Rio's pov
Hala natatae ako ah! Eme!!!
Naglalakad ako ngayon papunta sa cr at medyo nasusuka na din ewan ko kung anong nangyari sa kinain ko kanina panis yata yung nakain ko ah!
Anyways so ganun pala ang nangyari kay Rhianne kaya pala ganun siya tumingin kay Sabrina noong siya naman yung na-harass ni Lance.
Teka! Ito na nasusuka na ako!!!
Tumakbo na ako papunta sa cr at agad na nagsuka sa bowl pagkatapos ay naghugas at nagmumog na ako.
Paglabas ko ay nakita ko si Rhianne na parang nag aabang sa kung sino.
Si kuya Edzel kaya? Pero pano? wala naman akong naramdamang pumasok sa cr ah.
Hindi ko siya pinansin baka nga kasi may hinihintay siya at nagpatuloy lang ako palabas ng cr.
"Sira yata tiyan mo" seryosong bungad niya sakin.
"Minsan" pabirong sagot ko at akmang paalis na pero nagsalita ulit siya kaya natigilan ako sa harap niya.
"So, anong sinabi sayo ni Edzel?" Tanong niya sakin.
Nudaw?! Edzel?!!!
"Lah grabe naman sa Edzel yan dapat tawagin mo siyang labidabs hahahaha-" sabi ko na hindi ko na naituloy nang bigla niya akong kinutusan.
"Umayos ka ng sagot" seryosong sagot niya sakin.
Foot check: ayos makakatakbo pa ako hahahaha!
"Ewan ko sayo pangit!!! hahahahah!!!!" Sagot ko at tumakbo palayo at hinabol niya talaga ako!!! TAKBO RIO TAKBO!!!!
"Pag ikaw nahuli ko tanggal pati kaluluwa mo!!" Pagbabanta sakin ni Rhianne kaya napalunok ako habang tumatakbo.
TAKBO! KAKATAYIN TAYO NI RHIANNE!
Hindi ko na alam kung saan ako papunta pero nasa likod kami ng school patungo kami sa hallway sa likod ng canteen.
BAKIT KASI AKO NAGPAHABOL DITO?!
Takbo kami ng takbo hanggang sa nasalikod na kami ng library at nakita ko ang pinto nilapitan ko ito at tinangkang buksan nang nahatak ako ni Rhianne at saktong pag higa ko sa sahig at ang pagpatong niya sakin habang malalim ang paghinga.
Bigla akong kinabahan sa tingin niya!
Ito na ba yun?! Ang kamatayan ko?! I'm sorry Ria don't worry mumultuhin nalang kita para lagi kang may ka cuddles sa gabi hihi.
Hinatak niya ang kwelyo ko at inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya.
"Anong...sinabi sainyo ni.... Edzel?!" Tanong niya sakin habang hinihingal di na ako makagalaw sa posisyon namin kaya sumagot nalang ako baka mawalan pa ako ng kagwapuhan.
"Yung ginawa sayo ni Lance! Yun lang!" Sagot ko sabay ang pagtayo niya at pagbitaw niya sakin pero nanatili lang akong nakahiga sa sahig dahil sa kaba.
Muntik na akong mawala sa earth ah!
"Sasagot ka din pala eh,tsk" sabi niya habang pinapagpag ang damit.
"Tayo na diyan! Anong gusto mo? Kaladkarin pa kita papunta sa room ha?" Tanong niya kaya napatayo nalang ako at nagpaunang maglakad sakaniya.
Habang papunta sa room ay nakasalubong ko si Mayumi at ito nanaman siya sa ngiti niya at sa kasama niyang si Virlin na tutok sa cellphone.
"Oh Rio? Bakit ang gulo gulo ng damit mo?" Tanong niya sakin at lumapit siya para ayusin ang kasuotan ko.
"Ahh...wala ano kasi.." narinig ko ang pekeng pag ubo ni Rhianne sa likod ko "nadulas ako sa cr hahaha...." Pagsisinungaling ko kay Mayumi.
Mahirap na baka matamaan ulit ng buko.
---------
Nag umpisa na ang klase panghapon hanggang sa huling klase na pero nakaramdam na ako ng pagka-bored kaya tumingin ako sa likod ko nang mapansin ang Athron at Sabrina sa likod!
Si Sabrina ay naka focus lang sa board habang si Athron naman naka focus sa pag titig kay Sabrina!!!! Ackkk nakaka kilig!!!
Makatabi lang kasi sila kaya madali lang ang pagsulyap-sulyap ni Athron kay Sabrina, nakaka inggit sila!!!
Sana kami din ni Ria hihi.
Oo nga noh?! What if kami din ni Ria ang magkaklase? Hmmm.
*Fake scenario*
1st scenario: early in the morning.
"Hi love! Good morning" bungad sakin ni Ria bago ibaba ang bag niya sa upuan niya at bigyan ako ng kiss sa lips.
"Ha-hi hehe..." Di ako makasagot ng maayos dahil shet!!! Ang ganda niya!
"Bakit ka namumula? May sakit ka ba love?" Tanong niya.
"Wala po, okay lang ako" sagot ko.
"Tara sa labas? Na-bo-bored ako eh" pag aaya ko sakaniya at pumayag naman agad siya.
"Sigi po" sagot niya, shetttt cute cuteeeeee!!!
Habang naguusap kami at naglalakad palibot sa school ay may mga kaklase kaming inggit yata samin.
"Tamis oh!"
"Tangna sana all!"
"Respeto naman"
Kaniya kaniya nilang bulungan pero di na namin sila pinansin at nagpatuloy lang kami sa pag uusap.
2nd scenario:canteen.
"Oh love, say ahhh" sabi niya at nag 'ahh' naman ako bago niya ako subuan.
Hayss pano ba yan bine-baby na ako.
"Okay ba yung luto ko?" Tanong niya sakin.
"Opo marry me na hehe" sagot ko.
"Ay hala sige tapos baby natin si pepito" sagot niya bago tumawa.
"Oo hahaha-" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan kaya naramdaman ko na agad ang pag init ng mukha ko.
Nag-ba-blush yata ako!!!
"Cute cute mo love!" Sagot niya habang pinipisil ang pisngi ko.
3rd scenario: exam.
"Oh rio papel mo" abot sakin ni Sabrina sa exam paper ko.
12/40
PUTANGNA!!!!! BAGSAK!!!
"Hi love, how's your score? Pasado ba?" Tanong sakin ni Ria.
Di na ako nakasagot at yumakap nalang ako sakaniya sabay ang pag iyak.
"B-bagsak po ako" sagot ko sakaniya at niyakap niya ako pabalik.
"Shhh, look at me" utos niya sakin kaya tumingin naman ako sa mukha niya sabay ang pag kiss niya sa noo ko.
Di ko alam kung anong mararamdaman ko kung kikiligin ba ako o maiiyak eh!
"Yan nag ba blush ka na haha" sagot niya kaya tinakpan ko ang mukha ko pero tinanggal niya parin.
"Wag mo takpan cute cute mo kaya!" Sabi pa niya kaya mas lalo akong kinilig!
*Fake scenario cut!*
"Rio! Bat ka namumula at bakit kanina ka pa nakatitig kay Ashedee?!" Tanong sakin ni ma'am.
Kasalukuyan nakatitig din sakin si Ashedee habang kumakain ng icecream.
"Gusto mo?" Offer niya sakin.
"Ahh- ayaw ko hehe, sorry po ma'am hehe" sagot ko at humarap nalang sa board ulit.
Shettt iba pala epekto ng isang Ria!!!
You are reading the story above: TeenFic.Net