Surprise
"Can't count the years on one hand
Bigla nalang ako nagising sa walangyang alarm na toh well maganda naman yung music na ginawa kong alarm title is 'still into you by Paramore agad tuloy ako napabangon pinatay ko muna yung alarm at tinignan yung oras 5:03 am na.
Nag inat muna ako naghilamos at nag toothbrush na din sa CR nag wiwi na din bago lumabas ng kwarto nakita ko agad si mama "Nak kain ka na dun Naka handa yung breakfast"
Pupunta na sana ako sa kusina pero tinignan ko sandali yung sarili ko...anak ng pitumpu't pitong puting put- tupa pala! Naka boxer lang pala ako! Paano kung May bisita?! Si mama naman di sinasabi na Naka boxer lang ako!
Tumakbo agad sa kwarto ko at tinignan yung sarili ko sa salamin hays ang hot ko talaga eme sandali lang ako nag pa pose pose sa salamin na parang model at pagkatapos ng parang ewan kong ginagawa nag chat na ako kay ano basta sa bebe ko ehe.
Kukuhanin ko sana yung phone ko nang biglang May naisip ako what if mag picture ako tas send ko sakanya na Naka boxer lang,eme! Syempre wag baka isipin niya eh dati akong nagsasayaw sa gay bar.
Ria<333
"Good morning love gising na! Baka puro laway na yung pillow mo kimi lang lav ya! Mwah!"
Pagkatapos ko mag chat sakanya ay nag bihis na ako ng sando at short ewan ko ba bakit addict ako sa pagsuot ng boxer tuwing gabi sana nga walang pumasok sa kwarto ko baka picturan ako ay wag! Hot ko pa naman sheeeeeeshhhh.
Kumain na ako ng breakfast naligo at nag bihis na "bye ma!" Nagpaalam na ako wala na si papa di ako naihatid dahil daw nauna na sya at May pupuntahan daw kaya eto ako naghihintay ng tricycle.
Ilang minuto lang May dumaan na tricycle pinara ko pero hindi huminto nagpatuloy lang sya tsk! Pero bumalik din sya agad buti pa sya bumalik eh yung ex mo? Kimi lang bhie:>
Pagkarating ko sa school hawak hawak ko yung bag ko naglalakad palang ako sa hallway nang "Rio" sabi ng kung sinong tao mula sa likod ko mababa ang boses niya kaya muntik na akong napa talon sa gulat kala ko multo!
Tumingin ako sa likod at kung sino ka man ang pangahas na nang gulat sakin mag tago ka na sa nanay mo! Pag tingin ko si mark lang pala nakatingin sakin si ashedee na tawa ng tawa dahil sa itsura ko para kasi akong binuhusan ng malamig na tubig kaya umiling nalang ako at naglakad papunta sa room.
"Rio teka lang tampo ka yata" Sabi ni Ashedee "hindi naman" sagot ko habang naglalakad "ikaw kasi mark!" Sagot ni Ashedee kay mark "bat ako?!" Sagot naman netong si mark hays eto nanaman sila "mama mo!" Sigaw ni ashedee kaya naman napahawak ako sa bibig ko dahil muntik nang matawa "mama mo blue!" Sagot ni Mark "mama mo green!" Patol naman ni Ashedee "mama mo yellow!"-mark "mama ni mark Paguntalan black!"
Ay racist? Bad bad
"Mama ni Ashedee Meoni Mandawe rainbow!"
Rainbow?!
"Nyare sayo Rio? Bat ka nakaluhod diyan?" Tanong ni ashedee ngayon ko lang napansin na nakaluhod na pala ako sa harap ng room ng grade 10 habang nakahawak sa bibig at pinipilit na pigilan ang tawa ko.
"Mama mo kasi rainbow"
Di ko na napigilan yung tawa ko "ukinana! Hahahahaha!!" Nagulat ako nang biglang hawakan ng isang grade 10 student yung bunganga ko "shhh marinig ka ni sister" sagot ni kuya tinignan ko sya ay ang fogi!!!! Parehas kami na medyo fluffy ang buhok pero mas matangos niya sa ilong ko at mas mukha syang matured.
Syempre mas matanda sya eh!
Manahimik ka! Ingay ingay ng mga brain cells ko
"By the way my name is Edzel" sagot niya habang nakalahad ang kamay niya na kanina pinantakip sa bunganga ko agad ko naman yung hinawakan at nag shake hands,lamig ng kamay niya!!!
"Pst Rio baka gusto mo nang bumitaw sa kamay ni kuya Edzel" sagot ni Ashedee bumitaw naman ako agad "by the way Ashedee sabihin niyo sa kaibigan niyo na wag masyadong mag mura baka mamaya marinig ni sister eh" sabi nung Edzel bago nginitian ako at bumalik sa room
"Yan kasi hahaha" sagot naman ni mark habang tumatawa "tama na nga tara na" eka naman ni Ashedee bago mag lakad papunta sa room kaya sumunod nalang kaming dalawa ni Mark.
Uupo palang sana ako pero biglang tumunog yung bell, huh?! Uwian na ba? Bigla namang lumabas yung mga classmates ko pero naiwan yung bag nila,but why?! "Ano? Maiiwan ka nalang diyan?" Tanong ni mark tinignan ko si Mark "bakit?" Tanong ko sakanya habang lumalapit ako sakanya
"Anong bakit? Flag ceremony na,late ka kasi kahapon kaya hindi mo naabutan" nagbigay nalang ako ng ahhh reaction bago maglakad si Mark at sundan sya sa open ground...kaya pala pero sa dati kong school wala namang ganto ah?
Kasi late ka pumapasok nimal ka.
Nasa harap ako kahit medyo katangkaran naman ako 5'7 ako noh!
Nagdasal kami bago kumanta ng lupang hinirang at May mga panata pa ang daming dasal Catholic school talaga pero okay na yun para maging matino ako at mabawasan kadimunyuhan ko.
Pagkatapos ng flag ceremony bawat grade levels from kinder hanggang grade 12 isa isang umalis para hindi magkagulo pero...pansin ko habang naglalakad paalis ang mga grade 8 sumama yung ibang boys namin! Anak ng! Napa iling nalang ako.
Pagdating ko sa room nagtatawanan naman yung mga boys na kaninang sumama sa mga grade 8 para makarating agad sa room tsk tsk,napansin ko tinitignan nila ako ng masama.
"What?!" Sabi ng isa Sakanila.
Umiwas ako ng tingin "nothing" sagot ko.
------
Natapos na ang dalawang klase namin kaya break time na kinuha ko na yung bag ko na may mga pagkain May dalawa akong chichirya isa ay Piatos at isa naman ay Nova tapos Yakult at May sandwich na palaman ay century tuna na May mayonnaise.
Mayonnaise?!
Jopaayyy kumusta ka na? Ay Jopay? Dapat Victoriaaaa kumusta kanaaaaa.
Victoria? Paano naging Ria yun?!
Kasi nga victoRIA! victoRIA Trisha Santiago.
Ayy kaya pala sige kain ka na baka makaistorbo pa kaming mga brain cells mo.
Kakain palang sana ako ng Piatos nang biglang May kamay na dumampot ng laman! Tinignan ko kung sino yun at si Ashedee habang nakatingin sakin at ngumunguya ng Piatos.
"Sarap?" Tanong ko "charap" sagot niya habang nagpapa-cute sakin.
Natapos na ang break time at nakakain naman ako ng matiwasay dahil tinulungan akong kumain ng isa diyan! Kahit hindi ko naman sinabi na tulungan ako! Put- ay bawal pala putaytochips nalang.
"Get one whole sheet of paper May quiz tayo" sabi ng teacher na si ma'am Nareth, yung English teacher namin gulat ako dun ah! Bigla bigla nalang nagpapa quiz tapos di ko napansin na nakapasok na pala sya di pa nga kami nakapag greet sakanya dahil May ibang mundo din itong mga classmates ko.
Naglabas ako agad ng papel at ballpen nang May biglang nagsalita sa gilid ko "Give me one" lah?! Nanghihingi yung kaklase ko na babae yung mukhang masungit!
"Buy it" sagot ko
"If you don't give me one of your paper I'll kill you" sagot niya habang nakatitig sakin ng masama.
Wala na akong nagawa binigyan ko na sya at baka mawalan ako ng kaluluwa dito mahirap na mamimiss ko si Ria ko.
Natapos na ang time namin para kay ma'am Nareth kaya binigay nalang namin sakanya ang lahat ng papers namin.
Pagkatapos ng klase niya agad namang pumasok yung isang teacher at tinignan kaagad ako nakalimutan ko yatang magpakilala sakanya dahil vacant naman namin kahapon na dapat yun yung oras ng klase namin para sakanya.
Nag greet kami sakanya at tinignan niya ulit ako bago magsalita "so you're the transferee?" Tanong niya tumango naman ako at nagsalita "yes sir my name is Rio Yvan Aguyen" napa ahh nalang si sir "oh welcome to my class Rio my name is Joprey Balitaw" tumango nalang ako at nagsimula na sya ng klase.
Tumingin ako sa likod ko dahil May maingay na nagmumula dun,nakita ko yung mga nimal na kaklase ko na kanina pa nagtatawanan pero natigil sila nang..."can you shut your fcking mouth?! Nakikita niyong nagkaklase ang ingay ingay niyo!" Sagot ng katabi ko na babae at dahil dun napatigil kaming lahat pati narin si sir ay nagulat din sa sinabi niya.
Natapos na ang klase at lunch time na,naisipan ko pumunta sa likod ng school at dun kumain dahil nakaka relax din dito kaya dito ako kumain.
Pagkatapos ko mag lunch ay tinignan ko muna yung phone ko 11:58am palang naman at 12:50noon pa ang pasok namin kaya naisipan ko munang matulog inayos ko muna lahat ng pinagkainan ko at kinuha yung bag ko para gawing unan pinikit ko ang mata ko at naramdaman ko na yung antok.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog nagising lang ako ng hindi ko alam ang dahilan at bigla nalang ako nagulat dahil sa nakikita ko.
May babae na Naka upo sa harap ko nakasandal sya sa puno at short hair na Naka eyeglass kinusot ko muna yung mata ko para luminaw agad ang paningin nang ma realize ko na si...
"S-sabrina?"
You are reading the story above: TeenFic.Net