IKATLO

Background color
Font
Font size
Line height

Becky's POV

Sumunod ang mga linggo at nagiging malinaw na sa akin ang unang bati ni Coach Ramil nung unang araw ko.

"Welcome to hell"

Hindi pa din ako nakakatira ng maayos kaya naman pagkatapos ng PE class dalawanpung akyat-baba sa bleachers ang ihanaharap ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbaba ng bleacher nang biglang lumapit sakin dahilan para mapahinto ako.

"Captain!" Laking gulat ko ng makilala ko kung sino. Si Tee ang captain ng volleyball team namin. Bakit kaya siya nandito? Jusko, ifoforce drop na ba nila ako? Wag naman po sana. Pero ang kausap ko, hindi pa din nagsasalita at tinititigan lang niya ako. "Bakit po? M-May kailangan po kayo?"

"Totoo nga ang chismis" Bulong nito na hindi na masyado nahagip ng tenga ko.

"Ano po?"

"Hello, sorry di ko pa pala naiintroduce ng maayos ang sarili ko kahit na ilang araw na tayong magclassmate sa PE class. I'm Tee" Nakangiting bati nito sakin sabay abot nito ng kamay niya.

"Becky po, Captain" Atsaka ko inabot ang kamay nya para makipagshake hands.

"Ay oo nga pala, pinapasabi sayo ni Freen na hindi ka na niya mahihintay matapos kasi may meeting daw siya for a commercial" Pagkasabi nun ay napatingin ako sa may bench kung saan lagi nakaupo si Freen. Nakita ko na lamang na naglalakad na ito palabas ng gym. Kaloka, kinailangan pang istorbohin si Captain para lang ipasabi na aalis na siya. Pwedeng naman siya na lang magsabi. Di naman ako nangangagat. Akala mo naman may gagawin akong masama sa kanya. Pero tama din naman dahil meron naman talaga. Kung pwede lang itumba yung karibal ko, ginawa ko na.

"Nako, pagpasensyahan mo na si Freen. Ganun lang talaga siya. Abnormal kasi yun, takot ata sa tao" Napansin ata ni Captain ang iniisip ko ata siya na din ang sumagot ng mga tanong sa utak ko.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Sa totoo ay akala ko laging seryoso itong si Captain pero mali ako dahil may kengkoy side din siya base sa mga nakikita ko sa klase. Mahilig itong makipagbiruan kina Nam at sa ibang teammates nila. Pero syempre pag game time na, game face on na siya. Well, silang lahat naman.

"Hindi na din kita mababantayan kasi kailangan ko pang asikasuhin yung permit sa student council para sa next game" Nakakamot na lamang ito sa ulo niya matapos sabihin ang iyon. "Alam kong mahirap yung punishment kaya fighting Becky!" Pagche-cheer pa sa akin ni Captain with matching hand gestures pa.

"Pero please tapusin mo yung drills mo kasi yari ako kay Freen pag nagkataon hehe Maawa ka sating dalawa please" Paliwanag niya. Di naman siya halatang takot sa bruhildang yun hehe

Tumango ako biglang sagot. "Opo, captain!"

Pagkatapos nun ay umalis na din si Captain Tee. Huminga muna ako ng malalim atsaka tinuloy ay pag-akyat sa bleachers. Konti nalang, Becky! 15 nalang....

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng gym. Hay, ilan pa ba nag mang-iistorbo sa drills ko? Gusto ko ng matapos to!

"Bestfriend!" Hiyaw ng bestfriend ko atsaka tumakbo papalapit sakin. Joke lang po pala. Di pala distraction ang dumating kundi motivation! "Tapos na daw ang klase niyo. Ano pang ginagawa mo dyan?" Takang tanong nito.

"Eto pinagbabayaran ko yung karupukan ko sayo" Sabi ng konsensya ko.

"Ahh ito ba?" Na-on the spot ako. "Ano kasi di ako makasabay sa mga kaklase ko kaya't ano binigyan ako ni Coach ng endurance task. Tama endurance task sabi ni Coach" Sana'y maniwala naman itong bestfriend ko sa mga pinagsasabi ko. Naririnig ko lang kina Nam ang term na iyon. Ayokong malaman niya na ang ginagawa ko ngayon ay parte ng punishment ko kay Coach Ramil at baka maguilty pa siya.

"Endurance task?"

"O-Oo, kailangan kong umakyat baba ng bleachers"

"Sabagay, pinapagawa din samin yang drill na yan sa praktis para masanay ang katawan sa pagod. Naks! Di kaya't gusto ka na din ni Coach Ramil na isali sa volleyball team? Kaya ka niya binibigyan ng extra task?" Napangiwi ako sa narinig ko. Baka gusto kong bitayin ni Coach kamo.

"Nako, hindi! Gutom lang yan, Kirk"

"Kapag nakapasok ka na sa team, ako ang magiging number fan mo! Iche-cheer kita ng malakas every game niyo"

"Mas malakas pa kesa sa pagcheer mo kay Freen?"

"Syempre naman... kapag wala si Freen sa court hehe"

Sa sinabi niyang iyon at ginantihan ko siya ng kurot sa tagiliran. "Bwiset!" Mapang-asar talaga kahit kelan.

"Nga pala, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Wala namang silang practice game ngayon kaya't nakapgtatakang nandito ito sa campus namin.

"Sinundo kasi nung teammate ko yung nililigawan niya dito sa St. Louis kaya sumabay na rin ako. Baka makita ko rin si Freen nang mapawi man lang ang pagod ko sa praktis" Freen na naman.

Bigla ko tuloy siya hinampas. "Akala ko pa naman ay ako ang ipinunta mo dito. Malas mo wala siya dito sabi ni Captain" Natutuwa na rin ako na may meeting si sungit ngayon kaya't di sila nagpang-abot. Di na rin niya kailangan malaman na si Sungit ang nagbabantay sakin tuwing punishment ko. Baka pag nalaman pa niya ay araw araw siyang pumunta dito at tambayan lang si Sungit. Gustuhin ko man na lagi siyang makita, wag nalang kung ganun lang naman. Atin nalang yun.

"Hala, tampururot na siya o! Syempre ikaw din no!" Sabay akbay niya sakin atsaka ginulo ang buhok ko. "Magpapatulong sana ako sayo ng report ko"

Inirapan ko siya. "Ayun tayo e!"

"Tara na. Kain na muna tayo" Aya niya.

"Nako, hindi pa ako pwedeng umalis. Hindi pa ako tapos" Pagtanggi ko. Nangako ako kay Captain na di ako tatakas sa punishment ko. Mahirap na at baka siya ang mayari kay Sungit pag nagkataon.

"Wala naman ng tao dito. Wala ng makakaalam na di mo na tinapos yung drills mo. Tara na, gutom na talaga ako bestfriend" Pamimilit pa nito. Nakakatukso ang suhestyon ni Kirk. Sa totoo ay pagod na din ako at wala ng ibang gusto kundi umuwe at mahiga na.

***

"Tapos na?" Tanong ni Kirk habang binababa ang take out na inorder niya sa mesa. Nandito kami ngayon sa fields at inaayos ko ang report niya na ipe-present daw niya bukas.

"Konti nalang. Tinanggal ko lang yung parts na redundant na tapos dinagdagan ko lang ng ilang descriptions yung ibang slides mo" Atsaka ko itinuro ang mga parteng inayos ko sa report niya.

"Mamaya na yan, ito kumain ka na muna" Abot niya sakin ng burger at milk shake. "Gagawan mo naman ako ng pointers no? Para mas mabilis kong maexplain sa report ko"

"Opo, sir. Isesend ko nalang mamaya sayo"

"The best ka talaga, bestfriend!" Bestfriend.

Tahimik kaming kumakain dito sa field habang pinapanood ang mga varsity players ng football na nagpapractice sa field. Palibhasa hapon na kaya't mangilan-ngilan nalang ang estudyante ngayon sa university.

"Kamusta naman ang bebe loves ko?" Basag ni Kirk sa katahimikan na bumabalot samin. "Nagpakita na ba yung bwiset na umaaligid daw sa kanya?" Kitang kita ang yamot sa mukha niya habang binabanggit ang possibleng manliligaw ni Sungit. Nakalimutan kong kailangan ko nga palang magreport sa kanya tungkol sa assignment ko.

Umiling ako. "Wala naman akong napapansin na umaaligid sa kanya sa klase namin. Mga teammates lang niya madalas na kinakausap niya" Kaming dalawa na nga lang sa gym, kinailangan pa niyang ipautos ang sasabihin niya sakin kay Captain e.

"Wala kang napansin na nagbibigay ng bulaklak o love letters sa kanya?" Usisa pa ni Kirk.

"Uy baka nakakalimutan mo tuwing PE class ko lang siya nakikita. Hindi ko na alam ang mga nangyayari o mga pinaggagawa niya sa labas ng klase namin" Aba'y hindi naman ako nasabihan na pagka-stalker pala itong pinasok ko.

"What if kuha ka na din ng ibang subjects niya?" Seryoso ba siya?

"Hmm, what if ikaw na lang?" Kung anu-ano na naman naiisip nitong bestfriend ko e. Nako, kapag nalaman na naman ito nina Yuki, panigurado nagagalit na naman yun.

"Ito naman hindi na mabiro" Sabi nito sabay akbay at gulo na naman ng buhok ko.

"Ano ba? Yung buhok ko. Umalis ka nga, ang baho mo" Pilit kong inaalis ang braso niyang napakabigat.

"Hiyang hiya naman ako sa asim ng amoy mo ngayon" Atsaka nito kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Bwiset ka talaga!"

****

"Time's up! Please pass your papers" Pagkasabi ng mga katagang iyon ni Sir Cahilig ay kaagad akong tumayo at ipinasa na ang papel ko. Pagkatapos ay dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at nagpaalam na kina Yuki. "Yuks, ikaw nalang magbalik ng notes ni Noi please. Tatakbo na ako sa gym, late na ako sa PE class ko"

Napatingin ako sa relo ko. Bad trip, 10 minutes na akong late sa klase ni Coach Ramil. Paano'y nagextend na naman si Sir Cahilig tapos ay humirit pa talaga ng quiz. Halos i-shotgun ko na ang pagsagot kanina para kaagad akong matapos. Sa Pasko talaga, reregaluhan ko siya ng relo yung kasinglaki ng wall clock para maging aware siya sa oras.

Kamalas malasan pa, nasa kabilang side ng campus ang gym namin. Kaya't takbo lakad na ginagawa ko para makarating na ako agad.

Ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko dahil sa magkahalong hingal at kaba nang marating ko ang entrance ng gym. Alam ko namang markado na ako kay Coach Ramil tapos ngayon ay dadagdagan ko pa ng pagka-late ko. Isa pa naman sa mga ayaw na ayaw ni Coach ang pagiging late. Ika nga niya, ang pagiging on time sa lahat ng bagay ay isang tanda ng disiplina at respeto sa ibang tao.

Inipon ko muna lahat ng natitirang lakas ng loob na meron ako na sinabayan ng isang matinding dasal bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

Lahat sila napatingin sa akin. Maging si Coach Ramil na nagtuturo na sa harapan ay blanko lang ang tingin sa kin. Maya-maya pa itinuloy na nito ang klase na parang walang nakita. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para umupo na sa likod.

Napabuntung hininga nalang ako sa pagod.

"Uy Becky, bat ngayon ka lang?" Bulong ni Nam sa akin. Nasa likurang pwesto din pala ang mga varsity players.

"Si Sir Cahilig kasi e" Naka-pout na sagot ko.

Narinig ko ang pag-tsk ni Sungit kaya't di ko mapigilan di siya samaan ng tingin. Sinita naman ito ni Nam.

"Nako, naging prof ko rin yun dati. Walang pakialam sa oras yun" Himotok din ni Ate Kade. Sa totoo ay unti-unti ko ng nakikilala ang mga varsity players except syempre kay Sungit na karibal ko. Sobrang friendly kasi ni Nam na hindi niya hahayaan na ma-OP ako sa klase dahil wala akong kakilala.

Natapos ang klase na halos theoretical lang ang tinuro ni Coach Ramil. Volleyball positions sa team, basic plays at ang mga errors na madalas nacocommit during the game. Next meeting na daw ang hands on exercises. Syempre tuwang tuwa ako sa narinig kong iyon.

"Becky, tara na" Aya sakin ni Nam na nakasabit na ang gym bag at ready ng umuwe.

"Wala kayong training ngayon?" Madalas kasi pagkatapos ng klase ay may training pa sila. Kaya't nakapagtatakang nag-aaya na ito.

Umiling ito. "Kaninang umaga kami ng training. Tara na" Aya ulit nito.

This time, ako naman ang umiling. "May drill pa ako e" Nahihiyang sabi ko.

"Aww, becky bebi" Nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Ate Kade ang magkabilang pisngi ko at panggigilan.

"Di naman tayo naghands on ngayon. Kailangan mo pa ding magdrills?" Tanong ni Captain Tee.

Nagkibit balikat ako. "Wala namang instructions na stop na e kaya gagawin ko pa din"

"Nasan na ba ang bantay mo ng matanong natin?" Napalinga-linga ang lahat para hanapin si Sungit. Bigla kasi itong nawala kanina.

"Kausap ata si Coach sa loob" Sagot ni Mika sa tanong ni Nam.

"Sige na, mauna na kayo para makapagpahinga na kayo. For sure, pagod na kayo. Okay lang ako, guys"

"Sigurado ka?"

Tumango at nagthumbs up. "Yes po!" Pag-eensure ko sa kanila.

Nang makaalis sila ay naghanda na ako para simulan ang drills. Nagstretching muna ako para hindi mabigla ang legs ko. Nung una kasi halos di ako makalakad pagkatapos kaya sabi ni Nam ay magstretching muna ako. Infairness, effective naman!

Akmang magsisimula na ako ng biglang lumabas na mula sa dugout si Coach Ramil at Sungit.

"Armstrong" Tawag sakin ni Coach Ramil. Parang akong nanlamig sa tono ng boses niya.

Juskopo. Katapusan ko na ata talaga.

****

Hii! Let me know your thoughts on this! Hehe let's be friends :)


You are reading the story above: TeenFic.Net