Chapter 28

Background color
Font
Font size
Line height

Try listening to Gisingin ang Puso by Liezel Garcia while reading. Sabay-sabay nating damhin ang hapdi sa puso ng isang Barbara Neve. :)

Torment

Mabigat ang loob kong nag-impake ng mga gamit dito sa kwarto kung saan maraming matatamis na alaala ang nabuo. The cuddles, kisses, and more sweet moments together.

Kaagad kong pinunasan ang butil ng luha na tumulo sa kaliwang mata at mapait na napangiti. Wala na akong magagawa pa, it was his decision to end things between us and I have to respect that decision.

Gustuhin ko man ang manatili pero ayoko namang ipilit ang sarili. . . dahil pareho lang kaming masasaktan ng sobra.

Napatingin ako sa kaliwang kamay kung saan nakasuot sa gitnang daliri ang makinang na singsing na ibinigay nito.

Ang ipinangako niya ay papakasalan niya ako't mamahalin ng walang hanggan, pero hindi niya ipinangakong mananatili siya kahit ano'ng mangyari.

Marahan ko iyong tinanggal sa gitnang daliri. Hinanap ko ang kahon nito at ibinalik ito roon bago itinabi sa kanyang bed side table. I will not bring the ring with me dahil wala naman ng saysay para panghawakan ko ang kanyang mga sinabi.

I will never ever trust such words again. . . sobrang sakit sa dibdib lalo na kapag alam mong wala ng pag-asang matupad pa ang alin man sa kanyang mga sinabi.

He already left. . . and he left me broken and wounded.

I can't blame him because he's deeply hurt by what happened to Vene. . . maybe every time he sees me he's reminded how his sister died. Kaya kahit wala akong narinig mula sa kanyang bibig na ako ang kanyang sinisisi, pinaramdam naman niya ito sa akin.

But despite everything, I still admire him - his self-control of not shouting and not saying anything that will surely destroy me. He had a choice to throw words at me kung gugustuhin niya lang. . . but he didn't, instead he gave me the silent treatment and asked me to just leave.

It's a sweet torment. . . my sweetest torment.

Kahit masakit ay pipilitin kong kalimutan ang namagitan sa aming dalawa dahil iyon ang gusto niya. To live our lives na parang walang namagitan sa aming dalawa. Hindi madali pero pipilitin ko para na rin mailigtas ang sarili. I will be in pain, but I'm sure I'll get over it.

Tinapos ko ang pag-iimpake at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. Suminghap ako at ngumiti nang hindi umaabot sa mata. This will be the last time na makikita ko ito. Sinunod ko ay ang kwarto ni Vene, pinasadahan ko ang kwarto niyang puno ng Disney Princess. Gusto ko pa sana siyang puntahan pero mukhang hindi imbitado ang presensya ko sa kanyang burol.

Nilapitan ko ang isang portrait frame niya sa may bed side table. Marahan ko iyong hinaplos-haplos. "Mommy pretty will miss you so much, Veneza," mapait kong saad at tumulo na naman ang luha. If only I can turn back time. . . gagawin ko para mabuhay lang muli ang bata.

Ibinalik ko ito sa pwesto nito bago tuluyang nilisan ang kwarto at bumaba na. Lumabas na rin ako ng bahay dahil may taxi nang nag-aantay sa akin sa labas. Bago tuluyang tumalikod ay binigyan ko pa ng isang tingin ang kabuuan ng malaking bahay.

I will never forget how this house and the people made me feel home and secured.

Mabibigat ang hakbang kong tinahak ang pwesto ng taxi at hindi na muling liningon pa ang kabahayang minsang naging parte ng buhay ko.

-

Nang makarating ng Quezon ay hindi ako dumiretso ng bahay bagkus dumiretso ako ng sementeryo para kausapin ang babaeng tanging makapagbibigay ng ibayong lakas sa akin.

Binitawan ko ang bag na dala sa isang tabi at umupo sa harapan ng puntod ni mama. Nagsindi ako ng kandila at marahang dinama ang payapang ihip ng hangin.

Tumitig ako rito at hindi pa man ako nagsisimula ay naiiyak na naman ako. "Mama, ang iyakin ko na," anas ko at marahas na pinunasan ang pisngi at tumawa ng mahina. "Mama, bigyan mo naman ako ng lakas oh." Pagkausap ko rito.

Suminghot ako at lumabo na naman ang paningin kaya pinikit ko ang mga mata ng ilang sandali. "Ikaw ang una kong inuwian kasi. . . m-mabigat ang loob ko ngayon." Nauutal kong saad habang dinaramdam ang bigat.

"Hindi pwedeng uuwi ako sa atin ng mahina, Mama. Kailangan ako ni Siella, nasa ospital ito. . . at may sakit." Mapait kong utas at napabuga ng hangin. "Yakapin mo naman ako, Mama. Miss na miss na kita."

Hinaplos-haplos ko ang puntod nito. "Alam mo iyong alaga mo, Mama. . . p-pinaalis ako, ayaw na sa akin. Nararamdaman ko na sinisisi niya ako sa nangyari sa bunso niyang kapatid. . . ayaw niya lang sabihin sa akin ng diretsahan." Malungkot ko na kwento rito dahil siya lang ang maku-kwentuhan ko sa mga nangyayari sa aking buhay.

Wala naman na akong kaibigan na pwedeng kwentuhan at wala rin akong pamilya na pwedeng sandalan sa tuwing masakit at mabigat ang pasan ko - tanging si mama lang. Dahil siya lang ang alam kong makakaintindi sa akin.

Kung buhay lang sana siya ay may yayakap sa akin sa panahong may dinaramdam ako - tulad ngayon.

Nagdaan ang ilang oras at natagpuan ko nalang ang sarili na humahagulgol. Walang tigil ang aking pag-iyak dahil kahit anong pilit kong hindi pag-iisip ay hinahabol ako ng bangungot ng pangyayari.

"Yakapin mo naman ako, Mama, please." Ulit kong usal at hindi ako nabigo dahil narinig niya ako. Marahang humampas ang hangin kaya kahit luhaan ay napangiti ako at napapikit. Dinama ko ang ilang sandali at inisip ang yakap ng pinakamamahal na ina.

Kasabay ng ihip ng hangin ay iniyak kong muli ang lahat baka sakaling mawala na ang bigat pero kahit ata umiyak ako ng balde ay hindi mawawala ang sakit.

I love Nicholas so much. . . sana panaginip na lang din. Ang sakit kasi. . . ang sakit-sakit. Tila pinipiraso ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay mawawala rin siya sa akin. . . na iiwan niya rin ako. Akala ko kahit anong mangyari ay mananatili kami sa tabi ng isa't isa. Pero hindi pala, hindi iyon nangyari.

Ang sakit pala magmahal, tangina. Siya ang una ko sa lahat pero hindi ko alam kung siya pa rin ba hanggang huli.

Dumaan pa ang isang oras bago ko nakalma ng tuluyan ang sarili. Hilam pa rin ang luha nang napagdesisyonan ko ang magpaalam na kay mama.

Ginabi na ako nang makauwi pero sinalubong lang ako ng tahimik na bahay. Nagpalit kaagad ako ng damit at napagdesisyonan ang pumunta ng ospital. Hindi na ako nagpahinga dahil kailangan ako ng mga kapatid ko.

Lumabas ako ng bahay at nang makalabas ay namataan ako ni Aling Teresa na kapitbahay namin at nilapitan ako kaagad.

"Oh, Barbara, umuwi ka pala. Nasa ospital ang kapatid mong si Ella. Malapit na mag-isang Linggo." Tumango ako at malungkot na ngumiti.

"Kaya nga po, Aling Tess. Kakauwi ko lang at pupunta po ako ng ospital ngayon," saad ko. Bagay talaga ang pangalan niya sa kanya, kaunti nalang ay Marites na.

Pinagmasdan naman ako nito mula ulo hanggang paa kaya muntik ko na itong taasan ng kilay.

"Teka, bakit parang tumataba ka ata, hija? At saka bakit maga iyang mga mata mo, ayos ka lang ba?" Puna nito at muntik ko na siyang ikutan ng mata. Ang daming napapansin, lahat na lang.

"Masasarap po kasi ang mga pagkain doon sa pinagtrabahuhan ko kaya ganito." Explain ko pa at mukhang mas nakuha ko ang atensyon nito.

"Ay, hindi ka na babalik doon?" usisa niya.

"Hindi na po. Sige na, Aling Tess. Aalis na po ako. Salamat." Hindi ko na ito inantay na may irugtong pa dahil baka hindi kami matapos.

Sumakay kaagad ako ng tricycle at nagpahatid sa isang public hospital dito sa amin. Nang makarating ay kaagad kong tinanong ang room ni Ella. Nang malaman ko ito ay kaagad ko itong pinuntahan.

Dito ay kahit publiko ang ospital ay malinis pero hindi ganoon kaayos dahil kulang sa mga doktor at nurse.

May mga kasama si Ella sa kwarto pero may partition bawat pwesto. Kinailangan ko munang silipin ng bahagya ang mga pwesto at nahanap ko sila sa may bandang dulo na mahimbing na natutulog.

Napatingin ako sa ayos ng kapatid na babae. May mga nakasaksak ng kung ano-ano rito at halos malaglag ang puso ko dahil sa kanyang sitwasyon. At hindi ko alam kung paano nangyari na ang laki ng ibinawas ng kanyang timbang. Pagkatapos ay dumako ang aking paningin sa kuya ko na nakayukyok ang ulo sa may gilid ng kama ni Ella.

Lumuluha akong lumapit sa kama ni Ella at umupo sa may kabilang gilid na espasyo. Pinagmasdan ko ang payapang tulog nito, kapagkuwa'y marahang hinaplos ang isang kamay niya. Tahimik akong umiiyak nang marahan itong magmulat.

"Ate," nanghihina niyang utas.

"Ella ko, kumusta ang pakiramdam mo?" umiiyak kong tanong.

Ngumiti ito ng bahagya. Pero imbes na sagutin ako ay nakuha pa niyang magbiro. "Bakit ka umiiyak, ate? Hindi pa naman ako patay." Nakangiting anas niya. "Saka na," aniya at ngumiti ng matamis.

Naramdaman ko ang paggising ni kuya pero hindi ko ito pinansin.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Ella. Hindi ka mamamatay, okay? Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang," medyo pagalit kong saad dahil hindi ko gusto ang kanyang tinuran. Maghahanap ulit ako ng panibagong trabaho para mapagamot siya ng tuloy-tuloy.

Tumawa ito ng mahina. "Opo, joke lang," bawi niya.

"Akala ko ba ay sa Linggo ka pa darating?" tanong ni Kuya.

Lumipat ang tingin ko rito. "Pinauwi na ako ng maaga," banggit ko na parang walang nangyari sa Maynila.

"E bakit parang matamlay ka?" anang nakakatandang kapatid.

"Uwi ka muna, Kuya. Ako na muna ang bahala rito." Pag-iwas ko sa kanyang tanong.

Nagkibit-balikat ito. "Usap muna tayo sa labas saglit," aniya at nauna ng tumayo. Nagpaalam naman ako sa bunsong kapatid at sinundan si Kuya sa labas ng kwarto.

"Bakit, kuya?" tanong ko.

"Kailangan mag-chemo therapy ni Ella sabi ng doktor. At kailangan din siyang ilipat sa pribadong ospital. Alam mo rito, Neve. Mamamatay ang kapatid natin dito," seryosong aniya at sumasang-ayon ako sa kanyang sinabi at hindi ko kaya kung sakaling mangyari man iyon.

Lumunok ako. "Wala na akong trabaho, Kuya," mahina kong anas.

"Ano?" gulat niyang tanong. "Paano ang pagpapagamot ni Ella? Barbara naman." Napahawak ito sa kanyang noo at napabuga ng marahas na hangin. "Kailangan na kailangan natin ang pera ngayon," dagdag pa niya.

"Hahanap na lang ako ng ibang trabaho," saad ko at kinagat ang pang-ibabang labi, iniisip kung saan mag-aapply ng panibagong trabaho. "May ipon pa naman ako, iyon muna ang gamitin natin pansamantala." Tumatango kong anas at pinipigilan ang sarili na umiyak.

"Bahala ka," aniya at tunog disappointed ang boses. "Uwi muna ako," paalam nito at tinalikuran na ako't iniwan.

Napabuntong-hininga ako sa mga isipin. Hindi ko na alam kung anong ano ang gagawin.

-

Nagdaan ang mga araw at kinailangang ng sumailalim sa chemotherapy ang bunso kong kapatid. Salat man sa pera ay inilabas ko lahat ng ipon ko para sa pagpapagamot nito.

She's suffering from acute lymphocytic leukemia and it's a very common type of cancer in children. Malaki ang survival rate ng sakit niya kaya malakas ang pakiramdam ko na gagaling si Ella at kakayanin niya.

Nailabas na namin siya sa ospital subalit labis pa rin ang aking pagdaramdam sa tuwing naririnig ko siyang nahihirapan. Unti-unti na ring naglagas ang buhok nito dahil na rin sa kanyang pagpapagamot.

Wala akong magawa sa tuwing nasasaktan ito, kung pwede ko lang ilipat ang sakit niya sa akin ay ginawa ko na. Hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan. Kung nasasaktan ako ay mas nasasaktan ang aming bunso dahil napakabata pa niya para maranasan ang ganitong hirap. Sinasamahan ko nalang ng dasal ang lahat na sana makayanan namin at malagpasan ito.

Ang hirap nang walang masandalan. Ang sakit-sakit, araw-araw iniisip ko kung may mga kasalanan ba ako na kailangan kong pagbayaran kaya pati kapatid ko ay idinamay.

Hindi ko na alam. Everyday. . . everyday is a torment.

───────────
@mari_dyanis


You are reading the story above: TeenFic.Net