chapter 8

Background color
Font
Font size
Line height

Zack's pov

Andito na ako sa grand ball at hinihintay nalang si carie.

Kumakabog ang dibdib ko ng bahagya tuwing maiisip ko kung anong sasabihin ni carie hindi ko maintindihan pero parang kinabahan talaga ako.

Habang nag hihintay siya ay nag ring ang telepono ko ng tingnan ko ay ang lolo kong si don waren pala.

"Bakit ho?"sagot ko.

"Your target there is carie stone."saad nito.

"Pero andito ako para mag saya hindi para pumatay?"tugon ko.

"No! Papatayin kana ni carie  kaya kailangan mo syang maunahan kunin mo ang baril na ibibigay sayo ng tauhan ko dyan."sagot nito.

"Lolo? Pano mo nalamang ako ang target niya??"tugon  ko.

"Basta sundin mo ang inuutos ko zack."sagot niya.

"At bakit ko gagawin yon lolo? Alam mobang habang patuloy tayong nag hihiganti unti unti rin tayong nauubos! Dont give me another bullshit just for your happiness lolo! Isipin morin kami!"sigaw ko sa telepono.

"Gagawin mo o tauhan ko nalang ang papatay sa babaeng yan?"

"This is the last time ill follow what you say."tugon ko at pinatay sya.

Namataan kona si carie na papunta sa gawi ko pero nag iinit parin ang ulo ko.

Habang papalapit sya ng palapit ay nakikita ko ang kagandahan niyang lalo pang bumagay sa soot niyang gown ito ay kulay violet na kumikinang sa gliters.
"You look perfect..."tugon ko habang naka ngiti at binawian niya rin ako ng matamis niyang ngiti.

Pero napawi rin ang ngiti ko nang maalala ang sinabi ni lolo.

"Totoo ba carie?"saad ko ng naka kunot ang noo.

"Ang alin??"marahan niyang sagot.

"Na ako na ang isusunod mo?"

"Oo pero may plano ako....ang gusto ng lolo ko ay patayin kita at ang lolo mo naman ay gustong patayin mo ako naisip ko na daplisan nalang natin ang bawat isa para mas mukang kapani paniwala??"sagot niya.

"A-ano?? At saan mo gusto madaplisan??"

"Isakto mo sa tagiliran ko wag mo gawing daplis dahil magtataka ang look out ko....."

"Carie....hindi ko kaya.."saad ko at yumuko.

"Zack makinig ka sakin okay?? Kailangan mokong tamaan sa tagiliran at dadaplisan lang kita sa braso dahil ito lang ang paraan zack...."tugon niya habang hawak ang kamay ko.

"Hindi carie hindi kita babarilin ayokong makitang nasasaktan ka!!"

"Ano ba zack!! May lolo wants this and yours too!! Wala na tayong magagawa kapag hindi kita dinaplisan si porcia ang papatay sayo! This is the only way maniwala ka sakin zack...."

"Carie ang usapan natin ay titigil na tayo please naman ang gusto kolang mapasaya ka......."saad ko habang nakayuko parin.

"Oo ngaa titigil tayo pero hindi sa gantong sitwasyon kasi pinagkaisahan nila tayo kaya wag ngayon zack...."sagot nito.

"Sige,payag nako carie pero make sure your safe after this."saad ko.

Tumungon na kami sa upuan namin at doon pinag planuhan ang gagawin.

Pumayag ako dahil ayokong lumaki pa ang gulo.

Ayoko ng ganito ayokong saktan sya ayokong makipag barilan sakanya dahil naging mahalaga na sya saakin....

(Carie's pov)

Ilang oras pa ang lumipas ay nag sayawan na ang lahat.katabi ko parin si zack na hindi mapakali sa dala niyang baril.

Namataan ko si porcia sa kabilang lamesa nagtama ang paningin namin halata sa mga mata niya na pinag mamasdan niya ang bawat pag kilos ko.

Maya maya pa ay sinenyasan ko si zack na makipag sayaw na at lalapitan kona si porcia.

Tumabi ako sa tabi ni porcia at kinuha ang baril na inaabot niya.

"Wag mong ipapahiya ang lolo mo carie."saad nito.

"Hindi ko gagawin yon porcia."sagot ko pero tumaas ang kabilang kilay niya.

"Kung talagang hindi moyan kakampi barilin mona yan sa harap ko carie sa oras na magawa moyan hindi ako mag susumbong."saad nito at uminom ng wine.

Tiningnan ko sya ng nanlilisik ang mata pero parang inaasar niya ako gamit ang mga labi niyang naka ngisi.

Namataan ko na si zack na papalapit sa akin kaya lumapit narin ako nang dahan dahan dala ang baril ko....

Naging plano namin ito bawat galaw namin ay planado.

Ilang dipa pa ang layo namin sa isat isa puro nagsasayawan ang nasa paligid namin wala silang kaalam alam na may dala kaming baril.

Sumenyas ako kay zack para itaas na ang baril at sabay namin itong itinaas ngayoy nakatutok na ito sa amin.

Biglang nagsi tabihan ang mga nag sasayawan nang mapansing may dala kaming baril.

Kabado......

Nanginginig......

Hindi mapakali.......

Itutuloy kopa ba? Natatakot ako na masaktan ko sya....natatakot ako na kahit isang dugo lang ang makita sakanya nakokonsensya na agad ako.

Ngumiti na ako sakanya at sabay naming pinaputok ang baril.

Gaya ng inaasahan tinamaan ako sa tagiliran at sya naman ay sa braso na daplis lang.

Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit at nabitawan ko ang baril.

Mula sa kinalalagyan ko nakita ko si zack na nakatayo parin at nakatingin saakin pinagmamasdan niya ang sitwasyon ko sinabihan kona sya kanina na huwag iiyak dahil makakahalata si porcia.

Hinawakan niya ang daplis niya para pigilan ang pag tulo ng dugo.

Pinilit ko namang tumayo para umalis na dahil nakatingin na ang lahat ng tao dahan dahan kong kinuha ang baril pero nagulat ako ng kunin ito ni porcia at itinutok kay zack.

"Porcia wag!!!"sigaw ko kaya napatingin sya sakin.

Bakas sa muka ni zack ang galit na nadarama niya kaya itinutok rin niya ang baril niya kay porcia.

"Bakit carie? Ang utos sayo ay patayin mo ang lalaking to! Wag mokong gawing tanga carie alam ko ang ginagawa mo! Gusto mopa talaga na ako ang pumatay dito ah ibang klase ka din....."saad niya.

"Subukan mo porcia!  Papatayin kita!"sigaw ko at tumayo habang hawak ang tagiliran ko dahil parang maliligo na ako sa dugo ko.

Bago pa ako makatayo ay inunahan na sya ni zack.

Tumama ang bala sa dibdib ni porcia pero mabilis rin siyang naka aksyon binaril niya si zack at tumama sa paa nito kaya napaupo si zack.

Sunod niyang itinutok sa akin at binaril niya ako sa ulo.

"Cariee!!!"sigaw ni zack bago pa mag dilim ang paningin ko.

You are reading the story above: TeenFic.Net