"Where the hell are you Georgina Akila Fontanilla?!"
Napairap na lang ako sa kawalan. "We're on the way, don't worry." Napabaling ang tingin ko sa dinadaanan namin. "Nandyan na ba si Kuya Ashton?" Tanong ko.
"Wala pa pero late na kayo! Nakakahiya sa mga kasama natin!"
Nailayo ko kaagad sa tenga ang cellphone. Sa lakas ng boses niya ay kulang na lang mabingi ako.
Naiinis na napabuntong hininga na lamang ako. Wala pa naman pala kung makasigaw akala mo kami na ang pinaka masamang myembro sa lahat.
Hindi naman kami late... masyado lang silang maaga.
Naiiling na pinatay ko ang tawag. Bahala na mamaya kung maging dragon man siya sa sobrang galit.
"Anong sabi ni Bea?" Si Gwyneth.
Bumaling ako sa kanya. Busy-ng busy sa pagtitipa sa cellphone.
Tinago ko na lang muli ang cellphone sa bag. "Late na raw tayo. Kahit wala pa naman 'yong magtuturo ng sayaw." Saad ko.
Tinitigan niya akong nakataas ang kilay, napailing na lang din. Bahagyang natawa.
Dalawampung minuto ang inubos bago kami nakarating. Pagkababa namin ng sasakyan hinanap kaagad namin ang lugar na tinext sa amin ni Kuya Ashton. Dito raw kasi kami mag pa-practice ng sayaw ayon sa Head. Kahit ang ibang department ay nandito rin daw.
"CS Dance Studio" Basa ko sa nakalagay na pangalan ng lugar.
Isang two storey building. Papasok pa lang kami sa studio nang makasalubong namin ang iba pang estudyante. Tila mga pagod dahil sa pawisang damit.
"Wyn, anong department yung mga naka white shirt?" Kuryoso kong tanong. Nagkalat kasi ang mga ito sa buong hall.
Agad siyang napatingin sa tinuro ko.
"Business Ad, siguro? Ang alam ko iyan yung bago nilang seal." Napangiwi siya. "Alam mo naman... may issue sa seal ng bawat department." Dagdag niya.
Hindi na lamang ako sumagot. Napakibit balikat na lang.
Nagpatuloy na lamang kami sa paglakad papunta sa pwesto ng Educ (Education). Ang ilan na madaanan ay hindi ko na lang pinansin. Diretso ang tingin ko.
Halos magsalubong ang kilay ni Bea nang makita niya kaming palapit na sa pwesto nila.
Napairap siya. "Muntikan na kayong mapaaga, ah?" She raised her brow. "Penalty. Five rounds."
"Whatever. Wala pa naman si Kuya Ashton." Sabay upo ko sa tabi niya. Si Wyn ay tumabi na lang din sa akin.
Maya't-maya ang naging pagbalik ng ibang nagpa-practice. Samantalang ang department namin ay naka upo pa rin hanggang ngayon. Pawisan ang iba samantalang kami ay heto at mabango pa rin.
Kinuha ko ang earphones sa bag ko. Mas mabuting makinig na lang ako ng music kaysa panoorin ang iba na naglalaro lang at nakikipag daldalan. Mukhang sa sobrang tagal dumating ng magtuturo sa amin ay wala na silang ibang magawa.
Napailing na lang ako.
Ilang minuto ang nakalipas, halos maubos na ang laman ng playlist ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang magtuturo sa amin. Nakabalik na't lahat 'yong mga kaklase ko galing sa paglalaro nila wala pa rin siya. Ang ibang department naman ay mukhang tapos na rin.
Nasaan na ba kasi si Kuya Ash? Kahit kailan talaga ang hilig nila sa Filipino time.
Pinause ko na lang muna ang tugtog sa Iphone ko. Tutal tapos ko naman na ang lahat ng kanta.
"Iyong mga naunang batch sa atin masyado raw mahigpit sa kanila ang Head. Although, mahigpit pa rin naman ngayon."
Napabaling ang tingin ko sa mga kaklase kong nag uusap. Nagtumpukan sila sa gilid. Sa lakas ng boses nila ay nakaabot na sa akin ang pinaguusapan nila.
Pero sabagay malapit kasi ang pwesto nila sa'kin. Hindi ko rin sila masisisi dahil sumakto na naka patay na ang tugtog sa cellphone ko. I definitely can hear what they are talking about.
"School rules. Wala ka naman magagawa roon, eh. The tuition is even free! You can't complain to them that they are strict as a pole. Tsaka, sa ganda ng Campus ay talagang mapapasunod ka na lang sa mga rules." Sagot naman ng isa.
"Rules are rules, people." Someone hissed.
Sa dami nilang nakabilog sa gilid ko hindi ko na alam kung sino na yung nagsasalita. I can't remember all their names! Sabagay...
sila Bea lang naman kasi ang lagi kong kinakausap sa classroom. Tinamad na 'kong alamin ang pangalan nung iba.
"Kahit nga tattoo bawal, eh!"
"Talaga?"
"Yup. Itanong niyo pa kay Kuya Ash mamaya."
"No way! Eh, bakit siya meron? Look!"
Sabay sabay silang nagsilingunan doon sa tinuro ng isa naming kaklase.
Napailing na lang ako.
Wala talagang magawang matino 'tong mga kaklase ko. Kung sino sino na ang pinag iinteresan.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago sila huminto sa pag-uusap tungkol doon sa may "tattoo" raw.
Ano ba kasing meron sa "tattoo" niya at mukhang pinagpapantasyahan na yata ng mga kaklase ko? Mula pa kanina siya na kasi ang pinag uusapan nila. Hindi ko rin naman tinangkang hanapin.
It's not my thing, anyway.
Dahil sa sobrang pagkainip ay tinanggal ko na lang ang earphones ko. Effective naman pala. Hindi kasi nila ako tinangkang kausapin. Mukhang sa susunod ito na lang din ang gagawin ko para wala na gasinong kumausap sa akin. Not that I don't want to talk to them. It's just that... nevermind.
Hindi pa man nakalilipas ang dalawampung minuto ay narinig ko muli ang usapan nila.
Ano pa nga ba? Edi tungkol sa misteryosong may "tattoo". Lalaking may tattoo.
Kaunti na lang ay iisipin kong artista na 'yon. Bukang bibig ba naman ng mga kaklase ko. Lahat na ng papuri ay narinig ko na sa kanila, eh. Kulang na lang ay sambahin na rin nila.
I blew an exasperated sigh.
Dahil wala rin naman akong magawa... nilibot ko na ang paningin sa buong studio. Hahanapin ko na rin kung sino 'yong kanina pa nila pinag uusapan.
"Teka... saan daw ba kasi nakalagay 'yong tattoo?" Bulong ko sa sarili.
Curiosity kills the cat, ika nga. Mehh! Curiosity my butt! Wala lang talaga akong magawa.
Great... Akila! Hanapin mo na lang!
Saktong napadako ang tingin ko sa gawing kaliwa ay may braso akong nakita. Tila babad sa gym dahil sa hulma nito.
Mabilis na napakunot ang noo ko.
May tattoo iyong braso niya! Siya 'yong may tattoo! Iyong pinag uusapan! Siya 'yon!
Sa paraan ng pagkakatitig ko sa braso niya ay kulang na lang matunaw ko 'to. Magkahalong itim at pula ang tinta na nakaguhit sa namimintig niyang braso.
Goodness gracious! Braso pa lang ulam n-
Sa hindi malamang dahilan ay binaybay ko nang tingin ang braso niya papunta sa kanyang mukha.
Halos mapugto ang paghinga ko nang napagtantong nakatitig na pala siya sa akin.
Shoot! Bakit siya nakatingin sa akin? Nahuli niya ba akong tinititigan 'yong braso niya? Teka nga... sa akin ba talaga nakatingin?
Lalong napakunot ang noo ko nang mapansing hindi pa rin siya lumilihis sa pagtitig.
Bakit nga rin ba 'ko nakatingin sa kanya? The heck? Akila! Umiwas ka na ng tingin!
"Akila, tara na nandyan na si Kuya Ash. Practice na raw tayo."
Napabaling ako ng tingin kay Wyn. Nakatayo siya sa gilid ko habang pinupusod ang buhok.
Nang mapagtanto kong ako ang naunang umiwas ng tingin ay napairap na lang ako sa kawalan.
Naisahan ako nung lalaki! Asar!
Muli kong sinulyapan ang pwesto niya. May kausap na siyang babae, mukhang seryoso ang pinaguusapan. Napansin ko kasing napapakunot siya ng noo.
Sabi na, eh, baka nga hindi ako 'yong tinitignan niya. Guni guni ko lang siguro.
I bitted my lip.
Bakit parang mas pabor yata sa akin kung ako nga talaga 'yong tinititigan niya? Teka nga muna... bakit ko ba pinagiisipan pa 'yon? Wala na naman yata akong magawa. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.
Napailing na lang ako at bahagyang natawa.
"Guys, focus! Malapit na ang laban niyo." Paulit ulit na saad ni Kuya Ash.
I sighed heavily. Nakailang ulit na rin kami ng stunts. Mula pa kanina ay wala pang hinto ang practice namin. Ang dami kasing itinurong bago.
Maghahating gabi na nang makauwi kaming lahat. Puros mga pawis at pagod sa maghapon. Pagkarating sa bahay ay may pagmamadaling pumunta ako sa kwarto.
Good heavens! Ang sakit ng buong katawan ko! Ikaw ba naman ang laging ihagis sa ere.
Sabagay... naiwan na rin naman ako sa ere.
Papikit na sana ang mga mata ko nang biglang pumasok sa isip ko 'yong lalaking may tattoo kanina. Mula noong magkatitigan kami ay nasundan pa 'yon ng mga ilang tinginan pa. Nagtataka na nga ako eh, hindi ko naman siya kilala pero kung makatitig akala mo magkakilala kami.
I shrugged my thoughts off. Siguro nama'y hindi ako yung tinitignan niya, sa dami ba naman namin doon... napakaimposible naman yata.
Teka nga muna... bakit ba paulit ulit ko na lang iniisip ang tungkol sa pagtitig niya? Kulang na lang ay makipagtalo na ako sa sarili ko. Ano ba yan!
Mariin kong naipikit ang mata. Pagod nga lang siguro ako.
"Sabi nila kapag daw sinulat mo ang pangalan mo rito pati ang pangalan ng gusto mo. Tapos ginupit gupit mo at pinagdugtong dugtong mo at muling nabuo... Kung sino ang sinulat mo sa papel, siya na raw magiging forever mo."
"Dude, are you effin kidding me? Ano kayo mga bata para maniwala sa mga ganyang kalokohan?" Natatawang turan ni Beatriz.
Kanina pa kasi sila nagtatalo tungkol sa kalokohan ni Lexi. Simula noong mag umpisa ang first period, nagde-debate na sila tungkol sa papel na ginugupit niya.
"Why don't you try it and see it yourself? Wala namang mawawala sayo." Gatong naman ng isa pa naming kaklase.
"Well, sige na nga! Kapag ito hindi kami nagkatuluyan ng boyfriend ko ngayon. Hindi ka invited sa kasal ko, ha?!" Kumuha kaagad si Bea ng papel at sinulat ang pangalan ng boyfriend niya.
"Oh tapos, ano na ang susunod na gagawin?"
"Gupitin mo yung papel into strips."
Pinanood ko na lang sila habang ginagawa ang mahiwagang papel na naglalaman ng future husband mo raw. Nang matapos gupitin ni Bea ang papel niya ay iniikot ikot nila ito isa isa.
"Nagsasayang lang kayo ng papel. Tapos kapag nag quiz panay hingian." Pagsusungit ni Vend, ang Presidente ng klase. Biruin mo 'yon halos kalahati na ng mga kaklase ko nakatingin na sa ginagawa nila Bea.
"Inggit ka lang Pres, wala ka kasing girlfriend... ay, boyfriend pala!" Sabay tawanan nila.
"Mas may boobs naman ako sayong froglet ka!" Napairap siya. "Dalian niyo na nga dyan! Kapag naabutan kayo ni Sir Ginno lagot kayo." Pananakot pa nito.
Hawak na ng isa kong kaklase ang mga papel na inikot ikot ni Bea ng muli ko silang panoorin. Si Bea raw kasi ang magtatali sa isa't isa noong papel kaya pinahawak niya sa iba. Wala naman daw specific pattern basta pagbuhulin mo lang iyong mag kabilang dulo nito.
Nang matapos pagbuhulin ni Bea ang dalawang dulo ay inilatag nila sa lamesa ang papel.
"Oh, ayan! Habang buhay na kayo ng lalaking isinulat mo sa papel. Kapag kasi nakabuo ka ng bilog 'yon na yung forever mo. Kapag naman hindi naging bilog, edi hindi siya ang forever mo!" Paliwanag ni Lexi.
"Ikaw Akila, gusto mo subukan? Malay mo magkabalikan kayo ng ex mo!" Sabay tawa
nilang dalawa ni Wyn.
Napairap na lang tuloy ako.
"Uyyy... pikon na 'yan. Babalikan na si William. Ooops! Sorry, nasabi ko ang pangalan." Sabay ngisi niya.
Nahinto naman sila sa pang aasar nang biglang dumating si Sir Ginno. Nagsibalikan na ang lahat sa kanya kanya nilang upuan. Nagmamadaling niligpit din nila ang mga kinalat na papel.
"Class dismiss. Turn the lights off. Pati ang aircon pakipatay na rin bago ka umuwi, Vend." Matapos utusan ang class president ay dali dali namang umalis si Sir. Nauna pa sa amin umalis. Palibhasa 7:30 na at madilim na sa corridor. Takot yata maiwan ng mag isa.
Natawa na lang ako sa naisip.
"Kila, sa Café Carlos daw tayo mag dinner bago umuwi. Sumabay na tayo kila Helena." Si Bea.
My forehead creased. "Bakit? Nandyan ba si Cath?"
Napatango siya. "Nasa parking lot na raw siya kanina pa."
Sumangayon na lang din ako at sumunod na.
Nang makarating sa parking lot ay nandoon na nga ang dalawa at naghihintay. Himala at maaga ang uwian nila Helena ngayon. Kadalasan kasi ay mas maaga ang tapos namin sa kanila.
"Guys, nakapagpaalam na kayo sa parents niyo? Baka mamaya may magsabi na hindi siya makakasama?" Napabaling siya saglit sa amin. "Subukan niyo talaga."
Nakagat ko ang labi.
Oo nga pala... muntik ko nang makalimutan! May usapan nga pala kaming pupunta kami sa Baguio. Mahigit dalawang buwan na lang din pala bago kami umalis. Isang Linggo kasi ang inilaan naming araw para maglibot sa lahat ng pasyalan doon. Noong isang taon ay inubos namin ang araw sa pagsakay sa lahat ng rides sa Six Flags.
"Don't worry, lahat kami sasama." Sagot ni Wyn habang abala na naman sa pagtipa sa cellphone.
"Naninigurado lang. Mahirap na... baka mamaya kung kailan tutukan na ay saka pa magback out." Napataas siya ng kilay. "Balita ko may competition sa campus niyo?"
Mabagal na napatango si Bea. "Yeah. Maglalaban yung bawat department sa cheerdance. Pinaghiwa-hiwalay muna yung Liberty Pumas Cheerleaders."
"So, 'yong mananalo sa inyo, iyon yung lalaban sa competition next school year?" Tanong ulit ni Catherine.
Magkaiba kasi kami ng school. Kaming apat lang nila Helena, Wyn at Bea ang magkakasama. Iyong course niya kasi ay hindi ino-offer sa amin. Magkalaban tuloy ang campus namin kapag may competition na magaganap.
"Yup." Dugtong agad nung isa.
Napakunot siya ng noo. "Buti nakakapag practice pa kayo? Malapit na 'yong finals niyo diba?"
"Walang choice. Grades naming lahat ang nakasalalay sa competition na 'yon. Kapag hindi kami nagparticipate, tumataginting na singko ang kakaway sa transcript." Sabad muli ni Wyn.
Napabaling na lang ako sa daan at nakinig na lang sa kanila. Ang mga nagkikinangang ilaw sa mga nadaanang building ay parang pelikula na nakita ko na dati. Miski ang mga naglalakad na tao sa gilid ng mga establishimento ay parang isang palabas na naulit lang.
Matapos ang naging pag uusap, ilang minuto lang ay nakarating na kami. Um-order din kaagad nang makahanap na ng pwesto. Medyo puno rin kasi ang buong lugar.
Mas madalas talaga 'tong pinupuntahan kapag gabi. Kung minsan ay kailangan mo pang magpa-book.
Habang sine-serve ang pagkain namin ay bigla namang nagka ingay sa malapit na lamesa mula sa amin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin, 'yong apat kasi ay patuloy lang sa pag uusap na parang walang narinig.
Hindi ko ugali na tumingin kung saan saan, pero ewan ko ba't parang nagiging hilig ko na yata ngayon.
Nabaling kaagad ang tingin ko sa grupo ng mga lalaki na nagkaka ingay. Nang mapadako ang tingin ko sa lalaking katapat ko ay agarang napakunot ang aking noo.
"He seems familiar." Bulong ko sa sarili. Saan ko nga ba siya nakita?
"Akila, gising na. Ang haba na ng tulog mo."
You are reading the story above: TeenFic.Net