Chapter 128

Background color
Font
Font size
Line height

12:35 PM

Noong nakaupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan ay bigla namang may tumawag sa phone ko. Mabilis ko namang tiningnan kung sino iyon.

Si Kuya Adrixennon.

Adrixennon Thaddeus Victoria is calling . . . . . . . . . 

Answer                                      Decline

Kaagad ko namang sinagot ang tawag niya.

Adrixennon: Anong oras tapos niyo sa audition later sa UP Pep Squad?

Adrixeinna: At kanino mo naman nabalitaan yan Kuya? Hanggang dito ba naman, nakasunod ka pa rin sakin?

Adrixennon: Hindi ka talaga, nagche-check ng social media accounts mo no? Tinag ka ni Ysabel about doon sa page ng UP Pep Squad audition. 

Adrixennon: Malamang, Kuya mo ako! Updated dapat ako sayo at sa mga ganap mo.

Adrixeinna: Sus, chismoso ka lang talaga Kuya! Namimiss mo na kami no? How's to be with Mommy and Daddy?

Adrixennon: Well, pretty good. We got a lot of time para sa isa't isa. So tell me, when matatapos ang audition later sa UP Pep Squad?

Adrixeinna: I've got no idea Kuya, bakit bibisitahin mo ba kami?

Adrixennon: Maybe, niyaya kasi ako nina DJ kasama yung iba sa squad. Mukhang wala ka na namang alam sa mga ganap ah? Mag-check ka rin kasi ng Messenger mo para hindi ka nahuhuli sa balita.

Adrixeinna: Ano ba kasing mayroon? Spill the tea, Kuya!

Adrixennon: Well, may get-together mamaya ang squad later. Nandito na nga ako sa España, kikitain ko sina Vee. 

Adrixeinna: Ay weh? Nasa USTE ka?

Adrixennon: Oo, nag-commute lang ako mag-isa pero may mga kasabay na ako.

Adrixeinna: Dadaan ka din ba ng Lasalle tsaka Ateneo?

Adrixennon: Sina DJ, papunta na silang Katipunan kasama yung mga Atenean. 

Adrixeinna: Bago yun ah? Hindi susunduin ni DJ si Vee?

Adrixennon: Ini-insist ni DJ kanina pero mahahassle raw kasi sa pag-biyahe kaya mauuna na sila diyan sa Katipunan. 

Adrixeinna: Nasa kainan pa kami, mamaya pa punta namin sa UP. Wala pa kaming lunch.

Adrixennon: Sino mga kasama mo?

Adrixeinna: Sina Ysabel.

Adrixennon: Sige, ingat kayo! Bye na, see you later princcess!

The call ended.

"Sino yung kausap mo kanina?" mausisang tanong niya sa akin.

"Ah, si Kuya Adrixennon. May get-together daw kami later. Sama ka?" aya ko sa kaniya.

"Inaya nga ako nina DJ kanina bago kami magpunta sa dorm niyo. Sure, minsan lang naman mag-bonding. Ang tagal na noong magkita-kita at makumpleto squad ah." nakangiting sang-ayon niya sa akin.

"The last time na nagkaroon talaga ng oras ay noong birthday ko. That was like a long time ago. It was February back then." bahagyang napapikit ang aking mga mata habang sinasariwa ang mga alaala naming magkakaibigan.

"So, diretso na tayo later sa get-together after the UP Pep Squad audition?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Sila yata ang magiintay sa atin dito. Magkakasabay sina Vee at Kuya Adrixennon kanina sa USTE. Ang mga taga-DLSU and ADMU naman, papunta na raw dito sa Katipunan." malumanay kong sagot sa kaniya.

"Grabe ah, buti walang work ngayon si Kuya Adrixennon? It's been a while." binigyan na kami parehas ng staff ng menu kung ano ang mga nais naming orderin dito.

"Ah, oo. Hopefully after namin ni Kuya Adrixennus na makapag-college, he has the time to get back to his studies. Kahit business related pa yan. Masarap din naman kayang maging degree holder after all." nakangiting sagot ko sakaniya habang nagtitingin ng mga masasarap na pagkain sa menu.

"Well, in reality. That's quite real tho, it really hits different from now. Hindi naman talaga maipagkakaila na kakaiba talaga kapag may degree ka. Hindi na lang yun sa credentials mo but also a human-being. Para hindi ka alisputahin ng reyalidad ng mundo. Para hindi ka maloko ng mga tao. Dahil may pinagaralan ka at may values ka sa ilang taon mong paggu-gugol sa pag-aaral." nakangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay tinawag niya ang isa sa mga crew sa restaurant upang ibigay ang order naming dalawa.

Nakatingin lamang ako sakaniya habang pinapanood ko siyang mag-order ng pagkain para sa aming dalawa. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Hindi ko namalayan na nakatitig pa rin pala ako sakaniya at mabilis itong napangiti sa akin na nagpabalik sa aking ulirat.

"Grabe ka tumitig ah, miss na miss?" natatawang asar nito sa akin habang nakangisi.

"Hindi, gusto ko lang tingnan." luminga-linga ako sa paligid dahil hindi ko na kinakaya ang paraan ng pagtitig niya sa mata ko at ang malalapad niyang ngiti.

"Gustong tingnan ang alin?" mapanukso nitong tanong sa akin.

"Tingnan ang future boyfriend ko. Satisfied now, Mr. Pagkaliwagan?" sarkastikong sagot ko sa kaniya.

"Eto namang si Madam, ang cute-cute mo talaga kahit pikunin! Nagjo-joke lang naman yung tao eh. Hindi na mabiro." natatawang panunuyo niya sa akin habang ginugulo-gulo ang buhok ko.

"Huwag ka nga magbiro, take me seriously lover." natatawang asar ko naman sakaniya.

"Don't be like that, baka bigla kitang halikan diyan." sabay tingin ng malagkit sa mga labi ko.

Bigla itong lumapit unti-unti at tila'y sumusubok ng pagkakataon.

Mas nilapit ko pa ang mukha ko sakaniya at bigla itong napaatras.

"Don't dare me, CJ. Let's see where will it goes. Halik-halik ka pa diyan ah!" natatawang sabi ko sakaniya sabay titig sa mga mata niya.

Bigla naman siyang napasulyap sa paparating, ang mga pagkaing inorder namin dito para sa aming dalawa.

Sa kabilang banda, napatingin naman ako kina Ysabel at Matthew na masayang nagkuwe-kuwentuhan at nagaasaran sa isang table.

Good match talaga ang dalawang to!

Enemies to lovers yarn?

Sus kunwari, aayaw-ayaw tapos ngayon parang hindi mo na mapapaghiwalay.

Mga in denial moments.

"Huy, kanina ka pang nakatingin sa kanila. Focus on me, lover. Ako ang ka-date mo, hindi sila." biglang inagaw naman ni Czheandrei ang atensyon ko.

"Anong date, kailan pa?" inosente kong tanong sakaniya.

"Ih! Madam naman." parang bata nitong sabi sa akin.

Natawa lamang ako sa reaksyon niya at hinawakan ang pisngi nito.

"Oh hindi na! Hindi na. Huwag nang malungkot. Magtatampo naman agad eh." nakangiti habang hinahaplos-haplos ko ang kaniyang pisngi.

Matapos ang senaryong iyon, nagkuwentuhan lang at nagtawanan lang kami habang kumakain ni Czheandrei.

Panay rin ang sulyap ko kina Matthew at Ysabel na mukha namang ceasefire na sa away nila.

1:25 PM

Sumakay ulit kaming jeep na iikot sa UP Diliman para makapasok ng university.

Noong nakarating kami, nagpalista agad si Ysabel ng pangalan naming dalawa doon sa nagaassist para sa auditioners sa UP Pep Squad.

Naroon rin ang seniors na galing iba't ibang department na kabilang sa UP Pep Squad.

Nagwarm-up na kami ni Ysabel para hindi kami mahirapan sa mga routine mamaya.

Lumapit naman sa akin si Czheandrei at kaagad itong nagsalita.

"I'll be watching you, lover. Goodluck, I know matatanggap ka diyan. Ikaw pa ba? You're the best girl of mine." bigla niya akong niyakap at pinat sa ulo pagkatapos ay nagpunta na sila ni Matthew sa bleachers.

Kinulwit naman ako ni Ysabel at nakangiting tumambad ang mukha niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko sakaniya.

"Wala, hindi ka ba kinilig sa ginawa niya? Ina-affirm ka niya by words and actions. Grabeng love languages yan, sasaluhin na ata lahat." natatawang sabi niya sa akin.

"For me, that's the greenest flag tho! I couldn't ask for more, Ysabel." nakangiting sagot ko sa kaniya.

Pinapila na kami ng mga seniors matapos ang warm up ng mga auditioners.

May pinapakitang routine tapos pinapagawa nila iyon sa mga auditioners para matest kung saan ang specialty nila sa cheerdance.

Labis na nakakamangha ang makita lahat ng mga talento nitong mga auditioners.

Lahat ng mga tao rito ay talagang preparado at mahusay ang kanilang ipinapamalas sa harapan.

Bigla namang humarap sa akin si Ysabel at nag-kumento tungkol sa mga auditioners.

"Ang galing nila no? Akala mo, mga professionals na talaga sila sa larangang ito. Sa tingin mo, makakapasok kaya tayo dito?" tanong niya sa akin.

"Totoo! Siguro kung hindi natin sila kasabay mag-register doon sa nag-aassist, hindi ko malalaman na baguhan lang talaga sila rito. Hopefully, makapasok pa rin tayo at mabigyan ng pagkakataon sa UP Pep Squad." sagot ko naman sa kaniya.

"At sa pagkakaalam ko, back to back champion rin sila. Two consecutive wins ang ginawa nila. Matindihan din talaga ang training nila. After ng classes mo, diretso ka agad sa practice. Kakaunti lang rin ang nakukuha sa mga ganitong pa-audition nila dahil mataas talaga ang standards. Malamang, UP na kasi ito eh. Mga iskolar ng bayan, ika nga nila." kuwento naman niya sa akin.

"Literal na 'Lagi't lagi, para sa bayan.' no? Hindi talaga ako nagsisi na ito ang dream school ko, mahirap man ang tatahakin. Aabutin ko pa rin iyon, kahit anong mangyari. Kahit saan, sino man ang kasama at kailan man." sagot ko sa kaniya.

Mabilis na umusad ang pila at kaunti na lamang ay kami na ang magpe-perform sa audition.

Ilang auditioners pa ang dumaan at sa wakas, kami na!

Pinerform lang namin ang nais ng mga seniors sa routine at naririnig ko ang mga sigaw nina Czheandrei mula sa bleachers.

Isa iyon sa mga nagbigay ng lakas sa amin upang magpatuloy at kayanin ang audition na ito.

Bakas na sa amin ang pagod at hirap ngunit nakangiti pa rin kami sa bawat routine na ginagawa namin.

Tagaktak na ang pawis namin ni Ysabel ngunit hindi namin iniinda iyon.

Ang mahalaga sa amin, makapasok sa UP Pep Squad. Iyon ang goal.

Natapos na kami sa audition ni Ysabel at mabilis na tumakbo papalapit sa akin si Czheandrei upang mag-abot ng tubig at punasan ang tagaktak kong pawis.

"Ako na! Kaya ko naman na, salamat sa tubig." pag-agaw ko sa atensyon niya.

Tinaas niya ang towel sa akin kaya hindi ko maabot at hinayaan ko na lamang siya sa kung nais niyang gawin.

Bumalik na ulit kami sa pila at babalik raw kami once na may matanggap kaming email para sa announcement ng mga nakapasok sa UP Pep Squad.

Nagpunta kami ng CR ni Ysabel upang magpalit ng damit.

"May get-together pala ah, bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko sa kaniya.

"Alam ko namang sasabihin rin sayo ni CJ, hinintay ko na lang na siya na ang magpaalam noong balita sayo.  Hindi ka kaya nagsi-seen sa GC, wala kang paramdam sa social media mo. Para kang araw, lulubog at lilitaw." sagot naman niya sa akin.

"Wala lang talaga akong time para mag-check ng messages sa social media. Ine-enjoy ko yung present time, okay? Alam mo namang mas masaya talaga kapag nakikita o nakakausap mo talaga in personal yung loved ones mo. Saka isa pa, may number naman ako. Naco-contact pa rin naman ako kahit hindi ako active sa social media. Hindi naman ako nagpapalit ng sim no!" sabi ko sa kaniya.

Nagbihis na kaming dalawa at nag-ayos muna para presentable naman ang mga mukha namin sa get-together mamaya.

Nag-perfume na rin kami para hindi naman kami mag-amoy pawis doon.

Lumabas na kami ng CR ni Ysabel at sumalubong sa amin si Czheandrei at Matthew.

Kaagad akong niyakap ni Czheandrei at bumulong sa aking tainga.

"You did great, lover. I am so proud of you, I know you are the best. I'll always be your greatest fan of your life. Congratulations, you won my heart, also." nakangiting bulong niya sa tainga ko.

Niyakap ko rin naman siya nang mahigpit at bumulong rin sa tainga niya.

"Thank you for always supporting me, CJ. Ever since we met, I know that you've always here for me. No matter what. In good or bad. In sad or happy. I just want to let you know that this gestures of yours, I appreciate it. Rest assured na mas gagalingan ko pa palagi, isa ka sa mga inspirasyon ko." nakangiting bulong ko naman sa tainga niya.

"I am happy to know that I am one of the people who inspires you. That's enough for me, right now." niyakap lamang namin ang isa't isa nang mahigpit habang bumubulong ng mga matatamis na salita galing sa aming bibig.

"O ano, tapos na ba kayong maglambingan diyan? Parang nakalimutan niyo ng kasama kami ah." biro sa amin ni Matthew.

"Dumiskarte ka kasi dude, hindi yung kung ano-ano ginagawa mo." hirit naman pabalik ni Czheandrei.

"O siya siya, tara na nga bago pa kayo magkayabangan!" anyaya sa amin ni Ysabel.

4:21 PM

Sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng UP.

Nilakad lang namin ang UP Town Center dahil hindi naman siya kalayuan sa aming university.

Fourteen minutes ang lang kapag naglakad ka pamula UP Diliman hanggang UP Town Center.

4:45 PM

Nakarating na kami sa UP Town Center at namataan na namin sa daan sina Kuya Adrixennon.

Kaagad naman silang lumapit sa amin at nangangamusta.

"Kamusta audition sa PEP Squad?" tanong ni Kuya Adrixennon sa akin.

"Okay naman Kuya, hopefully makapasok at mabigyan ng opportunity. Nasaan pala sina Vee? Kumpleto na ba sila?" tanong ko pabalik kay Kuya Adrixennon.

"Ah oo, kayo na lang wala nina Adrixennus. Hindi niyo ba sila kasabay?" tanong ni Kuya Adrixennon sa akin.

"Hindi, busy lang siguro sina Kuya Adrixennus. I-try niyong i-dm, i-text or i-message niyo." sagot ko kay Kuya Adrixennon.

Nagitla naman ako nang biglang sumulpot si Kuya Adrixennus sa likod ko kasama si Ate Cherry.

"Nandiyan ka na pala tol, tara na? Naghahanap na ng table sina Vee doon sa Romantic Baboy. Naisipan na lang namin mag-samgyup." bungad ni Kuya Adrixennon kay Kuya Adrixennus.

"Akala ko nga, late na kami eh. Tara na, tagal ko na ring hindi sila nakita. May kaniya-kaniyang ganap na rin kasi talaga ang lahat." tugon naman ni Kuya Adrixennus kay Kuya Adrixennon.

4:30 PM

Naglakad na kami papasok ng mall at hinanap kung saan ang location rito ng Romantic Baboy.

Noong matagpuan namin ito ay kaagad na kaming pumasok.

Nakita ko ang mga kaibigan ko, nagtatawanan at kaagad na napalingon sa amin.

Sinalubong nila kami ng ngiti at yakap. Samu't saring reaksyon ang bakas sa kanilang mukha.

Halos isang area ang na-okupado naming lahat dahil marami kami ngunit magkakalapit naman ang table namin sa isa't isa.

Umorder na kami ng mga nais naming pagkain at tinawag ang crew upang madala na sa amin ang side dishes at drinks.

Kami nina Ysabel ang magkakasama sa isang table. Lahat kami na mga taga UP ay naririto. Anim kaming lahat sa isang table. Katabi naman ni Kuya Adrixennon sina Edward doon sa gilid.

Matapos naming makaorder ay nag-kuwentuhan muna kami sa kaniya-kaniyang ganap.

We Are The Blues Squad.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.


You are reading the story above: TeenFic.Net