chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

CARIE'S (POV)

Habang nakikinig sa lesson ay nakikita kong panay ang tingin saakin ni zack sinusuri niya yata ang sugat ko sa paa hhmmm?? Hahaha nag sumbong ang binatang bumaril saakin pwes hindi ko ipapakitang hindi ako makalakad ng maayos para hindi niya ako pag dudahan.

Naalala ko ang mga sinabi ni zack sa telepono noong araw na marinig ko sya sa cr.

Kaya nya ngaba akong patayin ng mag isa lang sya? Tss....ni hindi niya nga ako matalo sa  simpleng kahoy lang patayin pa kaya?.

Nang matapos ang tatlo kong klase ay bumaba na ako para kumain.tsk! Kanina kopa inaayos ang lakad ko dahil alam kong may nag mamanman saakin at kahit masakit ay kinakaya ko.

Habang pababa ay bumungad saakin si zack ng nanlilisik ang mata.

"Kamusta ka carie?"saad niya ng seryoso.

"Ikaw ang kamusta zack.....okay kalang ba?"saad ko at nilabanan ang mga titig niya.

"Ikaw ba ang bumaril sa kuya ko!"sigaw niya sa muka ko tss laway tumatalsik amputa.

Bakit kopa ba kailangan itago?

"Ako nga ang saya diba? Dalawa sana silang patay ng benjamin nayon kung hindi lang ako naawa."saad ko ng walang karea reaksyon at nakatingin sa mata nito.

Nagulat ako ng bigla niya akong sakalin at inihampas sa pader.

Nanlisik agad ang mata ko kaya mabilis kong binaluktot ang kamay niyang nasa leeg ko at nang makababa ay agad ko siyang sinapak sa pisnge.

Napa hampas siya sa sahig ng may dugo ang gilid ng labi.

Lumapit ako sa muka niya at tinitigan siya.

"Wag mokong mahawak hawakan zack.alamin mo muna ang kaya kong gawin naintindihan mo!!?"sigaw ko at bababa na sana ng hagdan ng hawakan niya ang braso ko.

"N-nagdurugo ang paa mo...."saad nya ng nautal.

Nang tingnan ko ay naging kulay pula narin ang medyas ko.hindi ko man lang naramdaman ang sakit dahil sa galit.

"Hayaan mo nalang."saad ko at hinatak ang braso ko.

Pero hindi pa man nakaka isang hakbang sa hagdan ay binuhat niya ako na bahagya kong ikinagulat.

"Ibaba mona ako!! Ako na ang bahala!!"sigaw ko pero ang higpit ng hawak niya saakin.

Dinala niya ako sa loob ng clinic at iniupo sa kama.kinuha niya ang  mga gamit pang gamot at umupo sa harap ko.

"Akin na ang paa mo....."saad niya na ikinagulat ko naman.

"Akin na!"sigaw niya kaya ipinatong kona sa hita niya.

B-bakit niya ba to ginagawa? Kaaway ako? May kabutihan rin palang tinatago ang isang to.

"Bakit moko ginagamot? Eh ang plano mo ay patayin ako?"saad ko habang nakatingin sa labas ng pinto.

"Ayokong magpanggap ka na kaya mong mag lakad kahit hindi naman talaga."sagot nito habang tutok parin sa pag gamot saakin.

Nag aalala ba sya sa kalagayan ko?

"Pakitang tao kalang para mahulog ang loob ko sayo."saad ko at bahagya naman siyang natigilan.

"Ikaw nanga ang tinutulungan tss...."saad niya at lumabas na ng clinic.

Nang tingnan ko ang ginamot niya ay  tapos na pala hmmm.... bakit ganon sya?

Bago umalis sa clinic ay kinuha ko ang ilang gamot.

Nawalan na ako ng gana kumain kaya nanatili nalang ako sa filled mas masarap ang hangin dito.

Tumingala ako ng maisip ko agad si lola.

"I miss you lola......"saad ko ng may ngiti sa labi.

ZACK'S (POV)

Habang naglalakad sa hallway ay namataan ko si carie sa filled at nakangiti siya?? Habang nakatingin sa langit.

Hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ko kanina.....

Malakas nga sya at napatunayan niya yon ngayon sakin kaya pala ganon nalang kung matakot kagabi si kuya ben.

Noong nakaraan kopa iniisip paano kung lahat sila ay patayin nito sa isang iglap? Mahal ko ang pamilya ko at ayokong may mawala nanaman...

Kaya niya kaming patayin kahit mag isa siya eh kami? Kailangan pa namin ng tatlong tao para makapatay ng isa sa pamilya nila.

Nang makauwi ay dumeretsyo ako sa office ni papang ang lolo namin.

"Oh zack bakit andirito ka?"saad ni lolo habang nakaupo.

"Lolo are you not aware?? Ang dami napong nawala saatin una ay si tita rose, ang mga magulang nyo at ngayon si kuya eman naman? Lolo itigil nalang natin to baka bukas makalawa ay wala na ang buong pamilya natin...."saad ko.

"Ano?!! Mag papatalo tayo sa babaeng yon?? Yon ba ang gusto mo!??"sigaw ni lolo at tumayo sa harap ko.

"Lolo! Una palang dapat ay hinayaan nalang natin para hindi na lumaki ang gulo!!"sigaw ko at napahawak sa ulo.

"Babae lang yon zack!! Kayang kaya moyon patayin!!"sigaw niya.

"Ayoko!! Ang sabi saakin ni mom bago sya atakihin ay wag ako mananakit ng kahit na sinong babae! Lolo hindi kona to ipagpapatuloy kung buhay lang rin ng pamilya natin ang mag bubuwis para sa sarili nyong kaligayahan!! Alam mo na una palang ay napilitan lang akong manmanan ang babaeng yon dahil sa galit ko!"sigaw ko.

"Wala tayong laban lolo...."saad kopa habang tulalang nakatingin sa sahig ng biglang mag ring ang telepono ko.

Ring!! Ring!!! Ring!!!!

"Hello?"sagot ko.

"S-si kuya ben.....patay narin sya zack...."saad nito.

Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa ulo.

"B-bakit zack?"saad ni lolo at hinawakan ang mga kamay ko.

"Lolo....wala na si kuya ben"saad ko at tumulo ang luha ko.

Natigilan si lolo sa sinabi ko kayat agad siyang may kinausap.

"Hello? Tapusin nyona ang babaeng yon ngayon na."saad nito at ibinaba ang telepono.

"Lolo wala ring saysay yan! Matapang ang babaeng yon lolo!"sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan kaya umalis nalang ako.

Habang binabay bay ang daan papunta sa bahay ay hindi ako mapakali kung pipigilan kobang patayin kami ni carie dahil wala rin kaming laban.

Kilala sila bilang literal na pumapatay ng tao.

CARIE'S (POV)

Sunod kong pinatay si benjamin.

Hindi ko pwedeng palagpasin ang lalaking yon dahil isa siya sa pumatay sa lola ko.

Nang makauwi ay naramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko.bago matulog ay nilinis at ginamot ko muna ang sugat ko.

Iniisip ko parin kung idadamay koba si zack? O hindi? Ang hirap kasi at the same time i felt he cared for me.

Ipinikit kona ang mata ko at natulog na.

You are reading the story above: TeenFic.Net