Chapter 26

Background color
Font
Font size
Line height

"Ang straight to the point niya naman, beshywap. Pero yan ang gusto ko sa lalaki, hindi na nagpapaligoy pa." Shantal said as we are walking to go to Watsons.

Bibili na naman siya ng mga skincares o pampaganda dahil sasali siya ng pageant para sa papalapit na fiesta sa baranggay nila. Wala siyang kasama kaya ako na naman ang naisipan niyang bulabugin sa bahay kahit may ginagawa ako.

Shantal loves to attend pageants and it really suits her. She's a half Italian at sa ganda palang niya ay talagang maraming makakabog. She's not just good at speaking but also in walking like a beauty queen, sabayan pa ng maganda niyang ngiti at magandang hubog ng katawan.

Ng makarating kami sa Watsons ay agad niya akong hinila papasok. Excited siyang pumili ng mga kahit anong products na gusto niyang bilhin habang nakikipag-usap sa akin, pinapaliwanag kong ano anong mga make-ups at skincares yong mga dinadampot niya at para saan.

"Ito beshywap eyeshadow, bibilhan kita nito." sabi niya habang abala pa din sa kakatingin ng kong ano anong make-ups at skincares.

"Shan, hindi ako mahilig." sabi ko pero hindi niya ako pinansin kaya napabuntong hininga nalang ako at pinanood lang siya.

Ng matapos niyang pumili ng mga bibilhin ay agad na siyang nagbayad sa cashier at hinila na naman ako palabas.

Napahinto pa ako ng matapon ang mga pinamili niya at napalingon sa nabangga niyang lalaki.

It was Zeddie.

Inis na kinuha ni Shantal ang mga natapon niyang pinamili at masamang tinignan si Zeddie.

"Psh! andito ka na naman, nakakainis talaga yang pagmumukha mo." sabi ni Shantal at nakita kong napataas ang kilay ni Zeddie.

"I also wanted to try that skincares." sabi ni Zeddie at itinuro ang mga pinamili ni Shantal.

"Che! bumili ka ng sayo! kapal ng pagmumukha." sabi ni Shantal at hinila na ako paalis pero mabilis siyang hinawakan ni Zeddie sa braso at lumingon sa akin.

"Starbucks, 5 pm." sabi niya sa akin at agad naman akong tumango at lumingon na kay Shantal.

"And you, hihiramin muna kita ngayon sa pinsan ko." sabi niya kay Shantal at aangal na sana si Shantal ng mabilis siyang hinila ni Zeddie papasok sa loob.

"Teka! beshywap huwag kang pumayag!" napailing nalang ako sa sigaw ni Shantal at agad ng tumalikod para umalis.

I drove my car to the mercury drug to buy some medicines for grandpa. Nilalagnat siya ngayon kaya nasa bahay lang siya. Hindi din makaalis si grandma dahil gusto niyang bantayan ito.

Pagkatapos ko namang bumili ng mga gamot ay dumaan muna ako sa flowershop para kamustahin ang kalagayan doon dahil iyon ang bilin sa akin ni grandma. I also buy foods for our crews and for my grandparents at tuluyan ng umuwi ng bahay.

It's already lunch time at mamayang hapon pa naman kami magkikita ng grupo sa starbucks kaya may oras pa ako na bantayan at alagaan si grandpa para naman makapagpahinga si grandma.

When I arrived at home, I can't help but to smile when I saw my grandparents on the garden laughing together. They're like teens who joke with each other. Nakasandal ang ulo ni grandma sa balikat ni grandpa habang nakaupo sila sa mahabang bench.

It was nice to witness them together like that. I hope I can find a love that's like what they have. Gusto kong makahanap ng pagmamahal na kahit tumanda man kami ay mananatili pa din ang pagiging maintindihin at pagmamahal sa isa't isa.

Love that doesn't need to be perfect but... pure.

Pumunta na ako sa kitchen para magluto ng lunch at hinayaan na muna silang makapag- moment. While I was cooking, what Sam said suddenly popped up in my head.

Should I give him a chance? Should I let him enter my heart? But what if the time comes and he'll shattered it into pieces?

Napailing nalang ako sa naisip ko at pilit inalis ang mga isipin na ngayon ay hindi ko pa kayang sagutin at mabigyan ng kasiguraduhan.

If I'll give him a chance, I will know what the outcome, it's either it will work or it will not, and I'm afraid of that outcome. I'm not ready to risk what I have because if I risked it, I know that maybe in the end it will broke me... mauubos ako gaya ng mga naranasan ko sa nakaraan ko.

I've been hurt and broke for how many times and as much as possible, I don't wanted to experience it anymore... ang hirap bumangon at magpakatatag ulit.

Ng maluto na ang mga pagkain na niluto ko ay agad ko ng tinawag sila grandma at grandpa sa garden para makapag-lunch kami ng sabay. Hanggang sa pagkain ay nanatili pa din ang ka sweetan nila.

Grandma feed grandpa while smiling. Gusto ko sanang ako nalang ang magpakain kay grandpa para hindi na mahirapan si grandma pero mukhang nag-eenjoy naman siya sa ginagawa niya kaya hinayaan ko nalang at pinanood sila habang nakangiti at kumakain.

"Darling, I can feed myself. I don't wanted you to get tired." reklamo ni grandpa pero nakangiti habang ngumunguya.

"It's fine darling. I love feeding you and also, you're sick. Bawal kang mapagod." grandma said and smiled at grandpa.

Pagkatapos naming kumain ay pinainom ko na kaagad si grandpa ng gamot at hinatid siya sa kwarto niya para makapagpahinga. I make sure that he's comfortable on his bed. Ng masiguradong komportable na siya ay lalabas na sana ako para bumalik sa kusina at hugasan ang mga pinagkainan namin pero napatigil ako sa may pintuan ng tinawag ako ni grandpa.

Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama. He hold both of my hands while smiling.

"What is it grandpa?" I asked.

"Valentines day is coming up and I wanted to surprise your grandma. I need your help apo, if it is okay with you?" he said which makes me smile more wider.

"Ofcourse grandpa, I'll surely help you." excited kong sabi.

"It's been how many years since we go out on a date together and it was stopped because we're busy and also, we're getting old... atleast at valentines, I can date her." he said and suddenly his expression change.

Naging malungkot ito at hindi ko din maiwasang malungkot kaya agad kong hinawakan pabalik ang dalawang kamay niya at niyakap siya.

"Grandpa, I'm sure grandma will love your surprise. Ako na po ang bahala sa preparations. All you need to do is to take your medicines and get some rest para po gumaling na kayo agad at mai-date nyo si grandma sa valentines day." I said trying to cheer him up.

Yon nga ang ginawa ko during free time ko, ang asikasuhin ang preparations para sa valentines date ng grandparents ko. I wanted it to be perfect and memorable as much as possible.

Sa school naman ay naging busy kami sa pag- aasikaso  sa mga booths. We are so hands on when it comes to decorating our different kinds of booths. Ang section namin ay hinati sa dalawang grupo. The other group choose the foods booth, napili naman ng grupo namin ang photo booth. Magkasama kami ni Cheska sa grupo at siya ang nagprisinta na magdala ng camera para sa shots.

Tuwing uwian naman ay inaasikaso ko ang preparations para sa date ng grandparents ko. Dalawang araw nalang at valentines day na kaya sobrang busy ko. Shantal is also busy with her pageant. Abala din kami  sa practice namin ng banda dahil tutugtog kami sa school.

When the valentines day came up, maaga akong pumunta ng school. Karamihan sa mga estudyante ay mga nakapula. Ang iba naman ay iba't ibang kulay, simbolo ng status nila sa pag- ibig.

Red for inlove, black for heartbroken, yellow for single and ready to mingle, blue for just enjoying life, and white for single.

Medyo nagulat pa ako ng pagpunta ko sa stall namin ay pinagkakaguluhan na. Napailing nalang ako ng makita ko ang mga  ka -bandmates ko.

Kaya pala nagkakagulo, andito ang mga campus heartthrobs.

Maraming nagpapakuha ng litrato kasama sila na akala mo mga artista. Wala ulit si Jaxson at mukhang busy na naman.

Sa kabila ng siksikan ay nagawa ko pa din na makarating sa unahan ng stall. Medyo nagulat pa ako ng siya ding dating ni Sam at pareho pa kami ng kulay ng damit, kulay puti.

He smiled at me and I also smiled at him a little. Buti nalang abala pa din ang mga kaibigan niya na akala mo sila ang may ari ng stall namin at hindi nila nakita ang ngitian namin dahil baka mapunta lang sa asaran mamaya.

They help us with our stalls and my groupmates are so thankful to them dahil marami kaming customers kahit hindi naman pagkain ang tinitinda namin. Tumulong din ako sa pagkuha ng mga shots dahil tatlong camera ang naroon sa table.

Ng mapagod at kaunti nalang ang mga nagpapa-picture  ay umupo ako saglit sa isang upuan at nakita ko namang lumapit sa akin si Sam at binigyan ako ng tubig. I thanked him and drink the bottled water.

Pagkatapos naman ay tumugtog na kami sa gitna ng malaking stage sa oval. I sing love songs four times before we finally go back to our stalls. Nagpapasalamat naman ako at kinaya kong wala si Jaxson at nagustuhan ng mga audience ang pagkanta ko dahil todo sila hiyawan na para bang relate na relate sa mga kanta na kinanta ko.

Pareho nalang kaming nagulat ni Sam ng biglang may dalawang lalaki na lumapit sa amin at pinosasan kami. They are ABM students. Napalingon ako sa mga kasama namin ng bigla silang naghiyawan.

Zeddie, Alexis and Arson are smiling at us widely and I can't help but to stared at them unbelievably.

Wala kaming nagawa ni Sam kong hindi ang sumama sa mga taga ABM students. Akala ko ay dadalhin nila kami sa jail booth pero dinala nila kami sa marriage booth at nailang lang ako ng may mga audience na kami na mga nakaupo doon sa mga nakahilerang upuan.

Nandoon din si Shantal at nakita ko pang nag flying kiss siya sa akin at hindi ko maiwasang mapangiwi. Akala ko ba may pageant siya, bakit siya nandito?

Nakita kong sumunod sila Zeddie kaya mas lalo lang akong nainis dahil halata naman na sila ang may pakana nitong lahat.

Damn, makukutusan ko talaga sila mamaya.

Napapikit nalang ako sa inis ng nilagyan ako ng veil ni Alexis at binigyan ng bulaklak at may paiyak iyak pang expresyon na nalalaman na akala mo talaga ay nasisiyahan ako sa mga pinanggagagawa nila sa amin.

The marriage booth ceremony started and I can't help but to roll my eyes. Talagang si Arson pa ang ginawa nilang pari. Naka poker face lang ako habang nagsasalita si Arson dahil parang gusto ko ng umuwi.

The last part was not easy, pagkasabi ni Arson ng you may kiss your bride ay nagkatinginan kami ni Sam, parehong ilang sa isa't isa. This was really embarrassing in our part. Maingay na ang mga nandito ngayon at chini-cheer pa talaga kami para mag kiss.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang inilapit ni Sam ang sarili niya sa akin at hinalikan ako sa noo. I don't know but it gives me butterflies in my stomach.

What was that?!

Hindi ko maiwasang matulala saglit sa ginawa niya.

Ibinigay ni Arson sa amin ang marriage certificate at tulala lang ako. Akala ko ay doon na matatapos ang lahat pero ito na naman kami ngayon hila hila ng dalawang lalaki at nakaposas pa din. Napansin ko na papunta kami sa jail booth at magrereklamo na sana ako ng biglang hinawakan ni Sam ang isang kamay ko na may posas kaya napalingon ako sa kanya.

He do a sign language at nagets ko kaagad at mahina siyang nagbilang.

"Takbo!" walang pagdadalawang isip na sabay kaming tumakbo ng mabilis. Kamuntikan pa akong matisod mabuti nalang hawak niya ang kamay ko.

Wala kaming tigil sa pagtakbo at hingal na hingal ng makarating kami sa likuran ng library kong saan may tatlong swing at malayo na kami sa mga lalaki na humahabol saamin kanina. Pareho kaming napaupo sa damuhan para pakalmahin ang sarili namin saglit galing sa hingal.

"That was insane." bigla niyang sabi kaya natawa ako ng mahina.

"But fun." I said which made him smile.

Bigla siyang naglahad ng isang kamay habang nakangiti pa din.

"Tara?" tanong niya at napakunot naman ang noo ko.

"Saan?" I curiosly asked but he just wink and pouted at me and I can't help but to gulp.

Damn him for his cute wink and pout.

"To a peaceful place... na sigurado akong magugustuhan mo."

Inabot ko sa kanya ang isang kamay ko at tinulungan niya ako sa pagtayo at sabay kaming naglakad papuntang parking lot. Nahirapan pa kami sa pagpasok sa kotse niya at hindi ko maiwasang matawa ng mauntog siya at bigla na namang nag pout at lumingon sa akin na para bang nahihiya, napakagat tuloy ako sa labi ko para pigilan ang tawa ko.

May kinuha siyang mga susi sa dashboard at isa isa niya iyong sinubukan na gamitin para mabuksan ang posas namin. Sa ikaapat na susi ay nabuksan ito at napamasahi naman ako sa kamay ko.

"Ba't ang dami mong susi?" tanong ko at inayos naman niya ang seatbelt ko bigla at tinignan ako sa mga mata.

"For future purposes, po." he politely said as if I'm older than him and immediately sit properly and started the engine.

Napalingon agad ako sa labas ng bintana. Dumaan muna kami sa Greenwich para bumili ng pizza at sa milktea house para naman bumili ng milktea bago bumyahe ulit.

Curious ako kong saan talaga niya ako dadalhin pero hinayaan ko nalang ang sarili ko na kumain at magpadala sa antok. Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa akin.

"We're here." napatingin kaagad ako sa labas ng bintana at hindi maiwasang mamangha.

Sabay kaming bumaba ng kotse at sobrang sarap ng simoy ng hangin. I can't help but to feel delight when I saw the sunset.

Dinala niya ako ditso sa flower farm. Sobrang ganda ng tanawin dahil sa makukulay na mga bulaklak.

"Nagustuhan mo ba?" Sam asked and I nodded and smiled at him.

"Sobrang ganda dito. Maybe I can bring my grandma here next time." I said and he smiled.

"Mahilig ba siya sa mga bulaklak?" tanong niya at tumango naman ako.

"May flower shop kami, pwede kang pumunta doon anytime." sabi ko at nag thumbs up naman siya.

Sabay kaming naglakad papunta sa maraming bulaklak at parang gusto ko nalang mahiga ng hawakan ko ang mga ito. They were soft and the smell, I love the smell of flowers.

Napalingon ako kay Sam na nasa likuran ko at may dala na siya ngayong blanket at isang basket. Nilatag niya ang blanket sa may daan ng mga bulaklak. Malaki ang espasyo ng daan kaya hindi siya nahirapan sa paglatag.

Umupo kaagad ako at tinulungan siya sa paglabas ng mga pagkain sa basket.

"Is this legal?" I asked him while we're busy putting and arranging the foods.

"Yes. The owner of this farm is my cousin." sabi niya at napatango naman ako.

Wala kaming ginawa kundi ang panoorin ang paglubog ng araw habang kumakain. Bumalik pa muna siya saglit sa kotse dahil may kukunin daw siya kaya naiwan ako.

Hindi ko maiwasang isipin ang date ng grandparents ko. Naka settled na lahat para mamayang gabi at kong sakaling matagalan man ako ng uwi ay ready na din ang kotse at driver namin na maghatid sa kanila sa lugar kong saan ko napiling mag-date sila.

I hope they'll like it.

Napangiti ako sa isipin na magsasayaw sila kasabay ng kanta na ipapatugtog at magtitinginan sa isa't isa na para bang bumalik sila sa pagkabata. Reminiscing their teenage years while they're together, of how they're so inlove with each other back then... until now.

Napalingon ako kay Sam ng may inilapag siyang isang bote ng wine at dalawang wine glass, bitbit naman niya ang isang gitara na nakaukit ang pangalan niya sa gitna.

"Nagsisimula ka na ba manligaw?" walanghiya kong tanong at umupo naman siya ulit sa tabi ko.

"Obvious ba? " he shyly asked and smiled.

I just chuckle. Inilapag niya ang gitara at sinalinan niya ng wine ang dalawang wine glass at ibinigay sa akin ang isa.

We made a toast. Inilapag niya muna ang wine glass at kinuha ang gitara at nag strum bago lumingon ulit sa akin.

"Can I sing a song for you, Elish?"

I was just drinking my wine when he asked me. Tumango naman ako at tinignan siya ng magsimula na siyang magstrum.

"Watch the sun rise along the coast as we’re both getting old..." tinitigan niya ako kaya hindi ko maiwasang mailang at mapaiwas ng tingin.

"I can’t describe what I’m feeling and all I know is we’re going home, so please don’t let me go... don’t let me go..."

I drink my wine again. Hindi ko alam pero parang mat nag-uudyok sa akin na sabayan siyang kumanta. Without hesitation, I look at him again and started to sing the lyrics of the song with him. I saw how his smile widen.

"And if it’s right... I don’t care how long it takes as long as I’m with you I’ve got a smile on my face... save your tears, it’ll be okay..."

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin kasabay ng pagkanta naming dalawa.

"All I know, is you’re here with me..."

Nakapikit pa din ako ng itinigil niya ang pag strum ng guitar. It was so relaxing here and I wanted to lay down and sleep.

"Elish?"

Napamulat ako ng marinig ko ang pagtawag ni Sam sa akin. Nagulat nalang ako ng makita ko ang isang itim na cage at sa loob niyon ay ang isang maliit na aso.

Napalingon ako kay Sam habang gulat pa din at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"It's for you." he said and I look at again the puppy.

It was a pomeranian puppy.

"How did you..." I was out for words because of the puppy's cuteness.

"How did you know that I love puppies?" I asked Sam while still looking at the puppy.

"I asked Jaxson of what are the things that makes you happy... or anything that you like." he said.

Napangiti ako at hindi maiwasang buksan kaagad ang cage dahil sa excitement. Bigla nalang itong lumapit sa akin at kamuntikan na matapon ang wine glass na hawak ko kaya mabilis ko itong sinalo, iniiwasang mabasag pero sa hindi inaasahan ay napahiga ako at nabitawan ko ito.

I immediately close my eyes when I saw it was about to hit on my face pero wala akong naramdaman na sakit o narinig na pagkabasag bagkus ay ang isang braso na sumalo sa akin at ang pagkabasa ng mukha ko.

Napamulat ako at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sam na nakatingin sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't isa at konting galaw niya lang ay mahahalikan na niya ako kaya hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba.

"You should be careful, Elish." sabi niya sa mahinang boses at nasa isang kamay na niya ngayon ang wine glass at ang laman niyon ay natapon sa akin. 

"I'm... s-sorry." nasambit ko nalang at rinig ko na ngayon ang malakas na pagtibok ng puso ko.

I saw how he look at my lips. Hindi ko maiwasang mapapikit ulit ng mas lalo niyang inilapit ang sarili niya sa akin at ramdam ko na ngayon ang paghinga niya.

Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko kaya agad akong napamulat kasabay ng cute na pagtahol ng aso.

I saw how he shook his head gently and smile.

"Looks like someone is jealous. Ayaw niyang e kiss ko ang mommy niya sa labi."

"Mommy?!" hindi ko maiwasang mapasigaw ng kaunti dahil na naman sa gulat.

"Yes." nakangiti niyang sabi kaya mabilis akong napaayos ng upo at ganoon din ang ginawa niya.

"For your information Mr. Fergus, hindi pa ako ikinasal at wala pa naman akong anak kaya paano ako magiging mommy?" I said and my forehead suddenly creased when he laugh.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Bigla siyang tumigil habang hawak ang tiyan niya at humarap sa akin habang napapailing.

"Looks like you misunderstood it, Miss Monreal." he said and looks like he was not yet finish of laughing, parang gusto pa yatang magpatuloy mamaya.

"What?"

"Pwede ka naman maging ina." sabi niya kaya mas lalo lang akong nainis.

"How dare... sarap mong kurutin." inis kong sabi at sinamaan siya ng tingin.

Gusto ko na talaga siyang kurutin ng tumawa na naman siya.

"Sa kanya."

You are reading the story above: TeenFic.Net