ng galing sa labas.

Ako lang ang mag isa nag drive papunta kila ailsa, kaya ko naman mag drive at kasama ko naman pabalik si ailsa dahil kakamustahin niya si maya.

Pag dating ko doon ay hindi na kami nag tagal dahil kailangan din ako ni maya sa bahay, inayos na din ni ailsa ang mga gamit ni cam kaya deretso na din kaming umalis.

Pag dating namin sa bahay ay nabutan ko si warren nag lilinis sa sala, unti lang tulog niya pero nag lilinis pa siya imbis ipahinga nalang niya.


You are reading the story above: TeenFic.Net