02

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ang kalahating rason ay natatakot, nag-aalala pa rin sa kagagahan ko at ang kalahating rason naman ay paghihintay ko sa chat niya.

Gusto ko nga siyang iwasan pero sino ba naman ako para umayaw kung siya ang magcha-chat at magf-first move?!

Isipin mo, ang isang Isaiahn Kendrick Callejo magcha-chat sa 'kin? Psh! Siya na 'yon, e! Siyempre, hindi ako tatanggi.

Ang bunga ng pagpupuyat ko, siyempre, eye bags. Mabuti na nga lang din na Christmas break na kaya ayos lang na ganito itsura ko, at para hindi ko na rin siya makita... unless ayain ako ni Katelyn sa bahay nila.

Sht.

May curse yata ako, lahat ng hinihiling kong huwag mangyari, nangyayari!

"You want cookies?" alok sa akin ni Katelyn habang inilalapag sa mesa ang tray ng cookies na kagagaling lang sa oven.

Isa sa mga hobby ni Katelyn ang mag-bake, at sa tuwing magbe-bake siya, iniimbitahan niya kami ni Noah para matikman iyon, at para manood na rin ng movie.

Ang sarap talagang maging kaibigan ng babaeng 'to—pero mas masarap ang mga bine-bake niya. Hehe.

Amoy pa lang, nakatatakam na. May technique rin yata siyang ginagamit kung kaya't ang cookies na ginagawa niya ay crunchy ang labas habang ang loob ay soft.

Chocolate chips cookies ang paborito niyang i-bake, may chocolate filling din iyon sa loob.

"Mamaya na, Kate. Ang init-init pa niyan!" 

 

"Sinabi ko bang ngayon?!" tugon ni Katelyn kay Noah habang nakataas ang kilay. Inirapan lang siya nito.

"Magtitimpla lang ako ng gatas, a," paalam ko.

"No need to paalam." Kinindatan ako nito bago nakipagpalitan ng irap kay Noah.

Kumuha ako ng tatlong baso, ang malaking lata ng gatas ay kinuha ko na rin. Habang nagtitimpla ako ng gatas ay nakarinig ako ng mga yabag kung kaya't lumingon ako.

Naghumirantado ang puso ko nang makita kung sino iyon.

Si Kendrick?!

Basa ang kaniyang buhok, at tanging short lang ang suot—wala siyang pang-itaas. Wait... wala siyang pang-itaas!

"I want one," sambit niya bago kumuha ng cookie mula sa tray.

"Wow, a. Wala man lang 'thank you'!"

"Thank you," sarkastikong tugon ni Kendrick kay Katelyn. Bumaling na naman ito sa 'kin saka ako tinaasan ng kilay.

Pigil ang aking paghinga hanggang sa makaalis siya.

"Oh, namumutla ka?" puna ni Noah. Umiling lang ako bago kinuha ang mga baso, at nilagay sa mesa.

"Parang tanga si Kuya Maverick 'no?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Katelyn.

"Si Kuya Maverick mo 'yon? Hindi si Kendrick?"

"Si Kuya Maverick 'yon."

"Hindi na siya nagsasalamin?" Sumimsim ako ng gatas.

Sina Kendrick, at Maverick ay identical twins. Magkamukhang-
magkamukha. Masasagot mo lang ang 'who's who' batay sa kung sino ang nakasuot ng salamin.

Nagsasalamin kasi noon si Maverick, malabo ang mga mata. Buhat siguro ng palaging pagbabasa, at pag-aaral—kahit sa dilim, at gabing-gabi na.

"Hindi na. Last week ay pinagsuot na lang siya nina Mommy ng contact lens para less hassle." Napatango ako.

"Nakakapanibago tuloy." Si Noah. Nagkibit-balikat lang si Katelyn.

Dahil doon ay napaisip ako. Hindi kaya si Maverick lang din ang naka-eye contact ko kahapon?

Kung siya nga, mabuti naman!

Pero sana lang din ay hindi halata na medyo kinabahan ako no'ng nakita ko siya. Baka kasi napagkuwentuhan na pala nilang magkakapatid ang mga chat ng alt account ko tapos ay napansin niya ang naging akto ko. Paniguradong mapagtatanto nilang ako iyon!

Nakakahiya!

Lalo na kay Katelyn!

Baka kung ano-anong isipin niya! Baka isipin niyang ginagamit ko lang siya or what!

Pero... hindi kaya ang dahilan ng pagtaas niya ng kilay sa akin ay pagkaalala niya sa ginawa ko sa kaniya a year ago?!

Birthday ni Katelyn no'n, and inabangan ko siya sa gate ng house nila para sana basagan ng itlog sa noo pero ang Kuya Maverick niya ang nabasagan ko!

Nakakahiya man pero mas gusto kong ito ang maalala or maisip niya!

"Ang sarap talaga ng cookies mo," papuri ni Noah.

"Ako pa." Pabirong nag-hair flip si Katelyn. "Shh na, magsisimula na ang movie."

Nasa sala kami ngayon, at manonood ng movie. Maraming pagkain ang nasa harapan namin, mayroong cookies, chips, and of course mga panulak tulad ng soft drinks, and juice.

Ang title ng movie ay '10 Things I Hate About You'. Sa umpisa pa lang ay naka-eengganyo, at nakakakilig na. Nakatutuwa ang couples, and nakakatawa naman ang side characters tulad ni Michael.

Ang favorite part ko ay no'ng inaya ni Patrick si Kat para sa prom. Ang unique ng pag-aaya niya, and sobrang nakakakilig! Sila ang fave couple ko rito.

Sa kalagitnaan ng panonood ay nagpaalam ako para mag-cr.

"Ay, Nami, sira ang flush sa cr dito sa baba, e. Sa taas ka na lang. Alam mo naman 'yon 'di ba?" Tumango ako.

"A, sige, thank you!"

At nagtungo na ako sa second floor ng bahay nila. Habang papalapit ako nang papalapit sa banyo ay palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib ko, malapit kasi ito sa kuwarto ni Kendrick.

Pumasok na ako sa banyo, and did my thing. Naghugas ako ng kamay bago ako lumabas.

"Ay puta!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang makitang may tao sa aking harapan. At hindi lang basta-basta tao iyon, si Kendrick!

Wait... si Kendrick nga ba or Maverick?

"N-Nakakagulat ka naman." Habang pinapakalma ang sarili ay sa sahig lang ako nakatingin.

Bakit ba kasi nandirito 'to? At bakit mukhang inaabangan niya 'ko?!

Nang medyo normal na ang kabog ng dibdib ko, nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

He's leaning against the wall while his arms are crossed.

Si Maverick yata ito dahil ang nakabukas na kuwarto ay ang nasa left. Ang kuwarto kasi ni Kendrick ay sa kanan.

"You're Nami, right?" 

Ouch, a.

Halos araw-araw na 'kong nandito pero hindi pa pala niya talaga ako kilala.

Well, hindi ko naman siya masisisi, buong araw siyang nasa kuwarto o 'di kaya ay sa library nila.

"Yes. Aynami Hyacinth Cervantes."

Sht. Name lang ang tinatanong niya, bakit naman buong name ang binigay ko?!

"B-Bakit po?"

"Hm..." He angled his head—like he's examining me. "Nothing..."

"A-A, ganoon po ba—"

"Mav, nananakot ka na naman ba ng bisita?"

Napalingon kami sa nagsalita.

Dumoble ang kabog ng dibdib ko nang makita kung sino iyon!

Si Kendrick!

Magulo ang kaniyang buhok, medyo gusot ang damit na suot, at mapungay ang mga mata. Mukhang bagong gising.

Pero kahit na ganiyan, ang pogi pa rin! 

"No...?"

"Sino 'yan?" Kumunot ang noo nito. "Oh, Nami, right?" Sunod-sunod ang aking pagtango.

Oh My God, kilala niya 'ko!

"Nice meeting you."


You are reading the story above: TeenFic.Net