Chapter 125

Background color
Font
Font size
Line height

1:22 PM

"Oh, magkakasama pala kayo papunta rito?" gulat na bungad sa amin ni Ate Cherry.

"Yep Ate Cherry, kami lang naman sa squad ang nag-enroll dito sa UP. Iba-iba na rin kami ng universities ngayon. More likely, puro DLSU." nakangiting sagot ko kay Ate Cherry.

"Sama-sama ba naman halos lahat doon, anim yata sila na nag-enroll sa DLSU. Sadya ka namang ANIM-O Lasalle!" natatawang sabi sa akin ni Ysabel.

"Tapos tig-tatlo sa UST and ADMU no?" mausisang tanong ni Kuya Adrixennus kay Ysabel.

"Oo Kuya, grabe naman talaga. Mataas talaga ang diversity level ng squad natin sa BIG FOUR universities ngayon." nakangiting sagot ni Ysabel kay Kuya Adrixennus.

Diversity means having a range of people with various racial, ethnic, socioeconomic and cultural backgrounds and various lifestyles, experience and interests. A variety of individuals and points of view represented in the department. Diversity is a group of people who are different in the same place.

Diversity widens viewpoints and takes different ideas and perspectives into something. It can create richer solutions, obtain better results and maximize productivity, innovation and creativity.

"Hoping talaga na maging successful degree holder lahat ng bumubuo ng squad natin. All people deserves it. The education we always wanted, the professionals who we want to be. The youth who believes that they change the world." nakangiting singit ni Ate Cherry sa usapan nina Kuya Adrixennus at Ysabel.

"Lahat naman tayo may vision and mission sa mundo. Iba-iba ang tao. May mga taong kaya nilang makagawa ng pagbabago sa industry na pinasok nila. Kagaya natin, we choose to pursue College. May mga tao na pinili ang employment, mas nakikita nila ang sarili nila magtrabaho at makatulong sa pamilya nila after Senior High. May mga tao naman na pinili na pumasok sa entrepreneurship, gusto naman nilang mag-explore sa business. Magkaroon ng mga investments, markets and connections as an entrepreneur. May mga tao namang pinili yung pagtre-train sa mga non-formal education like TESDA, nago-offer sila ng mga courses na hindi gaanong katagal ang igugugol mo para magkaroon ng experiences para makuha ka sa mga trabaho na inclined doon sa inapplyan mong course sa kanila." nakangiting sagot ko kay Ate Cherry.

"Sa panahon natin, minsan maiisip mo? Sino ba talaga ang mayroong advantage? Yung nakapagtapos ng pagaaral o yung mga taong hindi nagtapos ng pagaaral pero mayroon silang iba't ibang industry na pinasukan. Katulad noong mga nabanggit kanina diba? May employment, entrepreneurship and skill-related education. Pataas na ng pataas ang standards and way of living ng mga tao pero most of the time, ang daming mga OFW dahil sa Pilipinas. Napakaraming jobless dahil sa kaniya-kaniyang demand ng mga bansa." kalmadong sabi sa amin ni Czheandrei.

"That's a sad reality tho, akala natin lahat ng opportunities is equal talaga para sa lahat. Well in-fact, kapag nakakuha na tayo ng degree. Back to zero na lahat. Nakikita niyo lahat yang mga estyudyante na naririto, mostly sa mga yan ay nakakapag-aral lang dahil sa mga scholarships nila. Sa pagba-budget ng allowance nila para makaraos sa bawat sem. So paano na yung mga ganiyang estyudyante? Sabihin na nating nakatapos na sila, professionals na sila. Kapag ikaw ay fresh graduate, palagi ang unang nakakapasok kapag mayroon kang connection doon sa company na aaplyan mo. Hindi naman lahat ng tao ay may ganoong kalaking pribilehiyo pagkatapos nilang maka-graduate. That's why kung tutuusin, akala lang natin pantay-pantay tayo dito sa school pero kapag paglabas natin dito. Hindi naman pala talaga. May mauuna at mauuna pala talaga." malumanay na sagot ko kay Czheandrei.

"At kung may makukuha naman talaga diyan na hindi based sa connection or privilege, mahuhusay na talaga ang mga iyon sa industry na produkto ng mga galing sa mga institute kung saan nakakapag-specialize ang isang student or professional sa industry na papasukin nila. Hindi naman natin maeensure lahat ng mga naririto sa orientation ngayon, dalubhasa na kaagad sa field nila after ng College. Paano naman yung mga average lang? Ano na lang ang mangyayari sa kanila? Yung mga panganay na inaasahan na makatapos agad ng pagaaral at magkaroon ng maayos na trabaho. Yung mga bunso na kailangan makatapos agad dahil yung ibang mga kapatid ay magaasawa na o bubuo na ng pamilya. Yung mga middle child na palaging fifty-fifty kung makakapagtapos ba o hindi dahil sa gaps nila sa mga nakakatanda at nakakabata nilang kapatid na mas madalas ay nauuna sa prayoridad ng mga magulang. Kapag solong anak ka naman, responsibilidad mo na makapagtapos ka ng pagaaral dahil wala ka ng aasahan bukod sa sarili mo dahil kapag nawala na ang mga magulang mo. Mag-isa ka na lang dahil wala ka namang mga kapatid. Iba't ibang struggle pero lahat magdadaan diyan. Matanda man o bata. Sabihin na nga natin na lahat ng bagay ay magkakaroon rin ng progress pero hanggang kailan pa ba? Hanggang saan pa ba? Paano? Maraming mga tanong ang papasok sa isipan mo na sinayang ko lang ba yung apat hanggang sampong taon ng buhay ko sa pagaaral? na dapat ba nag-trabaho lang ako? na dapat ba nagtayo na lang ako ng business ko? at marami pang iba na walang kasagutan sa ngayon." kalmadong sagot ni Kuya Adrixennus sa akin.

"Maiisip mo rin yung survival rate mo kapag nasa College ka na, paano ba ang magiging buhay ko sa loob ng apat na taon? Kaya ko kaya? Sabi nila, kapag malaki daw ang pangarap mo. Matuto kang lumipad ng mataas. Pero paano nga ba? Isaalang-alang ang mga batayan para masabing nagawa mo na ang lahat ng nasa proseso o baka naman gumawa ng sariling pagbabago na wala sa plano? Sa generation natin, ang daming what if's na nagaganap inside our mind. What if hindi ko maipasa ang mga scholarships ko, makakapag-aral pa ba ako? What if hindi na kaya ng financial expenses ko ang survival sa College, makakagraduate pa ba ako? What if marealize ko na hindi pala ito ang tadhana kong gawin sa buhay, magshi-shift ba ako? What if hindi ko ma-enjoy ang College life ko kasi puro lang ako aral at pagma-manage ng mga org ko? So ang real question is, hanggang saan mo kayang magsakripisyo? Ano ang desisyong pipiliin mo? Tama pero hindi masaya o masaya pero mali." malumanay na sagot naman ni Ate Cherry kay Kuya Adrixennus.

"Mahirap rin ang College life kapag hindi ka ganoon ka-privilege sa mga bagay-bagay. Isipin mo, dream school mo yung napasukan mo. Lahat ng mga estyudyante doon ay mga kotse, bagong clothing galing sa iba't ibang brand at pera para sa mga expenses ng needs and wants nila. Lahat sila updated ang version pagdating sa mga laptop o kahit anong devices. Mahirap rin magkaroon ng interaction pagdating sa kanila dahil kung sino ang mga katulad nila, sila-sila lang din ang mga nagsasama. Maswerte ka na nga lang talaga kung makakatagpo ka ng mga kaibigan o kakilala na hindi tumitingin sa social status mo pero in reality, hindi naman kasi lahat ng tao ay magkakaroon ng ganoong tao sa buhay nila. Madalas, nagkakaroon pa ng discrimination pagdating sa buhay na mayroon ka. May mga mindset pa nga ngayon na kapag mahirap ka, mahina ang IQ mo. Lahat na lang ng sasabihin o gagawin mo inside and outside the university, big deal sa kanila. Kahit anong gender mo, maging lalaki o babae. Kahit part ka ng LBGTQIA plus, pinagdadaanan lahat ng iyon." malumanay na sagot naman ni Ysabel kay Ate Cherry.

"Tanda niyo noong naglaro tayo tapos pina-describe sa atin ang sarili natin in three words?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Ah, oo. Naalala ko yun. Hindi nga lang yata kasama pa noon si CJ." malumanay na sagot ni Ysabel sa akin.

Flashback

"If you had to describe yourself in only three words, what would you choose?" nakangiting tanong ni Kuya Zach habang kumakain ng chicken.

"A loving accountant." nakangiting sagot ni Nicole sa tanong ni Kuya Zach.

"A seductive architect." nakangiting sagot ni Ysabel sa tanong ni Kuya Zach.

"A delicious chef." nakangiting sagot ni Chezka sa tanong ni Kuya Zach.

"An observant lawyer." nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong ni Kuya Zach.

"A cute nurse." nakangiting sagot ni Shai sa tanong ni Kuya Zach.

"Beautiful business-woman." nakangiting sagot ni Ate Cherry sa tanong ni Kuya Zach.

"Angel of God." nakangiting sagot ko sa tanong ni Kuya Zach.

"A handsome engineer." nakangiting sagot ni Kuya Adrixennus sa tanong ni Kuya Zach.

"A sexy professor." nakangiting sagot ni Yohannes sa tanong ni Kuya Zach.

"A meticulous judge." nakangiting sagot ni Vincentius sa tanong ni Kuya Zach.

"An intelligent police." nakangiting sagot ni Nathan sa tanong ni Kuya Zach.

"God-fearing pilot." nakangiting sagot ni Trevyn sa tanong ni Kuya Zach.

End of Flashback

"Grabe ang bilis ng panahon, gusto ko ulit i-remake yun kasama yung mga nadagdag sa squad. For sure, magiging memorable ang mga ganap doon." nakangiting sabi sa amin ni Ate Cherry.

"Eh kung ikaw ang sasagot ng tanong CJ, anong sagot mo? If you had to describe yourself in only three words, what would you choose?" nakangiting tanong ni Ysabel kay Czheandrei.

"Adrixeinna's future husband." maikling sagot ni Czheandrei kay Ysabel.

"Anong husband? Hindi ka pa nga nagiging boyfriend ng kapatid ko, kasal-kasal na kaagad yang mga nasa isip mo. Magtapos muna kayo bago yung mga ganiyan-ganiyan, CJ." paalala ni Kuya Adrixennus kay Czheandrei. 

"Ayan, lagot ka CJ! Sabi ko sayo, huwag sa harap ng Kuya eh." natatawang sabi ni Ate Cherry kay Czheandrei. 

"Pumasok na nga tayo sa loob, magiistart na daw ang orientation. Kung ano-ano pa ginagawa natin dito. First day na first day natin as a UP students, ganiyan tayo." pangaral ko sa kanilang apat.

Mabilis naman silang sumunod sa akin at naghanap na kami ng mauupuan sa bleachers upang makinig sa orientation ngayong hapon.

2:51 PM

Nag-start na sila sa program para sa orientation na gaganapin ngayon. Maraming officials ang nagsalita at winelcome kami dito sa university. Nagbigay sila ng kaniya-kaniyang mensahe para sa lahat ng estyudyante at ipinakilala ang history ng UP.

Nagkaroon din ng deep discussion about University of the Philippines Diliman at patuloy lang kaming nakikinig sa lahat ng mga presentations nila.

Nag-start na rin silang magbigay ng mga agenda para ngayong araw. Pinapila kami by our batch at kung anong year kami saka kung anong course.

Bale dalawang pila per course, isa para sa girls at isa para sa boys. Nagbanggit na sila ng mga names bawat pila. Mayroong designated na tao para i-guide kami kung saan ang classroom namin para makapasyal-pasyal din kami dito sa loob ng campus. 

Noong matapos na magtawag ng mga names ng mga estyudyante kada pila, sumunod naman kami doon sa nakaassign sa amin na tao para i-guide kami sa room namin. Sa third floor pa pala makikita ang classroom namin kaya kinailangan pa naming umakyat ng hagdan. 

"Ayos ka lang ba? Pagod ka na?" nagaalalang tanong sa akin ni Czheandrei.

"Hindi pa, sanay na rin naman akong umakyat ng mga hagdaan. Alam mo naman dati na baba-taas ako palagi noon sa school dahil sa baba pa ang mga office ng org ko pati ang faculty tapos kapag pataas naman ako ay nagra-rounds ako ng mga room saka napunta na ako sa room kapag class time na." malumanay kong sagot kay Czheandrei.

"Sigurado ka? Gusto mo ng tubig? May dala ako rito, uminom ka kaya muna?" bakas pa rin ang pagaalala niya sa akin.

"I-save mo na lang yan para sayo, ikaw? Hindi ka man lang ba nauuhaw o napapagod?" malumanay kong tanong sa kaniya.

"Ayos lang ako, huwag mo na akong alalahanin okay? Isipin mo ang sarili mo ngayon, sabihin mo lang kung nauuhaw ka na ha? May dala ako dito." nakangiting sagot niya sa akin.

"Oo naman. Alam ko namang hindi mo ako papabayaan diba?" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Ako pa ba?" nakangiting sagot niya sa akin.

Sumunod na kami ni Czheandrei sa pila at sa hinaba-haba ng pag-akyat sa hagdaan ay nakarating na rin kami sa room.

Well, maganda ang room namin ngayon ah?

Infairness, katulad lang siya ng mga room na napapanood ko sa mga series o movies.

Malawak din ang room namin kaya alam kong hindi kami magsi-siksikan dito. 

Naks UP! Plus points ka sakin, pinaghandaan mo talaga kami.

"Ang ganda no? Baka dream school natin yan!" nakangiting sabi sa akin ni Czheandrei.

Noong tumingin ako sa mga mata ni Czheandrei ay bumalik lahat ng alaala ko noong nangangarap pa lang kaming makapasok sa loob ng campus na unti-unti nang natutupad ngayon.

Flashback

"Alam mo? Hindi pa rin ako makapaniwala na bago tayo mag-schooling ngayong College ay nakapag-tour tayo kahit paano. Salamat talaga sa experience!" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Alam kong pangarap mo ang makapag-tour dito sa UP at pangarap kong matupad mo lahat ng pangarap mo kasama ako." nakangiting sagot niya sa akin.

"Ano kaya ang buhay na naghihintay sa atin sa College no? Masaya kaya o katulad lang din sila ng mga normal na estudyante na nakakasalubong natin sa daan?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Halo-halo siguro ang emosyon kapag naging official College students na tayo. Maraming magiging pagbabago pero sana magkasama pa rin natin haharapin iyon ah?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Oo naman, ang bilis talagang lumipas ng panahon no? Parang kailan lang, bukas makalawa ay freshies na tayo ng UP. Akalain mo yun? Dating dream school natin, magiging students na talaga tayo ng university na iyon. Nakakatuwa lang talagang isipin ang mga kaganapan!" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Alam mo ba yung mga friends ko, sa ibang university nila gustong mag-aral. Ako lang yata ang UP sa amin if hindi ako nagkakamali. Thankful na lang talaga ako kasi nakilala kita, lahat nasayo na. Pagiging kaibigan, future girlfriend, future wife, future mom of my children and others." nakangiting sabi niya sa akin.

End of Flashback

"Hindi ko akalain na makakasama kita sa pangarap kong ito, CJ." nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatitig ako sa mga mata niya.

"Naabot ko na ang pangarap ko eh." nakangiting sagot niya sa akin habang nakatitig ako sa kaniya.

"Huh?" naguguluhan kong tanong sa kaniya habang nakatitig ako sa kaniya.

"Ikaw. Ikaw ang pangarap ko, Adrixeinna." nakangiting sagot niya sa akin.

Matapos ang nakakakilig na senaryong iyon at naglibot ulit kami dito sa iba't ibang department ng UP pagkatapos ay inihatid ako ni Czheandrei sa dorm.

"Bye, lover." nakangiting paalam niya sa akin.

"Bye, my CJ." nakangiting paalam ko sa kaniya.

And this day sums up as my first experience as a UP student. Isa na akong ganap na iska ng bayan!

First Day As A UP Student.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.


You are reading the story above: TeenFic.Net