CHAPTER 1
Ang aga ko nagising, nag-alarm kasi ako dahil PE namin ngayon for sure 7 start ng klase namin. Nag-baon narin ako nang extra t-shirt kasi alam niyo na mahirap matuyuan ng pawis sa likod bilin sakin ng Lolo ko.
Nag-pahatid nalang ako sa driver namin instead na mag-pamasahe baka ma-late pa ako at mapagalitan. Papasok na ako sa gate ng school ng makasabay ko si Elron nag-katitigan kami kaya may kung anong pumasok nanaman sa utak ko at kinindatan ko siya, siya ang unang umiwas ng tinginan namin at dire-diretso ng nag-lakad papasok.
Ang arte naman nito feeling niya may gusto ako sa kaniya, tignan natin kung makaka-iwas ka sa kakulitan ko.
"Elron!" Tinawag ko siya kaya tumigil siya sa pag-lalakad tsaka ako tumakbo para sabayan ang lakad niya.
Tinignan niya ako na parang nag-tatanong kaya nilingon ko rin siya at nginitian.
"Okay kana?" Tanong ko tsaka nilagay ang likod ng palad ko sa noo niya pero iniwas naman niya. "May sinat ka pa bakit ka pumasok pwede ka namang magpa-excuse, uminom kana ba ng gamot mo?" Dire-diretso kong tanong sa kaniya kaya inismidan niya lang ako.
"Sinat lang 'to tsaka uminom na ako ng gamot bago pumasok, okay na?" Pag-sagot niya sa tanong ko kaya nag-approved sign ako sa kaniya at nauna nang mag-lakad papuntang room.
"Hi mga beh, nakasabay ko sa daan si Elron ang ganda na ng morning ko."
Nag-kamot ng ulo si Jhoan. "Ang aga-aga puro kalandian nanaman alam mo Calista."
"Sorry beh nasobrahan lang siguro ako ng ganda." Hambog kong saad sa kaniya. "Palibhasa hindi mo na-try maging maganda, mag-pa plastic surgery kana lang beh pagaya mo 'tong mukha ko for sure lahat sila kilala ka." Pag-mamayabang ko kahit hindi naman talaga ako sikat kahit nga sa school hindi ako kilala.
Hindi ko napansin na nasa likod ko pala yung adviser namin, bigla nalang nag-salita. "Itigil mo yan, Calista mag-linis ka dun sa labas tulungan mo si Elaine."
"Kaya na ni Elaine yan, Sir."
"Minus ten ka sakin, bilisan muna at mag-linis ka dun. Haliparot kang babae ka." Yes, yung adviser ko ay binabae. Kaya kayang-kaya namin siyang biruin.
"Sana ako din haliparot." Singit naman ni Roxie kaya inirapan ko siya.
"Mas maganda maging maharot para may thrill, diba Joanna?" Tanong ko sa nananahimik kong kaklase.
"Aba malay ko sayo, tanong mo sa sarili mo beh."
"Ang lilinis niyo, palibasa hindi kayo pinag-laban."
"Tinanggap lang ng crush mo yung biogesic, ang yabang muna." Nag-kibit balikat nalang ako sa kanila tsaka pumunta sa labas para tulungan mag-walis si Elaine.
Nakita ko si Elaine tahimik na nag-wawalis sa gilid ng room namin kaya nilapitan ko na, napansin niya siguro ang pag-lapit ko kaya lumingon siya sa direksyon ko kaya nginitian ko siya.
"Bakit ang sipag mo, uso maging tamad ngayon beh." Saad ko sa kaniya kaya tumawa siya.
"Mas gusto kong mag-linis ako mas sobra pa nga ito sa mga ginagawa ko sa bahay nag-lalaba, nag-huhugas, nag-luluto nakakapagod pero nasanay na ako sa mga gawing ganun." Tumango ako sabagay nakakapagod nga yung gawaing bahay.
"Nasaan ba yung mga magulang mo at ikaw ang gumagawa ng mga gawaing bahay?
"Nasa manila silang lahat, pati ang mga kapatid ko ako lang mag-isa sa bahay namin dito sa probinsya."
"Bakit ayaw mo ba sa manila or bakit hindi ka nalang kumuha nang katulong mo?" Ngayon ko lang talaga nalaman na mag-isa lang siya sa bahay nila at nasa manila ang mga kapatid at magulang niya.
Si Elaine kasi yung taong hindi basta-basta nag-kwekwento, kapag may mag-tatanong lang sa kaniya sasagutin niya naman.
"Ayoko sa manila mas gusto ko dito sa probinsya at tsaka wala akong planong kumuha ng kasambahay kasi nga ginusto ko rin naman to, mabuti nga at pinayagan ako nila mommy at daddy."
"Ang hinhin mo naman nakakahiyang dumikit sayo, sorry bosses palengkera kasi tong classmate mo." Sabi ko tsaka tumawa.
"Hindi kayo matatapos diyan kung puro chismissan ang ginagawa niyo, ikaw talaga Calista ang daldal mo." Sigaw ni sir sa bintana ng room namin at tsaka nag-tawanan ang mga kaklase ko.
Nasa loob na silang lahat kami nalang ni Eliana ang nasa labas kaya pina-pasok ko na siya sa loob at ako na ang mag-dadakot ng winalis niya tumango naman siya at sinimulan ko nang mag-dakot. Pag-katapos kong mag-dakot ay pumasok na ako para ipasok yung mga ginamit na walis at dustpan.
Lalabas na ulit sana ako upang mag-hugas ng kamay pero nag-salita nanaman si Sir. "Saan ka nanaman pupunta?"
"Diyan lang sir tatambay sa gilid." Sarkastiko kong saad.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya nag-salita ulit ako. "Mag-huhugas lang po ako ng kamay, Sir." Malambing kong sabi tsaka kinindatan si sir.
"Ang dugyot mo naman, lumabas kana nga negrita ka." Tamo, pinag-tabuyan din ako.
Tinalikuran ko na sila at tsaka pumunta sa may malapit na hugasan ng kamay at tsaka may bumati sakin yung classmate ko nung grade seven kaya nakipag-daldalan nanaman ang ferson.
Malapit na akong matapos mag-hugas ng may naramdaman akong tumabi sa gilid ko kaya tinignan ko siya at hindi nga ako nag-kamali si Elron nanaman, parang hindi niya napansin na nasa gilid niya ako kaya ako na ang nag-salita.
"Anong ginawa niyo bakit may pintura kamay niyo?" Malamang Calista nasa art department siya, ang bobo mo.
Tinignan niya lang ako at hindi sinagot. "Ang pogi mo pala kapag malapitan." Huminto siya sa pag-huhugas at tinignan ako.
"Kung ano man ang binabalak mo, hindi ako interesado."Nag-patuloy ulit siya sa pag-tanggal ng pintura sa kamay niya kaya nag-kibit balikat nalang ako at umalis na.
Hindi interesado pero natigilan nung sinabi kong ang pogi niya.
Maraming nag-sasabi na mabait daw siya sa mga babae bakit parang sakin hindi, mukha naman akong babae.
Pagkapasok ko sa room namin umupo ako agad sa upuan ko at tumahimik na.
"Akala ko mag-huhugas kalang at bakit ang tagal mo namang naka-balik?" Tanong ni Sir.
"Nakipag-chikahan lang sa kakilala at nakipag landian sa crush ko." Tumawa yang mga classmates ko at inumpisahan nanaman nila akong asarin at biruin.
Natapos ang dalawang subject namin at breaktime na namin kaya dali-dali akong pumunta sa canteen para bumili ng pag-kain ko nag-madali akong bumili dahil nagugutom na talaga ako hindi kasi ako nag-almusal kanina.
Bumili ako ng isang water bottle at dalawang malaking chuckie hindi kasi mag-benta ng softdrinks dito sa amin at tsaka bumili ako ng isang carbonara at tatlong biscuits dahil yung isang biscuits at isang Chuckie ay ibibigay ko kay Elron, ang lakas ng kalokohan ko.
"Ang dami mo namang binili?" Sabi ng classmate kong lalaki. "Kakatayin ka ba?"
"Gago, hindi naman sakin lahat ng 'to ibibigay ko kay ano." Inirapan niya ako, hindi ko alam kung bakla ba'to ang lakas ng amats.
"Hayaan niyo yang si Calista patay gutom yan." Biglang singit ni Alice sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tangina niyong lahat wala kayong magawa sa buhay." Kinuha ko na ang mga binili ko at ang mga inumin na binili ko ay pinahawak ko sa isa kong kaklase.
Dumiretso muna ako sa classroom namin para ilapag yung mga binili ko at tsaka nag-thankyou ako kay Edrix , tsaka kinuha yung isang biscuits at isang Chuckie para ibigay kay Elron tumayo na ako at dire-diretsong lumabas.
Hinanap ko si Elron sa room nila pero wala daw siya may pinuntahan kaya hinintay ko siya sa malapit na bleacher's hindi naman ako natagalang hintayin siya ay mga 5minutes ay nakita ko na siyang papasok sa room nila kaya agad-agad ko siyang tinawag.
"Elron!" Pag-tawag ko sa kaniya at tsaka lumapit.
Nakatingin lang siya sakin at walang ka emosyo-emosyon.
Inabot ko sa kaniya yung binili ko para sa kaniya pero tinitigan niya lang yun kaya napalunok ako, baka mapahiya pa ako dito.
"B-binili ko yan para sayo." Utal kong sinabi sa kaniya tsaka ako nag-iwas ng tingin.
Sana tanggapin mo tangina ka wag mo'kong pahiyain, bulong ko sa utak ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng tinanggap niya ang binibigay ko sa kaniya.
"Salamat." Simple niyang sinabi tsaka niya ako tinalikuran.
Tangina mo Calista traydor ka, bakit ka kinikilig?
Umalis narin ako pag-katalikod niya.
Habang kinakain ko yung binili kong carbonara ay biglang may humablot ng isang biscuit ko. Tangina naman ang bastos.
"Hoy, pagkain ko yan!" Sigaw ko sa humablot ng pagkain ko.
"Sharing is for caring diba?" Inirapan ko siya. "Ako nag-bitbit ng mga 'to tapos hindi mo ako bibigyan, samantalang yung lalaking yun binigyan mo. Ang sakit mo, Calista." Umarte siyang parang nasasaktan at tinapik ang dibdib niya.
"Sayo na yan patay gutom ka naman." Sabi ko sa kaniya tsaka nag-patuloy sa pag-kain ko.
Naubos ko na ang mga binili ko ng may tumawag sakin.
"Calista may nag-papabigay sayo." Nilingon ko yung nag-salita.
"Sino naman?"
"Hindi ko kilala basta bigla nalang binigay sakin tapos sinabing ibigay ko daw sayo 'to." Nag-tataka akong tnignan yung hawak niyang mga chocolate.
"Para sakin?" Tinuro ko yung sarili ko. "Lahat yan? Sure ka?" Paninigurado ko sa kaniya.
"Sure ako gaga binanggit pa yung buong pangalan mo."
Nakangiti kong tinanggap 'yun dahil sino bang tatanggi sa chocolate mga beh, isang himala 'to at hindi ako makapaniwala na may nag-bigay sakin ng mga ganitong chocolate's ang mamahal.
Hindi ito ang first time kong makatanggap ng ganito pero iba ito sa lahat ng nag-bigay sakin halatang nag-effort.
"Lalaki ang nag-bigay sayo?" Umiling naman siya.
"Babae ang nag-bigay sakin niyan, pinapabigay daw ng kaibigan niyang lalaki yang chocolate para sayo." Tumango-tango naman ako.
"Ang ganda ko talaga." Pag-mamayabang ko.
"Masyado kang mahangin beh." Sabi niya habang pasimpleng kinukuha yung isang chocolate na binigay sakin kaya iniwas ko agad yun tsaka siya binatukan.
"Mahangin ako diba wag kang hihingi, mag-laway ka kung kelan mo gusto." Sabi ko tsaka siya binelatan.
"Napaka-damot mo, pasalamat ka nga at inabot ko sayo yan."
"Salamat." Sarkastiko kong pasasalamat sa kaniya.
"Mag-bigay ka naman Calista."
"Ang damot mo!"
"Napaka-takaw mo mag-bigay ka!"
"Ma diabetes ka sana girl!"
Sabay-sabay nilang sigaw sa akin.
"Sorry mga beh para sakin lang kasi 'to binigay ng future boyfriend ko." Pang-aasar ko sa kanila.
"Akala ko si Elron lang?" Inirapan ko si Joanna at tsaka binato sa kaniya yung isang chocolate.
"Kumain ka lang beh pasmado yang bibig mo." Adik yata tong babaeng 'to parang hindi pa nakakakain ng chocolate sa tanang buhay, ngiting aso.
"Ang daya mo Calista si Joanna binigyan mo tapos kami hindi, akala ko pamilya tayo dito?" Saad ni Hailey na umaarteng umiiyak pa.
"Ang dami niyong arte kanina lang inaasar niyo ako, tangina niyo diyan kayo magaling."Ibinato ko sa kanila yung mga chocolates. Nabigyan ko naman silang lahat mabuti nalang marami yung binigay sakin at tsaka yung iba naman tumanggi sila dahil hindi daw sila masyadong kumakain ng chocolate masyadong matamis.
Dumating na ang professor namin at lumipas nanaman ang oras ay lunch na. Nakalimutan ko yung binaon sakin ni mama sa pag-mamadali ko kaninang umaga.
Instead na bumili ako sa canteen ng kanin at ulam ay tinamad na akong kumain kaya binalak kong pumunta sa likod ng building namin at doon matulog. May mga puno sa likod ng building kaya mas magandang soon matulog dahil tahimik at walang ingay.
Nang makarating ako sa likod ng building ay umupo na ako sa ugat ng malaking puno tsaka ipinikit ang aking mga mata para matulog.
____
THANKYOUU FOR READING MY STORY KUNG MERON MAN, HI SA INYO MGA BEH.
SALAMAT!!
You are reading stories on: TeenFic.Net