CHAPTER 16: FAKE NEWS

Background color
Font
Font size
Line height

Sabrina's pov

"Di ko alam ang nangyari kay Rio basta nalang nanginginig kamay niya sabay sugod kay kuya Edzel" sagot ni Athron habang nakaupo sa sahig at nagpapahinga sa nangyari kanina.

Nakipag suntukan si Rio kay kuya Edzel...isang pangyayari na hindi ko akalain na gagawin ni Rio at hindi ko alam kung bakit niya nagawa iyon....

Maaari kayang...naipon lahat ng galit niya kaya nagawa niya yun?

Kararating ko lang sa school kanina nang makita kong nakikipag away si Rio at biglang nanghina kasabay ng pag higa niya sa sahig at pag alalay naman ni Ashedee sakaniya.

Pare-parehas kaming nakaupo ni Athron, Mark, at ako sa harap ng room kung saan nagsuntukan si kuya Edzel at Rio samantala si Ashedee naman ay kasama ni Rio sa clinic dahil nahimatay si Rio kanina.

Napansin ko ang duguan na ulo at ang galit na mata ni Rio kanina at hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sakaniya.

"Sab, anong oras na?" Tanong sakin ni Mark.

Tinignan ko ang wristwatch ko "8:30 na, bakit ba?" sagot ko sakaniya.

"Himala lumagpas na ang 6:50 wala pang flag ceremony" sabi ni Mark.

"Malamang busy ang lahat sa nangyari kanina" sagot ni Athron.

Ilang minuto pa ay may narinig kaming parang nag aaway sa loob ng room ng grade-10 kaya naisipan namin maki-chika- i mean we just want to check what's happening!

Sumilip kaming tatlo sa bintana at doon namin nakita ang galit na Rhianne at si kuya Edzel ay nakaupo lang sa upuan at nakayuko halata sakaniya ang pagka-inis din pero pinipigilan lang niya.

"Nag-iisip ka ba?! Ang hirap kasi sayo Edzel pinapairal mo agad ang selos mo! Hindi mo manlang inisip ang sitwasyon ko sa mga oras na yun!" Sigaw ni Rhianne kay kuya Edzel habang ang mga kaklase naman ni kuya ay nanonood lang sakanila na para bang may movie sa harap nila.

Doon ko lang napansin ang mga kaklase din namin na nakiki-chismis din sa nangyayari.

Napa hawak nalang si Rhianne sa noo niya na para bang disappointed sa ginawa ni kuya Edzel.

Ilang segundo lang at tumayo din si kuya "eh yung pag halik mo sa pisngi ni Rio?! Kala mo di ko malalaman iyon?!" Galit na sagot din niya.

(Chapter 4)

"Tanga! Aksidente lang yun! At walang may gustong mangyari yun!" Sagot ni Rhianne.

"Wala? Wala nga ba? Or baka naman kinilig ka-" hindi na natuloy ang sasabihin si kuya Edzel dahil sa biglang pagsampal ni Rhianne sakaniya.

"If that's the way you think of me let's just end this fcking relationship" sagot ni Rhianne at lumabas sa room nila.

Pumunta siya sa room namin at kinuha ang bag niya sabay alis na.

Early dismissal?

Pabalik na sana kaming tatlo nang makita namin ang isang kaklase naming babae nagmamadaling pumasok sa room ng grade-10 at parang galit na galit.

"You two!" Sigaw niya sa dalawang lalake na nakaupo sa likod ng upuan ni kuya Edzel.

Tumingin ang dalawa sa isa't-isa"kami? Bakit?" Tanong ng dalawa sa kaklase namin.

Hindi na sumagot ang kaklase namin at hinila ang buhok ng dalawang lalake papunta sa...faculty?

Sinundan naming tatlo ang kaklase naming kumakaladkad sa dalawang lalake papunta sa office ng principal.

Pinasok ng babae ang dalawang lalake
napansin ko rin na ang isa pang kaklase naming babae na nakaupo sa harap ng table ng principal.

"Virlin! Ito bang dalawa ang sinasabi mong nag push kay kuya Edzel na bugbugin si Rio?" Tanong ng kaklase namin na kumaladkad sa dalawang lalake kanina.

Tumango ang kaklase namin na nakaupo sa harap ng table principal "o-oo Mayumi, sila nga.."sagot niya.

Ahh..Mayumi pala yung kumaladkad sa dalawang lalake kanina...at Virlin naman yung nakaupo sa harap ng principal hmmm okay.

Inayos ng dalawang lalake ang sarili nila "ano?! Kami?! Pake namin sakanila! Pinigilan lang namin si Athron kanina!" Sagot ng kulot na guy.

"Tama, dadamay niyo kami diyan? Ang kakapal naman ng-" hindi na nakasagot ang isa pang lalake nang magsalita ang principal namin.

"Wag na kayong magsinungaling dahil pinakinggan ko na ang voice record ni Virlin kanina" mahinahon pero bakas ang galit ng principal namin na si...tinignan ko ang pangalan sa table niya..ahhh sir Roi.

Tumayo si sir Roi at nilapitan ang dalawa sabay ang pag pingot sakanila.

"I'm so disappointed sa ginawa at sinabi ninyo Joe at Jason, tawagin niyo ang nga magulang niyo sa lunes I WANT TO SEE THEM !" bulyaw niya sa dalawa kaya napayuko nalang sila.

"Pakinggan niyo ang mga pinagsasabi ninyo kay Edzel" sabi pa niya sabay ang pag abot ni Virlin ng phone kay sir Roi.

Nag play ang voice record kaya pinakinggan namin.

"Boi ito pa! Noong isang araw  binuhat ni Rio si Rhianne papuntang clinic! Sabi ni Rhianne may period lang daw siya kaya nagpabuhat siya kay Rio!" Boses ng kulot na guy.

"Lah pwede ba yun Edzel? Payag ka nun?"udyok ng isang guy pa kay kuya Edzel.

"Ano pre? Banatan na natin? Para mag tanda na at para malaman niya na sayo lang si Rhianne hahahah kabago bago lang ginaganiyan ka na oh!" Boses pa ni kulot ang narinig.

Gosh! Lalake nga naman!

"Sige" sagot ni kuya Edzel ang narinig.

"Oh pre yan na siya! Kasama niya si Athron oh! Ano pre?" Boses ng isang guy ang sumagot kasabay no'n ang pag tunog ng upuan at parang umalis na sila at don din natapos ang Voice record.

"Hindi ba kayo nahihiya sa ginawa ninyo? Mas bata sa inyo yung binubugbog niyo! Dahil sa ano? Maling akala?" Sagot ni Mayumi sakanila habang ang dalawa naman ay nakayuko lang.

"Paano niyo nagawa yun?" Tanong ni sir Roi sa dalawa.

Hindi sumagot ang dalawa kaya mas lalong nagalit si sir Roi "PAANO NIYO NAGAWA YUN!?" Bulyaw niya kasabay ang pag hampas sa mesa niya.

"Tawagin niyo si Edzel" utos ni sir Roi kay Mayumi kaya umalis kaagad ang kaklase namin.

Napaatras ako at doon ko namalayan na umiiyak din pala ako...hindi lang ako! Si Athron din! Si Mark naman ay nakayuko at nakayukom ang mga kamay.

"Shit!" Sigaw ni Athron kasabay ang pag suntok sa pader.

I'm sorry Rio...nangako ako na pro-protektahan kita pero wala ako noong kinakailangan mo ang tulong ko…

Agad kong pingilan ang pag iyak ko at pinuntahan si Rio sa clinic pero sarado parin ang pinto indikasyon na bawal pa kaming pumasok.

Paalis na sana ako nang may magbukas sa pintuan at ang umiiyak na Ashedee ang lumabas.

Tumingin siya sakin at tumakbo papalapit "Sabrina!!!" Sabi niya at niyakap ako, ngayon ay parehas na kaming umiiyak.

"How's Rio?" Tanong ko sakaniya habang patuloy parin sa pag iyak.

"Tulog pa siya pero lumabas ako kasi bibilhan ko si Rio ng foods incase na magising na siya ay may kakainin na siya agad" sagot niya bago bumitaw sa pagkakayakap.

"Eh bakit ikaw lang pwedeng pumasok sa clinic kasama ang nurse?" Tanong ko ulit.

"Actually pwede rin si Mark dahil parehas kaming health officer pero takot daw siya sa dugo" sagot niya kaya napatango 'ahh' nalang ako.

Nag punta na bumili na ng pagkain si Ashedee kaya bumalik na ako sa principal's office at andun parin si Athron at Mark na nakasilip sa pinto kaya sumama na din ako.

Andun na din si kuya Edzel sa loob ng office at kinakausap ni principal.

"Sorry sir...nilinaw naman na po sakin ni Rhianne ang lahat sadyang natukso lang akong awayin si Rio dahil sa dalawang ito" sagot niya kay Sir.

"Wag ka sakin mag sorry, kay Rio at hindi pa tayo tapos...sa ngayon nagpapahinga pa si Rio sa clinic kaya  sa monday tayo mag usap usap! Bumalik na kayo sa room niyo" sabi ni sir Roi bago umalis ang tatlong lalake kasama si Virlin pero si Mayumi ay nagpunta sa clinic pero pinabalik na din niya kami sa room kaya wala kaming nagawa kundi sumunod nalang.

------

Rio's pov

Di ko alam kung ilang oras akong walang malay pero ang alam ko hapon na at may nakabalot na kung ano sa ulo ko...

"Gising ka na pala" sabi ng kung sino.

Tinignan ko siya at si Ashedee lang pala.

"Anong oras na?" Tanong ko sakaniya.

"3:30pm na uwian na nga eh sakto ang gising mo" sagot niya kaya dahan dahan akong umupo sa higaan.

"Kumain ka muna" sabi niya at binigay sakin ang chucky at biscuit na kinain ko naman agad.

Pagkatapos kumain ay napansin ko na umiiyak siya.

"Ashedee? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakaniya pero di niya ako sinagot at yumakap kaagad sakin kaya niyakap ko siya pabalik.

"Okay ka lang?" Tanong ko ulit pero patuloy parin siya sa pag iyak.

Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako habang pinipigilan ang pag iyak.

"I'm sorry Rio!!! Wala manlang akong nagawa para pigilan yung nangyari" sabi niya at yumuko kaya hinawakan ko nalang ang ulo niya at hinimas ito.

"Okay lang, pogi naman ako eh" sagot ko sakaniya pero umiyak lang ulit siya.

Huminto lang siya sa pag iyak nang may magbukas sa pinto.

Pumasok si Marumi bago ako ngitian ng matamis.

"Marumi.." sabi ko pero agad na nawala ang ngiti niya.

"Anong Marumi?! Mayumi!"sabi niya kaya napatango nalang ako.

Mayumi pala...

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko at parang inobserbahan ang mukha ko.

"How are you?" Tanong niya.

"O-okay lang naman" sagot ko bago bahagyang umiwas dahil sa pagka-ilang.

Ngumiti siya "good, magpagaling ka at pinatawag na ng principal natin na si Sir Roi yung parents mo sa monday, okay? Don't worry wala kang maling ginawa" sabi niya bago ngumiti sakin at kindatan ako kaya nginitian ko nalang din siya bago kami lumabas ng kwarto pero si Ashedee ay nakahawak parin sa braso ko.

"Napatagal yata tulog mo?" Tanong ni Mayumi.

"Ahh..haha puyat din kasi ako kagabi" sabi ko at tumawa lang siya.

To be continued;>







You are reading the story above: TeenFic.Net