Chapter 37
"What are you doing?!" Sigaw ng isang babae nang makita niya ang nangyari sa kaniyang bag. Puno ito ng punit at butas dahil sa paggunting ng ibang kaklase niya rito. Agad siyang lumapit sa kaniyang bag at saka kinuha ito. Checking her things inside. Ngunit gayon nalang ang panlulumo nito nang makitang wala na ang mga gamit niya sa loob, puro nalang ito mga bato na siguradong nanggaling sa labas.
"Are you looking for your things?" Lumingon ang babae sa nagsalita. Mas matangkad ito sa kaniya, may kahabaan ang buhok at may maputing balat na klarong galing sa isang mayamang pamilya.
"Ayun oh!" Turo naman ng isa sa mga alipores nito sa labas ng classroom nila. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang isang malaking trash can na umuusok. Agad niya itong tinakbo at saka niya nakita ang nasusunog na gamit sa loob nito. Halos maiyak na ang babae nang makita niya ang kaniyang mga libro, notebook, papers, reports na unti-unti nang nilalamon nang apoy. Ngunit mas nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang isang litrato na unti-unti nang naabo. Agad niyang inabot iyon at naramdaman ang napakainit na apoy sa kaniyang kamay kaya agad niya itong binawi. Mabilisan niyang kinuha ang litrato at ganun nalang ang pagbagsak ng kaniyang balikat nang makita ang sunog na family picture nila. Nasunog ang parte kung saan ang kaniyang Ama. Ito lamang ang nag-iisang family picture nila, at pinilit pa nila ang Ina rito dahil sa project sa eskwelahan.
Napahikbi ang babae dahil sa sinapit ng kaniyang pinakaiingatang litrato.
"Aww, our crybaby." Napakuyom ang kamao ng batang babae nang marinig niya ang nang-aasar na tinig ng kaniyang kaklase sa kaniyang likuran. Gusto niya itong saktan ngunit ayaw niya ring mapagalitan siya ng kaniyang Ina, she doesn't want to disappoint her mother.
Humarap siya sa kanila. Tiningnan niya sila isa-isa. Ngunit wala siyang ginawa. Lalampasan na sana niya ang grupo dahil ayaw niya ng gulo ngunit nakaramdam nalang siya ng hila sa kaniyang kwelyo.
"Teka lang. I'm still talking to you! Wala ka bang manners?!" Malditang sabi ng mas matangkad na babae. Nakataas ang isang kilay nitong kakatapos lang gawin. Mapupula ang labi at pisngi nito at may mga mamahaling kwintas at bracelet na suot. Her mother owns a restaurant with lots of branches but she never brag about it. At saka, hindi naman niya iyon pera para ipanghambog niya, at saka, her mother never introduced her to her friends as her daughter.
"You? Why are you so nosy? Nakikialam ka sa life ng iba?" Natawa ang babaeng kausap nang sumagot siya rito. Tuluyan nang nainis ang batang babae ngunit hindi niya nakita ang paparating na delubyo.
Naramdaman niya ang malakas na paghila ng kaniyang buhok na ikinasigaw niya. Parang gusto na atang humiwalay ang kaniyang anit sa kaniyang buhok dahil sa sakit. Agad siyang kinaladkad ng babaeng may hawak ng kaniyang buhok patungo sa girls rest room. Maraming nakakita sa kanila pero ni isa walang gustong makialam. Nakikita man ng babae ang awa ngunit ano bang silbi ng awa? No one dares to mess with them dahil ikaw pa ang magmumukhang bully. Iiyak lang naman ang isa diyan sa harap ng kaniyang Ama sa kaniyang office, particularly sa Principal's office, and then charaan! ikaw ang masu-suspend imbes na siya.
Binitawan ng isang alipores ang kaniyang buhok at tinulak sa sahig ng CR. Nakatayo sa harapan niya ngayon ang anak ng Principal na nag-re-reyna-reyanahan na sa school.
"Tapang mo para sagot sagutin ako! Sino ka ba ha!" And then again. Sinabunutan niya ang babae. Sinabunutan niya ang babae ng paulit-ulit hanggang sa mawalan ito ng lakas. Nahuhulog ang lahat ng luha babae sa kaniyang mukha ngunit mas pinili niyang yumuko at pigilan ang hikbi.
Ilang segundo lamang ay naramdaman niya ang pagkabasa. Nakita niyang hawak ng isang alipores nito ang isang balde ng tubig na ibinuhos nila sa kaniya. Rinig na rinig ng babae ang malalakas na tawa nila. Gusto niyang takpan ang kaniyang tenga para hindi niya sila marinig. Gustong niyang tumayo para sa sarili niya at saktan sila but she never did.
Maya-maya'y naramdaman niya ang paghawak nila sa kaniyang makabilang kamay. Agad siyang napaangat ng tingin at nagpumiglas nang maramdaman niyang pwersa siyang ihiga ng dalawang babaeng nakahawak sa magkabilang kamay niya.
"Teka! Anong ginagawa niyo!" Napuno ng takot ang babae nang lumuhod ang babaeng nakangiti hinawakan ang kwelyo niya.
"Handa ka na bang mag-viral?" Tanong niya na sinundan ng katahimikan. Agad na nagpumiglas pa ang babae nang magsimulang buksan nito ang mga butones.
"Tulong!" Sigaw niya na mas ikinalakas ng tawanan ng magbarkada.
"Sinong tinatawag mo? Wala namang tutulong sayo," sabi ng isa pang babae. Patuloy siyang nagpumiglas dahil ramdam na ramdam na niya ang lamig sa kaniyang dibdib dahil sa pagkabukas ng kaniyang blusa. Nakita rin niya ang ang isa pang babaeng may hawak na cellphone na nakatutok sa kaniya na marahil ay kinukunan siya ng video.
Natawa ang magbarkada nang tuluyan nang mabuksan ang kaniyang blusa.
"Ohh, sexy!" Ilang minuto siyang nakahiga ng hindi na lumalaban. She's tired and all her attempts are fuckin useless. Nang magsimula nang tumayo ang mga babae at lumabas sa rest room ay nanatili siyang nakahiga. Unable to do anything, just staring at the rest room's ceiling, doesn't care if there's someone coming in and luckily no one dared.
Dahan dahan siyang umupo at saka niyakap ang sarili. She was clenching her fist, gusto niyang saktan ang sarili niya kasi hindi nito magawang lumaban, kasi wala siyang kalaban-laban, kasi walang siya ginawa. Ano? May peste pa bang gustong manakit diyan? She's not satisfied. Kung mananakit kayo, patayin niyo nalang agad! Don't let anyone suffer longer. Kasi mamatay rin naman tayong lahat ba't pa pinapatagal.
"Hey."
Napakawalang hiya nila! Binaboy nila ako! Fuck! Kailan ba matatapos to? Pwede bang takasan ko nalang to kahit isang araw lang?
"Hey! Transferee!"
Nagulat siya nang maramdaman niya ang medyo malakas na tapik sa balikat niya kaya napaatras siya bigla. Nakita niya kung paano mag-alala ang taong nasa harap niya at ng mga bagong mukha ng nasa paligid niya.
"Bakit?"
"Okay ka lang? Kanina ka pa natutulala diyan. I know hindi ka pa sanay sa amin pero nandito lang kami! Para saan pa't naging magkaklase na tayo," sabi ng babaeng nasa harapan niya. Napakunot ang mukha ng babae na tila may inaalala. Nang mapansin ito ng kausap ay agad itong natawa.
"Ang sakit ah! Nakalimutan mo agad ang pangalan ko. My name is Sarah!" Masiglang sabi ng nasa harap niya.
"Hi! You can call me ganda-- este Sweet!" Nagbigay naman ng matamis na ngiti ang babaeng nasa gilid ng nagngangalang Sarah. Kumunot ang noo ng babae. One word flashes in her mind.
Fake.
"Anuba! Syempre hindi niya pa masyadong maalala ang mga pangalan natin kasi dalawang araw palang naman nating siyang kasama," sabi ng isang lalake sa gilid. His name is Devien.
"Tsaka nabalitaan rin namin na namatay na ang Mama mo." Napabalimg naman ang tingin niya sa isa pang lalakeng nasa gilid. Naalala niya. Patay na ang Mama niya.
Kagabi.
But who cares?
Definitely not her.
"Anong pangalan mo?" She asked.
"Eljohn."
"Nice to meet you all. I hope magiging maganda ang school year natin." Nagbigay ng isang magandang ngiti ang babae ng ikinalambot ng mga puso ng mga nasa paligid.
"Nice to meet you too! Wag kang mahihiyang lumapit sa amin ah! Nandito lang kami! You can talk to us!"
But she doesn't want to talk. She knew for a fact that whatever she will say, they'll just use that against her someday. Maybe hindi ngayon, pero lalabas rin ang totong ugali nila. They'll just hurt her. Use her. Play for fun.
Pero iba na ang panahon. Kahit anong tatag ng isang samahan, kahit anong tatag ng mga pangakong binibitawan nila sa isa't-isa. Lahat may butas, lahat may pagnanasa, lahat may galit, lahat may selos, lahat may gustong makuha. At hindi yan mawawala sa isang samahan. Kahit sa section na 'to. Nothing will stand still. I'll break it down.
Dave's POV
Alas syete ng umaga, inaasahan kong kakaunti palang ang mga estudyanteng papasok dahil medyo maaga pa ang mga oras na ito para sa iba pero nagulat ako nang pagpasok na pagpasok ko palang sa gate ay tila nagkagulo ang lahat. Halos lahat ng nakikita ko ay naka civilian, at tila ba pinagkakaguluhan ang isang lugar malapit sa gate.
Nang mapalingon ako ay natulos ako sa kinatayayuan nang makita ang isang sunod na silid. Kung hindi ako nagkakamali, school clinic to. Ang dating kulay puti at malinis na school clinic at tila nangitim at ang ibang bahagi ay naabo. Dahil sa koryusidad ay agad akong lumapit. Hindi naapektuhan ang kasunod na building dahil medyo may kalayuan ito rito at tila ba sinadyang tanging school clinic lang ang masunog, bukas na bukas ito dahil nasunog ang bubong. Napapalibutan ang sunog na clinic ng isang mahabang dilaw na papel na parating makikita sa mga crime scene.
May nakapalibot ring mga naka-unipormeng mga tao at hindi hinahayaang makalapit o makakuha ng picture ang sino man na nasa paligid. Kinakain man ako ng koryusidad ay umatras na lamang ako. Ayokong madamay diyan.
Na-concious pa ako dahil parang ako lang yata ang nakauniporme sa loob, lahat ng mga nakikita kong estudyante ay nakasuot ng kani-kanilang mga naka-assign na kulay base sa kanilang year.
Nang mapadaan ako sa gymnasium ay agad naman rumihestro sa utak ko kung ano ang meron ngayong araw. Nakatatak ito ng malaki sa stage, at dinisenyuhan pa.
Happy 55th Foundation Day!
Yes. Foundation day ng aming skwelahan. And I forgot, pinagdidiwang pala namin iyon sa Valentines day o sa araw bago ang Valentines Day. Pero noong isang taon, mas masaya lang kasi isang linggo ang pagdiriwang kaya isang linggo rin ang activities. Ang saya lang isipin na walang naging problema noon. Hindi katulad ngayon na, kakapasok ko palang. Bumungad na sa akin yun.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa classroom namin. Pagpasok ko ay agad kong nakita ang mga kaklase kong nakaupo sa mga nagkalat na silya. Nag-uusap. At nakauniporme ang lahat. Well. Kami lang ba ang hindi na inform na may activities ngayon? O sadyang nakalimutan nalang namin?
"Good morning, Jose!" Bati ni Noel, at ginamit pa talaga ang apilyedo ko. Pero okay narin yun, kaysa magkalito lito dahil may katulad akong Dave na pangalan.
"Good morning Noy!" Balik na bati ko sa kaniya. Nang nakarating ako sa akimg upuan ay naabutan ko sina Sweet, Kyte, Amor at Devien na nag-uusap.
"Good morning," mahinang bati ko na nagpabaling sa kanila sa direksiyon ko. Agad naman silang bumati pabalik kaya binigyan ko sila ng ngiti. Inilagay ko na ang bag ko sa tabi ni Amor. Well magkatabi kasi kami eh.
"Siya nga pala Amor, hindi ba tayo na inform na ngayon ang simula ng foundation day?" Tanong ko sa kaniya. President si Amor ng WATCH Club. Nagmeeting kasi noong isang araw lahat ng mga club presidents tungkol sa mga booths kaya imposibleng hindi niya alam to.
"Hindi ko rin alam. Wala ako noong nag-meeting kaya yung Vice President ko yung pinapapunta ko pero hindi kami nagkita, tsaka hindi naman niya sinabi kung anong gagawin namin sa booth. Hindi nga rin ma contact ni Lyonce," paliwanag niya.
"Ako rin, officer ako sa Filipino Club pero hindi ako tinawag ng President namin for meeting. Sinubukan ko naman siyang kausapin eh parating niyang sabi busy daw siya," sumimangot naman ang mukha ni Sweet nang siya na ang nagkwento. Mukhang alam ko na ang nangyayari ah.
"Kayo Kyte? Sa english club?" Tanong ni Devien kay Kyte na nasa tabi niya at kanina pa tahimik na nakakapit sa braso ni Sweet.
"Huh? Kinakausap naman ako ng President namin, pero.." humina ang boses niya. "Hindi ng ibang members. Lumalayo nga sila kapag sinusubukan ko silang kausapin," sabi niya. Napasandal na ang ulo niya sa balikat ni Sweet at napanguso.
"Hi guys!" Napatingin naman kami nang nakangiting dumalo si Ara sa amin. Umupo siya sa upuang nasa kabila ni Amor. "Anong meron?" Tanong niya.
"Okay ka lang ba sa club mo? Hindi ka ba nila pinapansin? Tinatrato ka ba nilang iba?" Sunod sunod na tanong ni Sweet na nagpakunot ng noo ni Ara.
"Huh? Kakagaling ko lang doon. Wala namang problema. Magbibigay nga kami ng flowers bukas! Tapos mag ca-calligraph ako sa mga cards sabi ni President!" Masiglang sabi niya na ikinatanga namin. Well.
"Mukhang ayos ka lang naman," nakangiwing sabi Amor bago umayos sa pagkakaupo, napasandal at napabuntong hininga.
"Bakit? Ano bang meron?" Tanong niya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya pero nanatiling tahimik ang mga kasama ko.
"Hayst. Ang baba naman ng mga mood niyo! Hoy! Wala tayong pasok ngayon kaya dapat party party tayo! Anuba!" Napangisi nalang ako nang magsimulang sumayaw si Ara sa harap namin. Trying to lit up our moods. Ano pa nga ba?
"Kung pinoproblema niyo eh yung mga nakatingin sa atin weirdly dahil tayo lang ang hindi nakapaghanda at nakauniform parin! Bayaan niyo sila! Duh! Proof to na hardworking tayo! Wala tayong pakialam sa Valentines day! Mamatay na ang may lovelife!" Natatawa kaming napatingin sa kaniya. Nakatayo lang siya sa harapan namin. Nasa bewang ang dalawang kamay na tila nag-lelecture sa amin. Pero natigilan nang dumaan ang dalawang taong tanging nakasuot ng civilian sa aming klase.
"Inggit ka lang." Halos umusok naman ang ilong ni Ara sa galit at napatingin ng masama sa dalawang naglalampungan sa harap namin. Sila lang yata ang masaya dahil Valentines Day.
"Ang panget mo, Shane!" Ganti ni Ara na ikinatigil ni Shane sa paglalakad. Napatigil rin si Retlaw na nasa tabi niya. Akmang babalik si Shane para balikan si Ara pero pinigilan siya ng lalakeng katabi. Hinawakan nito ang balikat ng kasintahan at inilapit ang bibig nito sa tenga ng babae. Tila ba may magic word na sinabi si Retlaw na nagpaiba ng ekpresiyon ni Shane. Hindi na ito nakatingin sa may banda namin at tila nakuha na ng buo ni Retlaw ang atensiyon nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Actually. Meron pang isang couple na dapat magsaya kasi nakaabot pa sila ng Valentines Day pero.. hindi ko na sila nakitang magkasama netong mga nakaraang araw. Napatingin ako sa harapan ng classroom at nakita ang likuran ni Mitz. Nakaupo ito sa kaniyang upuan sa harap at nakayuko, siguro'y may ginagawa sa cellphone niya. Napabaling naman ang tingin ko kay Mark John na nakaupo sa kabilang row, at katabi si Aiko. Nakikinig sila ng musika gamit ang isang earphones at sabay pa silang ginagalaw ang kanilang mga kamay na parang nagsasayaw kahit nakaupo. Hayst. Ano bang nangyari sa kanila.
"Ahh! Saan na ba si Roberto! Wala nang pera pambili ng kahit isang galon ng tubig! Wala talaga tayong maiinom ngayon!" Napabaling ang lahat ng marinig ang reklamo ni Noel or mas kilalang Noynoy, reklamong talagang rinig sa buong sulok ng classroom.
"Saan na ba kasi yung lalakeng yun? Hindi naman yun male-late ng ganito! Halos atakihin ako noong nakita ko si Mark John kasi akala ko multo. Ang aga eh!" Inis na sabi ni Noynoy na ikinatawa namin. Tumpak. Himala talaga at nauna si Mark John kesa kay Roberto, eh minsan lang malate yun. Eh itong si Mark John na walang pakialam kahit papasok na sa ikalawang subject. Better be late than absent daw.
"Excuse me?"
"Yes po?" Sagot ni Abegail nang may sumilip na Senior sa pintuan namin. Natigil sa pagsasalita si Noynoy at pagsasayaw ng dalawa sa likuran.
"Pwede po bang makausap ang Vice President?" Napalingon kaming lahat kay Amor nang mabanggit ang position niya sa loob ng classroom. Agad naman siyang nagtaas ng kamay at nagtungo palabas. Nakita kong nagsalita ang Senior at hindi ko makita ang reaksiyon ni Amor dahil nakatalikod siya sa amin.
"Ano na naman kaya ang nangyari?" Mahinang tanong ni Devien ngunit rinig na rinig ko ito. Tila ba bumundol ang kaba sa puso ko nang magsimula itong manikip at tumibok ng mabilis. Nagiging masama na ang mga iniisip ko nang makita ko pang may iniabot na papel ang Senior kay Amor na dahan dahan nitong tinanggap.
May nangyari na naman ba? Sino? Sino na naman? Iyan ang unang mga tanong na rumihestro sa isip ko.
Hindi ko tinantanan ng tingin si Amor at ang kaniyang kausap hanggang sa matapos na sila. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang halo halong emosiyong pinapakita ni Amor habang dahan dahan siyang naglakad sa harapan at tinitingnan ang papel na hawak niya.
Nang mag-angat siya ng tingin ay hindi ko maiwasang kabahan nang makita ko ang mga luha sa mga mata niya. Anong nangyayari?
"Si Roberto.." panimula niya. Tila nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Just those two words, alam ko na ang ibig niyang sabihin. Napakuyom ang kamao ko sa galit nang magsimula siyang humikbi at mapaupo sa harap. Agad namang dumalo si Abegail na kinuha ang papel at si Ara na niyakap si Amor. Nakita ko naman sa gilid ko ang pagyakap nina Sweet at Kyte habang umiiyak. Tila wala namang emosiyon ang mukha nina Mark John at Aiko habang nakatingin lang sa mga nag-iyakan habang si Noel naman ay tila ba natakasan ng sariling katinuan at naestatuwa pagkatapos marinig ang sinabi ni Amor.
Our president has fallen. Isang malaking sanga ang nawala sa isang malapit nang malagas na puno. Habang unti-unting napipitas ang mga maliit na sanga nito at ang mga dahon nito, hindi napansin ng lahat ang unti-unting pagkuha ng mga minero sa napakalaking sangang nakakabit at nagpapaatatag sa isang puno.
"Anong gagawin natin?" Narinig kong mahinang tanong ni Mitz sa harap. Gulat rin sa narinig at umaagos rin ang mga luha.
"Pick someone to fill his position?" Patanong na sagot ni Mark John.
"Saan ba ang iba?" Tila galit na sabi ni Abegail.
"Retlaw and Shane. Maybe nagde-date? Who knows? Dave John and Karlo. Sabay silang lumabas kanina, president si Dave John sa Science club at member din si Karlo doon. Yna and Lyonce? Nag-ikot yata?" Sabi ni Sweet na binanggit ang mga pangalan ng mga wala sa loob ng classroom.
"Tumayo ka diyan, Amor," ma-autoridad na utos ni Abegail. Agad namang pinatayo ni Ara ang umiiyak na si Amor. "We need you to be our President." Tila ba natulos sa kinatatayuan si Amor dahil sa sinabi ni Abegail.
"Huh? Anong sinasabi mo? Why would I? Bakit hindi ikaw? Alam naman natin na mas may control ka sa kanila kesa sa akin," reklamo ni Amor na ikinakunot ng noo ni Abegail na tila ba nainis sa isinagot sa kaniya.
"Ikaw ang Vice President. Ano bang ginagawa tuwing hindi na tumutupad ng duties ang President? Kapag nawala ang President? Papalitan agad siya ng Vice. They chose you, means they trust you. They put you in that position dahil nagtiwala sila sayo, then prove it to them na kaya mo. Na you deserve the trust they gave," matigas na sabi ni Abegail na nagpatigil kay Amor.
Trust is a big word, really. Mahirap ibigay pero napakasarap sa pakiramdam kung makuha mo ang trust ng taong importante sayo.
"I'm sorry!" Napayuko si Amor at narinig namin ang iyak niya. Nakita ko kung paano tinapik ni Abegail ang kamay niya sa balikat nito.
"Lalabas muna ako, member ako ng science club, I need to be there," tanging sabi niya at saka siya lumabas. Naiwan kaming tahimik.
Pinunasan ni Amor ang mukha niyang puno ng luha at saka
You are reading the story above: TeenFic.Net