~3~

Background color
Font
Font size
Line height

"Tita Ann magpapaalam po sana ako na aalis po ako ngayon." Sabi ko kay tita Ann pagbaba ko sa aking kwarto.

Lunes ng umaga. Gumising talaga ako ng maaga dahil kagabi sinabi ko kay Clair na sasali na ko sa senakulo ang sabi nya ngayon daw kami magpapalista dahil hanggang ngayon nalang daw ang pagpapalista.

"Saan ka naman pupunta Leigh? Sinong kasama mo?." Sunod sunod na tanong sakin ni tita Ann na nakaupo sa sofa.

Umalis na siguro si tito Leo kasi may trabaho pa yun at maaga na. Kaya si tita nalang ang naabutan ko.

"Tita magpapalista po kami ni Clair sasali po kami sa senakulo. Doon lang naman po sa simbahan." Sagot ko sa mga tanong ni tita Ann

"Ano namang naisipan mo at sumali ka sa ganyan?." Nakakunot noong tanong  sakin ni tita.

"Wala lang po. Wala din naman po akong ginagawa sa bahay,para may pagkaabalahan din po ako." Pagdadahilan at ngiti kong sabi kay tita Ann.

Tumango lang si tita at sinabi nakumain muna bago ako umalis.

Pagkatapos kung kumain umakyat muna ako sa aming kwarto at nakita kong natutulog pa si Chenzen puyat kasi ng puyat eh. Kumuha muna ako ng isang pink blouse at leggings bago pumunta sa loob ng banyo para makaligo na.

Pagkatapos ng 30minutes tapos na din akong maligo at magbihis kinuha ko muna ang cellphone ko para i text si Clair kung saan ko sya aantayin.

Leigh: Clair saan ba kita aantayin sa loob ba o sa labas ng simbahan?

Clair: Sa labas ng simbahan mo na ko antayin, para sabay na tayong pumasok sa loob.

Matapos kong basahin yung text ni Clair inayos ko na ang aking buhoy na straight at mahaba. Kinuha ko din ang aking sandals at nagsuot din ng maliit na shoulder bag para doon ko ilalagay ang aking cellphone at pera.

Bumababa na ko sa para makapagpaalam kay tita na aalis na.

"Ta alis na po ako." Sigaw kong sabi kay tita dahil hindi ko sya makita kong nasaan sya. Baka nasa likod ng bahay at inaayos ang kanyang mga halaman.

Di ko na hinintay ang sagot ni tita dahil lumabas na ko ng bahay at ng lakad na sa kanto para makapag abang ng jeep.

Pagdating ko sa aming kanto nakita ko kaagad ang jeep na paparating kaya nung tinaas ko ang aking kamay ay huminto agad ito sa aking tabi. Sumakay na ko ng jeep at pag lipas ng sampung minuto malapit na kami sa simbahan.

"Para po." Sabi ko sa driver ng nasa tapat na kami ng simbahan.

Pumaba na ko sa jeep at tumawid. Aantayin ko muna si Clair sa labas. Antagal naman nung babaeng yun.

"Leigh." Rinig kong tawag ni Clair sa akin na nasa tawid at kumakay sa akin. Ngumiti lang ako at kumaway.

"Buti naisipan mo na sumali?."taning kaagad ni Clair ng pagkatawid nya.

"Wala lang wala namang ginagawa sa bahay ehh. Tyaka para naman may pagkaabalahan ako. Tara na baka malate na tau." Sabi ko kay clair na hinala na sya sa loob ng simbahan.

Pumasok na kami Clair sa loob ng simbahan at pumunta kami sa retreat house doon daw kasi magpapalista.

"Si ate Fatima." Sabi ni Clair sa babaeng nasa labas ng retreat house.

"Nasa loob. Papalista kau?" Tanong ng babaeng kausap ni Clair.

"Ahh oo papalista kami sige salamat." Paalam ni Clair sa kausap nyang babae at hinawakan ako para sabay kaming pumasok sa loob.

"Ate fat papalista po kami ng mga sasali sa senakulo." Sabi ni Clair sa isang babae na mga nasa 25 na ata

Ngumiti ito sa amin ni Clair at binigay saamin ang isang papel na listahan ata ng mga sumali para masulat namin ang aming pangalan.

"Bukas pala may metting  kayong mga senakulista." Sabi samin ni ate fatima habang nakangiti.

Matapos naming ilista ang pangalan namin ni Clair ay nagpaalam na kami kay ate fatima.

"Ano na naman kayang role ang gaganapin ko." Excited na sabi saakin ni Clair.

"Sana maging madali lang ang maging role ko. Kinakabahan na ko Clair." Sabi ko kay Clair na nakahawak pa sa aking dibdib. Hindi na ko nasugot ni Clair dahil may tumawag sa kanyan.

"Clair kasali kayo?." Rinig kong sigaw ng isang boses lalaki kay clair hindi ko nakikita kong sino dahil nakatalikod ako.

Nanghumarap ako kung sino yung lalaking tumawag kay Clair. Nakita kong may tatlong lalaking nasa harapan ko at yung isa ay yung lalaking tumawag kay Clair at yung isa naman ay hindi ko kilala at gulat na gulat ako ng makita ko kung sino yung pangatlo. Halahh bhie si kuyang sakristan kasama nila. Halos Nakatitig lang ako kay kuyang sakristan.

"Oo sumali kami. Oo nga pala si Leigh kaibigan ko." Pagpapakilala sakin ni Clair sa tatlong lalaking nasa harapan ko.

"Hi Leigh. Ako nga pala si Carlo at ito naman  pala ang mga kaibigan ko si Cedric at ito naman si Pancras." Pagpapakilala sakin ni Carlo sa mga kaibigan nya pero nakay Pancras Lang ang paningin ko.  Pancras naman pala ang pangalan ni baby boy. Char.

"Hello ako pala si Leigh." Nahihiyang sabi ko kila Carlo.

"Mauna na kami Clair at Leigh. Inutusan pa kasi kami. Kita nalang tau sa meeting bukas. Nice to meet you Leigh." Sabi samin ni Cedric at ngumiti samin si Carlo pero si Pancras ay tahimik Lang na nakatingin sakin. Wag mo naman aking titiganan baby.

Nakaalis na sila Carlo pero sinundan ko ng tingin si Pancras ang pogi nya talagaa.

"Hoy! Babae anong nangyari sau? Nakita mo Lang si Pancras natulala ka na jan." Sabi sakin ni Clair at hinampas pa ko sa balikat.

"Ha? Hindii ahh tinignan ko lang. Bawal bang tumingin." Sabi ko kay Clair na iniwasan sya ng tingin.

"Nakoo Leigh wag ako. Kilala kita at alam ko kong may crush ka sa isang tao. Alam ko ikot ng laman loob mo." Sabi sakin ni Clair na nakataas pa ang kilay na tumingin sakin.

" Hindi naman Clair. Ang pogi nya kasi ehh alam mo yun. Nabangga ko nga yun nung linggo ehh." Sabi ko kay Clair na nagiiwas parin ng tingin

"Wag mong sabihin na kaya ka sumali ng senakulo dahil kay Pancras." Sabi sakin Clair na sinisipat ako.

"Ano kasi Clair. Di naman sa ganun pero parang ganun na nga." Nahihiya kong sabi kay Clair.

"Ang harot mo talaga Leigh sabi na ehh. Di ka kasi sasali ng walang dahilan." Sabi sakin ni Clair na hinampas ang balikat ko.

"Gusto ko Lang naman malaman ang pangalan nun. Ang pogi nya kasi Clair ehh." Sabi ko kay Clair na parang kinikilig.

"Hoy babaita sinasabi ko sau pwedi mo syang hangaan pero hanggang doon nalang yun. Alam mo bang mag papari yung si Pancras alam ng lahat na magpapari yun. Kaya habang maaga pa wag mo sya masyadong hangaan masasaktan ka Lang." Sabi sakin ni Clair na binabalaan ako.

Parang nawala ako ng lakas ng loob ng marinig ko yung sinabi ni Clair. "Magpapari yan".nagpaulit ulit yun sa aking tenga.

Bakit naman kasi sa dami ng tao sya pa at magpapari pa kay malas nga naman ohh. Bakita sya pa?

Leigh "Magpapari sya" sabi ko sa sarili ko at kinukumbensi na maniwala.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~®

You are reading the story above: TeenFic.Net