7:15 AM
Nagising ako sa malakas na katok galing sa may pinto ng kuwarto ko. Kaagad ko namang iminulat ang aking mata pagkatapos ay bumangon sa kama at pinagbuksan kung sino ang kumakatok ngayong umaga.
Mabilis na bumungad ang mukha ni Chezka sa akin at hinatak ako papuntang kusina.
"Agang-aga ha, ang wa-warshock niyo na naman!" wala sa sariling sabi ko sa kanilang lahat.
"Aba, 7:17 AM na. Nasa Diliman na kami ng 7 AM kagaya ng pinag-usapan natin kagabi. Sabog ka na naman ah!" natatawang sagot sa akin ni Nicole.
"Kanina pa kita ginigising, mga 6:45 AM, ang dami mong 5 minutes na hindi naman natutuloy kaya sa kanila na kita pinagising." dagdag pa ni Ysabel.
"Anong oras ka ba kasi natulog at para na namang naalog yung utak mo?" tanong ni Chezka habang papikit-pikit pa ako habang naghahain ng pagkain sa lamesa si Ysabel.
"Mga 3 AM." ramdam ko pa rin ang antok sa sistema ko kaya nagpunta ako sa may lababo para basain ang mukha ko para magising na ang natutulog kong diwa.
"Bakit ka naman inabot ng 3 AM, aber?" tanong naman ni Nicole.
"Nanonood ako ng series kagabi, hindi ko namalayan ang oras." sagot ko naman kay Nicole habang nagpupunas ako ng basang mukha.
"Sus, baka nag-watch together lang kayo ni CJ kagabi." asar pa sa akin ni Ysabel.
"Sira, hindi! Nag-usap kami mga hanggang 12 ata. Pumasok ako sa kwarto mga 10:45 tapos ayon nagpaalam ako manonood ng series hanggang sa makatulog hanggang sa inabot na ako ng 3." sagot ko naman kay Ysabel.
"Sus, masyadong defensive! Baka lang naman ang sinabi, ikaw ha." gatong pa ni Chezka.
"Saka isa pa, updated sila sa isa't isa. Every detail of their lives. Grabe talaga ang pagka-favorite sayo ni Lord, nanlalamang ha." dagdag pa ni Nicole.
"Well, perks ng healthy relationship." natatawa kong biro sa kanilang tatlo.
"Ay, ganiyan na ngayon? At least ikaw may bf, kami wala?" natatawang rebat naman ni Ysabel sa akin.
"Truth hurts." natatawang gatong ko pa sa kaniya.
"May pasok ka diba, Ysabel? Mga 8:30, aba mga 7:45 na. Hindi ka pa ba kikilos para mag-ayos?" tanong ni Chezka kay Ysabel.
"Yup, hindi ako makakasabay ng morning review session today. Sorry, Nicole. Bawi na lang ako next time." sagot ni Ysabel kay Chezka.
"Sure! Saka two days review yun, wala ka naman atang gagawin bukas?" tanong naman ni Nicole kay Ysabel.
"Yup, wala kaming class sa prof namin bukas." sagot ni Ysabel kay Nicole.
"Nag-message sa akin si Vee. Kung pwede raw tayo bukas, may party. VIP ata yung bar." tanong ko sa kanilang tatlo.
"Ano raw mayroon, bakit may party?" usisang tanong ni Ysabel.
"Patapos na kasi ang 1st year, they want to celebrate the small victories that we survive nitong College life." sagot ko kay Ysabel.
"Ah, punta kayo? Gabi pa naman siya, diba? I think I would come." tanong ni Nicole sa amin.
"For sure, tagal ko rin hindi nakagimik. Busy ako palagi sa plates ko. Saka lang naman ako nakakapag-unwind kapag umuuwi ako sa bahay o kasama ko kayo." sagot ni Ysabel kay Nicole.
"I would come, minsan lang naman sila mag-aya. Saka lang naman masamang pumarty, it's just that we have to hold the accountability and responsibility of ourselves especially sa mga taong kasama natin that night." sagot naman ni Chezka kay Nicole.
"Pass siguro ako. May class ako the other day, I have to review. Hindi ako pwedeng malasing. Baka bigla na lang magparecit or quiz yung Prof ko. Kanina nga, puyat ako. Para na namang naalog yung utak ko. What more pa kapag nagkaroon ka ng hang-over? Saka ayoko maging alagain after." sagot ko naman kay Nicole.
"Sure ka? Hindi ka talaga sasama? Sayang naman. For sure, si CJ sasama yun tapos ikaw hindi." tanong ni Ysabel.
"I trust him. Saka VIP naman yung bar, kayo-kayo lang magkakasama doon. Unless, dapat akong may ipagalala." sagot ko kay Ysabel.
"Wala naman. I know CJ will never do that such kind of thing. Saka kung may gawin man siyang ganoon, isusumbong namin kaagad sayo." sabi naman sa akin ni Nicole.
"Thank you Nicole, I just want him to enjoy life na kahit may nageexist na 'ako' sa buhay niya. Hindi naman porket girlfriend niya ako ay sakin na dapat umikot ang mundo niya. He has a life to live too." sagot ko naman kay Nicole.
"That's why CJ wanted a relationship with her. They have their own individuality." hirit naman ni Chezka.
"Pero sure ka, hindi ka talaga sasama? I know naman na matataas pa rin makukuha mong scores kahit mag-skip ka ng one day for gimik, no?" tanong sa akin ni Ysabel.
"But still, kailangan ko pa rin i-practice yung knowledge and skills ko." sagot ko kay Ysabel.
"Masaya pa naman yun, minsan lang naman tayo mag night-out sa bar." sabi ni Nicole.
"Well, kung wala akong pasok after that day. Baka sakaling pumunta ako." sagot ko kay Nicole.
"Nag-sabi ka naman ba kay Vee na hindi ka makakasama?" tanong ni Chezka sa akin.
"Yup, naintindihan naman ni Vee. Bawi na lang daw ako, marami pa namang next time." sagot ko kay Chezka.
"Yup, if you feel like na gusto mong sumunod. Go for it, okay? Magsabi ka lang, kami na bahala." sabi sa akin ni Chezka.
Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti nang sambitin niya ang mga salitang iyon.
"Mag-ayos lang ako nang mabilis, nakabihis at nakapag-ayos na naman ako ng sarili. Bale gamit ko na lang and then sakay na ako papuntang UP." paalam sa amin ni Ysabel.
"Bilisan mo na, hindi ka ba male-late niyan? Gustong-gusto mo talaga inaabot ka ng adrenaline rush mo eh." sabi naman ni Chezka kay Ysabel.
Karipas na ng takbo si Ysabel papuntang kuwarto.
7:58 AM
"Sakay na ako papuntang UP, see you after lunch guys! Goodluck sa review." paalam nito sa amin habang nagmamadaling umalis para makahabol sa sakay ng jeep.
"Buti, wala kang class no?" puna ni Nicole sa akin.
"Yup, may class kasi kami kahapon. Galing akong UP before ako dumating." sagot ko naman.
"Nadala niyo na ba lahat ng kailangan niyo para sa review?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yup, ready na ako. Kayo ba?" sagot ni Nicole sa akin.
"Oo naman, so mag-start na tayo?" tanong ni Chezka sa aming dalawa.
"Sure! Gamitin na lang natin yung mga acad tech para mabilis nating mautilize lahat ng materials mo, Nicole." nakangiting sabi ko kay Nicole.
"Thank you, hindi ba kami makakaabala sayo?" tanong ni Nicole.
"Kailan pa ba kayo naging abala sa akin? Sus, wala yon. Tayo-tayo lang din naman magtutulungan." sagot ko kay Nicole.
Magiistart na sana kami kaso may nakaagaw ng pansin ko sa aking mga notifications sa phone.
Binuksan ko ito at nabigla sa aking nakita.
It was a video leaking sa social media na nag-drive ng kotse si Vee at sakay si DJ pagkatapos ay nabangga.
Hindi ko na kayang panoorin ang video at kagaad kong ibinack sa home screen ng phone ko.
"Anong nangyari? Wala pang mahal na araw, parang pang Biyernes Santo na yung mukha mo ah?" puna ni Chezka.
"Parang pinagsalukban ng langit lupa kamo." gatong pa ni Nicole.
"Hindi niyo ba nakita yung video? May nangyari kina Vee!" halos natutulirong sagot ko sa kanilang dalawa.
"WHAT?!" magkasabay ang reaksyon ng dalawa at ang ekpresyon ng mukha ay tila gulat na gulat sa mga pangyayari.
Inabot ko ang phone ko at ipinapanood ko sa kanila ang video.
Viral na viral ang video. Ilang million na ang views at ilang libo na rin ang mga reactions ng mga tao.
Samu't saring mga comments ang makikita mo kapag magii-scroll ka.
"Parang kagabi, nag-aaya lang siya mag-bar and then ganito yung nangyari?!" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Like I know they could cover the expenses naman pero ang tindi ng backlash ng social media. Especially si DJ, kahit noong S8 bina-bash siya ng mga tao kaya laging nakaoff mga social media niya." sagot pa ni Nicole.
"Hindi rin naman maiiwasan na masaktan sa mga ganoong bagay, normal yon. Tao ka lang rin naman." sagot naman ni Chezka.
"I hope Tier One will take an action for this. Sa lahat ng issues ng players nila. Like ang laking impact rin noon sa E-sports org nila kung wala silang gagawin about it. I hope Vee and DJ are fine with that accident." sabi ko naman sa kanilang dalawa.
"Sana lang din wala silang nabangga kasi mas lalaking controversy if ever mayroon. Baka kuhanan pa sila ng mga statements." sagot pa ni Nicole.
"For sure, E-sports player sila and probably kahit saang news ay kakalat yan. Sa dami na ba namang nakapanood." dagdag pa ni Chezka.
"Pero iniisip ko, bakit naman kasi magda-drive at sakay silang dalawa? Do they have the license na ba? I think, pwede na nga yun sa non-pro if ever kasi sa afaik, may student license na sila noong 18. They could afford sasakyan din naman anytime soon." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Hindi kaya lasing ang mga yan? Hindi naman nainom yun si DJ pwera na lang kung kasama si Vee. Bihira talaga. Madalas, pass yun palagi diba?" sagot ni Chezka.
"Oo, walang bisyo yun si DJ. Ni hindi nga maalak o masigarilyo." dagdag ni Nicole.
"Based sa kuwento sa GC, dala raw ng peer pressure and competition." sabi ko sa kanilang dalawa.
Peer pressure is the process by which members of the same social group influence other members to do things that they may be resistant to, or might not otherwise choose to do.
Peer competition is a form of social interaction in which at least two organisms of a peer group strive to obtain a limited resource or achieve a certain goal.
People are influenced by peers because they want to fit in, be like peers they admire, do what others are doing, or have what others have.
"Well, ganoon talaga sa E-sports industry. Highly competitive pero doon nageexcel ang Pilipinas." sagot ni Nicole.
"Naka-deact raw pala lahat ng social media accounts sina Vee. Tanging text lang ginagawa nila or call doon mismo sa phone para wala talagang makaalam, mga personal na tao lang sa buhay nila." dagdag pa ni Chezka.
"Sabagay, ibang klase din talaga ang mundo ng social media ngayon. Hindi na talaga healthy for people of the world. Masyado silang invested especially mga matatanda, wala na kasi silang magawa sa buhay. Madalas ang pinagkakaabalahan nila, Facebook na ngayon." komento ko naman.
"Oo, tanda mo yung sa Aldub? Nakakaloka ang chismis doon, may anak at mag-asawa na daw si Alden at Maine kahit matagal naman na nilang na-clear na wala ngang namamagitan sa kanila." kuwento naman ni Chezka.
"Ang lala ng delulu ng mga fans sa personal life ng dalawa. I mean, I couldn't deny at first pero yung paulit-ulit na lang yung issue? Grabe talaga ang epekto ng era ng Aldub Nation, mga 2016." dagdag pa ni Nicole.
"Parang dati nagpapalate pa tayo noon para lang makapanood sa Tamang Panahon ng Aldub." natatawang kuwento ko sa kanila.
"Saka yung pagbili ng merch nila. Nabudol pa tayo ng mga shirts and pins that time na later on pinamigay rin natin." gatong pa ni Nicole.
"Grabe talaga yung teenage dream natin sa Aldub era. Invested talaga tayo doon. Minsan nga bini-binge watch pa natin yung mga episodes online." kuwento naman ni Nicole.
"Well, hindi naman ako nagsisi na sinuportahan ko silang dalawa. Look on what they've become, right? Ang successful na nila. From yaya dub and tisoy bae ng kalyeserye ay talaga namang nag-level up." sagot naman ni Chezka.
"Ang mali lang kasi sa Pilipinas, masyadong natatali ang individuality ng isang artist kapag mayroon siyang loveteam." sabi ko naman sa kanilang dalawa.
"Sinabi mo pa! That's why ang hirap maggrow and magdevelop into different discoveries when it comes to film making industry." sagot naman ni Nicole.
"Grabe din kasi yung pressure and competition just like what our friends go through right now. Iniisip kasi nila kapag loveteam, sila na dapat ang makatuluyan. Ang papasok sa eksena ay isang ekstra at nagiging kontrabida pa sa paningin ng iba't ibang tao na nakakapanood through films and mainstream." dagdag ko pa.
"Yup, this shall too pass. Sana makalimutan na rin ito ng mga tao. I mean, we don't know the whole story so who are we to judge them?" sagot naman ni Chezka.
"Ito ang sinasabi kong review eh. Chismis. Grabe ang secondary resources na nakukuha natin from different people no?" biro ko sa kanila.
"So true! Tuloy pa kaya sa bar? I mean, it's still a VIP. They could reserve a place naman. Usap-usap lang ba sa lahat ng ganaps sa isa't isa." tanong ni Nicole.
"Tuloy yan, nai-set na eh. Basta, pass muna ako. Need ko talaga magfocus muna sa studies. You know, UP standards ganging me up. Eme." sagot ko kay Nicole.
"Vee and DJ needs to unwind. Kahit paano, malayo muna sila sa magulong mundo." sabi naman ni Chezka.
"Yes! We all deserve that. So for now, let's hit the books muna?" sabi naman sa amin ni Nicole.
Tumango kaming dalawa at nag-start na kaming mag-review para sa exam ni Nicole.
Sobrang kapal ng mga librong dala niya at parang walang katapusang pag-aaral ang gagawin namin para matapos ito since late na rin kami nakapag-umpisa.
Sana lang talaga ay makapasa siya.
Get the kwatro that she deserves after all.
I know how she works hard for this program.
For her dream.
To become a successful CPA someday.
Padayon at puhon, aking kaibigan.
Tiningnan ko lang sila saka ngumiti habang nagtutulungan kami kung paano solusyunan ang problema nang magkakasama.
I am different but not less.
It takes nothing to fall in line but it takes everything to stand alone.
Be who you are not the world's want you to be.
Under the Spotlight, A Battle Within.
Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!
Your author, bluereinventhusiastwp.
You are reading the story above: TeenFic.Net