Chapter 101

Background color
Font
Font size
Line height

Adrixeinna Marie Victoria, a lady who looks like an angel at first. That long black hair highlighted on grayish color, she's a brown eyed lady that a man can stare everyday, she has a attractive lips but a kissable one and a perfect sexy body that every man could dream of.

In other hand, Czheandrei Jeya Pagkaliwagan, a man who's been a demon to the woman he loves. That soft black hair highlighted on blond color, his gray eyes are expressive, he has a appealing lips and he has a well built body but a seductive one that every girls would fanstasize him.

An extraordinary young man and a  gorgeous young lady meets.

Their own physical, mental, psychosocial and spiritual values in their growth and development as they become adults can be enough to know what's the real status of their relationship?

Can this perfectly imperfect love story make us feel to be in love with someone again or make us feel not to believe anymore in the ideals of love?

6:41 AM

Panibagong school year, isa na akong ganap na college student. Nag-take ako ng course na BS Tourism dahil nais kong maging isang Flight Attendant balang araw.

Isa ako sa mga maswe-swerteng estyudyante na nakapasok sa kanilang dream university. Napaka-palad ko na ako ay nakapasa sa University of the Philippines Diliman o mas kilala sa acronym na UPD.

Nakatingin lamang ako sa aking bintana upang masilayan ang sikat ng araw. Kinusot-kusot ko ang aking mata upang maging malinaw ang aking paningin. Bumangon na ako ng kama at nagpunta ako ng bathroom upang maligo at mag-ayos ng aking sarili. 

Ngayong araw ay isinet ko na ang agenda ko para sa lahat ng activities na aking gagawin. 

Pagbili ng mga school supplies.

Pagfi-fitting ng mga bagong damit para ngayong school year.

Magti-tingin na rin kami ng dormitory dahil magiging stay-in ako sa aking university upang hindi na kami mahirapan magpabalik-balik sa bahay at university.

Napalingon ako sa may pinto nang may pumasok sa aking kwarto, si Mommy.

"Anak, ang bilis ng panahon. Masayang-masaya ako para sayo dahil malapit mo nang maabot ang pangarap mong maging Flight Attendant. Ilang taon na lang ang hihintayin natin, gra-graduate ka na. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa ka nang ganap na college student, sa paningin ko ay ikaw pa rin ang nag-iisang prinsesa ng palasyong ito." nakangiting salubong sa akin ni Mommy.

"Totoo nga ang sinasabi ng tao sa buhay na minsan ay kailangan din natin tumayo sa sarili naming paa at harapin ang reyalidad sa paglipas ng panahon. Hindi ko inaasahan na isa ako sa maswe-swerteng estyudyante na makakapasok sa dream university nila. Hanggang ngayon, parang panaginip lang na ako ay isa nang ganap na college student. Para sa akin, ako pa rin ang kaisa-isang unica hija sa ating pamilya." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Anak huwag mong kalilimutan na kahit anong mangyari, mahal na mahal namin kayo ng Daddy niyo kahit saan man kayo mapunta o sino man ang mga kasama niyo." nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

"Isa na akong ganap na college student ngunit hindi mababago ang katotohanang anak niyo ako at pamilya tayo. Walang sinuman ang maaring makakuha ng identity na mayroon tayo hangga't nabubuhay tayo rito sa mundo." nakangiting sagot ko naman kay Mommy.

"Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Diyos na binigay kayong tatlong biyaya sa amin ng Daddy mo. Lagi kong sasabihin na kayo ang buhay namin. Ngayon, haharap na ulit kayo sa panibagong paglalakbay ng buhay tungo sa magandang kinabukasan sa hinaharap. Napaka-swerte ko na isa kami sa mga magulang na nakasaksi at makakasaksi ng tagumpay niyong ito." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"Isa yan sa palagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos na kahit anong hirap ng reyalidad na mayroon tayo, magkakasama nating hinarap at haharapin pa sa mga susunod na bukas pang paparating." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Always remember that a relationship who have God together, blessed together." nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

Sa buong buhay ko, isa ito sa mga pinaka-maganda na pilosopiya na aking narinig mula sa isa sa mga espesyal na tao ng buhay ko.

Mommy, you always give me the best words. 

"Mommy, napag-usapan na ba yung paglipat ni Kuya Adrixennus sa UP this school year? Dalawang taon na lang, gra-graduate na siya." nakangiting tanong ko kay Mommy.

"Maayos na ang papeles niya para sa pag-transfer niya sa UP dahil hindi naman raw siya magshi-shift ng course kaya maitutuloy niya ang dalawang taon niya doon sa university bago siya maging isang ganap na college graduate." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Akala ko maghihiwalay pa kami ng university ni Kuya Adrixennus, natatandaan ko noon sa pageenroll niya sa college department ay dahil sa akin. Hindi niya ako iniwan kaya kahit ang dream university niya ay sa UP dahil isa sila sa mga magagaling at mataas ang edukasyon sa larangan ng Engineering ay isinakripisyo niya ang pangarap niyang makapag-aral doon para lang masamahan ako sa former school ko." nakangiting kwento ko kay Mommy.

"Nakita mo? Ganoon ka kamahal ng Kuya Adrixennus mo. Handa niyang bitawan ang pangarap niyang makapag-aral doon para sayo. Ngayon, parehas niyo nang makakamit ang mga layunin niyo sa pagtungtong mo ng college at sa nalalapit niyang pagtatapos sa kaniyang kurso pagkatapos ay makakapag-aral pa siya sa kaniyang dream university. Dreams do come true talaga!" nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

"Hindi ko lang basta-basta nakikita ang pagmamahal ni Kuya Adrixennus sa akin kundi nararamdaman. Simula noon at hanggang ngayon, walang pagbabago. Isa ako sa mga pinaka-masayang tao na unti-unti kong naaabot ang pangarap ko kasama ang mga taong mahal ko." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Ready na ang breakfast, maaga ka ngayon diba? Marami-rami ka yatang agenda ngayong araw kaya dapat maging productive ka para matapos mo lahat ng activities mo." nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

"Yes Mi, napasarap lang talaga mag-kuwento kasi baka sooner or later ay hindi ko na ito magagawa tuwing umaga dahil hindi na ito ang tahanang uuwian ko." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Bababa na ako ha? Hihintayin ka naman doon at sabayan mo na kaming mag-breakfast para magkaroon ng laman ang tiyan mo." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

Tumango lamang ako kay Mommy at inayos na ang mga dadalhin ko para sa mga kakailanganin ko ngayong araw sa mga lakad ko.

Kinuha ko ang aking phone at nakita ko ang mga messages ng mga kaibigan ko.

G I R L S

Chezka: Girls, nakapag-enroll na ako sa dream university ko!

Ysabel: Saan?

Chezka: DLSU

Nicole: Parehas kami ng university ni Chezka, sa DLSU din ako ngayong college.

Ysabel: Sa UP ako nag-enroll, nakita ko rin si Adrixeinna and Kuya Adrixennus last time noong enrollment.

Adrixeinna: Kasabay namin si Ate Cherry sa pageenroll noong enrollment. Nauna lamang sila ng kaunti sa amin at umalis din kaagad dahil may mga lakad pa raw sila.

Chezka: Grabe ang dami ko namang UP friends, saan naman kaya yung iba?

Nicole: Si DJ tsaka si Yohannes yata ay sa DLSU rin, parang nakasalubong ko sila sa campus.

Nag-back muna ako at nilagay ko naman sa ibang messages ng mga kaibigan ko.

S S G O F F I C E R S 

SSG P.I.O: Nag-enroll ako sa DLSU, nakita ko sina Nicole sa may campus. Doon rin pala sila mage-enroll, kayo saang university?

SSG Vice President: Sa UST ako, matagal ko na talaga siyang choice bago pa ako tumungtong ng College.

SSG Secretary: Sa ATENEO ako nag-enroll, isa siya sa mga dream university ko noong SHS. Gladly, nakapasa naman ako sa entrance exam.

SSG Auditor: Sa DLSU kami nag-enroll ni Kiel, sama-sama pa rin kami nina DJ ngayong college!

SSG President: Ay @Kirsten Vee Villaluna sa DLSU ka rin? Akala ko sa UST ka.

SSG Treasurer: Sa UST ako Pres, sila-sila lang ang sa DLSU.

SSG P.O: Iba talaga si Momsh, ang independent! Nako @Danerie James Del Rosario wala nang mag-aalaga sayo sa university.

SSG P.I.O: Parehas pa din naman kami ng dormitory ni @Kirsten Vee Villaluna at siya pa rin ang uuwian ko kahit na anong mangyari.

SSG Secretary: Usapang university lang, walang landian. Kakapanlugi naman ah!

SSG Auditor: So paano naman kaming walang duo? Sakit niyo naman, mes hart.

SSG P.O: Gusto lang naman namin malaman ano university niyo, bakit palaging may nakakalamang? Sa landian.

SSG Treasurer: Kayo ha, mga college students na tayo. Hindi na tayo mga highschool ha? Magbago-bago na kayo HAHAHAHAHA 

SSG P.I.O: Magbago na ang lahat pero hinding-hindi ang feelings ko sayo @Kirsten Vee Villaluna

SSG Auditor: Sakit for da walang jowa na naman si Edward HAHAHAHA

SSG P.O: Sabi ko sayo eh @Edward Jaye Dapadap ako na lang eh, ayaw mo pa? Hindi ka na lugi sa akin ah!

SSG Secretary: Uy @Edward Jaye Dapadap si @Kiel Patrick Soriano na yan oh! Grab the chance na dre!

SSG Auditor: Baka ikaw na talaga ang para sa akin! @Kiel Patrick Soriano

SSG Vice President: Naks, gawan na ng BL yan!

SSG Treasurer: Nanonood kayo noon? Marami na rin kasi akong napanood na Thai series na BL.

SSG Secretary: Magaganda talaga ang mga nai-produce nila. Maraming mga BL couples na ang sikat ngayon dahil mas unti-unti nang nino-normalize ang ganoong pagmamahalan. Hindi man lahat pero karamihan sa mga kakilala ko ngayon ay open na sa ganoong same sex relationship. Wala naman kasing gender ang pagmamahal. Taong makikitid lamang ang utak ang masyadong nagpapakumplikado nito.

SSG President: Lahat ng tao ay may karapatan na magmahal at mahalin kahit maging anuman pa ang kanilang gender preferences sa buhay. Tanggalin na natin yung culture na ang babae ay para sa lalaki lamang at ang lalaki ay para sa babae lamang. Hindi man ito recognized ng simbahan natin pero kahit i-normalize na lamang na magkaroon ng same sex relationship kung nais man nila. Iba-iba ang mga tao sa mundo kaya wala tayong karapatan na kwestyunin at iparanas ang diskriminasyon sa kanilang pagkatao.

SSG Treasurer: Naranasan ko ang ganoong diskriminasyon simula bata hanggang ngayon na big deal pa rin sakanila ang gender ko. Wala naman akong pakialam kung gay ako, I am proud of it. Iyon ang nagre-represinta ng aking pagkatao kaya wala dapat akong ikahiya. Nasa sa mga tao na lamang kung tatanggapin ba nila ang isang tulad ko sa lipunan o ikakahiya nila ako dahil hindi kami pare-parehas ng gender preferences.

SSG P.I.O: Nakita ko kung paano nag-suffer si @Kirsten Vee Villaluna habang binu-bully siya sa mga tao dahil sa preferences niya bilang tao. Kung ano-anong mga tsismis ang pinagku-kwentuhan ng mga kapitbahay nila noon dahil lamang sa kung anong kasarian niya. That's why dapat talagang maging open and educated ang mind natin pagdating sa mga ganitong topics.

SSG Vice President: Wala namang masama kung magmahal ka ng kapwa babae o lalaki. Ang masamang gawain ay hinuhusgahan agad natin ang mga kagaya nila kahit hindi naman talaga natin sila personal na kilala. Ngayon, ang dali-dali nang gumawa ng post, tweets or video clips para batikusin ang mga part ng LGBTQIA+ ngayon. As long as hindi naman tayo naapektuhan sa ginagawa nila o kahit sa kapwa natin, sana maibigay din natin sakanila ang respeto, suporta at pagmamahal nang pantay-pantay at walang halong panghuhusga.

Binack ko muna ang Messenger ko dahil naririnig ko ang boses ni Mommy na tinatawag na akong muli para mag-breakfast.

Bumaba na nga ako ng hagdan at nakita ko ang tatlong lalaki na nakaupo sa silya na malapit sa hapag-kainan. Nagdasal na kaming lahat para makapagsimula na kaming kumain ng agahan. Si Mommy ang nag-lead ng prayer.

Nagsimula na kaming magsi-kuhanan ng pagkain at nagkuwentuhan lamang kami saglit tungkol sa ganap ng isa't-isa. Noong matapos kaming kumain at magkuwentuhan ay tinulungan ko na lang si Mommy na maghugas ng pinaglutuan niya ng agahan at mga pinag-kainan namin.

Naglakad na ako papuntang hagdan at umakyat para maghanda sa mga kaganapan ko ngayong araw. 

Biglang nag-vibrate ang phone ko para sa isang notification.

Iyon ay galing kay Czheandrei.

Czheandrei Jeya Pagkaliwagan

• Active Now

Czheandrei: May lakad ka ba mamaya? Samahan na kita. 

Adrixeinna: Naglagay na ako sa schedule ko ng agenda kung ano-ano ang mga activities na kailangan kong gawin ngayong araw.

Czheandrei: Susunduin na lang kita sa bahay niyo kagaya ng dating gawi. Ihahatid rin kita pauwi.

Adrixeinna: Hindi ba out of the way ang paghahatid mo sa akin? Kung ganoon lang rin naman, magco-commute na lang ako mag-isa.

Czheandrei: Nooooo :( 

Czheandrei: Gusto kita makasama hanggang sa pag-uwi mo. Pagbigyan mo na ako, ang tagal-tagal na nga natin hindi nagkikita. 

Adrixeinna: Mukhang hindi ko na mababago ang isip mo, 8:45 AM ang call time. Don't be late, sayang ang oras.

Czheandrei: Yes madam! 

Adrixeinna: Good! Hihintayin na lang kita rito sa bahay.

Czheandrei: Ang saya ko, makaka-date na naman kita ulit after ilang months na hindi kita nakikita personally.

Adrixeinna: Anong date? Akala ko ba sasamahan mo lang ako sa mga lakad ko ngayong araw.

Czheandrei: Eto naman, hindi mabiro! Akala ko lang naman ay makakalusot no :(

Adrixeinna: Simula talaga SHS hanggang College no? Wala ka na talagang ginawa kundi magpa-cute eh no? 

Czheandrei: Ganoon talaga, love na love kita eh! <333

Adrixeinna: Sus, magtigil ka nga. Kailan ka ba titigil sa kakaharot mo sa akin ha?

Czheandrei: Kapag kaya nang tinidorin ang sabaw HAHAHAHA

Adrixeinna: That's impossible CJ!

Czheandrei: Exactly! Impossibleng mawala ang pagmamahal ko para sayo.

Adrixeinna: Akala mo ba makukuha mo ako sa paganiyan-ganiyan mo?

Czheandrei: Malay natin! Minsan nga kahit hindi natin gusto ang isang tao pero kapag inasar ng inasar sa taong iyon ay biglang nagkakaroon ng feelings.

Adrixeinna: Naniniwala ka talaga sa mga ganiyan CJ?

Czheandrei: Why not, coconut?

Czheandrei: See you later, lover! <333

Hindi na ako nag-reply kay Czheandrei at nag-handa na ako para sa pag-alis namin mamaya. 

Matapos kong mag-handa ng aking sarili at ng mga aking kakailanganin ngayong araw ay biglang kumatok si Mommy at naghihintay raw sa labas si Czheandrei para sunduin ako.

Noong pababa na ako ng hagdan, nakita ko si Czheandrei na may hawak na tatlong asul na rosas. Napangiti kaming dalawa noong makita namin ang isa't isa. 

"Hi!" inabot niya sa akin ang tatlong asul na rosas at kaagad ko namang kinuha iyon sa kaniya.

"Hi." nakangiti kong sagot kay Czheandrei habang nakatitig lamang sa mga mata niya.

The First Meeting After Endgame.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so I can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.


You are reading the story above: TeenFic.Net